Télécharger l’application
74.6% Lucky Me / Chapter 47: LUCKY FORTY SEVEN

Chapitre 47: LUCKY FORTY SEVEN

CHAPTER 47 – THE GAME

LUCKY'S POV

Kasalukuyang nasa harap na ang lahat ng players ng giant inflatable at kahit hindi ako kasali sa maglalaro kasama ako ng team namin sa harap (Thank you kay Wesley) habang ipinapaliwanag ang rules ng game. Sobra sobra parin ang nararamdaman kong kaba kahit hindi naman ako kasali sa nalalapit nilang game. Yung kabang may kasamang excitement dahil gusto ko ding ma experience ang giant inflatable sa harap ko. Kaso ayaw makisama ng katawang lupa ko. (Thank you ulet kay Wesley)

Pero lamang pa rin yung kabang may halong takot dahil sa bold move ni Wesley kanina. Holding hands sa harap ng mga senior studens? Oh c'mon para niya narin akong ibinala sa kanyon. Malamang madadagdagan na naman ang mga batch ng haters ko sa school. For the Nth time, Thank you, Wesley!

Tinawag na sa harap ang mga Team Leaders at si Wesley ang leader ng team namin, kaya naiwan ako sa tabi ni Kenneth.

"PLAYERS, LISTEN UP! The Adrenaline Rush Extreme Inflatbale 34 Foot Obstacle Course is a twisty turn-y bounce house, this extreme obstacle course contains a 1, 850 square feetof fun complete with two slides, squeeze walls,rock climbing, pop up obstacles and crawl areas. I'm, sure you will jump, crawl, squeeze and laugh your way out through the maze." At bahagyang natawa sa biro niya na sinabayan din ng mga co-instructors niya. Nakita ko si Sir Adam na tumawa at nginitian ako at kumindat bago ibaling muli ang atensiyon sa harap.

"Mukhang paboritong paborito ka ng adviser niyo ah." Malisiyosong bulong ni Kenneth at sinabayan ng mahinang tawa.

'Nakita niya pa yun? Tsismoso talaga.'

"S-Sino?" Alam ko ang tinutukoy niya, naiinis lang ako sa paraan ng pagtatanong niya para kasing may halong malisya.

"Tss, sino ba adviser niyo?"

"Ahh, si Adam. Number One fan ko kasi yan. He he he" pabirong sagot ko.

"Hmm.. Adam, I didn't know na first name basis na pala kayo.." At bahagyang lumingon sa side ko.

"The maze is made up of three separate inflatables. This inflatable obstacle course offers a dual-lane climb and slide, a curved dual lane obstacle track and a double lane slide/obstacle track combo. After crawling through the pipe entrance of the Adrenaline Extreme, you are immediately challenged with pop outs and squeeze wall obstacles." Huminto muna si Sir Roll On saglit at itinuro niya sa isang board sa harap namin ang schematic view ng inflatable ang mga nabanggit niyang mga challenge sa loob ng inflatable house.

"I didn't see anything wrong with that, i respect him as my Adviser and his also my friend off campus." Pormal na sagot ko.

"I'm just asking .."

'Daming napapuna nito.'

"Just saying.." panggagaya ko sa tono niya.

"You like him do you?"

"Bakit nagseselos ka?"

"Kapal ng mukha mo!" at siniko niya ako at nabangga ko si Ytchee sa tabi ko.

"Ano ba yan mag uumpisa na ang laban nag haharutan pa rin kayo." Singhal niya sa aming dalawa.

"Sorry, ito kasi siniko ako!" sinamaan ko ng tingin si Kenneth at nagkunwaring seryosong nakikinig sa harap.

"Imbento ka kasi masiyado." Mahinang bulong niya.

"Kaya pala tayong tayo yan kapag nakikita ako. Ha ha ha" mahinang tawa ko at nakita kong bigla siyang nailang sa sinabi ko.

"Manahimik ka Gonzaga!" at naramdaman ko nalang ang mahinang konyat sa likod ng ulo ko.

"Bakit hindi?" napakamot na lang ako at inirapan niya lang ako.

"Manahimik ka sabi eh!" nabaling ulit ang atensiyon ko sa harap.

"Halfway through this course is a rock climb and slide, designed to speed through more challenging pop out and squeeze wall curves. The final turn takes players to a mammoth rock climb and speeding slide to the finish!" tuloy parin ang kumpas ni ser Roll On sa board habang tutuk na tutok ang lahat sa sinasabi niya sa megaphone.

Matapos mahabang paliwanagan binigyanng 10 minutes ang mga players para ayusin ang line up ng mga players.

"Yung prize ko huwag mong kakalimutan ah." Biglang may bumulong sa tenga ko galing sa likod at pagharap ko nakita ko si Wesley.

"Puro ka prizeipanalo mo muna yung game." Singhal ko.

"Mananalo tayo trust me."

"Then you'll get your prize." Ngiting sagot ko. Mamaya ko na pu-problemahin ang prize niya ang mahalaga manalo kami ngayon.

"YES!" mahinang sigaw niya at napasuntok pa ito sa ere.

"Huwag kang OA."

"Wala ng bawian yan ah!" halos mapunit na ang labi niya sa sobrang pag kakangiti niya.

'Hayst, kailangan naming mag usap ng masinsinan nito. Sigh.'

"L-LUCKY!!" sabay kaming napalingon ni Wesley sa tumawag ng pangalan ko.

"Oh M-Mark!" masiglang sagot ko at nakita kong nagsalubong agad ang kilay ni Wesley bago lumingon sa paparating na si Mark.

"Anong kailangan mo? Magsisimula na yung game oh?" turo niya sa harap kung saan nakapila na sila Andi sa harap ng giant inflatable. Nagtatakang napatingin naman si Mark kay Wesley.

"Kakamustahin ko lang kalagayan ng classmate ko, bawal ba?" binigyang diin talaga niya yung salitang classmate at saka nag cross arm sa harap ni Wesley.

"Okay na siya, Thanks for asking. " sinamaan ko ng tingin si Wesley at inirapan niya lang ako.

"Siya ang gusto kong makausap hindi ikaw." Mayabang na sagot ni Mark.

"Kinamusta muna siya kanina diba, mga ilang kamustahan ba dapat?" sarkastikong sagot ni Wesley.

"UNLIMITTED! Bakit sino ka ba boyfriend ka ba ni Lucky?"

"Hindi, ASAWA NIYA bakit palag ka?" at umastang susugod kay Mark pero mabilis kong nahawakan ang dibdib niya.

"Patawa ka! Ang bata bata pa ni Lucky para mag asawa!" singhal niya dito.

"Tama na yan mag uumpisa na yung laban, kapag tayo matalo may kaltok kayo pareho sa akin!" humarang ako sa gitna nilang dalawa.

"Sige Lucky pagaling ka, hindi na ako hihingi ng prize baka may manggaya pa." Sinandya niyang iparinig kay Wesley ang huling sinabi niya kaya agad siyang sinamaan ng tingin.

"You're too late boy, nakuha ko na yung premyo kanina pa." Pang aasar ni Wesley kay Mark at tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung tama yung narinig niya.

"Salamat ulit sa pagpayag, galingan mo!" pagbabago ko ng usapan at lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Basta ikaw Lucky, anytime magsabi ka lang." Pa cute na sagot nito at hinawakan pa ako sa kamay bago umalis. Humarap ulit ako kay Wesley at hindi na maipinta ang itsura niya.

"May gusto ka dun sa mokong na yun noh?" salubong ang kilay at matulis ang ngusong tanong niya.

"I'm just being nice to him what's wrong with that?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You're being too nice Lucky and i hate that."

"Mag focus ka na lang sa laro Ongapuco."

"Sinong gusto mo kung ganun?" pangungulit niya.

"You have no idea Ongpauco." Iling iling na sagot ko at napabuntonghininga ako. Ngumiti lang siya ng malaking malaki at niyakap ako.

"Magkagusto ka na kay Kenneth huwag lang sa mokong na yun ayoko dun masiyadong mayabang." Mahinang bulong niya at inamoy amoy pa ang buhok ko.

"Kanino daw? Sa pinsang niyang ungas?'

Para akong kinalembang ng malaking kampana sa tenga ng marinig ko ang sinabi niya.

'Mas gugustuhin ko pa si Mark kesa sa pinsan mong may introvert personality.'

'Baguio is driving me nuts!'

"Sir Adam wala ba kayong words of wisdom bago kami mag start?" ungot ni Andi kay Sir Adam at napakamot ito ng ulo habang tumatawa.

"Okay, Guys always remember, Kung walang---"

"Kung walang Knowledge, Walang Power!" sabay sabay na sigaw ni Andi, Marlon at Ytchee sa sinasabi ni Sir Adam. Sabay sabay din kaming tumawa ng malakas dahil sa kalokohan nilang tatlo.

'Mga siraulo!'

"Seryoso na talaga ser promise.." si Ytchee at nginitian siya ni Sir Adam habang nangangamot ng ulo.

"Okay, nabasa ko lang itong qoute and i hope it helps." Nahihiyang sagot niya.

"Okay lang ser kwentong barbero pa yan, keri lang!" sagot ko sa kanya at ginulo niya ang buhok ko saka siya tumikhim at seryosong hinarap ang mga players.

"Dito ka nga sa tabi ko." Hinila ako ni Wesley sa gitna nila ni Kenneth at nanunuksong tumingin sila Andi, Marlon at Ytchee.

"You and your opponent want the same thing. The only thing that matters is who works the hardest for it." At gwapong gwapong ngumiti ito sa aming lahat at nagtiti-tili si Andi at Marlon sa kilig.

"LET'S GO FOUR – MOCKINGJAY!" Sigaw ni Sir Adam.

"PAKINGDYEY FIGHT!" Malakas na sigaw ng boung Team at nagulat si Sir Adam sa narinig at sinundan namin ng malakas na tawanan.

"Kahit kailan puro kayo kalokohan!" natatawang sambit nito.

Isa isa ng pumila ang mga players anim o pitong dipa sa harap ng giant inflable. Signal na lang ng game referee ang inaantay nila para magsimula ang laro. Pitong players ang bawat team, five boys and two girls per team.

Nangunguna sa pila si MJ para sa team nila at ang makakalaban naman niya sa team namin ay si Ytchee, na mukhang takbong takbo na dahil para itong toro na nangangati ang paa at halos mabungkal na ang damo sa ilalim ng sapatos niya.

***BAAANNNGGGGG!***

Malakas na pumutok ang starting gun. Magkasabay na tumakbo si Mj at Ytchee papasok sa entrance ng giant inflatable. Ang pagkakaiba nila mas malapit ang entrance ni Mj kesa sa kay Ytchee kaya halos na unang nakapasok si Mj sa loob. Pero hindi naman nagpahuli si Ytchee dahil para itong kidlat at nag dive papasok sa loob.

YTCHEE'S POV

***BAAANNNGGGGG!

Nang marinig ko ang putok ng starting gun pakiramdam ko sa pwet ko tumama yung bala dahil sing bilis ng kidlat akong na patakbo at para akong dolphin na nag dive papasok sa entrance ng inflatable house. Mabilis akong tumayo at unang sumalubong sa akin sa loob ang mga nakapahalang na mga malalaking pop out obstacle sa daan. Kahit na malambot ang mga ito ang laki naman nito ay nakakasagabal sa pagtakbo ko sa loob.

Dumagdag pa ang lambot ng inaapakan ko, masiyadong bouncy kaya mahirap tumakbo. Pakiramdam ko tumatakbo ako sa sahig na gawa sa salbabida. Pagkalampas ko sa tatlong pop out obstacle sinalubong naman ako ng squeeze wall sa gitna, isang masikip na inflatable buti nilang payat ako kaya patagilid akong lumusot dito. Para akong lasing habang tumatakbo at lumiliko sa loob ng inflatable house. Panay din mga pop out obstacle ang sumasalubong sa akin na walang habas kong hinahawi.

Kailangan kong i-relax ang isip ko at mag focus sa game. Iniisip ko nalang na nasa dulo si Bonnie at hinihintay ako kaya hindi nauubos ang ngiti at lakas ko. Yeboi!

Isang mataas wall ang bumungad sa akin paglampas ko sa mga pop out obstacle. Hindi ko minadali ang pag akyat dahil isang maling hawak o hakbang dadausdos ako pababa sigurado. Maingat ang bawat naging paghakbang at apak ko para hindi ako malalaglag at mahigpit ang bawat kapit ko sa mga naka kalat na hawakan.

"Hala, Wall climbing pa more!" natatawang sigaw ko.

Hinihingal akong naka akyat sa taas, walang alinlangang akong tumalon at pinag cross ko ang mga kamay ko sa dibdib habang nag slide ako pababa. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at tumakbong muli, limang pop out obstacle na naman ang nakaharang habang paliko ako.

Natigilan ako ng tatlong segundo at mabilis kong pinag aralan ang pinakamahirap na part ng obstacle course na ito ang "Crawl Through" isang pipe lane entrance." Kailangan kong lusutan at yumuko sa bawat limang naka harang na inflatable na lampas ng dibdib ko.

Ang masaklap pa nito bawat isang inflable na yuyukuan mo may isang ring naka kurbang inflable sa ilalim hanggang hita ko. Limang masikip at puro yuko, lusot at mabilisang kilos ang kailangan ko. Hingal na hingal akong nakarating sa dulo at halos magkanda kuba kuba na ako kaka yuko.

"LINTEK NA SQUEEZE WALL TO!" sigaw ko habang dumadaan sa mga naka curve na inflatables, para akong alimangong patagilid ang takbo ng marating ko ang dulo.

Isang wall na naman pero kailangan ko munang yumuko at lumusot sa naka harang na inflatable na hanggang dibdib ko para maka akyat sa wall. Pagtayo ko mabilis akong umakyat ng wall, kahit malamig ang hangin ramdam ko yung pawis na tumutulo sa likod ko. Nang makarating ako sa taas mabilis akong nag slide pababa nito.

Nang marating ko ang dulo ng slide mabilis akong tumayo at saka naman pinindot ng isang instructor ang hawak nitong stop watch.

"TWO MINUTES AND FORTY THREE SECONDS" malakas na sigaw nito paglapit ko.

Mabilis kong lumingon sa paligid at hinanap ang negrang si Mj. Sakto naman ang pagbaba niya ng slide at nagtama ang paningin namin.

'Beat that!'

"YES!" malakas na sigaw ko at nakita ko si Lucky na patakbong lumapit sa akin at nagtatalon kami na parang mga timang.

ANDI'S POV

Sa sobrang kabang nararamdaman ko para akong mauutot ng bongga. Kasalukuyang inaantay kong matapos si Olive bago ako sumunod.

"Chill ses, oras ang pinag lalabanan natin dito. Take your time."

" Nauutot na nga ako sa excitement eh." Birong sagot ko sa kanya at biglang napaatras si Marlon sa line.

"Wina-warningan na kita Andres huwag kang uutot sa loob ng inflatable house at ako ang susunod sayo!" banta niya sa akin kaya hindi ko na pigilan ang tumawa.

"Go!" dinig ko sigaw ni Wesley. Paglingon nasa labas na si Olive at mabilis akong tumakbo.

Halos hindi ako magkasiya sa bukana ng inflatable pagsampa ko. Narinig kong tumawa ng malakas si Marlon sa pinanggalingan ko.

"Humanda ka sa akin mamaya pagbalik ko!" at natawa ako dahil bigla akong may nabuong plano.

Sa wakas naka akyat din ako at halos hambalusin ko ang mga pop out inflatables sa gigil ko. Para akong tumatakbo sa ibabaw ng malawak na water bed at na pi-pressure ako habang nasa loob. Nakahawak ako sa gilid inflatable para alalayan ang katawan ko habang tumatakbo. Sa laki ko bawat apak ko lumulubog ang mga paa ko.

"MAG DA-DIET NA TALAGA AKO PROMISE!!' Malakas na sigaw ko habang tumatakbo.

Sa squeez wall ako medyo nahirapan, clash of curves ang labanan namin. My curves versus sa wall curves. Pagliko ko natanaw ko agad sumunod na obstacle na tatahakin ko at ang wall na kailangan kong akyatin. Sanay ako sa akyatan dahil sa twing nagbabaksyon ako sa Samar madalas akong umakyat sa Tree House namin at mataas pa yun dito.

"Tsiken!" sigaw ko pagdating ko sa taas at mabilis akong nag slide pababa.

Sinalubong na naman ako ng mga pop out obstacle na hugis nota kay aliw na aliw ko silang sinalubong habang tumatakbo. Napahinto lang ako dahil kakaiba naman ang obstacle ang nasa harap ko.

Na excite ako sa pagyuko at paglusot sa mga inflatable na hanggang dibdib ko ang taas. Para akong nasa loob ng bituka. Ew!! Kaso nung nasa pang limang yuko at lusot ko sa inflatable bigla akong nahinto at nautot ng malakas. Naginhawaan ako ng bongga. Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa nilabas kong sama ng loob.

"He He He' napatakip ako ng ilong dahil sa baho ng hanging naiwan ko sa loob. Halos mag dive ako sa huling inflatble na lulusutan ko.

"Lintek na mga Wall to sinusubok ang powers ko. Kapag ako nautot uli maka cancel ang game na to!" mabilis kong inakyat ang wall nasa huling hakbang na ako paakyat ng dumulas ang paa ko. Mabuti naka kapit na ako sa taas, kaya halos maglambitin ako sa wall.

Narinig kong sumigaw ang mga kaibigan ko, pumikit lang ako at kinapa ko kung saan ako pwedeng umapak. Halos mamanhid ang kamay ko sa pagkakakapit habang umaakyat at ng tagumpay akong maka akyat ng nakaluhod ako sa taas ng slide. Hindi na ako tumayo kaya ginawa ko dumapa ako at nagpadausdus sa slide.

"AYAN NA YUNG BUTANDING!!" malakas na sigaw ni Ytchee ng marating ko ang dulo ng slide. Halos hindi na ako makatayo sa pagod. Inalalayan ako ni Ytchee tumayo at inabutan ako ni Lucky ng mineral water. Halos magkasabay lang kaming lumabas ng kalaban ko nauna lang siya ng ilang segundo.

"Thank you Inday!"

"THREE MINUTES AND TWENTY TWO SECONDS!"

MARLON'S POV

Gusto kong matawa ng malakas ng makita kong halos hindi na makatayo si Andi sa taas ng slide kaya kahit naka luhod siya nag dive siya na ulo ang una.

"You can do it!" mahinang bulong ni Wesley habang minamasahe ang balikat ko. At parang nabuhay ang dugo na dumadaloy sa mga ugat ko.

'Juice Colored! Parang gusto kong mag kandirit sa kilig ng hinawakan niya ako. Pakiramdam ko mas maganda pa ako kay Inday Lucky.'

"Go, Marlon!" sigaw ni Kenneth. At halos lumutang ako sa kilig dahil pati si Papa Kenneth tsini-cheer ako. Sorry Andi sa akin muna ang mag pinsan. Halos magkasabay kaming tumakbo ng kalaban ko papasok sa entrance ng inflatable house. Dahil payat ako mas mabilis akong naka akyat at naka kilos sa loob. Mabilis kong naiiwasan ang mga pop out obstacle at ang squeeze wall. Mabilis kong narating ang wall at para akong hinahabol ng mga lalake habang umaakyat. Parang ang laswa kong tingnan habang nag wo-wall climb dahil bukambuka ang mga legs ko. SISIW!

"Here i come!" malakas na sigaw ko habang nag slide pababa. Tumayo ako at sinalubong ako ng mga nakaharang na mga fans ko, charot lang mga pop out na inflatble. Paglampas ko sa mga ito muntik na akong bumangga sa inflatable na hanggang dibdib ko. Isang pipe lane entrance na kailangan kong yukuin at lusutan ang bawat isa.

Mabilis ako kumilos sa loob nito, bigla akong napahinto sa paghakbang sa kalagitnaan ng lane ng maamoy ko ang masalimoot at kasumpa sumpang utot ni Andi. Jusme, hindi ako pwedeng magkamali si Andi lang ang may unique na utot, hindi ito yung uri ng utot na kakapit sa damit ang amoy, ito yung utot na mamantsa sa damit kapag kumapit ang amoy.

"AAAANNNNNDDDDREEESSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko sa loob habang naka yuko ako. Masuka suka ako habang lumulusot sa isa pang nakaharang na inflatable para maka akyat sa wall papunta sa huling slide. Sobrang pag iingat ang ginawa kong pag akyat dahil ayokong magkamali at mahulog pababa. Nag slide ulit ako at dun lang ako nakahinga ng maluwag paglabas ko ng inflatable house.

"TWO MINUTES AND FIFTY FOUR SECONDS!" salubong sa akin ng instructor namin.

WESLEY'S POV

"Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Kenneth.

"Shut up." Inis na sagot ko at natawa lang siya. Mas kinakabahan ako dahil kapag matalo tayo wala akong premyo mamaya.

"Tss, isipin mo na lang may nag aantay sayo sa dun dulo." Napalingon ako sa gawi niya at nakita kong nakatingin siya kay Lucky na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

'Bilisan mo Ongpauco may masarap na premyong nag aantay sayo sa dulo.'

Nung nakita kong naka exit na si Marlon mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng giant inflatable. Halos magkasabay kaming pumasok ng isang member ng kalaban naming team. Salamat sa soccer training ko dahil lalo akong naging maliksi at mabilis tumakbo.

Mabilis kong naiiwasan ang mga pop out inflatables na nakakasalubong ko. Advantage narin ang tangkad ko dahil nakikita ako ang next obstacle na dadaanan ko. Parang hanging dinaanan ko ang mga squeeze wall kahit na medyo mahirap ang tumakbo sa loob na manage ko parin ang makatakbo ng mabilis pa sa inaasahan ko. Nag alangan lang ako ng kaunti sa pag akyat sa wall dahil hindi gaanong matigas ang mga wall climbing holds na nakadikit sa inflatable wall na aapakan o hahawakan ko paakyat. Sa laki at tangkad ko isang maling galaw sa ibaba ako pupulutin for sure at yun ang iniiwasan ko.

Nang marating ko ang taas ng slide nalanghap ko ang malamig at sariwang hangin. Mabilis akong nag slide pababa at sinalubong ulit ako ng mga nakaharang na inflatables. Pakiramdam ko nasa soccer field ako at pilit kong iniwasan ang mga kalaban na maagaw ang bola sa akin. Isang malaking challenge sa akin ang crawl through lane dahil sa tangkad ko. Bahagya akong nahirapan sa pag yuko at lusot sa mga naka curve na inflatable pero nagawan ko naman ng paraan.

One step at a time, bawat lusot at hakbang ko isang inflatable ang nadadaan ko. Kahit malamig ang hangin pinagpapawisan parin ako at ng marating ko ang dulo may isa pang nakaharang na inflatble na halos hanggang dibdib ko na nakaharang sa last wall na aakyatin ko para sa huling slide. Mabilis akong gumapang sa ilalim at tumayo.

Mahigpit ang kapit ko sa bawat ladder na hinahawakan ko, mabuti na alang at sanay kami akong sa mga indoor rock climbing kaya hindi naging mahirap sa akin ang challenge na ito. Pagdating ko sa taas hindi na ako tumayo nag dive na ako sa huling slide papalabas ng inflatable house.

Inaasahan kong si Lucky ang unang sasalubong sa akin sa labas pero nauna akong binati ng mga kaibigan niya.

Sa kabila ng malalakas na sigawan ng mga schoolmates ko at ingay nila Andi, Ytchee at Marlon ng salubungin ako si Lucky parin ang hinanap ng mga mata ko.

Hindi ako nagpahalata sa kanila pero siya ang unang hinanap ko. Ang attention ko nasa kanya pero ang attention niya nasa iba. Napayuko at napahawak ako sa mga tuhod ko at hirap na hirap akong lumunok dahil sa tuyong tuyong lalamunan ko. Badtrip naman!

"TWO MINUTES AND TWENTY TWO SECONDS."

"Nice one." Nag angat ako at nakita ko ang kamay ni Lucky sa harap. Kahit hingal na hingal ako mabilis ko itong inabot at tumayo.

"T-Thanks." Ngiting sagot ko. Tuyong tuyo ang lalamunan ko at hirap akong lumunok. Pa simple akong sumulyap kung saan nakatingin si Lucky pero nahuli niya ako at nagkunot noo siya.

"Oh, uminum ka muna." Inabutan niya ako ng bottled water at mabilis ko itong tinunga sa harap niya. Hindi ko tuloy nakita kung kanino siya naka tingin.

"Hey, dahan dahan lang.." nag aalalang sambit niya.

"Y-Yung kiss ko?" bungad ko sa kanya kahit hinihingal pa ako at pinandilatan niya ako.

"Kainis naman to hindi na mabiro." Nakangusong reklamo ko.

"Umayos ka nga!" singhal niya saka tumalikod.

KENNETH'S POV

Gusto kong matawa dahil sa bilis na pagpasok ni Wesley sa loob ng giant inflatable. Napailing na lang ako habang nakangiti.

"Galingan mo." Nagulat ako ng makita ko si Lucky sa tabi ko pero nasa giant inflatable ang tingin.

"Paano kung ayoko?"

"Kasalanan mo kapag matalo tayo." Nakangusong sagot niya.

"Yun kung magpapatalo ako." Mayabang na sagot ko.

"Yun kung mananalo tayo."

"So wala kang tiwala sa team natin?"

"Sayo wala sa kanila meron."

"Watch me."

"I'm always watching you Kenneth.." tinapik niya ako sa balikat saka umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makabalik siya sa mga kaibigan niya. Hindi ko maintindihan kung maiinis o matutuwa ako sa narinig ko. Muling nag play sa utak ko yung sinabi niya kaya unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Kenneth, your next!' sigaw ni Sir Adam. Nang makita kong pababa na ng slide si Wesley at maka exit saka ako tumakbo.

"Now watch me closely." mahinang bulong ko.

LUCKY'S POV

Halos mabingi ako kanina sa lakas ng sigawan ng mga classmates ko. Ito ang pangalawang panalo namin sa game at isang panalo na lang kami na ang tatanghaling champion. Imbes matuwa lalo akong na pressure dahil sa magiging laban ko bukas.

Lumabas ako ng tent habang pagkatapos ng short meeting namin kay Sir Adam. Nagpaalam muna ako kela Ytchee na mag babanyo pero ang totoo gusto ko lang magpahangin at manigarilyo. Hindi ako natataranta pero hindi mapakali ang katawan ko. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng mga portable toilets sa bandang likuran ng mga tents.

"L-Lucky." Magsisindi palang sana ako sigarilyo ng marinig kong may tumawag sa akin. Naiwan sa bibig ko yung sugarilyo ng lingunin ko yung taong tumawag.

"Sir Adam.." linapitan niya ako at initsa ko yung kaha sa kanya at mabilis niya itong nasalo.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

"Ayos na ser. Salamat."

"Ayos yan, tapos naninigariyo ka pa?"

"Malamig, mabisang pampainit 'to."

Hinawakan niya ako sa leeg at noo. Nailang ako ng kaunti kaya hinawi ko rin ang kamay niya pagkatapos.

"Huwag niyo ng hawakan mag iinit lang ako niyan lalo." Natatawang biro ko.

"Really?' ngiting sagot niya at hinawakan ulit ako sa leeg.

"Oo mag iinit yung ulo ko." tinawanan ko siya.

"Walang galang na bata! Teacher mo ko Gonzaga!" ang kunwaring galit ang boses niya.

"Wala tayo sa Carlisle ser, keri na yan!" at mabilis niya akong kinurot sa pisngi. Namiss ko tuloy bigla si Kuya Jiggs.

"Salbahe ka!" at saka kami tumawa.

"L-Lucky.." una akong napa lingon at nakita ko si Kenneth habang nakatayo at parehong nasa bulsa ng varsity jacket ang mga kamay. As usual salubong na naman ang makapal na kilay niya.

"Oh, saan ka galing?" pormal na tanong ko paglapit niya.

"Nag CR." Pero na kay sir Adam ang paningin niya.

"Kenneth.." pormal na bati ni Sir Adam.

"Sir Adam."

"Oh, before i forget Kenneth. I wanna say thank you and Mr. Ongpauco for what you did on our team."

"Thank you sir, but Its also a team effort.." pormal na sagot ni Kenneth.

"I know, but were so lucky to have you both on our team." At napalingon si ser sa akin.

"Jusme, kung paramihan lang ng mag chi-cheer panalo na yang dalawang yan eh." At sabay kaming tumawa ni Sir Adam. Buntong hininga lang ang sagot ni Kenneth.

"I need to go Lucky, see you after lunch." Paalam niya at tinanguhan lang niya si Kenneth.

"Sige po ser Adam." Sumaludo ako sa kanya bago siya tumalikod at natawa naman siya.

"Eh di madadagdagan na naman yang kahambugan mo dahil ikaw ang nakapag panalo kanina."

"Hindi kahambugan yun, palibhasa sakitin ka kaya hindi ka nakasali kanina."

"Yabang mo! Pasikat ka kasi masiyado." Ngiwi ko sa kanya.

"Kapal mo, kanino ako magpapasikat..sayo?"

"Pwede, malay ko ba kung na inspired ka sa sinabi ko." Natatawang sagot ko.

"Alin yung "I'm always watching you Kenneth." na linya mo? Anong inspiring dun? Baduy!" napakagat ako ng labi dahil naalala ko na naman yung kabalbalan ko.

"Eh di hindi, o baka naman kinilig ka?"

"ASA ka lang." inis na sagot niya.

Hindi ako sumagot tumingin lang ako sa field kung saan nakatayo parin yung dalawang giant inflatable. Hindi ko man lang na experience makalaro.

***F L A S H B AC K***

"I'm always watching you Kenneth? Seriously?!?!" malakas na sigaw ko sa isip. Masiyado na ata akong nagpapapansin sa manyakis na yun. I can't helped it, everytime na nakikita ko kasi siya gusto siyang asarin ng asarin. Na a-amaze ako sa itsura niya kapag nagagalit. Oo, nakakapika pero yung pagiging seryoso niya minsan pero yun ang nag dadala ng charm niya.

Hindi ko man lang siya nakitang tumakbo papasok sa loob ng inflatble house. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako. Naagaw ni Wesley ang attention ko habang papasok siya ng inflatable house kanina. Narinig ko na lang ang malakas na sigawan ng mahaharot kong mga school mates at paglingon ko wala na si Kenneth at nasa harap ko na si Wesley. Ganun kabilis ang mga pangyayari kanina.

"Y-Yung kiss ko?" pasimple ko siyang kinonyatan dahil nagsisimula na naman siya sa mga trip niya.

Kahit ang cute cute niya hindo parin ako komportable sa ginagawa niya. Ganitong ganito din kami ni Jasper noon.

"TWO MINUTES AND FOURTY EIGHT SECONDS" napalingon ako sa kaliwang side ng giant inflatable house kung saan ang exit ng huling lalabas ang players sa slide.

"WOW, SIYA ANG MAY PINAKAMABABANG TIME SA LAHAT NG NAGLARO TODAY!"

"HELLO SI KENNETH ANG, WHAT DO YOU WE EXPECT."

"GRABE TALAGA SILANG MAGPINSAN WHEN IT COMES TO SPORTS. WHEW!"

"WALA PANALO NA NAMAN ANG MOCKINGJAY, BADTRIP!"

Sinalubong agad siya ng mga classmates at mga ka team namin. Hindi na ako lumapit dahil sa dami ng nakapalibot sa kaniya. Tumalikod ako at kinapa kong dala ko yung kaha ng sigarilyo ko.

"Tss, kahit kailan hindi talaga nagpapatalo." Mahinang bulong ni Wesley sa tabi ko.

***E N D O F F L A S H B A C K***

"Feeling pressure?" napalingon ako kay Kenneth.

"Obvious ba?" napabuga ako na hangin sa ere. Naramdaman ko ang pag tapik tapik niya sa balikat ko.

"Don't be."

"Pinaalala mo pa kasi." Nakangusong sagot ko. Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila patayo.

"I know a great place to release, if you're feeling any pressure." Walang reklamong sumunod ako sa kanya. Dumaan kami sa mga portable toilets at huminto siya at humarap sa akin.

'Seriously? Saan dito?'

"Hindi ako natatae!" sigaw ko sa kanya.

"May sinabi ba akong natatae ka?" seryosong sagot niya.

"Great place huh? Sa bagay kay Andi heaven ang confort room." Singhal ko at napangiti lang siya.

"Sumunod ka na lang dami mo pang sinasabi." At nauna siyang naglakad.

"Panget mo." bigla siyang huminto at seryoso ang mukha na linapitan ako.

"Sinong panget?"

"ANG KYUT KYUT MO TALAGA! NO WONDER HINABOL HABOL KA NG EX MONG MAY TAGAS SA ULO!" tumingkayad ako para kurutin ang magkabilang pisngi niya.

"Psh! Cute lang ako?" hindi makapaniwalang sambit niya.

"ANG BAIT BAIT MO PA SOBRA, YAN ANG GUSTO KO SA LALAKE YUNG MABAIT!" napakamot siya ng ulo at iniwan ako.

"HOY! AKALA KO BA MAY PUPUNTAHAN TAYO!" malakas na sigaw ko habang hinahabol siya.

Hindi ko maitago ang ngiti ko ng huminto kami sa tapat ng giant inflatable.

"Maglalaro tayo?" masayang tanong ko at napakapit sa braso niya.

"Hindi titigan lang natin hanggang pagpawisan tayo." Ngiwing sagot niya.

"Sige game ako diyan."

"Tss..Of course maglalaro tayo kaya nga kita sinama dito."

"Huwag kang papatalo.."

"Ang matalo manlilibre." Sambit niya at nag thumbs up ako.

"Now na!" bigla akong tumakbo sa pinakamalapit na entrance habang tumatawa.

"Ang daya mo!" sigaw niya at mabilis na humabol.

Para akong bata na tuwang tuwa ng psumampa at gumapang papasok sa loob. Sumalubong agad ang ilang nakaharang ng pahalang na mga pop out obstacle naka ilangan mo banggain para maka get through sa lane. Dumagdag pa yung mga masikip na inflatable curves o squeeze wall na kailangan mong ipilit o siksik ang katawan mo para makalusot.

Medyo madulas lang at bouncy ang floor kapag maglakad o tumakbo sa loob. Nasa harap na ako ng wall at kailangan kong mag rock climbing para maka akyat sa slide papunta sa kabilang obstacle lane. Pinag aralam ko muna kung alin sa mga climbing holds ang unan kong aapakan o hahawakan.

"Malamang mauunang matapos yung panget na yun." Mahinang bulong ko habang dahan dahan akong umaakyat sa wall.

"Take your time Lucky." Bulong ko habang umaakyat.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag akyat ng may humawak sa bewang at bahagya akong hinila pababa.

"AY POOHKE!!!!" malakas na sigaw ko at nagtuloy tuloy akong mahulog pababa. Mabuti na lang malambot ang binagsakan ko kaya hindi masakit sa katawan kahit hindi maganda yung pagbagsak ko.

"Are you alright?" natatawang tanong ni Kenneth habang nakahiga ako sa lapag.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" sigaw ko sa kanya at pinilit kong tumayo. Inalok niya ang kanang kamay niya pero hindi ko yun pinansin.

"Sorry, nagalala lang kasi ako kung bakit ang tagal mo dito sa loob." Mahinang sagot niya.

"Sinusulit ko lang yung first and last experiece ko dito sa loob."

"Eh paano yung race natin?" kunot noong tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

'Oo nga pala sabi niya race to tapos parang namamasiyal lang ako. Peace Yoh!'

"Hirap kasing umakyat dito sa wall." Alibi ko sa kanya habang nakaturo sa wall.

"Tss, buti na lang di ka sumali kanina kung hindi ikaw pa magpapatalo sa grupo natin." Nakangiwing bulong niya.

"Hoy, ang yabang mo ilang seconds lang naman lamang mo kay Wesley!"

"Mayabang talaga ako dahil ang score ko ang nagdala sa team natin!"

"Eh di ikaw na magaling! Tumabi baka pektusan kita dapat nasa taas na ako kanina hinila hila mo pa ako pababa." Imbes umiwas sa daraan ko bigla siyang umakyat ng mabilis at ng makarating sa taas umupo ito at inantay ako.

"Bilisan mo kumilos baka maiwanan nila tayo."

"Opo ser, sandali lang hindi po kasi ako kasing hambog niyo!" umirap lang siya at umiling.

"Ikaw dudukutin ko na yang eye balls mo nakaka ilang irap kana sakin ngayong araw ha!"

"W-What? You do that all the time." At muling umirap na parang nang iinis.

"Go ahead, roll your eyes bitch. Let me know if you find a brain " sarkastikong sagot ko.

"W-What did you just call me?"

Kahit medyo nahirapan at mabagal ako sa pag akyat nakarating din ako sa taas.

"You're so gay Kenneth Ang." Inirapan ko siya ng 360 degrees yung puro puti na lang ang makikita bago ako mag slide pababa.

"Bitch pala ah!" singhal niya at mabilis nag slide halos magkasabay at makatabi kaming nakarating sa baba.

Tatayo na sana ako para tumakbo kaso nahawakan niya ako sa jacket at hinila paupo sa tabi niya. Bigla niyang pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko na parang bata.

"A-AWRRAYY KHHHOO!"

"NGAYON SINONG MASTER MO!?" Natatawang tanong niya habang madiin na hawak ang pisngi ko.

"P-PPAKYEE KEH"

"Masiyadong marumi ang bibig na to!" Gigil na sambit niya at parang aliw na aliw siyang inikot ikot ang dalawang kamay at nilalapirot ang pisngi ko.

Imbes na maghurumintado ako sa inis dahil sa ginagawa niya, nag slow motion ang lahat habang tinititigan ko ang mukha niya. Naaaliw akong panuorin siya habang tumatawa at tuwang tuwa sa ginagawa niya. Para siyang bumata ng ilang taon dahil naging napaka natural ng mga tawa niya. Ito kasi ang kauna unahang nakita ko siyang all out sa saya.

Yung tipong wala siyang paki alam sa paligid niya, napaka genuine para sa akin ang mga pagtawa niya. Ang sarap sarap niyang titigan. Walang kakurap kurap ko siyang pinapanuod, ang ikinakatakot ko lang kapag kumurap ako baka mawala siya na paningin ko.

Tss, kaya naman pala niyang maging normal na tao paminsan minsan. Mas cute pa nga siya kung ganito siya palagi. Hindi man siya kasing gwapo ni Wesley o Sir Adam pero kung ganito palagi ang itsura niya wala silang binatbat kay Kenneth.

He's undeniably charming and he's sex appeal is extra ordinary. In my eyes he's face is actually glowing. It feels like he's the Sun and i'm a planet that needs to revolve around him. SuddenIy, i wanted to be part of his solar system.

Biglang nag pop up sa isip ko si Jacob Black sa Twilight Saga.

'This is how werewolves find their soul mates, by Imprinting.'

I feel like the gravity is no longer holding me in this planet, it's him. Nothing else matters. I would do anything and be anything for him.

When you imprinted on someone, its basically means you found your soulmate. The person loves the other person unconditionally. Basically falling in love and you can't control it, it is not up to you it just happens.

Now i know how Jacob Black feels when he first saw Renesme. Kinakabahan ako ng sobra sobra.

'Times like this, i wish time would stop..'

LUB...DUB...

LUB..DUB..

LUB.DUB.

'Puso ko yan wag kayoong mangengelam!'

'Imprinting? Urur! Kapag ikaw dinog style niyan masasakang ka!'

To be continued...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C47
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous