@ International_Pen
Ako po ang Asawa niya… Di po niya ako kapatid,
pinsan, kamag-anak at lalong lalo na hindi poi to
Maid's Blowout! Subukan nilang isipin na
katulong ako! Kakalbuhin ko sila.
Ilang oras na nagdaan… Sa wakas… pagkatapos
ng maraming ginawa sa buhok ko…
Wow…
Di ko nakilala sarili ko…
" Bumagay sayo." Kumento ng nasa likuran ko…
at yun lang ang sinabi niya… saka inabot yung
Card… nang maibalik sa kanya… lumabas naman
kami kaagad agad.
Naglakad naman kami… at ako… di ko mahanap
sarili ko… nanibago ako sa buhok ko…
napapatitig sa akin yung mga tao. Kala naman
nila matagal na akong nakita dito o sadyang
yung kasama ko lang ang tinititigan nila…
Nang hawakan ako ni Sean sa bewang ko…
habang naglalakad kami…
Mahina niyang sinabi…
" Stand Straight."
Ito ba talaga ang balak niya? Maglakad kami…
para idisplay ako? Wala akong confidence…
ngunit kailangan… ginagabayan ka na nga Sena
ng gwapo mong asawa eh. Okie… Fight!