I was nervous. Kumakalabog nang husto ang dibdib ko. May parte sa 'kin na nagsasabing may masamang mangyayari. 'Di ko napansin na umiiyak na pala ako. Nag-aalala ako nang husto kay Tzu En. 'Di ko alam kung nasaan siya. Wala pa naman akong cellphone para man lang makausap siya.
The guards put our luggages inside the car. Pinauna naman ako ni ma ma na pumasok sa loob. Halata sa kanya ang pagmamadali, maging ng mga tauhan. Sa sandaling sumara ang mga pinto ay umalis kaagad kami.
I was crying silently. I was praying Tzu En was fine. 'Di ko kayang isipin na nasa panganib siya ngayon. Sana ay protektahan siya ng kanyang pamilya.
"Stop crying, sweety," alo ni ma ma pero imbes na kumalma ako ay mas lalo akong naiyak.
Sumisikip ang dibdib ko. May kutob ako na dahil sa negosyo nila kaya kami nagkakaganito. Kilala ang pamilyang Huang 'di lang sa buong Shanghai kung 'di pati na rin sa Beijing dahil sa malaki at malakas nitong negosyo. And to think they were also planning to expand it in other administrative region like Hong Kong and Macau, tiyak akong may banta na ang kanilang mga buhay!
At baka ito na nga iyon. And while thinking about it, gusto ko nalang umiyak. I want to save Tzu En but I can't even protect myself. Weak ako, kami. Kaya sobrang higpit ng kapit ni ba ba sa pamilyang Huang dahil kilala talaga sila! Malakas at makapangyarihan! Money is just a word to them. Sobrang yaman nila!
"Ma, si Tzu En..." hagulhol ko. "I want to see Tzu En."
Kasi baka 'di na kami babalik dito sa China. Baka doon na kami titira sa Romblon. Naguluhan ako bigla. Gusto kong malaya akong tumira sa dalawang lugar na nakasanayan ko. My heart is in Romblon but my life is in China.
"Not now, sweety. Please understand the situation," malumanay niyang sabi. Wala akong nagawa kung 'di ang bumuntong hininga at umiyak muli. I just want to make sure Tzu En's fine.
Buong biyahe ay wala akong ibang iniisip kung 'di ang kalagayan ni Tzu En. Wala kasing sinasabi sa 'kin si ma ma kung nasaan ang kaibigan ko. It's confidential.
Nang nakarating kami sa airport ay kaagad kaming binantayan ng mga tauhan namin. Some looked unfamiliar. Baka bagong tauhan o mga alagad ng pamilyang Huang. Pinalibutan nila kami hanggang sa makarating kami sa eroplano. It's not the same aeorplane we used to fly with. Mukhang pribado. Maliit lang siya at may chinese characters na nakaprint sa facade.
Nang nakapasok na kami sa loob ng eroplano ay ang malamig na kapaligiran ang bumalot sa katawan ko. It reminded me of Tzu En. 'Di ko lang alam kung bakit.
"Take a rest for awhile, sweety," ani ma ma sa malumanay nitong boses. 'Di ako umimik pero sinunod ko siya. Pumasok ako sa isang room kung saan mayroong puting kama roon. I made myself comfortable hanggang sa nakatulog ako.
I woke up when someone gently tapped my shoulder. Pagmulat ko ng mata ay si ma ma kaagad ang nakita ko. She looked worried. May malungkot na kinang sa kanyang mata.
"We're here, sweety." Anunsyo niya. Dahan dahan akong bumangon at umupo sa kama.
"We're are we, Ma?" I asked. Nagkusot ako ng mata while ma ma smiled at me.
"Nasa Romblon na tayo," sagot niya. Napaisip ako bigla kung bakit nasa Romblon na kami gayong kapag uuwi kami rito, pa-Manila ang flight then we'll occasionally ride a ferry. Pero dahil private plane ito, inisip ko nalang na baka dumiretso na kami rito sa Romblon.
"'Di na tayo babalik ng China, Ma?" I asked. Inisiip ko pa rin hanggang ngayon si Tzu En. I wanted to make sure he's doing well.
Hinawi ni ma ma ang kulot kong buhok saka ako hinagkan sa noo.
"I still don't know, sweety. I haven't talked to your ba ba yet."
I nodded. Naisip ko bigla na may kinalaman si ba ba rito. Kung 'di kami konektado sa negosyo ng mga Huang, baka maayos ang kalagayan namin. Baka 'di namin kailangang magtago o lumayo para lang manatiling ligtas.
"Now, you fix yourself dahil hinihintay na tayo sa bahay." Aniya at tumayo. Nanatili naman akong nakaupo. Wala akong lakas para gumalaw. Nanghihina ang sistema ko.
"Ma," tawag ko. Lumingon kaagad siya sa 'kin. "Kailan ko makakausap si Tzu En?"
Kahit saglit man lang, 'di pa rin ba puwede? Para mapanatag na ang loob ko. 'Di ako makakapag-isip nang maayos dahil inaalala ko ang kaibigan ko.
"I can't assure you, sweety, but I'll do my best." She smiled tightly. Nagbaba naman ako ng tingin at bumuntong hininga. Sana ayos lang si Tzu En.
Tumulak na kami. Tahimik lang ako buong biyahe. Ayokong magsalita at ayoko ring makipag-usap kanino man. Hangga't 'di ako nakakasiguro na nasa maayos na kalagayan na si Tzu En ay 'di ako mapapanatag.
Dumating kami sa bahay. Philia was entertaining me pero 'di ko siya pinapakisamahan. Gusto kong mapag-isa kaya nagpaalam muna ako kay ma ma na sa tabing dagat muna ako.
After three years ay muli akong nakapunta ng Romblon. Maraming nagbago na kailanman 'di ko inasahan. Ang dating puting buhangin ay nabahiran ng kulay kape. Mayroon na ring iilang sasakyang pandagat na nandirito kagaya ng ginagamit sa pangingisda. Nag-iba na rin ang kulay ng dagat - pinaghalong cystal green at blue. At mayroon na ring puting malilit na bato.
Ang tagal ko pala talagang nawala. Nakakapanibago ang kapaligiran. May iilang kalat na akong nakikita sa puting buhangin na tantiya ko'y galing sa puno ng niyog. Pero ganoon pa rin ang malaking bundok na natatakpan ng mga punong kahoy. Sa bandang kaliwa naman, medyo may kalayuan mula sa kinatatayuan ko, ay may mga malalaking itim na bato.
I sighed deeply. Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nakakausap si Tzu En. Gusto kong bumalik sa China at hanapin siya. 'Di ako mapakali.
"Sol?" Rinig kong lalaking boses. Umikot kaagad ako at ang larawan ni Kuya Gilau ang sumalubong sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Niyakap niya ako pabalik kahit pa nagulat siya sa una. Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ako sa buhok. Napahigpit ang kapit ko sa kanya. I felt secured. Kumalma ako.
Tumagal ang ganoong eksena nang ilang minuto hanggang sa kumalas ako mula sa kaya. Nakaramdam ako ng hiya lalo pa't nagmarka ang luha ko sa suot niyang gray na t shirt. Manipis lang 'yon kaya madaling makapitan ng likido.
"Bakit ka umiiyak?" Malumanay niyang tanong. Nagpunas naman ako ng luha at 'di siya sinagot.
Tahimik na siya. Walang ni isang nangahas na magsalita. Pakiramdam ko'y pinapakiramdaman niya ako, hinihintay ang susunod na hakbang. Suminghot ako saka siya tinignan nang diretso. His deep set, caramel brown color eyes held mine, as if he was suspecting me.
"A-Ano..." I trailed off. Nagbaba ako ng tingin. I can't look at him straight. Nakaramdam ako ng bigla ng hiya.
"Come here," he said. His voice was deep. It sent shivers down to my spine. Tzu En has a deep voice pero iba 'tong boses ni Kuya Gilau.
He held both of my arms and pulled me closer to his chest. He ran his big hand from my head down to my shoulder. He was consoling me. Napatunganga naman ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso.
"You good?" He asked. 'Di ako sumagot at 'di ko rin alam kung bakit. May kakaibang sensasyon akong naramdaman. "You should go home now. The sun is up."
Bahagya akong lumayo sa kanya, just enough to see his face. May stubbles na siya. His jaw was more defined, parang inukit lang. And he has a broad shoulder. Maskulado siya. Siguro gawa na rin 'yan ng mabibigat niyang trabaho.
"O-Okay," sabi ko nang mapagtantong masyado na akong matagal na nakatingin sa kanya. Tuluyan na akong lumayo. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
Bumalik na kami sa bahay. At habang naglalakad ay tahimik lang kami. 'Di ako makapagsalita. It felt foreign. Ibang iba ang dating ni Kuya Gilau ngayon.
He's probably 26 years old now, o baka 27. Ang alam ko ay sampung taon ang agwat namin sa isa't isa. Kaya ganoon na lamang ang pagtrato niya sa 'kin. He sees me as his younger sister.
"Solaire," tawag ni ma ma nang nakita niya kami ni Kuya Gilau. "I have talked to Mr. Huang and he told me Tzu En is safe."
Napatingin ako kay Kuya Gilau na ngayo'y nakatingin na rin pala sa 'kin. Then I turned to ma ma again and ran towards her. Niyakap ko siya nang mahigpit. I was crying again. But this time, sa tuwa.
"Thank you, Ma!" Sabi ko habang nakayakap. Kumalas ako mula sa kanya at ngumiti. I was happy beyond any word. "Saan daw sila ngayon, Ma?"
'Di sila puwede sa Beijing ngayon o sa Shanghai. Sure akong doon sila binabantayan.
"Somewhere in Chengdu, sweety. And I requested if you can talk to Tzu En, he said it's fine but I don't know what time."
I took a deep breath of relief at niyakap ulit si ma ma. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Kung 'di dahil sa kanya, 'di ko alam paano pakalmahin ang sarili. Wala akong maisip lalo pa't 'di ko alam kung saan si Tzu En ngayon. Kung ayos lang ba siya o ano ang ginagawa niya.
"Thanks, Ma! I love you so much." Sabi ko.
Matapos ang ganoong eksena ay nakakangiti na ako. I was talking to Philia again. Noong una ay nanibago siya but I already explained to her my side. I was thankful she was understanding. Napaliwanag na rin umano ni ma ma sa kanya ang lahat.
"Swerte ni Tzu En, 'no?" Biglang sabi ni Philia. Nasa kubo kami ngayon tumatambay.
"Paano mo nasabi?" Tanong ko.
Kung pamilya ang pag-uusapan, oo swerte si Tzu En. Nakukuha niya ang mga bagay na gusto niya, 'yong mga kailangan niya. Sinusubo nalang sa kanya. Pero ang nakakamangha sa kanya ay mabait pa rin siya. Marunong siya gumalang. 'Di siya katulad ng ibang anak ng mayayaman na demonyo sa pamilya.
"Because he has you," simple niyang sabi. "Iniisip ko nga na paano ka kaya naging ganyan? Bakit sobrang perpekto mo? Kasi kung itsura ang pag-uusapan? Pramis, Sol, wala akong mapipintas sa 'yo. Kahit kulot ka, maganda ang placement. 'Di kagaya ng iba na sabog na sabog."
Natawa ako sa sinabi niya. I don't know if it was an insult to others or just a pure compliment for me. Kung para saan man 'yon, I found it funny.
"Tapos siyempre, swerte ka rin sa kanya." Dugtong niya. "Sabi mo nga 'di ba binibigyan ka niya ng mamahaling gamit. Gusto ko tuloy jowain ang kaibigan mo!" Bumungisngis siya.
Napahawak ako sa kwintas na bigay ni Tzu En sa 'kin. Ma ma told me it's a rare red beryl gem. He ordered it from France. Nagustuhan ni Tzu En and he thought it's perfect for me. Sabi nga ni ma ma ay masyadong nahuhumaling sa 'kin si Tzu En pero bakit daw wala man lang akong nararamdaman para sa kanya. 'Di ko rin alam. Siguro sinanay ko masyado ang sarili ko na kaibigan ko lang si Tzu En. At gusto ko na mananatili kaming ganoon.
"Hindi naman mapili sa babae si Tzu En. Just make him feel special at sobra pa roon ang ipaparamdam niya sa 'yo. At basta totoo ka, wala siyang problema roon."
'Di nakapagsalita si Philia. Mukhang iniisip niya ang sinabi ko. Baka seryoso siya sa sinabi niyang jojowain niya si Tzu En. Wala naman akong problema basta malinis ang intensyon niya sa kaibigan ko. Tzu En's too good to be taken for granted. Tama na 'yong ginawa ko siyang daan para makauwi ulit ako rito sa Romblon. Kung ibang tao na ang gagawa noon, kahit mahal pa ni Tzu En ay 'di ko hahayaang magtatagumpay siya sa kanyang plano.
"Pero feel ko naman ikaw ang gusto ni Tzu En, Sol." Bigla niyang sabi. May bahid ng lungkot at kawalan ng pag-asa ang kanyang boses. "Kasi sa tagal niyong magkasama, imposibleng 'di siya mahuhulog sa 'yo. Mabait ka kaya and you always make him feel so special. Who wouldn't want that kind of treatment?"
Ako naman ngayon ang 'di nakapagsalita. My mind was trying to chew every word Philia has said. 'Di ko alam paano humantong sa ganito ang lahat. Mabait kasi si Tzu En, likas na sa kanya 'yon. Ako naman ay sinusuklian ko lang ang kabaitan niya. 'Di ko inasahang mahuhulog siya sa 'kin.
"Anyways," pag-iiba niya ng topic. "Tara kina Lolo Pablo. Sure akong hinahanap ka na niya."
"Sige!" I grinned. Parang lumiwanag ang paligid ko. Umirap naman si Philia kaya mas lalo akong natawa.
Baliw.