Télécharger l’application
41.26% Lucky Me / Chapter 26: LUCKY TWENTY SIX

Chapitre 26: LUCKY TWENTY SIX

CHAPTER 26

LUCKY'S POV

"G-GOOD MOOORRRRNNNIIIING GONZAGA'S!" puno ng siglang bati ko sa kanila pagpasok ko ng dining area. Muntik ng matapon ang iniinum na kape ni Tita Jack sa gulat.

"Abah, mukhang maganda ang gising ni bunso ah." nakangiting bati ni Kuya paglapit ko sa mesa.

"FYI, Tatlo lang kayong Gonzaga dito, Torres ako TORRES!" Mayabang na sagot ni Tita Jack habang nilalapag ang friedrice, hotdog at bacon sa mesa.

"Ikaw na Tita Jack! Ikaw lang ang nag iisang Torres sa pamilyang ito!"

'Katol pah!'

Natawa naman si Nanay at Kuya Jiggs.

"Linawin mo kasi bubungad lang di pa ako sinama sa greetings niya!"

"Drama mo Tita Jack." Sagot ko at sinenyasan niya akong umupo.

"Maganda ata ang gising mo anak?" Nakangiting tanong ni Nanay.

'Maganda ba?'

At nag flashback lahat ng nangyari kagabe. Yung rehearsal namin ni Wesley, yung tawanan namin sa pag LBM ni Andi at yung maiksing kwentuhan namin ni Kenneth. At hindi maalis sa utak ko ang madalas niyang pagtawa at pagbibiro kagabi.

'Kinikilig ako!'

'Kinikilig ka? Pakyu ka gusto mo ng ikatlong digmaang ng makakating babae sa Carlisle?'

'ERASE! Umayos ka Lucky Shane Torres Gonzaga!'

"Lucky anak, bakit natulala ka na?" muling tanong ni Nanay at malisyosong nakatingin naman sila Kuya Jiggs at Tita Jack sa akin.

"H-Huh? Ngayon kasi ang Finals ng Volleyball Intersection Competition ng mga 4th Year 'Nay, kami yung lalaban mamaya. Ha ha ha!" pagak natawa ko sa harap nila.

'Sana 'di ako nahalata.'

"Psh! Ganyan ganyan ka Lu bago mo amining mag ON na kayo ni Jasper Teng." Tatawa tawang singit ni Kuya.

'Yan tayo eh!'

"Si schoolmate mo bang chinito.. na gwapo, matangkad ang dahilan ng mga ngiting yan Lucky?" panunukso ni Tita Jack.

"Tita Jack!?! Wala siyang kinalaman dito okay." Umirap ako at umayos ako ng upo.

"Okay fine 'e di hindi. Nagtatanong lang naman." Nakangiting sagot niya. Makahulugang tumingin si Nanay sa akin at napayuko lang ako.

"Tigilan niyo na yung bunso ko. Mag almusal kana Lucky baka ma late ka na naman sa pagpasok." Si nanay habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Lu, hindi kita mahahatid ngayon maaga ang meeting ko sa mga clients ko." Si kuya habang hawak ang coffee mug niya.

"Okidokie, sanay naman akong mag commute."

"Galingan mo sa game mo mamaya, alam ko namang mamaniin mo na naman ang mga kalaban mo eh." Si Tita Jack

"Naku magagaling din ang makakalaban namin Tita Jack, tatlo silang spiker samantalang dalawa lang kami sa team namin."

"Mananalo kayo malakas ang kutob ko." Very cool na sagot ni Tita Jack.

'Oo Tita Jack manalo matalo may kakain ng bola mamaya.'

Quarter to seven pa lang umalis na ako ng bahay baka matraffic kasi ako. Alam niyo na Friday at rush hour pa. Masuwerte ako dahil mabilis akong nakasakay ng FX kaya nakahinga na ako ng maluwag. Dahil maaga pa umidlip muna ako sa loob ng FX dahil malamig ng aircon.

"E-Excuse me." Naalimpungtan ako sa boses ng lalaking tumabi ng upo sa akin.

Nasa pinakalikod ako na part ng FX. Ako at ang matandang babae lang ang nakaupo sa likod.

'Sa akin pa talaga tumabi sarap sarap ng tulog ko eh.'

"You're from Carlisle?" ulat na tanong niya. Pupungas pungas ang matang napalingon ako sa kanya.

"O-Oo." Saka ko lang nakita yung uniform niya na kagaya din ng suot ko. Hindi ako nagpahalata pero nagulat ako ng makilala kung sino siya.

Si Justin to ah. Yung half Korean half half Samgyeopsal. Charot! Ang sarap niya kasing pagmasdan sa malapitan.

Isa pang sikat na estudyante sa Carlisle Academy. Teka, bakit siya nag FX? Sa Carlisle lahat sila may sasakyan. Ako lang ata ang walang kotse na nag aaral dun. Ano naman ang drama nito?

"How much will i pay for the FX driver going to Carlilse Academy?" nakangusong turo niya sa harap at nalanghap ko yung mint flavor na hininga niya.

'Ay jusko naman nandito pala ang desert sa FX!'

"T-Thirty pesos." Nauutal na sagot ko sa kanya at saka siya bumunot ng pera.

"Have you paid already?" at hindi agad ako nakasagot dahil pinag aaralan ko pa yung kabuuan ng mukha nya.

'Umayos ka bakla, ano ngayon ka lang nakakita ng pogi?'

Grabe wala siyang pores. Baby face ang tangos ng ilong. Amputi puti puti, pula pula ng lips, ang kinis kinis ng balat parang siyang baby. In short hindi sila bagay ni Andi magmumukha silang mag amo kapag magtatabi sila.

"N-Not yet." Mahinang sagot ko at saka siya ngumiti.

"Bakit hindi ka pa nagbabayad?" nagtatakang tanong niya at biglang nanlaki yung mata ko.

'Lintik na to nagtatagalog pala akala ko mapapalaban ako ng inglisan ng ganito kaaga.'

"Malayo pa naman, mamaya masiraan pa tayo minsan kasi hindi sila nagbabalik ng pamasahe sayang naman." Mahinang paliwanag ko yung kaming dalawa lang ang makakarinig.

Natawa naman siya sa sagot ko kaya napangiti na lang ako.

"Lagi ka bang sumsakay ng FX going to school everyday?" Mahinang tanong niya habang tinitingnan ang kabuuan ng FX.

"Most of the time kapag may budget." Habang sinisipat ang relo ko. Maaga pa sana ma-traffic kami o kaya ma stranded kami tapos mga three days kami sa loob ng FX na magkasama.

"I see." Tatango tangong sagot niya. Pumara naman yung matandang kasama namin sa likod kaya lumipat si Justin sa harap ko.

"How about you? First time mo mag commute 'noh?"pang uusisa ko.

"How did you know?" nakangusong sagot niya.

'Huwag mo kong ngusuan ng ganyan ang cute cute mo baka yakapin kita!'

"Well, obviously hindi mo alam kung magkano ang pamasahe and then your not comfortable." Mabilis kong sagot at dahan dahan siyang tumango n aparang sumasang ayon sa sinabi ko.

"And you know all of that quickly just by looking at me?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin.

"YUP!" isang malutong na "YUP" na sagot ko.

"Observant ka pala kung ganun." Sabi niya habang nakapangalumbabang nakatitig sa akin.

'Sa mga gwapo lang. Pero kung chararat ka tutulugan kita promise. Ching!'

"Not really. Pero kapag nag ko-cummute ka sa bus, FX, Trains or Jeeney kailangan mong laging maging alert, maingat at observant sa paligid mo. Baka mamaya nadudukutan kana hindi mo pa alam." Natatawang paliwanag ko sa kanya.

"Then why are you sleeping when i came up?" nakataas ang isang kilay niya. Oo nga 'no? Napakamot ako ng ulo.

'Malamig tsong. Masarap matulog kapag malamig.'

"I'm not sleeping." Umiiling na sagot ko.

"Then what do you call it if you're not sleeping?" kunot ang noong tanong niya.

"Power Nap." seryosong sagot.

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay kaming tumawa.

"YUNG MGA HINID PA NAGBABAYAD DIYAN MAGBAYAD NA!" Parinig ng drayber at napansin kong apat na lang kaming pasaherong natitira sa FX. Isa sa unahan katabi ng driver, isa sa gitna na natutulog at kaming dalawa sa likod.

Bigla kaming nahinto sa pagtawa. Nagkatitigan muna kami saglit at pinipigilan ang muling pagtawa.

"Let me pay---" at iwinagayway ang 1000 peso bill sa harap ko.

'1000, Gusto mong ihagis tayo ng drayber palabas ng FX?'

"Ako na. Libre nalang kita tutal perstaym mo 'e." Dumukot ako ng 100 peso bill sa bulsa ko. "Bayad po Manong dalawang estudyante."

"Why do you have to say we're students? Isn't it obvious?" nagtatakang tanong niya.

"Yeah, but still you need to remind them because we're entitled for a student discount." Nakangiting paliwanag ko.

"Ohh—" naka bilog ang ngusong tugon niya at parang nag iisip.

"And don't pay 1000 bills. Read that—" turo sa maliit na sign board na nakadikit sa liko dng driver seat.

"BARYA LANG PO SA UMAGA." Dahan dahang basa niya at biglang nanlaki ang singkit niyang mga mata.

"Ohh, i'm sorry.." para siyang babaeng napatakip ng kamay sa bibig at nangamot ng ulo sa hiya.

"Its okay first time mo naman, so charged it to experience." Tinapik ko siya sa hita at bigla siyang nag angat ng tingin at nakatingin sa hita niyang hinampas ko.

Tae! Baka isipin niya tsina-tsansingan ko siya!

Mabilis akong nag iwas ng tingin at kahit nasa harap ang tingin ko pakiramdam ko tinititigan niya ako. Sa perephiral vision ko nakita kong nakatitig siya akin ng derecho sa akin.

"I don't wanna sound rude but i just wanna ask you a quick question.." parang nahihiyang wika niya at saka ako lumingon.

"Sure about what?"

"A-Are you a G-Girl or B-Boy?" nag aalangang tanong niya.

"I'm in between." At napanganga lang siya sa harap ko ng makabawi.

"What do yo mean—" Pinutol ko yung gusto niyang sabihin at bigla kong hinawakan ang kanang kamay niya at dinala sa dibdib ko.

At kitang kita ko ang dahang dahang nanlaki yung singkit niyang mga mata. Kung pa paanong unti unting namuo ang luha sa magkabilang mata niya habang namumula siya.

"WHAAATTTT THHHEEE FFFUUCCCCKKKK!" dahan dahang sambit niya pero walang lumalabas na boses sa bibig niya.

At bigla akong tumawa ng malakas sa itchura niya at natawa nadin siya habang namumunas ng luha. Pulang pula siya sa sobrang hiya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas tawa ko sa likod ng FX at pati siya nahawa na.

'Siraulo ka tinakot mo yung bata.'

Bigla ko tuloy na alala si Andi dahil sa ganung paraan din kami nagka kilala.

"Now you know!"

"How come?! I thought you're a girl, 'coz you look like one obviously." Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya. Pinapalaki naman niya masiyado ang ulo ko. Hehehe! "And for a second thought, i was actually thinking if you're a lesbian." At ngumuso siya.

'Tibo agad? Di ba pwedeng boyish muna?'

"I'm gay." Derechong sagot ko at nakita kong ngumiti siya ng matamis.

"Im Justin Kwon by the way." Pakilala niya at kusang inabot ang kamay ko at nakipag handshake.

"Im Lucky Gonzaga. Nice meeting you Justin Kwon."

"Just call me Justin."

"Justin it is.."

Sabay kaming bumaba sa FX at tumawid papuntang school.

"Nasan ang kotse mo at bakit nag commute ka?" tanong ko habang tumatawid kami sa pedestrian lane.

"My car brokedown on my way here. Pina tow ko papadaan ko nalang sa driver namin mamaya sa talyer." Malungkot na kwento niya.

"Sorry to hear that. You don't have to be sad atleast once in your life na experience mo ring mag commute kahit isang beses lang."

"Thanks to you 'coz you taught me how." At kumindat siya. "And besides kung 'di ako nag commute hindi kita makikilala." At nginitian ako ng pagkakagwapo. Lintek na mga Koreano 'to lakas ng mga dating!

'Jusmiyo kung nandito ang baklang Marlon at Andi maiihi sila sa kilig.'

Hindi na ako sumagot sa hiya. Ninamnam ko nalang ang minutong kasabay ko siya maglakad. Ang dami niyang kwento kaya nakakaaliw siyang kausap. Nalaman ko ring sa Intramuros lang siya umuuwe. Nagkahiwalay lang kami pagpasok ng campus at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa.

ANDI'S POV

Hi there Girly, Gay, Guys! I'm back again. After ng nakakahiyang eksena ko last night ang walang humpay na pag LBM ko nakauwi naman kami ng matiwasay ni Lucky. Pero hindi ako tinantanan ng sumpa pagdating sa bahay.

"Oh, Andres bakit ngayon ka lang? Ikaw napapansin kong palagi ka nalang ginagabi ng uwe?" si Ate Lhen ang nakakatanda kong kapatid at isang Bank Manager.

"Hi Atashie (yun ang tawag ko kay Ate) kasama ako sa rehearsal ni Lucky ako kasi ang nag su-supervise kasi ako ang pinag re-report ng advsisor namen sa progress ng number nila."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nag bu-bulakbol dahil malilintikan tayo kela mommy at daddy." Naniniguradong tugon ni Ate Lhen. Siya kasi ang tumatayong guardian ko dahil nasa province ang both parents namin. Single pa si Ate choosy kasi masiyado 'e hindi naman gaanong nagkakalayo ang itsura namin. Char!

"Atashie ako pa ba? Hello ang sipag sipag ko kaya!" eksaheradang sagot ko. "Maygad! Pati nga mga homeworks ng mga kaklase kong lalake ginagawa ko na matawag lang akong masipag!" pagmamayabang ko at tinawanan niya lang ako. At bigla akong napahawak sa tiyan ng maramdaman kong kumulo nanaman ang tiyan ko.

"Oh sige na kumaen ka na at marami akong tatapusing paper works mauuna na ako sa taas." Pag aalis niya saka ako nag madaling umakyat ng kwarto ko para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko.

KINABUKASAN

Ang aga aga ko sa school at wala pa ang mga bakla. Maygad! Ayokong mabengga ng mga Amasona or Pink Rangers ng ganito kaaga. Dinukot ko ang phone ko at denial ko ang number ni Lucky. Napangiti ako ng makita kong naglalakad si Justin sa campus at kumakaway pa sa mga students na nagtilian na sumalubong sa kanya habang naglalakad siya mag isa.

'Ay sarap ng breakfast ko si Justin agad ang nasa menu.'

"Hello Sesshie, asan ka na?" para akong mauutot habang nakatitig kay Justin.

"Dito na sa loob ng campus. Ikaw?" parang barakong sagot niya. Maygad ang ganda ganda lalake naman umasta.

"Dito na din derecho na ako ng tambayan diyan na tayo mag breakfast may dala akong food." Excited na balita ko sa kanya. Marami akong ipinalutong pagkaen at lahat paborito niya. Reward ko yun dahil "I'm Feeling lucky" mula pa kagabe. Haler! Si Kenneth at Wesley lang naman ang naka bonding ko sino hindi magdidileryo sa kilig.

"Sauce, tapos magtatae ka na naman!" sigaw niya kaya nailayo ko yung phone sa tenga ko.

"Oh sige paalala mo pa ipapasa ko sayo ang sumpa." Ganting sigaw ko.

"Baliw 'e hindi tayo mananalo sa laban mamaya sa mga Pink Rangers!" Mayabang na sagot niya pa.

'Oo ng anoh, kanino ko ipapasa? Kay Corazon? Wheng? Marlon o Olive? Mamaya na nga lang..'

"Tseh!" singhal ko.

"Sige na malapit na ako diyan kapit ka lang! Ha ha ha!" sabay tawa niya at binabaan ako.

'Buti na lang at nadaan sa gamot ang tiyan ko kagabi may laro pa naman kami mamaya.'

Pagdating ko sa tambayan si Lucky palang ang naroon at naka upo na parang tambay sa kanto.

"Oh kamusta ang wetpaks mo, chicharon bulaklak na?" biglang bungad ni Lucky sa akin pag upo ko sa tapat niya.

"Tseh, nahihiya tuloy ako mag pakita kay Kenneth at Wesley ngayon." Malungkot na sagot ko.

"Well BONGRATS manunuod sila ng game natin mamaya." Pang aasar niya.

"Nakakinis ka, sabihin mo next year pa ang laban naten." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Kagabe pa nila ako pinagtatawanan hiyang hiya na talaga ako.

"Ngayon ka pa nahiya 'e halos kumota ang poso negro nila sa isang upuan mo. Ha ha ha!"

"Ikaw Lucky minsan feeling ko insecure ka sa ganda ko?" pagtataray ko. Diba lakas ng loob kong i-spluk yun ng hindi ako nadidighay? Hahaha!

"Ayy Oo Andres madalas.." natatawang sagot niya na ikinatulala ko.

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang usal ko. Uminit ang mukha ko sa hiya.

"Tss! Oo nga pero minsan try mo naman yung taba ang i-iri mo ng mabawasan ang timbang mo?" at tinawanan ako. "Charot lang Andi, i miss you!" sabay bawi din sa dulo.

'Impaktang 'to kahit kelan di ako manalo sa kudaan dito!'

Palibhasa kotang kota ang gaga sa kagwapuhan ng isang Kenneth James Ang.. Wait! Speaking of Kenneth, kapansin pansin ang kakaibang closeness nila Lucky at Kenneth kagabi. Kahina hinala at sa isang iglap komportable na sila sa isa't isa? Dati kapag magkakasama kami parang parati silang magsasakmalam. Tapos kagabe mga seshie mahihiya ang magnet sa biglaang closeness nila. Ibang Kenneth din ang nakita ko kagabi dahil napapadalas ang pagngiti at pagtawa nito.

Nahuli ko rin silang nagbabasaan sa pool akala mo nasa shooting ng isang pelikula. Nag duet lang may something'an na?! At take note magkatabi sila imbes ako o si Wesley ang tabihan niya.

'Sabagay si Wesley suka ng suka, ako naman utot ng utot.. anong choice nung dalawa kundi magtabi at tumawa.'

"Morning mga ses!" masiglang bati ni Marlon at nakipag beso. "Ready na ba kayo sa game of the century?" kaimbyerna mukhang pareho silang maganda ang mga gising samantalanag ako magdamag akong nasa CR dahil sa pagloloko ng tiyanena ko.

"Ako ready na tanong mo yung isa diyan may crack daw yung palasing-singan niya." Natatawang biro ni Lucky.

"Bakit san ka na naman bumuking kagabe! Taratitat ka di man lang nagyaya?!" kunwaring pagtatampo ni Marlon.

"Nag LBM lang ako kagabe seshie." Malungkot na sagot ko.

"Ay taray bagong bar ba yun? Hoy saan yan tara sa rampa tayo dun sa weekend!" Excited na sagot niya.

"Gaga LBM nagtae ako kagabe! Dumikit na nga puwet ko sa inodoro mag iinum pa ako, adik ka ba?"

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" Sabay tawa ni Lucky at dun lang na gets ni Marlon ang sinasabi ko. Lintek na 'to mas malaki pa ang buka ng pores sa jutak niya!

"Sorry ses kala ko may bagong bar kang na discover 'e."

"Oo dun sa kubeta ng kwarto ko, You wanna come and have some party with me tonight, maganda dun magsiksikan tayong tatlo habang may wine glass tayong hawak." Biro ko sa kanila.

"PASS!" si Lucky habang naka takip sa ilong niya.

"Ay join ako magsama ako ng mga boylets!" Si Marlon na nakalimut na naman sa topic.

'Itong si bakla malakas lang ang radar pero mahina ang pick up. Sumisingaw ata ang jutak sa malalaking pores ng peslak niya.'

At nagsimula na ang mga morning classes namin and so far wala namang mga kontrabida na dumaan sa harap ng camera.

Puro mga bidang kontrabida lang..

STARRING:

LUCKY ME GONZAGA III – Sa Pelikulang - "Muning ang Pusang Maharot"

MARLON TRINIDAD SR. – Sa Pelikulang - "Gatas Sa Dibdib Ng Kaaway"

ANDRES BOLIVAR JR. – Sa Pelikulang - "LBM (Los Beki Miserables)"

Ang taray ng mga bida pang world class. Break time tumuloy na kami sa Canteen nila Marlon at Lucky. Naging kadikit namin lalo si Marlon dahil sa paglalaro ng Volleyball kaya madalas lagi na namin siyang kasama sa loob ng campus ni Lucky.

"Hi Andi and Lucky galing niyo sa laban mamaya manunuod kami." Bati ng isang fourth year student na nasalubong namin.

"Galingan mo Lucky! Ikaw ang ichi-cheer namin mamaya!" may dalawa pang student ang lumapit sa amin.

"LUCKY ME FOR THE WIN!" sigaw naman ng mga nasa kabilang table.

"Taray ah may fans na kayo, hindi man lang dinamay pangalan ko!" sabat ni Marlon at natawa lang kami ni Lucky at nagtuloy na kami papuntang counter. Nauna kaming umorder ni Lucky at naghanap na kami ng tagong seats para hindi kami makakita ng mga kaaway.

"Bakit ba kasi nasa sulok tayo?" naiinis na tanong ni Lucky.

"Basta huwag ka na magreklamo nilibre na nga kita ng lunch nagrereklamo ka pa." Sumbat ko sa kanya. Ayoko na kasing magkaroon ng Round 3 yung away kahapon. Hectic ang sched ko ngayon at sumasabay pa yung tiyan ko. Pagod ako at gusto kong mag concetrate nalang sa laban mamaya.

"Oh guys bakit parang ang layo natin sa kabihasnan?" gulat na tanong Marlon at tinitingnan yung pwesto namin sa dulo ng canteen at kami lang talaga yung tao dahil malapit na sa kitchen.

"Ayos na 'to malayo tayo sa gulo ng mga hitad na yun." Palusot ko nalang at nanahimik lang sila pareho.

"Hello.. Hmmm—10PM... Safe naman.. Okay naman maingay na ulet.." saka niya tinakpan yung phone at tumingen sakin.

"Si Wesley hinahanap tayo sabay daw siyang kumaen." Sabi ni Lucky habang tinatakpan ang phone niya.

"Sabihin mo tapos na tayo kumaen seshhh... Nahihiya akong humarap sa kanila ngayon." Pakiusap ko kay Lucky.

"Tapos na kami mag break may tinatapos lang kaming assignment..Sige see you later. Bye!" binaba yung phone sa mesa at tumuloy ulet sa pagkaen. Nakahinga ako ng maluwag.

"S-Si Wesley yun ses?" Parang natuklaw ng Anaconda si Marlon.

"Si Wesley. Si Ongpauco." Balewalang sagot ni Lucky habang kumakaen.

"Kausap mo si Wesley Ongpauco sa phone? Tapos ayaw niyo siyang sabayan mag break?" napapatayong sagot niya.

Sabay kaming tumango ni Lucky.

"UKININAM! Ang gaganda ng lahi niyo MEN!" eksaheradang sigaw ni Marlon at hinila ko siya paupo. Adik 'to mapapa away pa kami sa kaingyan ng bibig niya.

"Huwag kang OA bakla close kami kay Wesley Ongapauco at na meet namin ang parents niya kahapon." Mayabang na sagot ko at inggit na inggit ang itsura ni Marlon.

"Oo sa sobrang close nila "NAKITAE PA SIYA DUN!" sabat ni Lucky.

"Trulily?!" hindi ko ma explain ang itsura ni Marlon. Basta nag open yung pores niya period.

Dahil sa kadaldalan ni Lucky napilitan akong ikwento ang buong eklsena namin sa bahay ng mga Ongpauco. Siyempre laughtrip ang dalawang bakla dahil sa tae-taihang eksena ko.

Masama ba tumae?

Hindi ba sila tumatae?

Ipinagbabawal na bang tumae?

May batas ba sa tamang pagtatae?

Tae! Tae! Tae! Mga anak kayo ng TAE!!!

'Letseng mga 'to kala mo hindi mabaho ang mga utot nampota!'

Bago mag alas tres ng hapon excuse na ang buong klase namin para sa Volleyball Intersection Competition. Inabot na ni Marlon ang lahat ng uniform namin bago lumabas ng klase.

"Number 11 ang nakuha kong number sesshhie favorite ko 'to." masayang balita ko kay Lucky habang nasa CR kami at nagpapalit ng uniform.

"N-Number 9 ako?" dismayadong emote ni Lucky paglabas ng cubicle. Naka bihis na at hindi maipinta ang mukha.

"Nawala sa isip ko ses kung anong number yung gusto mo kaya nilagay ko nalang Number 9. Tutal si Lucky ka, kaya Lucky 9." Natatawang paliwanag ni Marlon na naka bihis na din at nag re-retouch ng foundation niya.

"Number 8 kasi yun ang favorite ko." Nakangusong sagot niya.

"Ayaw mo nun pareho kayo ni Papa Kenneth Number 9." biro ko sa kanya. Gusto kong makita reaction niya kapag binanggit ko ang pangalan ni Kenneth. Bigla siyang natigilan ng kaunti pero bigla din namang nakabawi. Tae 'to wala akong mapigang impormeysiyon!

"Yun nga 'e galing sa malas na nilalang baka malasin din ako." nakangiwing nguso niya habang nagtatali ng buhok.

"Choosy pa ses?" sabi ni Marlon na full pack na ang make up.

"Bakla makapag make up wagas! Ano beauty contest ang sasalihan natin?" puna ko at pinandilatan niya ako.

"Ay hindi ba? Charowwt! I know gusto ko lang mag maganda sa harap ni Papa Kenneth at Papa Wesley sa laban mamaya." Maarting kwento niya.

"Bakit sila ba kalaban mo?" Natawa ako dun sa tanong ni Lucky.

"NGENGELAM! DAGDAG PROTEKSIYON TO PARA KAPAG TINAMAAN AKO NG BOLA SA MUKHA HINDI MASIYADONG RAMDAM YUNG MASAKIT!" birit niya at napatakip kami ng tenga.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Lucky habang nakaturo sa mukha ni Marlon.

"Oh siya tara mag meeting muna sa labas ng mabilis." Umiiling na aya ni Marlon na siya ring Captain Ball namin.

Nakabihis na din ang tatlo pa naming member. Si Corazon na hirap na hirap i-adjust ang shirt sa laki ng hinaharap. Si Wheng na mukhang tomboy na blocker namin. Si Olive na hindi kaliitan ang mata ang libero player namin at ako naman ang setter. Si Marlon at Lucky ang spiker namin dahil magkasing lakas at parehong payat.

"Guys and Gays and shiboli's. Always remember, service, receive and blocking yan ang main focus natin sa laro mamaya." Emote ni Marlon na feeling coach namin.

"Andi dahil ikaw ang pinaka maganda at mataba sa grupo naten, Charoowt! Make sure na sa tamang posisyon ang pagpasa ng bola sa mga spiker natin." Walang reklamong nag thumbs up ako sa kaniya. Obkors may maganda daw ako narinig niyo yun!

"Lilituhin natin ang kalaban kung yun ang kinakailangan. Si Lucky ang alas natin at siya ang main spiker ng Team. Chill lang tayo and be alert at any times. Hindi magiging madali ang laban dahil tatlong lalake din at tatlong babae ang mga players nila." Mahabang paliwanag ni Marlon at tahimik lang kaming nakikinig.

"Sumigaw ng "MINE" kung kayo titirahin ang bola." Sabat ni Wheng.

"As long as kayang habulin ang bola PUSH natin." si Olive.

"Kailangan ng matinding teamwork sa larong ito. Mawawalan ng saysay ang husay ng bawat isa kung wala tayo nun." Seryosong pagtatapos ni Marlon.

"Kaya kayo, kung mag aagawan kayo sa lalake, huwag lang sa bolang ipapasa ko." Biro ni Corazon at natawa kaming lahat.

Sabay sabay kaming naglakad papuntang Gymnasium at nakita naming papunta nadin ang mga students ng Carlisle na gustong manuod.

'Kinakabahan tuloy ako sa dami ng taong gustong manunuod.'

Pagpasuk namin nagulat kami dahil halos mapuno ng students ang buong gym. Anong oras na ba? Mag aalas kwatro na pala. Sa grupo namin si Olive lang ang nag iisang naka white na t-shirt dahil siya ang Libero Player ng team namin. Ang Libero ang tinaguriang all around player dahil siya ang may kakayahang sumalag sa mga palo o tira ng kalaban gaano man ito kalakas. A Libero player may not block, attempt to block, or serve.

Habang naglalakad sa gym sinalubong na naman kami ng mga Pink Rangers. Of course pinangunahan ni Amber na naka neon pink na tanging naiiba sa grupo.

'Ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh.'

"Maaga pa may time pa kayong umatras at sumuko sa laban MOCKINGJAYS." Mayabang na bungad samin ni Amber habang may kawawang student na nagpa-paypay sa tabi niya.

'Mamaya ka magpa paypay sa mga kasama mo pag nahilo ka sa mga masasalo mong bola sa mukha mo.'

"Guys may gusto bang umatras sa inyo sa game?" pasigaw na tanong ni Lucky sa mga team mates namin. Lahat kami sabay sabay umiling. "Oh wala daw. See you nalang sa Clinic este sa Court." banat ni Lucky at natawa

"Tss. HAMBOG ka talaga bakla! At talagang naglakas loob ka pang gayahin ang number ng Jersey ko?" Mataray na sigaw niya at duro niya kay Lucky.

'Hala Oo nga noh pareho pa silang number 9. Tama nga ang siya malas na hatid ang number 9 sa kanya!'

"So?" parang 'di man lang siya natinag sa sigaw ni Amber. "Wala naman nakalagay sa rules na bawal ang may parehong jersey number diba?" walang kagana ganang dugtong niya pa.

"PAGSISIHAN MO ANG PANGGAGAYA SA NUMBER KO!"

"Matagal ko ng pinagsisisihan ang numerong ito. Pero ngayon mukhang ma e-enjoy ko na." ganting pang aasar pa ni Lucky kaya lalong nagliyab sa galit si Amber.

"TANDAAN MO NA SA AKIN PARIN ANG SWERTE AT WALA SAYO!" galit na galit na sigaw ni Amber. Nakakahiya dahil halos nasa gitnakami ng court at lahat ng mata nakatutok sa amin sa gitna.

'May saltik talaga 'to si Amber laging galit sa bakla este sa tao.'

"Baka nakakalimutan mong "LUCKY" ang pangalan ko?" tumalikod pa siya at sadiyang inangat ang damit at tumalikod para ipakita ang naka print na LUCKY sa pwetan niya.

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

"ASTIG!!"

"ANG CUTE PAGAWA DIN TAYO NG GANYAN SA UNIFORM NATEN."

Napakamot nalang ako ng ulo sa mga narinig kong bulung bulungan. Si Lucky ang nakaisip na palagyan ng name ang shorts namin. Gayahin daw namin yung PE uniform nila nung kindergarten pa siya.

"Well for now.. Let's see kung sino sa atin ang karapat dapat magsuot ng NUMERONG NUEVE." pang aasar ni Lucky.

'Ganda ni bakla dun sa linyang yun!'

"ANG KAPAL DIN NA MUKHA MO PARA AGAWIN SI KENNETH NA PAGMAMAY ARI KO!" sigaw niya kaya lahat ng students na nakarinig natameme sa pag iiskandalo ni Amber. Kahit kami natulala sa sinabi niya.

'Ano daw agawin si Kenneth? Kailan nakipag agawan si Lucky sa ex boyfriend niya? May tagas nga ang utak ng babaeng 'to! HALA MAG PINK KAPA TEH! KALOKA KA!'

"Tss.. Sino namang nagsabi sayong nakikipag agawan ako sa Kenneth mo? Huwag kang mag alala dahil may paglalagyan yang KAPRANINGAN mo." Madiin at may halong pagbabantang sagot ni Lucky.

"OO SA PUSO NI KENNETH NA PILIT NA INAAGAW MO!" parang timang na sigaw ni Amber.

"Hindi mali ka.." sarkastikong ngiti ni Lucky.

'Putek pinatulan pa ni bakla!'

"Sa NUEVE DE PEBRERO..." seryosong sagot ni Lucky.

'Abnoy to, Mental Hospital yun sa Mandaluyong diba? Nalusutan niya pa yun? Bwahahaha! Ang brainy namputa!'

At saka nagpaunang maglakad si Lucky at sumunod kaming lahat sa kanya agad. Nadinig ko ang malakas na tawanan ng mga students na nakikinig sa sagutan nila Lucky at Amber.

"BWAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA"

"LAUGH TRIP YUN PARE!"

"TARA NA SA NUEVE DE PEBRERO SAMAHAN NATIN SI AMBER!"

"DIBA SA MENTAL HOSPITAL YUN?"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

'Sige kapag yan mapikon sa inyo sama sama talaga kayong lahat sa kanya dun!'

"Bwahahaha!Aamputek pikon na pikon sayo yung mga Pink Rangers sesshhie!" tawa ko ng malakas pag kaupo namin sa bench.

"Praning siya pati ba naman sa numero makikipag agawan pa ba ako sa kanya?" Ina imbiyernang sagot ni Lucky.

"Wala may mental disorder na talaga yung babaeng yun." Sabat ni Corazon habang nag aayos ng gamit sa bag niya.

"Akala ko may mabubuhusan na naman ng tubig sa inyo eh." Sabat ni Wheng habang nag sisintas ng sapatos.

"Sorry Lucky kasalanan ko kung 'di ko sana nakalimutan yung number mo sana hindi kana napaaway kay Amber." Nakasimangot na wika ni Marlon sa tabi ko.

"Ayos lang atleast nalaman natin kung gaano kataas ang level ng kapraningan ni Barbie!"

Halos sabay sabay kaming napalingon ng biglang naglian at nagkagulo ang mga students sa gymnasium.

"WAAAAAAAAHHHHHH"

"KYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

"OMGEEEEEEHHHHHHHH"

"KENNETH JAMES ANG MAHAL KITA!"

"IDOL! ANG GWAPO GWAPO MO!"

"WESLEEEEYYY ANG CUTE CUTE MO!"

"WESLEY ONGPAUCO YOU'RE THE BEST!"

"WE LOVE YOU KENNETH!"

Sabay sabay sigawan ng mga makikiri kong schoolmates ng pumasok sa gym ang mag pinsan. Todo kaway lang si Wesley sa mga tumatawag sa kanya. Si Kenneth as usual deadma lang habang na nakapamulsa at parang walang naririnig.

Biglang tumayo si Amber ng papalapit ang magpinsan. Buong akala niya hihinto ito sa tapat nila pero nagtuloy tuloy lang sa paglalakad ang dalawa papunta sa pwesto namin. Kaya biglang nagsigawan ulet yung mga nasa likod naming students.

'Juice Colored ang gu-gwapo!'

"WAAAAAAAAHHHHHH"

"KYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

"OMGEEEEEEHHHHHHHH"

"MAYGUUUUUUHHHHHHHDDD! DITO SILA PUMUWESTO!"

"KENNETH! I LOVE YOU!"

"I LOVE YOU WESLEY ONGPAUCO!"

"Hi GUYS!" gwapong gwapong bati ni Wesley sa team namin at kinikilig at nahihiyang kumaway naman mga kasama ko.

"Hi Wesley, Hi Kenneth!" Nahihiyang bati ko sa kanila dahil nalala ko na naman yung ginawa ko kagabi.

"Oh bakit naka Number 9 ka akala ko ba pareho tayo ng number?" gulat at nagtatampong turo ni Wesley sa suot ni Lucky.

'Oo nga noh 8 din pala number ni Wesley nakalimutan ko.'

"No. 8 dapat yan nakalimutan lang ni Marlon kung anong number ko, kaya nanghula na lang siya." sagot ni Lucky.

"Ano ba yan nakakainis ka! Sabi mo kagabe parehas tayo!" parang batang nagtatampo kung maka inarte itong si Wesley.

"Next time babawi ako promise." At kinurot niya sa pisngi si Wesley.

"Sorry na Inday, gusto mo palit na lang tayo ng Jersey kung ayaw mo ng number 9." Guilty na guilty ang itsura ni baklang Marlon. Halo slumubog na nga ito sa kinatatayuan sa naririnig na usapan ng dalawa.

"Tss, deadma na paghuhubarin ko pa ako sa harap ng madlang pips." Natatawang sagot niya.

"Psh!Ssiguraduhin mo lang mabibigyan mo ng hustisya ang favorite number ko." sabat ni Kenneth na seryosong nakatingin sa suot ni Lucky na sesking sexy sa blue shorts na uniform namin. Tinaasan lang siya ng kilay ni Lucky at maya maya sabay silang napangiti sa isa't isa.

'A-Ba!!! ---------------> Ka-Da! E-Ga! Ha-I-La! Ma-Na! Ng-O-Pa! Ra-Sa! Ta-you! Wa-Ya!

Hala, kelan pa sila naging NGITIAN MATES?'

'Nag tae lang ako sa Loyola Grand Villas nag iba na ang ihip ng hangin!'

"Di pa nga ako naglalaro inaaway na ako ng ex mo, asan dun ang hustisya?" Naka ngiwing sagot ni Lucky sa kanya. Umiling lang ito sa narinig.

'Pabebe ka seshie?'

"May the best Number 9 Jersey wins." Nagkibit balikat si Kenneth bago umupo sa bench ng team namin.

"Well, if that's the case, patutunayan ko sayong hindi Number 13 ang malas na number kundi yung Number 9 mo.." Makahulugang sagot ni Lucky at sa iba ibinaling ang tingin.

'YUNG NUMBER 9 MO?'

'YUNG NUMBER 9 MO?'

'YUNG NUMBER 9 MO?'

Nagpaulit ulit sa tenga ko yung sinabi ni Lucky. Saka ako tumingin sa direksiyon ni Amber na nakatayo sa sa gitna ng court na galit na galit na may suot na Number 9 na Pink Jersey.

'Now i know kung sinong malas na number 9 ang tinutukoy niya.'

LUCKY'S POV

Pagdating ng instructor namin sa Gymnasium mabilis na ipinatawag ang lahat ng players at ipinaliwanag ang rules and regulations ng laro.

Nag toss coin ang mga team captains na si Marlon at Russel. Nanalo sa toss coin ang team nila Amber kaya sa court nila ang bola.

"Guys this is it. Yung pinag usapan natin kanina walang nabago. Stick to the plan." Habilin ni Marlon habang nakapalibot kami sa isa't isa.

"GO FIGHT! FOUR MOCKING GAYS!" sabay sabay na sigaw namin saka kami tumawa ng malakas habang pumupwesto sa court.

Nasa front row position kaming tatlo si Marlon, Andi at Ako. Back row position naman sila Olive, Wheng, at Corazon.

"PRRRRRIIIIIIIITTTTTTT!"

Malakas na pito ng referee.

Si Amber ang unang server ng team nila. Ihinagis niya pataas ang bola at malakas itong nag service spike sa ere. Malakas ang ginawa niyang pag serve ng bola dahil sa bilis nito muntik ng 'di masalag ng maayos ni Andi ang service ni Amber. Mukhang malakas si Barbie dahil agad namula ang braso ni Andi sa pagsalag ng bola.

Naipasa niya ng maayos ang bola kay Olive kahit na medyo nahirapan siya. Na itoss naman ni Olive ang bola pataas papunta sa direksiyon ko kung saan nasa labas ako ng court at humahanap ng magandang timing. Sinipat ko muna kung saan ko patatamain ang bola saka ako tumakbo at tumalon ng mataas para i-spike ng walang kasing lakas ang bola.

Mabilis na tumalon ang dalawang lalaking blockers ng kabila team ngunit lumusot lang bola sa pagitan ng mga kamay at braso nila sa lakas ng palo ko. Mabilis na pumasok ang bola sa court nila ngunit mabilis din itong nahabol ng libero. Ngunit sa lakas ng impact ng bola hindi niya ito na control at tumama lang sa balikat niya at bahagya siyang napaluhod kaya tumalsik yung bola palabas ng court.

"GRABBBEEEHH I LOVE YOU LUCKY!"

"GO MOCKINGJAY!"

"ANG GALEENNGGG MO LUCKY!"

"LUCKY IDOL! WALA KANG KUPAS!"

"UMPISA PA LANG YAN NG LABAN PERO ANG INIT NA!"

"KASING GANDA NG LEGS MO YUNG MGA TIRA MO LUCKY!"

Sigawan ng mga classmates ko sa bench. Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Amber dahil sa ginawa ko sa ka team niya. Malakas na pinu-pukpok ng mga students ang bakal sa mga bleachers na nakakadagdag lalo ng ingay sa loob ng gym.

'One down!'

To be continued...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C26
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous