Télécharger l’application
55.55% Lucky Me / Chapter 35: LUCKY THIRTY FIVE

Chapitre 35: LUCKY THIRTY FIVE

CHAPTER 35

LUCKY'S POV

"Mag commute na lang tayo papuntang Quiapo isang jeep lang naman yun simula dito." Pangungumbinsi ko sa dalawa. Pero sa itsura ng pagkakagusot ng mga noo nila mukhang hindi sila sanay mag commute.

"Sigurado ka seshie hindi ba delikado mamaya kasi madyoldup atayiz sa jeep, diba ganun palagi ang nababalita sa TV?" kabadong tugon ni Andres at mukhang sang ayon din si Marlon.

"Tiyempuhan lang yan, and besides hindi naman tayo mukhang mayaman kaya lusot tayong tatlo diyan." alibi ko pero ang totoo nag aalangan din ako. Kapag itong dalawa pa naman kasama ko ACTIVATED ang kamalasan ko.

"Sigurado ka seshie? Pwede naman nating isama si Kuya Lando nasa parking lot lang siya?" Si Mang Lando yung mabait personal driver ni Andi.

"I-Iniwan mo siya doon mula ng dumating kayo sa bahay kanina?" singhal ko at napatakip siya ng tenga sa lakas ng boses ko.

"Sinasama namin kanina kaso nahihiya daw siya ses." sabat ni Marlon na nangingintab na ang mukha kalalagay ng sun block. Jusmiyo! Sa jeep kami sasakay hindi sa surf board!

"Sabihin mamaya na lang niya tayo sunduin kapag pauwi na tayo, mahirap kasing sumakay pauwi." Utos ko kay Andi at mabilis niyang tinawagan si Mang Lando.

"Nay mauna nga kami at pababasbasan ko pa 'tong dalawa para magbagong buhay na." Natatawang paalam ko sa pamilya ko.

"Sige anak mag ingat kayo at huwag masiyadong magpapagabi may pasok pa kayo bukas." Paalala ni Nanay sa aming tatlo habang hinahatid kami sa pinto.

Naglakad kaming tatlo hanggang sa sakayan ng jeep. Masuwerte at hinintuan kami ng isang jeep na wala pang gaanong sakay.

"Manong bayad tatlong Quiapo kakasakay lang." nag abot ako ng 50 pesos sa driver.

"Ses ako na magbabayad." Si Marlon habang kumukuha ng pera sa wallet.

"Bayad na huwag ng umarte." At inabot sa amin ng kapwa namin pasahero ang sukli sa binayad ko.

"Manong kulang ho yung sukli niyo!" sigaw ko sa mamang driver.

"Ilan ba yun?" sigaw ng manong driver.

"Tatlong bakla, isang ulikba, isang palaka at isang dyosa. Kakasakay lang." Malakas na sigaw ni Andi at natawa kami ni Marlon.

"Magkano po ba manong?" mahinaho at magalang na tanong ko kasi parang pagkaka alam ko siyete lang naman ang isa.

"Otso na ang isa neng bente kwatro lahat." Sigaw ni manong driver.

"Manong nagtaas na 'ho ba ang pamasahe? Ang pagkaka alam ko po next week pa 'ho yun effective?"

"Nagtaas na mga ineng manuod kasi kayo ng TV para alam niyo ang balita, hindi puro Kore-Korean ang pinapanuod niyo!" nagpantig ang tenga ko sa pabalang na pagsagot niya. Anong problema nito sa KPOP? Lalo pa akong nainis dahil pinagtawanan pa kami ng ibang pasahero.

"Excuse me Manong Driver.." maarteng sagot ni Marlon. "Masisipag po kaming mga mag aaral hindi po kami basta basta nanunuod ng TV ng hindi natatapos ang mga assignments namin." nai-imbyernang dugtong ni Marlon sa driver.

"Makapang husga akala mo kasama natin siya sa bahay. Tch!" mahinang reklamo ni Andi.

"Hayaan niyo na tatlong piso lang makikipag patayan pa tayo." Mahinang bulong ko sa kanilang dalawa.

"Nakaka loka imbes kasi magpaliwanag siya eh kung ano ano pa ang ibibintang niya." pairap na sambit ni Marlon.

"Truth! Sinabi ko na nga ba dapat hindi na tayo nag commute!"

"Huwag ng choosy akala ko ba magba-bonding?" biro ko sa kanila.

"Ay oo nga ses wag ng pa affect ang make up mo huhulas!" si Marlon na mukhang hulas na din ang peslak. Mga halatang hindi nag ko-commute ang mga bakla pawisan na wala pang 10 minutes sa biyahe.

Mabuti na lang malakas din ang sounds ng jeep at hindi boring ang kanta kaya nakaka relax din ang biyahe. Kaya wala sa sariling natulala lang ako sa bintana.

"Taray nito ni Lucky oh, feel na feel ang kanta parang music video ang peg!" At nagtawanan silang dalawa.

"Tantanan niyo ko ihuhulog ko kayong dalawa!" Pinandilatan ko sila. Mga abala sa pag mo moment ko.

"Hoy, mas malaki ako sayo baka ikaw ihagis ko palabas. Echuserang to!"

"Eh di idaan natin sa ganda kung sino ang unang ihahagis." Pang aasar ko sa dalawa at nagtinginan sila.

"Ay seshie Marlon ikaw na mauna diba 3rd Runner Up ka lang di ba?" biglang banat ni Andi.

"Sa ganda daw ses, sa kagandahan pangatlo ka diba?" Ganti ni Marlon at natatawa na lang yung pasahero sa lakas ng bibig ng dalawang kasama ko.

Bumaba kaming tatlo sa isang footbridge malapit sa simbahan. Buti na lang hindi ganun karami ang taong nagsisimba kahit araw ng linggo. Sa labas naman ng simbahan sa bandang gilid mayroong mahaba ang pila ng mga deboto ng Poong Nazareno. Kahit maiinit sa labas matiyaga silang nag aantay habang nakapila.

"Nay para saan po pala itong pila?" kinalabit ni Marlon ang isang matandang nakapila sa gilid ng simbahan.

"Para to sa mga gusto lumapit sa poong Nazareno."

"Salamat po 'nay." At nag bow pa si Marlon sa matanda.

"Andi gumilid ka baka sayo pumila yung mga tao." Hinila ni Marlon si Andi sa tabi ng daan malapit sa entrance ng simbahan.

"Bakit hindi naman ako nakapila ah." At muntik na akong matawa sa usapan nila.

"Hindi nga pero yung pila na yan para sa gustong lumapit sa Poong Nazareno."

"Oh anong kinalaman ko dun?" nalilitong sagot ni Andres.

"Eh baka kasi isipin ng mga deboto inilabas ang Poon dahil nandito ka at biglang magkagulo." At mabilis pa sa ala singko na dumapo ang malutong na konyat sa bumbunan ni Marlon. Ayaw na ayaw pa naman ni negra na inaalipusta ang kulay niya.

Pagpasok namin ng simbahan patapos na ang noon mass pero naghanap pa rin kami ng mauupuan. Marami rin palang tao sa loob dahil iilan nalang ang bakanteng upuan. May mga nag no-novena at nakaluhod habang nagdarasal, may nakatulala, nagkukwentuhan at may nakatulog na habang naka sandal sa upuan. May mangilan ngilang ding nakatayo sa likuran at taimtim na nag darasal.

"Oh magdasal na ang magdadasal at humingi na ng kapatawaran ang mga makakasalanan kong mga sehie." parinig ni Andi at bigla siyang kinurot ni Marlon.

"Sumeryoso nga kayo nasa loob na tayo simbahan oh." saway ko sa kanila.

Napakaganda at aliwalas ng loob simbahan ng Quiapo Church. Malaki at nakaka relax ang ambience ng simbahan. Kahit nasa kahabaan ito ng Quezon Boulevard kung saan dumaraan ang maraming sasakyan ramdam mo padin ang kapayapaan sa loob ng simbahan sa kabila ng ingay ng mga sasakyang dumaraan.

Minsan na din akong isinama ni Nanay dito para magsimba pero matagal na yun noong nag aaral pa si Kuya. Nag dasal kami para at humiling na makapasa si Kuya Jiggs sa board exam niya at sa kabutihang palad dininig ang panalangin naming tatlo ni Nanay at Tita Jack.

Matapos ang misa nagtayuan ang mga tao sa mga upuan nila at napatayo din kaming tatlo. Nakita naming papalapit ang mga sakristan na nagba-basbas ng holy water sa bawat upuan at mga taong nadaraanan nila.

Bigla akong hinila ni Andi at Marlon at pinag gitnaan nila. Kaya nung dumaan sa harap namin yung nag sasaboy ng holy water ginitgit nila akong dalawa at hindi ako makagalaw. Ikinumpas ng sakristan ang hawak niya at sumakto sa mukha ko ang maraming holy water na galing sa silver na parang kaserola.

Para akong naghilamos sa dami ng tumamang holy water sa mukha at dibdib ko. Muntik ng matawa yung alalay na sakristan sa itsura ko. Halos ka edad lang namin siya at may itsura kaya bigla akong binitawan ng dalawa at nagpa cute sa sakristan.

"Thank you, ngayon magiging malinis at mapayapa na ang buhay ng kaibigan namin." mahinhing sabi ni Andi sa sakristang bagets. Paglampas nila hinila naman nila ako paupo.

"Hoy, nasa simbahan kayo ang kikiri niyo mahiya kayong dalawa alagad ng simbahan yan mag hulos dili kayo." At inabutan ako ni Marlon ng tissue.

"Ano pakiramdam ses? Ngayon nabasbasan kana? Ano mabigat paba ang nararamdaman mo gusto mong umulit pa tayo?" natatarantang tanong ni Marlon.

"Akala ko ba basbas lang? E ba't parang pinaliguan na ako." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Tara sa labas tayo magtitirik naman tayo ng kandila." Aya ni Andi sa amin at sumunod kami sa kanya.

Sa kabilang side naman kami dumaan palabas ng simbahan. Sa labas kapansin pansin ang malaking outdoor tv screen para sa mga hindi makakapasok sa loob at mapapanuod parin ang misa. Makikita rin ang iba't ibang klaseng paninda sa likod ng simbahan. May sasalubong sayo para alukin ka ng sampaguita, rosary, bracelet, malalaking plastic bags, pang tanggal ng bara ng lababo o kubeta, lason sa daga, naglalagay ng mga tempered glass ng mga cellphone pati na rin raincoat para sa mga nag momotor.

'Para kaming nasa Divisoria!'

May mga binebenta ding replica ng Poong Nazareno, Mama Mary, Sto. Nino at ibat ibang santo na makikita mo sa altar. Nakaagaw ng atensiyon namin ang Aling nagtitinda ng iba't ibang kulay ng kandila kaya agad kaming lumapit dito.

Kandilang sari-sari ang kulay para sa iba't ibang mga pakay. Pula para sa pag-ibig, Itim sa kaaway, Puti sa pasasalamat, Berde para sa masaganang kita. Mayroon ding Asul para sa kapanatagan ng loob, Pink sa hindi tiyak na kadahilanan, at iba't iba pang mga Neon na kulay sa marami pang pangangailangan at hiling. Maaari ding dikitan ng mga hugis taong kandila at kasabay na ipalusaw sa ningas para mas matalab daw at mas mabisa.

"Ate magkano po ang isa?" Magalang na tanong ni Marlon sa aling nagtitinda habang namimili ng kulay ng kandila.

"Singkwenta lang alin ho ba diyan?" Tanong niya sa amin kaya nagbasa ulit kami kung anong kulay ang pipiliin namin. Nagsisikuhan pa kaming tatlo habang natatawang pumipili. Nakakahiya halatang mga first timers.

"Ako po yung halo halo ang kulay." nakangiting sagot ko at inabot ang bayad sa Aling nagtitinda.

"Ako namam po yung kulay asul, para sa kapanatagan ng loob."at napapahawak pa sa dibdib si Marlon.

"Nay ako yung Pula." Biglang singit ni Andi at napatingin kami ni Marlon sa ulit sa papel na may description ng bawat kulay.

'Pula, para sa taong..'

"Ahh para sa taong iniibig mo."nakangiting pagtatapos ng tindera sa nakabitin salita sa isip ko. Feel na feel naman ni Andres ang pagtango.

"Bakit hindi namin alam na may iniibig ka ses? Ikaw ah lumaki lang ng ganyan ang katawan mo nag lihim kana." At siniko siya ni Andi.

"Tigilan niyo ko ipagtitirik ko kayong dalawa ng itim na kandila." Pinandilatan niya kami. Sinilip ko ang kahulugan kapag itim na kandila ang ginamit. Creepy!

Inaantay lang namin matunaw ng kalahati ang mga kandila saka naglakad para tumingin sa ibang nagtitinda sa paligid.

"Mga sis, ano hanap niyo?" Biglang lapit sa amin ng babaeng full pack ang make up sa katirikan ng araw. Nagkatinginan kaming tatlo at alam kong nagpipigl lang sila ng tawa. "Gayuma ba? Meron akong tinda sobrang epektib mga sis mabentang mabenta 'to sa mga kagaya niyong tin-edger!"

'Ano daw tin-edger?'

"Eto, inabot niya kay Marlon ang puting bato. Mainam yan na anting anting para iwasan ka ng mga kaaway mo." Nanlaki bigla ang mata ni Marlon sa sinabi ni Ate.

"M-Magkano po yan momshie?" At nag ningning ang mata ni Ate. Dahan dahang itinaas sa ere ang puti bato at parang may sinasambit na Latin words at tumirik ang mata na parang na posses ng ligaw na isipiritu na naligaw sa Plaza Miranda.

"Porti pisos lang yan sis." At sabay abot kay Marlon na parang walang nangyari sa kanya kanina. Walang nagawa si Marlon kundi iaabot ang bayad niya. Patola!

"Kapag nilunok ko po ba 'to magiging makapangyarihan po ba ako?" mahinang bulong niya sa tindera pero dinig naman namin ni Andi.

"PLUUK!" magkasabay na lumanding ang mga palad namin sa batok ni Marlon.

"Para sa porti pisos naghanap ka pa ng powers? Ambitious!" natawa ako bigla sa sinabi ni Andi.

Nabaling namang ang tingin ni Ate kay Andi. Kusang gumalaw ang mga kamay ni Ate sa paninda niya. Nangangapa. Nagkakalabugan parang may kinakalkal sa maliit na itim na baul. May inilabas itong kwintas na may maliit na pendat na hugis bote.

"Yan ang pinaka epektib naming gayuma. Sa pamamagitan niyan mahahatak mo ang atensiyon ng taong iniidolo mo o pinaka sisinta mo." Inabot niya ang kwintas kay Andi na tulala parin sa sinasabi ni Ate.

"M-Magkano po yan m-momshie?" Nauutal na tanong ni Andi. Jusme! Kawawang Kenneth James Ang mabubudol pa ata ng isang Andres Bolivar Jr.

"Eyti pisos lang sis." at inabutan ni Andi ng wanhandred si Ate.

"Loida! May beyn-ti ka?" Sigaw ni Ate sa katabi niyang tindera ng mga halamang gamot at ng iabot binigay kay Andi ang sukling beyn-ti.

"Ikaw iha." biglang nabaling ang atensiyon niya sa akin at umling iling ako.

"Okay lang po ako.." natatawang sagot ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Mabilis siyang humarap sa paninda niya at may hinahanap sa loob ng bayong.

"Ito ang para sayo." biglang abot niya ng isang boteng may kulay brown na likido sa loob.

"A-Ano po yan momshie." Nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa bote ng lapad.

Luminga linga muna ito sa paligid. "Halika kayong tatlo." Tawag niya samin at lumapit kami sa kanya na halos magkakadikit na kaming apat. "Pamparegla yan.." Seryosong bulong niya.

At biglang bumulwak ng malakas ng tawanan si Andi at Marlon sa sinabi ni Ate.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ng dalawa kaya lahat ng namimili sa paligid napalingon sa direksiyon namin. Gusto ko ring matawa kaso napangunahan ako ng hiya sa mga nakatingin sa amin.

"Hindi na ho momshie, irregular po talaga ang regla ko." Sabay hila sa dalawa at linayasan na namin yung etchuserang tindera. Hindi pa rin sila magkanda ugaga kakatawa habang naglalakad kami papalayo.

"Grabe si momshie akala ko naman kapangyarihan ang ibibigay sayo pamparegla lang pala." ang sarap tapalan ng dahon ng Pito-Pito ang bibig ni Andres sa lakas ng boses niya.

"Buti nga hindi pampalaglag yung ibinenta sayo seshie, i swear maglulupasay talaga ako sa katatawa!" maluha luhang sabi ni Andi.

"Tokshit yun si Ate, akalain mo yun itinaas lang yung bato mo sa langit nalaman na niya yung presyo ng anting anting mo, Amazing stories!"

"Truth! Pero wala namang mawawala kung maniniwala. He he he!" ngiting tugon ni Andi at napangiwi naman ako sa kanya.

"Magpahula naman tayo please nabasa ko sa mga blogs sikat at dinarayo ang mga manghuhula dito sa Quiapo." Si Marlon habang hinahanap ang cellphone sa bag niya.

"Ay bet ko yan seshie, huwag kang KJ Luis Manzano ngayon lang kami lumamang sayo magparaya ka." Natatawang singit ni Andi at nginusuan ko lang siya.

"Wait mga ses, mag NYELPI tayo sa harap ng Quiapo Church ipo-post ko sa IG at FB ko laters." Habang inaayos ang phone sa monopod niya.

At nagpicture kami sa harap ng simbahan, sa harap ng mga nagtitinda ng kandila sa mga Santo pati na sa mga batang nagbebenta ng kung anek anek sa Plaza Miranda.

"Tama na para naman tayong mga turista kung makapag selfie." Reklamo ko sa dalawa.

"Tara na magpahula na tayo." At hinila ako ng dalawa sa gilid Plaza Miranda. Kung saan makikita ang magkakatabing manghuhula sa Quiapo. Mayroon lang silang maliit na mesa at upuan sa harap nila. May malaking payong na tumatabing sa init ng araw pero dahil marami ng nakatayong mga gusali sa paligid malilim na ang kabuuan ng Plaza Miranda.

Sa dami ng tumawag sa aming manghuhula napagkasunduan naming magpahula sa pinaka mukhang weird o kakaiba sa lahat ng naroon. Nadala na kami sa mga Ateng na makakapal ang make up na mas echusera pa sa aming tatlo.

Nilapitan namin ang isang matandang natutulog. Pag upo ni Marlon biglang dumilat ang kanyang mga mata. Hinawakan ang baraha at mabilis itong binalasa. Nakatingin lang siya kay Marlon. Hindi siya nagsasalita kaya nagkatinginan kaming tatlo sa sobrang pagtataka.

Nilapag niya ang mga tarot cards ng patalikod sa mesa. At sinenyasan niyang pumili si Marlon ng isa. Bumunot si Marlon ng isa card at nilapag sa mesa. Dinampot ito ng matanda at ipinakita ang baraha.

"THE JUSTICE - isang madilim na kahapon ang pilit na bumabalik sa kasalukuyan. Huwag mong hayaang maulit ang isang bagay na na nangyari noon. Bagkus iwasan na hindi maulit at dapat na ma solusiyonan. Nag desisyon kang lumaban kaya dapat mo itong panindigan. Maraming uri ang katapangan at ang ginagawa mong pagharap sa suliranin ay makakabuti para sa iyong kinabukasan." Walang ka emo-emosiyong sambit ng matanda habang seryosong naka harap kay Marlon. Paulit ulit na napalunok si Marlon habang nakikinig sa sinasab ng matanda.

Muling binalasa ng matanda ang baraha at muli niyang inilapag ang tarot cards sa mesa. Tinitigan niya si Andi at sinenyasang pumili din ng isang card. Nag aalangang dumapot ng isang card si Andi saka iniabot sa matanda.

"JUDGEMENT - isang pangyayari ang susukat sa kakayahan mong husgahan ang tama at mali. Malalaman ang mo kahalagahan ng isang kaibigan sa oras ng pangangailangan. Huwag mong husgahan ang isang pangyayari dahil sa iyong nakikita bagkus mas kailangan ng ito ng matinding pang unawa. Hindi lahat ng nakikita ng ating mga mata ay palaging tama dahil kadalasan kung ano ang iyong nakikita iba ang interpretasyon ng puso at isipan na kadalasa'y hindi tumutugma."

Mabilis niyang binalasa ng paulit ulit ang baraha. Ngunit sa pagkakataong ito hindi niya inilatag ang baraha. Bumunot siya ng isang baraha sa gitna at inabot sa akin. Dahan dahan kong binuksan ang baraha at inilapag sa ibabaw ng ibang tarot cards.

"The L-Lover's?" mahinang tanong ko sa matanda at parang may biglang bumara sa lalamunan ko dahil sa card binasa ko. Napalunok ako ng paulit ulit.

"Sinasabing ang card na ito ay senyales ng isang bagong pag-ibig. Maaring bagong pagibig o dating pagibig. Alinman sa dalawa ikaw ay magiging masaya. Ngunit hindi magiging madali ito para sa inyong dalawa. Hindi lahat ng nakatakda ay itinadhanang magkasama."

"Ano pong ibig sabihin nun?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Baka sa susunod ninyong buhay o sa nakaraang buhay kayo ang magkasama."

"Pasensiya na po 'nay medyo naguguluhan po ako sa sinasabi niyo." Nahihiyang sambit ko.

"Marahil mali sa paningin ng iba pero ang mahalaga naman ay ang nararamdaman ng bawat isa. Hindi kayo kayang paglayuin ng tadhana ngunit sa bawat pagsasama niyo maraming bagay ang mawawala sa ayos kaya ito lilikha o magdudulot ng sakit sa inyong dalawa."

"Ano po ang dapat niyang gawin?" Lumapit pa si Marlon sa matanda.

"Gabay lamang ang mga baraha sa buhay na tatahakin ng bawat isa sa kasalukuyan at hinaharap ngunit wala namang masama kung kayo hindi kayo maniniwala. Kayo lang ang may kakayahang baguhin ang nakatakda nasa inyo na kung pipiliin niyong daan. Kung pakanan ba o pakaliwa." Hindi kami nakapagsalita sa lahat ng sinabi ng matandang manghuhula. Ang weird sa pakiramdam hindi ko ma explain.

Matapos niyang sabihin ang kahulugan ng bawat tarot card na napili namin mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi namin alam kung magbabayad ba kami o hindi. Pero inilapag lang namin sa mesa ang 500 pesos at inipit sa ilalim ng mga tarrot cards niya.

Hindi ako naniniwala sa mga hula dahil para sa akin ang hula ay isang gabay lamang sa mangyayari sa kasalukuyan at sa hinaharap. Walang kasiguraduhan pero may tsansang manangyari.

Tayo parin ang makapag papasiya at makapag sasabi kung ano mangyayari sa buhay natin hindi ang baraha. Pero kakaiba ang dating sa akin ng hula ng matanda kinikilabutan ako bigla. Creepy.

Masiyadong tumugma sa kasalukuyan kong nararamdaman. Wala akong idea kung ganun din ba ang nararamdaman ng dalawa kong kasama pero sa reaction nila mukha tumugma din sa kanila ang mga barahang nabunot nila.

Nagkayayaan kaming magpunta ng SM Manila para kumain at magsaya sa natitira pa naming oras. Kumain lang kami sa isang Chinese Restaurant.

Kanina ko pa napapansin na tahimik ang dalawang kasama ko simula nung matapos kaming magpahula sa Quiapo. Hindi ko alam kung pagod o gutom lang sila kaya sila tahimik pero kakaiba talaga eh. Ngayon habang kumakain kami at nakapag pahinga wala pa ding nagbabago.

"Hoy mga bakla, may problema ba gusto niyo na bang umuwe?" at sabay silang nag angat ng tingin sa akin.

"W-Wala naman nag iisip lang ako kaya ako tahimik. Ewan ko kay Andi baka natatae yan kaya nanahimik." birong sagot ni Marlon kaya parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Marlon.

"I'm fine seshie, pero hindi ba kayo napapaisip dun sa hula natin kasi ang weird kasi sa pakiramdam after niya tayong hulaan kanina." matamlay na tugon ni Andi.

"So, yun naman pala ang problema? Dinadama niyo yung mga hula sa inyo, ganern?" Huminto ako sa pagkaen at tinitigan sila at nagkibit balikat lang sila.

"May aaminin ako sa inyo mga ses. Sana huwag kayong magagalit okay?" at sabay kaming napatingin kay Marlon na biglang nagseryoso.

"O-Okay." Nagtatakang sagot ko sa kanya.

"Naalala mo si Janette ses Lucky? Yung ipinakilala ko sayo noong nakaraang araw nung time na inaantay natin matapos bumo-e si Andi?" Napatingin si Andi kay Marlon.

"Oh, bakit dyowa mo si Janette?" birong sagot ko at natawa si Andi habang umiinum.

"Seryoso na ses, kainis kayo!" at sumandal siya sa upuan niya at sinenyasan ko siyang ituloy ang kwento.

"Kasamahan ko si Janette sa school newspaper at sa ilang blog sites sa Carlisle. Lahat ng mga impormasyon na alam ko ay alam din nila. May mata at tenga kami sa bawat sulok ng Carlisle kaya hindi kami nahuhuli sa balita. Pro Students kami kaya lahat ng balita about sa mga binu-bully na students ibinabalita namin sa blog site."

"Taray upgraded na pala ang pagiging tsismosa mo seshie, to the highest level!"

"Oh, anong kinalaman ng confession mo sa grupo niyo?" usisa ko.

"Ayaw nilang sumasama ako sa inyong dalawa ni Andi." Nakayukong sagot niya.

"W-WHAAAATTT?!" Napasigaw si Andi sa sinabi ni Marlon.OA ng baklang 'to.

"I'll explain makinig muna kayo." Awat niya kay Andres.

"Natatakot kasi silang madamay ako sa iringan niyo sa grupo nila Amber at MJ. Kilala ng lahat ang dalawang yun sa pagiging Mean Girls ng Carlisle. Lahat ng students na sumubok banggain sila ay nawala sa campus. At kasama nadun ang kapatid ko.." malungkot na kwento niya.

"Kapatid mo? Akala ko nasa States yung kapatid mo?" Nagtatakang tanong ni Andi.

"Oo nasa States na siya nag aaral. Nagsimula lang yun nung aksidente siyang mabangga ni Kenneth sa campus nung 2nd year kami. Naging close sila ni Kenneth for a while and one day hindi na pumasok si Ate Sheila."

"Dahil kay Amber." sagot ko at tumango si Marlon.

"Anong ginawa niya sa Ate mo seshie?" Nagtatakang tanong ni Andres. Sa kadaldalan nilang dalawa mukhang hindi pa nila napag uusapan ang bagay na ito.

"Ayon araw araw lang naman siyang binu-bully ng grupo ni Amber pero tiniis niya lang hangga't kaya niya pa. Kaso yung pinakahuli at malalang ginawa nila ay ang inabangan siya ng mga di kilalang mga gangster sa labas ng school. Umuwe siyang puro galos at pasa at sira sira ang uniform. Ilang araw siyang hindi makausap nila Mommy at Daddy dahil sa trauma. Kaya napilitan silang ipadala nalang sa US si Ate Sheila para doon magpagaling at kalaunan dun na din siya nagpatuloy mag aral."

"Grabe, paano niyo nasabing ang grupo ni Amber ang may gawa nun kung sa labas ng school nangyari yung insidente?" Pang uusisa ni Andi.

"Natandaan niya yung school uniform nung mga students na bumugbug sa kanya." Walang emosyong sagot ni Marlon.

"Uniform ng dating school ni Amber?" naghihinalang sagot ko at nanlaki ang mata ni Andi sa sinabi ko.

"Hindi ses. School uniform ng dating school ni MJ. Sa London nag aral si Amber bago siya mag transfer sa Carlisle." Natulala kami ni Andi sa sinabi ni Marlon.

"Tsk. Kahit kailan mahilig talaga siyang pumapel." Mahinang sambit ko.

"Kanang kamay ni Amber si MJ remember?"

"Ginusto ng parents kong lumipat ako ng ibang school pero pinaglaban ko na mag stay lang sa Carlisle kahit anong mangyari. Kaya simula noon sinikap kong makasali sa school newspaper at ibat ibang blog sites sa Carlisle. Hindi ako nagiisip na maghiganti sa ginawala nila dahil nangako ako sa parents kong hindi ako gagawa ng ikasasama ng loob nila. Nag stay ako dahil gusto kong makahanap ng tiyempo na kapag bumagsak ang grupo nila nandun ako para pagtawanan sila." Nakangiting sagot niya at wala ni isa sa amin ni Andi ang nagsalita.

"Sorry to hear that seshie. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa shupatembang mo."

"Mas malala pa pala sila sa inaasahan ko. Sa bagay ganyan naman yang silang mayayaman eh ginagawang laro o biro ang lahat ng bagay." Mapait na sagot ko.

"Kaya nga ses Lucky, simula nung Volleyball Competition nakahanap ako ng superhero sa pagkatao mo. Nagawa mo akong iganti sa kanila pa isa isa lalo na kay Amber at MJ na alam kung sobrang napahiya nung araw na yun." Natatawang kwento niya at napangiti lang ako dahil sa alaala.

"Thank you being honest Marlon. Matindi nga yan. Actually may oras pa kayo ni Andi na iwasan ako habang maaga para hindi kayo madamay sa gulo namin ni Amber at Mj." Seryosong sagot ko sa kanila na ikinalaglag ng panga nila ni Andi.

"W-What NO WAY SES! Nag decide na ako para sa sarili ko. Kung iiwasan ko ang problema wala akong mare-resolba. At sino naman ang nagsabing hahayaan kong mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko?" mariing tanggi niya.

"Lucky, hindi ka namin iiwan. Ngayon pa ba na sobrang lapit na natin sa isa't isa. Sa laki kong to sa tingin mo matatakot ako sa kanila?" sing taas ng pangarap niya ang pagtikwas ng kilay niya.

"Mapapahamak lang kayo pareho sa kagagahan niyo. Hindi ako takot sa mga yun dahil sa dati kong school ako ang bully. Nagkataon lang na nag a-adjust pa ako sa Carlisle at kailangan kong pahalagahan yung perang ibinabayad ni Nanay at Kuya sa tuition fee ko kaya kailangan kong mag bait baitan at sunod sunuran sa kanila." at huminga ako ng malalim. Hindi ko alam ang kahihinatnan ko sa Carlisle lalo ngayong alam ko kung gaano karumi lumaban si Amber at MJ. Hindi ganito ang inaasahan ko mas malala pa sa inaasahan ko.

"Bakit pala ses hindi ka takot sa mga yun? Grabe naalala ko yung mga nasagap kong balita noon na basag daw si Amber sa pakikipagsagutan sayo dati."

"Anong nakakatakot dun sa payat niyang yun kaya ko siyang isabit dun sa punong tinatambayan natin." Mayabang na sagot ko.

"Hindi pa kasi kilala ni Lucky si Amber kaya nga akala ko noon kapag ipinaliwanag ko kung sino talaga si Amber magbabago ang isip niya. Pero wala lumala lang ang saltik nitong kaibigan natin." Dismayadong sagot ni Andi.

"Eh paano kung sakaling pa abangan ka ng grupo ni Amber gaya ng ginawa nila kay Ate Sheila hindi ka makaka laban ses, kaya ang maganda ay iwasan natin ang gulo at mamuhay tayo ng normal na mga estudyante." suhestiyon ni Marlon. Sa aming tatlo si Marlon ang pinaka matatakutin at mahina ang loob.

'May punto siya pero sa saltik ng mga yun malabo mangyari yun hanggat nakakadikit ko si Kenneth at Wesley.'

"Umiiwas naman ako sila lang talaga 'tong pilit na pinagsisiksikan ang sarili nila sa akin parang yung baliw na si MJ." inis na sagot ko. Hindi ko talaga maintindihan kong saan niya hinuhugot ang matinding galit niya sa akin 'e wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Eh paano nga kung abangan ka nila sa labas ng school? Kami ni Marlon may sasakyan kami pareho. Pero ikaw ang iniisip namin dahil nag ko-commute ka lang." mahinang sigaw ni Andi.

"Tss, subukan lang nila kahit sampu pa sila basta pa isa isa kaya ko silang itumba." Direchong sagot ko at napanganga ulit sila.

"Ewan ko sayo Lucky Gonzaga!" sabay irap ni Andi.

"Basta kapag may chance na sumugod ulit sila huwag na kayong sumali. Para hindi kayo madamay lalo ngayong mainit ang mata nila sa atin lalo na sa akin."

"Basta seshie, hinding hindi kita iiwan sa ere pangako yan. Kahit isumpa nila ako sa bahay at ipatapon sa malayong isla sa Samar deadma na!" seryoso si Andi pero hindi ako papayag na madamay siya sa gulo. Kakayanin ko 'to mag isa tutal ako lang naman ang kailangan nila.

"Ako din ses, you have our back. Me and Andi. Walang iwanan kahit ma- jumbag akesh!" At nagtawanan kaming tatlo.

"Truth seshie ngayon paba na malapit na ang fieldtrip natin excited na ako para sa ating tatlo!" masayang tugon ni Andi.

"Fieldtrip natin?" Nagtatakang tanong ko at nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.

"Ahh seshsie, may isa pa pala kaming confession.." Kinakabahang sagot ni Andi at parang alam ko na.

"Ses Lucky. Ano ahh.. kasi yung ano.. naano na.. inano namin yung ano.." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Marlon.

"ANO NGA YUN SABIHIN NIYO NA PAG UUNTUGIN KO KAYONG DALAWA!" Sigaw ko sa kanila.

"Bayad na yung contribution mo nung friday pa. Kaya kasama na yung mga name natin sa list ng students na kasama sa Baguio." mahinang sagot ni Andi.

"Paanong bayad eh hindi naman ako nagpalista at isa pa wala akong TRENTAMIL para sa fieldtrip na yan!" Singhal ko sa kanila kaya napainum ako ng iced tea dahil nag init agad ang bumbunan ko.

"Nag ambag kami ni ses Andi para makasama ka. Please huwag ka ng magalit ses gusto ka lang naming makasama doon." Natatawang sagot ni Marlon.

"Ako ba talaga o yung dalawang kulogong yun ang gusto niyong makasama?!" pinadilatan ko sila. Kilala ko kati ng dalawang 'to e. Basta talaga lalake marami silang naiisip na paraan.

"Pareho, alam mo namang package deal kayo ng mga yun eh. Kung nasan ka malamang nandun yung dalawang pogi na yun." Kinilig na kwento ni Andi. Wala na akong magawa kailangan kong samahan 'tong dalawa baka ano pa ang gawin ni MJ kapag wala ako. Sigh.

"Ipag paalam niyo ko sa bahay!"

"Tapos na kanina sinabi na namin kay Tita El at Kuya Jiggs pinirmahan na nga yung waiver mo oh." at itinaas ni Andres yung waiver na may pirma ni Nanay habang tumatawa.

''HesusMariaJosep! Kaya siguro ang aga nila sa bahay kanina!'

To be continued...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C35
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous