Télécharger l’application
31.74% Lucky Me / Chapter 20: LUCKY TWENTY

Chapitre 20: LUCKY TWENTY

CHAPTER 20

JASPER'S POV

"SURPRISE!!" naalimpungatan ako sa boses ni Lucky at sa unti unting paglubog ng kama. "HAPPY 9th MONTHSARY YUMYUM!" Masiglang bati niya at pinugpog ng halik ang buong mukha ko. Natatawa akong napadilat dahil nasa tabi ko na ulet ang napakakulit na nilalang na nagpapasakit ng ulo ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama at nakita kong maingat niyang inilalapag ang ipinangako niyang bass guitar na ireregalo niya ngayong monthsarry namin. Ang sweet sana kaso nakakainis siya. Mantakin mo hindi man lang niya ako magawang surpresahin. Dahil ba ayaw niya ng sinusurpresa pati ba naman ako idadamay niya? Unfair!

Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa hanggang lumapit ito sa mesa at inaayos naman ang cake na dala niya. Sa dami ng iniisip ko this past few days na wala sa isip ko ang importanteng araw na ito. Today is our 9th Monthsarry. Hindi ko akalain tatagal kami ng ganito sa kabila ng mga on and off na relationship namin.

"Psst!" dahan dahan siyang lumingon habang naka subo ang isang daliri na puro icing ng cake.

'Naughty!'

"W-What's up?" inosenteng tanong niya at sumandal lang sa mesa. Hindi talaga siya lumapit at para siyang batang tuwang tuwang magpapapak ng icing.

"Lumapit ka dito." Utos ko at naiinis ako dahil dine-deadma na naman niya ako.

"Ayaw, hindi ka pa nag tu-tooth brush." At tinalikuran ako. Isang bagay na kinaiinisan ko sa kanya madalas mas matigas pa ang ulo niya kesa sakin. Hindi ko siya basta basta napapasunod sa gusto ko kagaya ng iba.

"Lucky lalapit ka dito o lalapit ka dito?!" sigaw ko habang nakaupo sa kama. Humarap siya at umikot na naman ang mata niya.

'Ang cute cute niya sa tuwing ginawa niya yun kaya madalas nagagaya ko siya.'

"Istorbo kumakaen ako eh." Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Ako hindi mo kakainin? I mean papakainin?" natatawang sagot ko. Ngumiwi pataas ang labi niya na madalas kong pinangigigilan sa tuwing ginagawa niya.

"Maligo ka muna amoy alak ka pa."

"Kiss muna." Ngumuso ako at mabilis niyang tinakpan ng palad niya ang lips ko saka ako tinulak.

'Salbahe, pero yan ang gusto ko lumalaban!'

Isa ng bagay na ikinatutuwa ko sa kanya. Hindi siya clingy type, hindi siya nakikialam sa mga extra activities ko. Sa pag o-online games, pag gimik kasama ng barkada kahit sa mga patakas na pamba-babae ko.

But at the back of my mind gusto ko sanang kabaliktaran siya ng lahat ng yun. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya sakin 'to, ayokong magtanong nahihiya ako. Diba nga dapat matuwa ako dahil sa kalayaang binibigay niya sa akin? Pero hindi ako nakukuntento, minsan iniisip ko kung mahal ba talaga niya ako at kung anong dahilan kung bakit ganyan ang trato niya sakin. Sigh.

Mabilis akong tumayo at hinila siya papalapit at siya naman ang ihiniga ko sa kama at umibabaw ako. Hindi siya nakapalag ng hinalikan ko siya sa lips.

'Lagot kang bata ka!'

Ito ang pinaka sasabikan ko sa tuwing magkasama kami ang halik niya. May kung anong bagay na nakaka adik sa panlasa ko ang bawat pagdikit ng mga labi namin. Ito ang pinakaaabangan kong part sa tuwing nagkakasama kami. Something about his kisses that makes me go crazy overhim. Hindi ako nakukuntento at kung ako lang ang masusunod ayoko ng maghiwalay ang lips mga namin.

"Tama na maligo kana." Hinampas niya ako sa braso ng tantanan ko saglit ang lips niya.

"Isa pa please." Hindi ko alam pero kahit mag mukha akong manyak sa harap niya makuha ko lang ang gusto ko. Ilang araw din kaya akong nagtiis para sa sandaling to tapos titipirin niya pa ako. Tch! Sa huli pinagbigyan niya ako pero hindi ito tumagal ng limang minuto.

"Maligo kana tumatakbo ang oras Jasper." Bumangon siya at muling bumalik sa cake na nasa ibabaw ng mesa. Buti pa yung cake binabalik balikan niya. Kainis!

Bumangon ako at niyakap siya likuran habang pinapapak niya ang gilid ng cake.

"Happy Monthsary YumYum." Padampi dampi kong hinahalikan ang batok niya at humarap siya ng tumatawa. Dun kasi ang kiliti niya.

"Maligo kana aalis pa tayo diba? Sabi mo sa 9th Monthsary natin pupunta tayong Enchanted Kingdom at sasakay tayo ng Rollercoaster?" Naka ngiting kwento niya. Hinila ko siya pabalik sa kama at umupo.

'Oo rollercoaster.. parang love story nating dalawa.'

Alam kong takot siya sa mga rides pero willing padin siyang sumakay basta ako ang kasama niya. Nakakatawa pero ang cute. Mabilis akong naligo at nasasabik na akong makasama siya ngayon buong araw.

Bakit ba hindi ka nalang naging tunay na babae yumyum? Hindi sa may hinahanap akong iba ngunit kung babae ka sana hindi na ako minsan natutuksong tumingin pa sa iba. Pero aaminin kong mahal na mahal ko siya ng higit pa sa inaasahan ko.

Sa kabila ng lahat ng ginawa kong panloloko bumabalik at bumabalik pa din ako sa kanya. Siya yung kaisa isang taong hindi ako iniiwan at handang magpatawad ng paulit ulit kahit alam kong nasasaktan ko na siya. Diyan ako bilib sa kanya at sana hindi siya magsawa hanggang sa huli.

"Nakapag pa reserved ako ng tickets few days ago. Ride All You Can. Sana hindi ako maduwag pag dating natin doon." nakangusong kwento niya habang nagbibihis ako.

"No worries, kasama mo naman ako kaya yayakapin kita kapag natatakot kana." At natawa naman siya sa sinabi ko.

"Paano kung malula at masuka ako habang nakasakay? Nakakahiya." Napapadyak pa ang isang paa niya sa sahig at natatawa akong lumapit sa kanya.

"Di dun nalang tayo sa kaya mo lang."

"Eh paano ka? Hardcore ka kaya pagdating sa mga rides paano ka mag e-enjoy?" bigla siyang humiga sa kama ko. Bigla ko tuloy siyang namiss ko katabi matulog.

Namiss ko siyang kasama sa bahay.

Namiss ko siyang kasama tumawa.

Namiss kong makipag talo sa kanya sa mga mababaw na dahilan.

MISS NAMISS KO NA SIYA SOBRA.

"Kailan uwe ng grandparents mo?" Biglang pag iiba niuya ng usapan.

"Next month na bago mag start yung pasukan nandito na sila ulet." Ginawa niyang unan ang braso ko at umakap sa katawan ko.

"Hoy, next next week enrollment na sabay tayo ah."

"Oo naman sabay tayo." Hindi nakaligtas ang lips niya ng sakupin ko. "I love you Lucky." pabulong na sabi ko.

"I know.." Mahinang sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Huh? Paano mo nalaman?!" kunwaring gulat na tanong ko at kinurot niya ako sa tiyan ng trinaydor ako ng tawa.

"Nagsisisi ka ba na naging tayo?" naging malungkot ngayon ang tono niya.

'Ano na namang nangyayari sa kanya?'

"Of course not. What do you mean by that." iritabling sagot ko. Alam ko kasing kapag ganyan siya ang ending mag aaway kami at uuwi na siya.

"Nothing. Siyempre dahil ako yung una mong nakarelasiyon tapos alam naman natin kung ano talaga yung gusto mo. Iniisip ko napipilitan ka lang pakisamahan ako." bumitaw siya pagkakaakap at sumandal sa headboard ng kama.

'Tss, nakalimutan ko lang monthsary namin ngayon nag emote na.'

"Noong una siyempre hirap akong tanggapin yun dahil never kong naisip na papasok ako sa isang same gender relationship." Matapat na sagot ko.

"Ikaw ang unang boyfriend ko Jasper at hindi ako nagsisising ikaw ang naging una."

"Ako pinagsisihan ko.." at tumikwas ang kilay niya. "Pinagsisisihan ko kung bakit ngayon lang kita minahal at nakilala." At mabilis akong gumapang sa ibabaw niya at hinalikan siya ng hindi niya inaasahan.

Masuwerte lang talaga ako dahil bukod sa nuknukan ng bait si Lucky isa siya sa pinaka magandang mukha na nakilala ko. Kamukhang kamukha niya kasi yung supermodel na si Cara Delevingne. Kaya kahit mga barkada ko gustong gusto siya.

Sa looks hindi papahuli si Lucky sa mga naging ex girlfriend ko. Maganda, makinis, matalino at masasabi kong seksi siya in every kind of way. Yun nga lang mas madalas napagkakamalan pa siyang tomboy kesa bakla. Kahit magsalita siya at lalo na kapag kumanta babae talaga. Isa yun sa mga pinaka gusto sa at minahal ko sa kaniya.

"Alam mo nahawa ka na sa pagiging echusera ko." At sabay kaming natawa ng tantanan ko ang labi niya.

"Tara na baka abutin tayo ng traffic." Inalalayan ko siyang tumayo at magkaakbay kaming lumabas ng kwarto.

Naging sobrang saya ng monthsary date naming dalawa sa Enchanted Kingdom. Kahit na hindi na namin na sasakyan lahat dahil suka siya ng suka. Pinilit niya parin akong sumakay sa Space Shuttle, Air Race at Ekstreme Drop Tower kahit hindi siya kasama dahil alam niyang gusto ko ang ganung klaseng rides. Pero ng mapansin kong may lumalapit sa kanya at nagpapakilala. Mabilis umusok ang ilong at tenga ko kaya sumasakay na lang ako sa mga rides na kaya niya kesa iwan siya at masalisihan ako ng iba. Nag e-enjoy naman akong kasama siya at yun ang mahalaga.

Nakatulog si Lucky habang nasa biyahe kami pauwe. Hindi ko maiwasang titigan siya kapag humihinto kami. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko yung panay suka siya kanina. Masasabi kong naging napakaswerte ko mula ng makilala at mula ng maging kami. Mapagmahal, maalaga at malawak ang pang unawa.

Malapit na kami sa bahay at ipa-park ko nalang sana yung kotse ng may nakita akong babae sa harap ng gate ng bahay namin. Agad akong huminto at nag park mga ilang blocks sa bahay namin.

"FUCK THIS!" mabilis akong napamura ng makilala kong sino yun.

"What's wrong YumYum?" lalo pa akong napamura sa isip ko ng hindi ko sinasadiyang magising si Lucky. Para siyang batang nagpupungas pungas ng mga mata.

"Dito ka lang huwag kang baba. Understand?" Galit na utos ko sa kanya.

At napatingin siya sa labas ng kotse. Bumalik ang tingin niya sa akin ng may halong pag tataka.

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Just do what i say!" malakas na sigaw ko sa kanya ng makita kong kinakalas niya ang seatbelt niya.

"Fine! Do what you want and I'll stay." Padabog niyang sagot at humarap sa ibang direksiyon.

"Dito ka lang promise me na hindi ka lalabas ng kotse." muli kong paalala habang kinakabit ang seatbelt niya.

Hindi siya umimik at tumingin lang sa labas ng bintana.

Nagmamadali akong lumabas at nilapitan ko si Andrea. Ang ex girlfriend ko.

"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko sa kanya paglapit at halatang nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko. Mabilis kong dinukot ang susi ko sa bulsa at hinila ko siya sa loob ng mabuksan ko ang gate.

"H-Hinahanap kita hindi ka na kasi dumaan last night sa bahay. Inaantay kita." Mababakas ang pagkainis sa tono ng boses niya.

"I told you not to see me unless its really important. Sinabi ko naman sayong magtext o tumawag ka lang kung may kailangan ka 'di ba?"

"Saan ka ba kasi galing? Alam mo bang ilang oras na akong nag aantay sayo dito sa tapat ng bahay mo!" sumbat niya kaya napakamot ako ng ulo dala ng inis. Naglalabo labo na kasi ang maraming bagay sa isip ko. Inaalala ko si Lucky baka biglang lumabas ng kotse at itong babaeng kaharap ko.

"Its none of business Andrea. Wala yan sa usapan natin na pakialaman mo kung ano ang ginagawa ko."

"Sinong kasama mo sa kotse? Si Lucky? Tss, Kailan mo balak sabihin ang tungkol sa atin?" mabilis na tanong niya na lalong ikina irita ko.

"Anong sa atin? Walang atin o tayo Andrea. Ang meron lang, yung ako at yung batang nasa sinapupunan mo." Madiin kong sagot at nakita ko yung galit sa mga mata niya.

"Mahal na mahal mo talaga yung bading mo no? Tsk tsk tsk." Umiiling na pang iinsulto niya. "Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag malaman niya ang sekreto mo." Nakapamewang na pananakot niya pa.

"Ano bang kailangan mo sabihin muna at pagod ako." Walang emosiyong sagot ko. Wala akong akong panahong makinig kung iinsultuhin niya lang si Lucky.

"Bakit masama bang makita ang ama ng pinagbubuntis ko?" Mataray na sagot niya na lalong ikinainit ng ulo ko.

Yung bibig mo!

"B-Bu-Buntis ka---?" sabay kaming napalingon sa gulat ni Andrea ng biglang may nagsalita sa gate.

"L-LUCKY--" halos magkasabay na usal namin ni Andrea. Tangena, sinabi ng huwag bababa ng kotse e!

LUCKY'S POV

"Just do what i say!" malakas na sigaw niya sa akin na ikinagulat ko. Bakit ba ang weird nitong mokong na 'to? Buwiset na 'to bakit kailangan pa akong maiwan dito sa loob ng kotse ilang kanto nalang naman bahay na nila?

"Fine! Do what you want and I'll stay." naiinis na sagot ko saka ako tumingin sa labas ng bintana.

"Dito ka lang promise me na hindi ka lalabas ng kotse." naniniguradong utos niya at muling ikinakabit ang seatbelt ko.

**TUG-DUG

**TUG-DUG

Ewan ko pero parang kinabahan ako bigla sa tono ng pananalita niya. Kahit yung abnormal na ritmo ng puso ko naging kakaiba. Sa loob na siyam na buwang relasiyon namin never ko pang nakitang na praning o nataranta ng ganito si Jasper. Napaisip tuloy ako na baka part 'to ng drama niya dahil may gagawin siyang surpresa dahil 9th monthsarry namin? Tch! Malabo alam niyang ayaw ng sinusupresa.

Pisti, pati tuloy ako napapapraning at hindi na mapakali. Nagpalingon lingon ako sa paligid at payapa naman ang paligid. Dahil inborn ang pagiging matigas ng ulo ko naisip kong sundan siya. Kaya kong tiisin ang galit niya mamaya. Ang hindi ko matitiis ang mapraning kakaisip kong anong ginagawa niya.

Maingat at tahimik akong bumaba ng kotse ni Jasper para sundan siya. Nakayuko pa ako habang palhim siyang sinusundan. Nakita kong lumapit si Jasper sa gate ng bahay nila at may hinilang kung sino sa loob.

Muntik na akong mapamura sa pinagtataguan ko ng mamukhaan ko kung sino ang kausap niya. Taena!

Si Andrea ang ex girlfriend niya.

Naging girlfriend niya habang kami pa. Maganda si Andrea aminado ako dun, yung karaniwang mga tipo ng lalake. Petite, tsinita at maputi yung tipo ng babaeng pwede mong ipangalandakan sa iba. Trophy girlfriend ika nga nila. Pero ang dinig ko may pagka maarte at demanding siya. Nalaman ko na sila pa pala nung magti-three months na kami ni Jasper. Kababata at classmates ni Jasper si Andrea noong grade school days nila. Naudlot lang ang lovestory nila ng pumasok ako sa eksena.

Alam ko namang hindi ko masosolo si Jasper dahil pabling o may pagka babaero talaga siya dati pa. With his good looks and talent sinong hindi mababaliw sa kanya. Ako nga lang ata ang nag iisang student sa QCHS na walang interes sa kanya. Nayayabangan kasi ako sa mga kilos niya kapag nakikita ko siya sa campus.

Wala naman akong naging reklamo ng malaman ko ang tungkol sa kanila ni Andrea. Pinapili ko lang siya kung ako o yung babae niya kasi handa naman akong mag giveway. Hindi ko ugaling makipag agawan alam ko rin naman kasing hindi rin ako mananalo. Babae yun hindi pa naman ako ganun tanga. Sa huli pinili niya si Andrea. Keri lang expected ko na naman yun pero isang gabi naabutan siya ni Kuya Jiggs sa harap ng bahay namin umiiyak at lasing na lasing. Ang ending naghiwalay sila at naging kami ulet.

**TUG-DUG

**TUG-DUG

Hindi parin humihinto ang kaba ko. Nagtago ako sa gilid ng gate nila Jasper. Mula sa pinagtataguan ko kita ko parin sila dahil sa railings ng gate at seryosong nag uusap.

"Mahal na mahal mo talaga yung bading mo no? Tsk tsk tsk. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag malaman niya ang sekreto mo." Puno ng sarkastikong sagot ni Andrea.

Anong kabalbalan na naman ang pinagsasabi niya?

"Ano bang kailangan mo sabihin muna at pagod ako." Walang kagana ganang sagot ni Jasper at parang sasabog sa galit si Andrea sa narinig.

"Bakit masama bang makita ang ama ng pinagbubuntis ko?" Mataray na sagot niya at parang may nagpaputok ng labintador sa tenga ko.

Bakit masama bang makita ang ama ng pinagbubuntis ko?

Bakit masama bang makita ang ama ng pinagbubuntis ko?

Bakit masama bang makita ang ama ng pinagbubuntis ko?

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil paulit ulit yung umalingawngaw sa isip ko. May kung anong nakakabinging o nakakangil;ong tunog akong naririnig na kahit magtakip ako ng tenga naririnig ko parin.

Tinakasan ako ng lakas at napakapit ako sa gate. Pakiramdam ko nalugi ako ng milyones. Ang sakit sakit pala sa dibdib kapag pinipigalan mong huwag kang maiyak kahit alam mong anumang sandali bubulwak na yung mga luha mo. Yung dahan dahan sumisikip ang dibdib mo at tuyong tuyo na ang lalamunan mo sabayan pa ng hirap na hirap kang lumunok dahil sa panunuyo ng lalamunan mo.

Tulad ng inaasahan ko nagkarerahang pumatak ang mga luha sa mata mga ko.

At saka ako parang zombie na humakbang papalabas ng pinagtataguan ko.

"Bu-B-Buntis ka---?" Pumiyok ang boses ko kasabay ng pagragasa ng luha ko.

"L-LUCKY--" halos magkasabay na tawag nila at nagulat ng makita ako sa gilid ng gate.

'Oo si Lucky nga. Laking tanga!'

"Lucky anong ginagwa mo dito, i told you stay in my car?!" galit na lumapit si Jasper sa kinatatayuan ko at mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"B-Buntis ka Andrea?" pinilit kong huwag ng mag crack ang boses ko.

"Let me explain Lucky pumasok ka muna sa loob--" hinawakan niya ako sa braso at pilit na hinihila.

"Hindi ikaw ang kausap ko Jasper." Tinitigan ko siya ng masama. Kahit nanghihina ako kaya ko siyang patumbahin gamit ang kanang kamao ko.

"Lucky-- Ahhh.. A-Ano kasi--" at napapatingin siya kay Jasper at mukhang hindi rin alam kung ano ang isasagot sakin.

"OO AT HINDI lang ang sagot sa tanong ko Andrea." walang emosyong tanong ko. Kating kati akong pag untugin sila bago ko sila ibuhol sa bakal na gate.

"OO BUNTIS AKO.." Mayabang at taas noong sagot niya. Pero parang iba ang dating sa akin nung sagot niya. Parang ipinamumukha niya sa harap ko na babae siya at bakla ako. Na nabubuntis siya at dead end ako.

'Tama DEAD END naman talaga ako.'

"At siya ang ama ng batang pinagbubuntis mo?" Biglang nanlabo ang mga mata ko habang nakaturo sa tiyan ni Andrea.

Kingena, anong bang ginagawa ko. Bakit parang tino-torture ko pa lalo yung sarili ko? Wala akong lakas para tumakbo. Tutal nandito na naman ako isang scenario na matagal ko ng kinakatakutan tatalikuran ko pa ba? Face your fears ika nga pero tangena parang hindi ko pala kaya.

"Oo Lucky, si Jasper nga.." Saka tumingin sa direksiyon ni Jasper na hindi mawala ang tingin sa akin. Parang nakagat ng maraming antik sa paa si Jasper dahil hindi na ito mapakali sa kinatatayuan niya.

"Lu, let me explain.." nagmamakaawang sabi niya.

Umiling lang ako. Ang sakit sakit mga bakla! Ibang klase yung panunuot ng sakit. Ang pait pait sa panlasa maglalaway ka sa galit. Pakiramdam ko sa akin nakatarak yung invisible na espada ni Gong Yu sa Goblin.

Sakit na parang gusto mong magpapak o laklakin lahat ng anaesthesia para mamanhid ang buong sistema mo.

'Ito yung klase ng sakit na walang pwedeng makuhang reseta para makabili ng gamot sa botika kahit may Suki Card ka.'

'Ito yung klase ng sakit na hindi kayang gamutin ng "LAUGHTER" na sinabing nilang "THE BEST MEDICINE"

'Ito yung sakit hindi na hindi kayang gamutin ng kahit anong klaseng halamang gamot pa ang ipantapal mo.'

'Ito yung numero unong sakit naming mga bakla. Kanser na unti unting sumisira sa katinuan namin.Mas nanaisin ko pa sigurong mabugbug ng paulit ulet kesa yung pakiramdam na 'to.

"I see, congrats sa inyo." Mapaklang sagot ko na hindi ko alam kung paano ko na bigkas ng di ako pumipiyok.

"L-LUCKY-- Magpapaliwanag ako please." Hinawakan niya ako ni Jasper sa braso.

"Bitawan mo ko Jasper." Nangihinang binawi ko ang braso ko.

"Makinig ka naman oh." Lalong nanikip ang dibdib ko sa pakiusap niya.

"I-KWENTO MO SA PAGONG!" saka ko sila nilayasan pareho bago pa tumulo yung sipon ko.

Naglakad ako papalabas ng subdivision. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana. May oras na paiikutin ka sa saya at paghuminto ka saka mo isusuka ang lungkot kapag nahilo ka. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para maging masaya siya pero kulang pa pala. What do you expect, sa babae nga nakukulangan pa siya what more sa kagaya mong bakla.

Naging mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad papalabas. Pakiramdam ko may hila hila akong bola na gawa sa bakal sa paa. Wala pa ring tigil yung pagbuhos ng luha ko. Hindi ko alam na naka subscribe pala ako sa UNLI TEARS ng 8888. Napatingala ako ng maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa ulo ko. Nakaramdam ako ng konting saya at ginahawa dahil kahit papaano hindi lang ako ang umiiyak ngayong gabi may karamay ako. Hindi pala ako nag iisa.

Nag lalaro sa isip ko ang lahat ng masasayang memories ko with Jasper. Nakakabaliw pala talaga yung ganitong pakiramdam. Na yung taong inakala mong pinag aaksayahan ka ng oras at pagmamahal, yung taong iniisip mong tanggap kung sino ka, iniiyakan ka, inaaway ka, hinahabol habol ka at lalambingin ka...

...siya din pala yung taong magtatarak ng kung anong bagay sa dibdib mo na sa oras na bunutin mo mamamatay ka.

Ang sakit sakit mumsshiie!!!!

Heartbreak nakilala din kita. Nice meeting you. Ano hang out tayo paminsan minsan? Para akong tanga ngayon dahil habang naglalakad umiiyak ako at tumatawa. Ganda ng gift namputa, sana binalot muna niya saka niya sinampal sa mukha ko kasabay ng bonggang fireworks at makulay na banda!

Pumara ako ng jeep pagdating sa kanto. Buti wala masiyadong sakay dahil basang basa ako sa ulan. Isang estudyanteng naka earphone, isang matandang tulog at ako lang ang pasahero.

Umupo ako malapit sa likod ng drayber.

"Bayad 'ho." Nag abot ako ng bente at panay ang singhot ko.

"Mag-Isa lang?" Tanong ng jeepney driver.

"Opo. Sanay naman ho akong mag-isa lang e.." Tinitigan niya lang ako ng may halong pagtataka at umiling habang inaabot ang sukli ko.

Hindi ko alam kong paano ako nakauwi. Minabuti ko munang magpatuyo sa playground at lunurin ang sarili ko sa paninigarilyo at pag iisip ng nangyari ngayong araw. Inalisa ko ang detalye kung saan ako nagkamali o nagkulang mula nung unang araw na naging kami? Masiyado ba akong naging kampante o masiyado akong naging maluwag? Hindi ko rin nahanap ang sagot. Basta ang alam ko kahit anong anggulo talong talo ako.

Pag uwe ko sa bahay naabutan ko sila Nanay at Tita Jack na nanunuod ng Teleserye at nagmano lang ako at umupo sa sofa. Gusto kong magkwento pero baka maiyak lang ako sa harap nila.

Nakatulala lang ako sa pinapanuod nila. Pilit ko mang intindihin ang palabas pero ayaw mag sink in sa utak ko ang bawat eksena. Nakita kong umiyak yung bidang babae ng bigla itong sampalin ng ka eksena niyang artista. Umiyak ng umiyak babaing bida.

Umiyak din ako ng umiyak. At sabay napalingon sa akin sila Nanay at Tita Jack ng may halong pagtataka.

"A-Anak may problema ba?"

Nang marinig ko ang malambing na boses ni Nanay hindi ko mapigil ang sarili kong umiyak at ibuhos ang lahat ng nararamdaman kong sakit. Ikinuwento ko kanila ang nangyari sa akin ngayong araw. Tahimik lang silang nakikinig at dahil OA din si Tita Jack dinaig niya pa yung iyak ko kanina.

Dumaan na ang Semana Santa pero extended parin yung Biyernes Santo sa mukha ko. Walang araw na hindi ako tulala sa kwarto ko at hindi ako makausap ng matino ng pamilya ko. Binuhos ko ang oras ko sa pagbabasa at paglalaro ng volleball kasama ang mga kaibigan ni Tita Jack na mga tomboy at bakla sa iba't ibang paliga sa mga baranggay sa kamaynilaan.

Pakiramdam ko hindi lang si Papa Jesus ang namatay ngayong mahal na araw pati rin ata ako.

Kung papayagan lang ako ni Nanay gusto ko din sanang magpa-pako sa Krus o maghampas sa likod habang naglalakad bilang penitensiya. Para malibang naman ako isinama ako mag alay lakad ng grupo nila Tita Jack papuntang Antipolo. Nakapagtataka pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagod o antok sa layo ng nilakad namin. From Ortigas going to Antipolo.

Pakiramdam ko lang manhid na manhid na ako. Kung magiging super powers nga lang ang kamanhiran baka iparehistro ko na 'tong super powers eh. Kung mako-konsiderang disability naman ang pagiging heartbroken baka kumuha na ako ng PWD ID (Person With Disability) sa City Hall.

Feeling ko kasi nawalan ako ng isang parte ng katawan ko para hindi ako maka kilos o makapag isip ng matino. Kinaen ako ng sarili kong sistema. Nasasaktan ako dahil walang oras na hindi ko iniisip ang mga bagay na nagpapalugmok ng katauhan ko. Hindi ako maka get over sa isang break up. Akala ko noon magiging malakas ako at kakayanin kong makipag break sa kanya tulad ng nangyare noon.

Ganun talaga bakla nagmahal ka kaya handa ka din dapat masaktan. Handa naman ako pero hindi ganito yung inaasahan kung sakit. Naknampucha! Paano umaasa rin ka kasi akong babalikan niya ako ulet tulad nung nangyare noon.

Perstaym 'to kaya ang hirap bumangon. Buti nalang may nakakausap ako. Si Tita Jack at si Nanay. Alam ko namang ichi-chikka din naman nila lahat kay Kuya Jiggs ang mga nagpag uusapan namin eh. Nahihiya kasi ako kay Kuya, alam kong major disappointment yung ginawa ko lalo na yung pagsuway suway ko sa kanya last summer.

Keri lang atleast alam nilang may pinagdadaanan ako. Nagpalit ako ng cellphone number nag di-activate ako ng social media accounts. Ayokong makakita ng bagay na makapag papa alala sa masakit na pinagdaanan ko.

Isang buwan pa bago matapos ang summer vacation. Walang pa 'ding mapaglagyan at nag uumapaw parin ang kalungkutan sa buong pagkatao ko. Ako na ata ang pinaka bitter na teenager sa buong Maynila at Quezon City.

Araw ng enrollment, araw na kinatatakutan ko. Tumuloy pa rin ako at kasama ko si Kuya Jiggs para samahan akong mag enroll. Sa gate pa lang ng school bumungad na kaagad ang tsismisan ng schoolmates ko. Pre requisite ata sa paaralang ito na dapat maging tsimoso o tsimosa ka para makapag enroll ka sa ikahuling taon ng high school.

Pucha! Lahat ata ng madaaanan namin pinagpiyestahan ang madugong pinagdaanan ko.

Dahil sikat si Jasper at aware ang lahat sa relationship namin, pinagusapan na kaagad ang latest campus balita tungkol sa aming dalawa. Nasa ilalim kami ng puno na kalimitang tambayan ng students habang nag pi-fill up ako ng ibang form. Sa bandang likuran namin rinig na rinig ko ang nag chi-chismisang mga schoolmates ko.

"NARINIG NIYO NA BA YUNG BALITA NA NAKABUNTIS DAW SI JASPER?!"

"AY OO CHEA NARINIG KO YUN, BALITA KO KABABATA AT EX GIRLFRIEND NIYA YUN SI ANDREA!"

"AND WAIT THERE'S MORE ARLENE, ANG BALITA KO BAKA DAW HINDI NA DITO MAG E-ENROLL SI JASPER DAHIL SA NANGYARI."

"Tss, dun siya sa Mars mag enroll isama niya yung makating babae niya!'

"ANG BALI-BALITA LILIPAT DAW ATA SA SCHOOL NUNG BABAE. TCH!"

"KAWAWA NAMAN SI LUCKY, ALAM NIYO BA ANG TSISMIS GIRLS NAGLIVE IN DAW YUNG DALAWANG YAN NG ALMOST THREE WEEKS TAPOS ANG ENDING HIWALAY KA AGAD. KALOKA!"

"W-WHAAAATT? OH MY GOD! BABATA PA NILA TAPOS NAGLI-LIVE IN NA? EWWW!!"

"OO, SUMUGOD DAW KASI YUNG BABAE NG MALAM NIYA YUNG BALITANG NAG LIVE IN NGA YUNG DALAWA."

"TEKA PAANO MO NAMAN NALAMAN ANG LAHAT NG YAN ABER?"

"YUNG KAPATID KO KASI KA-BANDA NI JASPER.. YUN PALAGI DAW LASING KAPAG NATATAPOS NG GIG NILA AT PALAGI DAW BUKAMBIBIG SI LUCKY. YUNG PINAGSAMAHAN NILA."

"SAYANG SIKAT PA NAMAN SILA DITO SA SCHOOL TAPOS MAIISKANDALO LANG SILA NG GANYAN."

'Kingenang mga 'to makapag tsismisan Akala mo binabayaran ng gobyerno.'

Napalingon lang ako sa side nila baka sakaling may kilala ako bago ko sungalngalin ang mababahong bibg nila.

'HELLO, nasa likod niyo lang kame lingon lingon din oh!'

"Okay ka lang bunso?" pukaw ni kuya sa katinuan ko. Alam kong narinig din niya lahat ng tsismisan sa kabila. "Mukhang sikat na sikat talaga yung ex boyfriend mo dito ah updated mga schoolmates mo eh." Pabirong sabi ni Kuya Jiggs.

"TSS!"

"Nag usap na ba kayo ni Jasper Teng?" Tibay binanggit niya pa talaga ang buong pangalan ng ex kong walang hiya na makati pa sa higad na pinaglihi ata sa gabing pula na sobrang kati pati yung siyudad ng Makati ginawang ugali.

*GRRRRRRRR!

"Si Jasper Teng?" walang kasing paklang na bigkas ko sa pangalan niya at napahinto si Kuya Jiggs sa ginagawa niya.

"Namiss mo siya?"

"TENG ENE NYE!" at saka ako tumayo at lumabas ng school. Narinig kong tumawa ng malakas si Kuya.

'Abnoy!'

Lumabas muna ako ng school at hindi ako makahinga kahit nag uumapaw ang puno sa loob ng campus.

"Hoy, ano ka ba bakit mo ko iniwan dun mag isa." at nagulat siya ng kaunti dahil nakita niyang naninigarilyo ako sa gilid ng waiting shed. "Hoy hindi por que broken hearted ka pwede ka ng magbisyo. Yan ba natutunan mo sa ex mo?" dinutdot niya ng daliri ang noo ko.

"Uminit yung ulo ko eh. Pina alala mo pa. TENG ENENG YEN!" natatawang sambit ko sa apelyido niya.

"Buti naman nakakatawa ka na. Its a good sign na nakaka move on ka na kahit papaano." Masayang sagot niya.

Luh, tumatawa naman ako ah? Yun nga lang iyak tawa..

"Oo naman hindi lang sa kanya pwedeng umikot ang mundo ko Kuya."

"Anong plano mo ngayon." Tumuwid siya ng tayo at tinitigan ako.

"Ayoko na sanang mag enroll dito this year Kuya." Nahihiyang pag amin ko. "Dahil isang taon akong magiging katatawanan sa campus sigurado."

"Subukan mo muna, kapag nangyari ang iniisip mo kakausapin ko si Nanay a tutulungan kita." Inakbayan ako ni kuya at gulat na gulat ako sa narinig. Ang totoo biro ko lang yun pero knowing kuya lahat ng bagay na sinasabi ko sineseryoso niya.

"I love you Kuya." Yumakapa ako sa bewang niya.

"I love you too bunso alam mo namang ang kapakanan mo ang mahalaga sa akin."

"Lucky, pwede ba tayong mag usap?" sabay kaming napalingon ni Kuya Jiggs. Kunot noo kong pinasadahan ang kabuan niya. Wearing his favorite black skinny ripped jeans and paired with white longline tee shirt. Alam niyang paborito ko ang ganyang istilo dahil kay Harry Styles.

"Huwag muna ngayon Jasper nagmamadali kami ni Lucky." seryosong sagot ni kuya at hinila ako papunta sa likod niya.

"Kahit sandali lang Kuya Jiggs magpapaliwanag lang ako." Pakiusap ni Jasper at parang unti unting nadudurog yung puso ko sa nakikita ko sa kanya ngayon.

"Maliwanag na ang lahat Jasper. Huwag munang paliwanagin pa lalo at baka magdilim lang paningin ko sayo." Nagtatapang tapangang sagot ko sa kanya.

"PLEASE LUCKY I'M BEGGING YOU." Parang naiiyak na pakiusap ni Jasper.

"Go home Jasper, you look like a mess." Sarkastikong sagot ni kuya.

"I'M REALLY SORRY LU--"

"SORRY?! OH NO NO NO NO!" natatawang putol ko sa sinasabi niya. "PLEASE DON'T FEEL SORRY FOR ME JASPER, BECAUSE I'M DONE FEELING SORRY FOR MYSELF TOO." Sarkastikong sagot ko. Wala akong ginawa buong summer kundi tortyurin ang sarili ko. Halos ipaligo ko na nga ang sarili kong luha dahil sa kanya tapos ngayon sorry lang? E kung baliin ko pigain ko betlog niya?!

Nagulat ako sa itchura ni Jasper ngayon. Unshave yung bigote. Malalim ang eyebags. Tama si Kuya Jiggs he's a mess. Anong ginagawa mo sa sarili mo Jas? Diba dapat masaya ka na dahil nakuha mo na yung gusto mo sa iba? Di ba dapat nag ce-celebrate siya ngayong wala ng hahadlang sa kanila ni Andrea?

Naala ko tuloy yung huling ipinangako niya..

"HINDI KITA IIWAN LUCKY, PEKSMAN MAMATAY MAN!" at sabay pisil sa baba ko.

"PINKY PROMISE?" at bigla siyang natawa nung makitang inilapit ko yung daliri ko sa mukha niya.

"PINKY PROMISE." at sinelyuhan namin ng maalamat na "Pinky Promise" ang pangakong binitawan niya.

'Psh, Kung hindi mo matupad yung PEKSMAN kahit yung MAMATAY MAN na lang sana masaya na ko dun.'

To be continued..


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous