Télécharger l’application
17.46% Lucky Me / Chapter 11: Lucky Eleven

Chapitre 11: Lucky Eleven

CHAPTER 11

WESLEY'S POV

Its been a hell of a week. I was so busy with school works, soccer and piano practice at dumagdag pa pangungulit ang parents ko.

**F L A S H B A C K***

Breakfast with my parents.

"Wesley, how's school anak?" Si Mommy habang nag pe-prepare ng breakfast.

"It's good mom, nothings change. Same classmates, boring subjects and terror teachers." Walang kagana ganang sagot ko habang ngumunguya.

"Watch your words Wesley, parang sinasabi mong sinasayang lang namen ng mommy mo ang tuition fee na binabayad namen sa Carlisle." Sita ni Dad habang nagbabasa ng newspaper.

"Sorry dad, mom.." matamlay na sagot ko.

"Baka naman puro pakikipag- girlfriend lang ang inaasikaso mo, Wesley?" Biglang ibinaba ni dad ang newspaper at derechong tumitig sa akin.

'Girlfriend agad? Yun lang ba ang pwedeng pagka abalahan ngayon?'

"Wala pa po akong girlfriend dad." sagot ko bago ako kumagat ng toast bread.

"Oh baka puro naman pag sa-soccer ang inaatupag mo?" napangiti lang ako habang nakayuko.

'Hindi na ako sumagot dahil tama naman yung hinala ni dad.'

"Honey hayaan muna ang anak naten na i-enjoy ang high school. Huwag mo siyang i-pressure sa masiyado pa siyang bata para sa bagay na yan." Pagtatanggol ni Mommy saken.

'Nice one Mom!'

"Kalokohan yan, ganyang edad ko noon nakaka limang girlfriend na ako." sabay tawa ni Daddy at hinampas siya ni Mommy ng mahina sa balikat.

"Dad naman hirap na nga akong i-manage ang oras ko sa studies at piano practice paano ko pa po maisasabay ang pakikipag relasiyon?" nakangusong sagot ko.

"Anak, kung gusto may paraan kung ayaw naman may dahilan." Makahulugang sagot niya at umiling naman si mommy sa tabi ni daddy.

Ayaw ko nga ba? Hindi naman ako nagmamadaling magka girlfriend. Nasa studies ngayon ang focus ko dahil ayokong ma disappoint ang parents ko. Hindi naman requirements sa high school na dapat may girlfriend o boyfriend ka diba? Hindi pa yun pumapasok sa isip ko kanya kanyang trip lang yan kung saan ka masaya. Si Kenneth nga walang girlfriend since birth, ako pa kaya? Sabagay saksakan kasi yun ng sungit paano siya magkaka girlfriend? He he he! And besides hindi naman ako naghahanap. Kusa yung darating in a very unexpected and wicked way.. Like how i met Lucky.

**LUNOK!

Wait! Bakit siya agad ang naisip ko?! N-NOOOOOOOOOOOO!!!!

"Take your time son hindi ka naman namin minamadali.." para akong binuhusan ng malamig na tubig ng muling magsalita si daddy.

"S-Son are you sure okay?" nag aalalang tanong ni mommy at sinamaan niya ng tingin si daddy na natatawa habang umiinum ng kape.

"Kung sino man ang ipakilala mo sa amin ng Daddy mo pagdating ng tamang oras.. pangako tatanggapin namin siya ng buong puso." Lalo akong nalaglag sa malalim na pag iisip sa sinabi ni mommy. Malamang hinuhuli lang nila kung totoong may girlfriend na ako.

'Talaga kahit sino ipakilala ko tatanggapin nila ng buong puso?'

"Biro lang anak.. Kung sino mang yang gumugulo sa isip mo at ikinakukunot ng noo mo ngayong umaga sana ma meet namen siya ng mommy mo soon.." nanunuksong tugon ni Daddy. Unti unting nag init ang mukha ko sa hiya. Kainis ugali talaga ng parents ko na tuksuhin ako. Bakit ba nila ako minamadali? Ang bata bata ko pa hindi ko pa nga alam kung anong gusto ko sa makaka relasiyon ko.

'Naka kunot ba ang noo ko kanina, asar!'

"Thanks Mom-Dad, you're really the best." Umakap ako sa kanilang dalawa.

**E N D O F F L A S H B A C K***

Ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko ang imahe Lucky sa sinabi ni Mommy kanina.

*ERASE!

*ERASE!

*ERASE!

After mag breakfast tumuloy na ako sa school. Ilang araw ko naring hindi nakikita sina Lucky and Andi. Hindi ko alam kung iniiwasan nila ako o talagang hindi lang kami magtagpo sa mga busy schedule namin.

Nabanggit ni Kenneth na nakausap na niya si Amber tungkol sa naging issue nila nung isang araw sa parking lot. Kaya sigurado akong hindi na nila aabalahin pa ang mga kaibigan ko. Ang weird lang pinakisusapan din kasi ako ni Kenneth nung isang gabi na kug pwede pansamantalang huwag muna akong makipag kita sa dalawa habang nagpapalamig pa si Amber dun sa issue.

So? Naiwan yung malaking katanungan sa isip ko nung isang gabi.

"Bakit ba kailangang madamay pa kami sa issue nilang dalawa?" inis na bulong ko sa sarili. "Kay Kenneth lang naman siya nagseselos bakit kailangan madamay pa ako at ang mga bagong kaibigan ko?"

Kahit kelan hindi ko naman talaga nagustuhan si Amber para kay Kenneth. Masiyadong flirt si Amber kahit nga ako sinusubukan niyang i-flirt noon. Tss! She's not my type. Masiyadong generic. I want something unique.. yung may kakaibang personality.. yung mamahalin ako at ang parents ko.

Class after class after class. Wala pa din ako sa mood. Madami akong tanong na hindi ko masagot. Dumagdag pa ang pagpupuyat ko kagabi kakaisip sa maraming bagay. At aaminin kong 60% na laman ng isip ko ay si Lucky.

At kaagad yung napansin ni Kenneth..

"Oh, anong nangyare sayo bakit 'di maipinta yang mukha mo?" Sabay upo sa usual spot namen sa canteen.

"Wala. Bakit di mo kausapin yang ex girlfriend mo para masagot yang tanong mo." Masungit na sagot ko sa kanya. Mula ng pagbawalan niya akong huwag makipagkita kina Lucky pakiramdam ko ang boring boring na sa buong ng academy.

"Yun.. 'e di lumabas din ang totoo." Pinag krus niya ang braso at blangko ang mga matang nakatitig sa akin.

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Si Lucky. Siya lang naman ang pwedeng maging dahilan kung ba't nagkakaganyan ka."

'Ganun na ba ako ka transparent sa harap nilang lahat?'

"May binanggit ba akong pangalan?" Maang maangan ko.

"Its written all over you're face bro. Tch!" umikot ang mata niya at parang nawalan ng gana.

"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa." Mahinang bulong ko.

"Wala pa lang gusto ah." Binato niya ako ng nilukot na tissue. "Umamin ka nga may gusto ka na ba kay Lucky?" umayos siya ng upo at salubong ang kilay na hinarap ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? Paulet ulet tayo bro nakaka bobo na." Ngiwing sagot ko. Nung isang gabi niya pa yang binabanggit. Isang na lang talag aiisipin ko ng siya ang may gusto dun at hindi ako. Asar!

"E bakit mukhang puyat na puyat yang itsura mo? At Kelan pa naging singkit ang mata ng panda?" Puna niya sa itsura ko bago siya traydurin ng tawa. Ka lalakeng tao laitero. Oo napansin ko rin yun kanina, anong magagawa ko puyat NGA ako e! Slow!

"Wala magdamag akong nag online kanina. KJ mo kasi.." alibi ko na lang para di na siya magtanong pa.

One reason kung bakit ako napuyat kagabi dahil sa kaka search online all about third sex. History, research, sexual and gender preferences, and different stories about third sex. Pero wala akong maitindihan sa mga binasa ko kahit isa.'

**Feeling confused.

Hindi ko lang talaga makalimutan si Lucky simula nung marinig ko kasi siyang kumanta sa classroom nila the other day habang nag gigitara. Ang galing galing niya talaga sobra! Buti na lang napakiusapan ko yung isang babaeng classmate niya na buksan ang isang binatana bago siya magsimula.

Hangang hanga talaga ako sa galing niya. Ang cool cool at ang ganda pa ng boses. Babaeng babae ang sarap sarap pakinggan ng paulit ulet. Kakaiba talaga siya sa lahat ng taong nakasalamuha ko.

"Hoy, mag i-imagine ka na lang ba diyan o kakaen na tayo? Gutom na gutom na ako kaka antay sayo!" Sigaw niya at bigla siyang tumayo. "Sasamahan mo ba ako sa counter o io-order na kita?"

"Ikaw na lang umorder inaatok pa talaga ako." Napanguso lang ako sa kasungitan niya. Sanay na ako sa ugali niya mula pagkabata at kahit ganyan ugali niya love na love ako niyang pinsan ko. He he he!

"Anong gusto mong kainin? Kahit ano na lang ah." At bigla siyang tumalikod.

"Siopao lang yung saken bro." Naka ngiting habol ko.

Huminto siya at humarap sa direksiyon ko.

"Tss. Lucky Me ayaw mo?"

Hindi ko napigilang mapangiti ng marinig ang pangalan ni Lucky.

"Taena wala Waw gusto.." Umiling iling siya bago ako tinalukuran.

"Wala naman talaga baliw!" sigaw ko at itinaas niya ang kamay at nagdirty finger habang naglalakad.

'Loko talaga to.'

LUCKYS' POV

Matapos ang kaganapan nung Saturday pansamantalang nawala na naman ako sa sarili.

Masinsinan kaming nag usap ni Muning tungkol sa muli naming pagkikita namen ni Jasper.

Hindi ko mapa explain yung nararamdaman ko sa ngayon. Pipti pipti. Masaya at malungkot.

Masaya dahil nakita ulit siya after a while. Malungkot dahil bumabalik na naman lahat yung sakit na akala ko naghilom na.

Kahit panay MEOWW lang sagot sakin ni Muning masaya ako dahil may nakakausap ako kahit papaano. Si Muning yung pusang nakita ko sa parking lot sa parking lot sa Carlisle. Kulay gray na pusa at ang lambing lambing niya. Pramis!

"Huwag mo din akong iiwan Muning ah." Habang hinahaplos ko ang ulo niya at sumasagot naman siya.

'Katol pa!'

Yan ang hirap kapag maghapon kang nakahiga kapag araw ng linggo. Aatakehin ka ng katamaran. Tinatamad na tuloy akong pumasok. Joke! Ang mahal kaya ng tuition fee ko baka katayin ako ni Tita Jack at Kuya Jiggs. Hehehe!

Hayst! Katamad Monday na naman sa Lunes.

Pagkatapos ng ilang subjects namin hindi na ako tinantanan ni Andi. Ewan ko ba kung bakit kating kati siya parating makasagap ng tsismis. Kung yung ibang tao tabang hangin, malamang itong si Andi nanaba sa tsimis.Inaraw araw niya kasi ang pakikipag tsismisan kay Marlon kesa mag take ng vitamins 'e.

CANTEEN.

"Sesshie, magkwento kana at wala kang iiwan kahit isang maliit na detalye." Seryosong sabi niya habang kumakagat ng burger.

"Geh." Habang hinahalo ko ang isang bowl umuusok na Lucky Me noodles na binili ko sa labas tas pinaluto ko sa canteen. Bumili din ako ng sharkfins siomai at inilagay ko sa ibabaw.

'Tsalap!'

Huminto siya sa pagkaen at inilapit ang ulo sa kinakaen ko. "Nagtitipid ka ba sesshie, LUCKY ME talaga?"

'Nagtitipid agad diba pwedeng peyborit ko lang ang Lucky Me?'

"Ay pupuntahan ko pala si Nanay sa GO---" nagkunwari akong tatayo at isinabit ang bag sa balikat ko pero mabilis niya akong nahawakan sa kamay at hinila paupo.

"Charot lang seshie! Sige carry on masarap yang Lucky Me Noodles habang mainit pa." Naka ngiting sagot niya ikinumpas pa ang kamay sa ere.

'Dameng napapansin magpapakwento na nga lang.'

Kinuwento ko kay Andi ang detalye kung paano kame nagka kilala ni Jasper sa dati kong school noon. As usual parang inasinang bulate si bakla kapag kinikilig. Panay hampas, kurot, sabunot kulang na lang sakalin ako habang nagkukwento.

Kaya huwag na huwag kayong magkukwento ng love story niyo sa kanya kapag nagkausap kayo.

Pero hindi ko na kinuwento ang tunay na dahilan kung bakit at paano kami nagkahiwalay ni Jasper. Trip ko lang maging mysterious bakit ba.

"Grabeh ka sesshiie. Kaya pala hindi ka tinatablan ng kamandag ni Kenneth at Wesley dahil may excess baggage kang tinatago at saksakan din ng gwapuuh!" napapailag lang ako kapag umaangat ang kamay ni Andres namamanhid na kasi yung brasi ko kakahampas niya. Kulang nalang iwasiwas niya yung lamesa namin na parang flying saucer sa kaharutan niya.

'Lintek malalamog ako sa bigat ng kamay ni negra!'

"So anong plano mo? Magbabalikan na ba kayo ngayong nagkita na kayo ulet?" nagnining ning ang mga mata ni Andres. Ang bakla hindi halatang babad sa mga Teleserye. Sumalangit nawa!

"Sa ngayon walang chance busy ako busy din siya. Sa tingin ko kailangan pa namin ng sandamukal na space para sa isa't isa."

"Choosy pa seshie?! Gwapo, yummy, mabait at mukang yayamanin naman si Jasper ah." gulat na sagot niya.

"Hindi yun ang issue Andi, Its complicated."

"Ayaw ba ng family mo sa kanya?"

"Gusto siya ng family ko..noon. Ewan ko na lang ngayon." Kibit balikat na sagot ko.

"Eh anong problema? Mabubuntis ka ba niya?" nginusuan ako at halos dumikit ang mamantikang ngsuso niya sa tungki ng ilong niya. Ew!

"Basta tinatamad akong magkwento ngayon. Kapag naala ko nalulungkot lang ako ako." Sinadya kong maglungkot lungkutan sa harap niya para di na siya mangulit.

"Enebeyen, nakakainis ka!" Sabay reklamo niya. At tinuloy ulet ang pagkaen.

"Basta ang masasabi ko lang.. kaya ako nandito sa Carlisle dahil sa kanya." Sambit habang sa malayo ako nakatingin.

Hindi pa ako handang ikuwento ang lahat kay Andi ,hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Kundi wala akong sapat na lakas na loob na aminin sa kanya yung mga pinagdaanan ko sa dati kong school.

Kaya ako nandito sa Carlisle ngayon para mag aral ay mabuhay ng matiwasay sa kabila ng sobrang sobrang mahal ng tuition fee nila.

"Namimiss ko ng makasabay sa kumaen yung dalawang pinaka poging nilalang sa campus." Si Andi habang nakatingin sa mg apumapasok na mga school mates namin.

"Maka miss naman 'to isang beses lang naman naten silang naka sabay magbreakfast noon." Sagot ko sa kanya.

"Oh-Owww. Enemy spotted." Akal ako sinasinaban si Andres. Umirap lang pala. Sinundan ko kung saan siya nakatingen.

Yung mga Pink Rangers papalapit sa table namen. Si Amber at yung dalawang Gasul Girls. As usual naka all pink padin sila saksakan parin ng aarte maglakad.

"I never thought that you guys are still here. Hindi ko kayo nakita last week." maarteng bungadi nung Amber.

'Malamang tinataguan ka namen shunga.'

"Kenneth talked to me last week about how you guys met. Seriously, you guys are all pathetic." Sabi pa nito habang nagkukutkot ng kuku sa harap ng mesa namin.

"Bakit di niya ilahok yung pinagkutkutan niya ng kuku sa Lucky Me ko para malubos lubos na ang kabastusan niya?'

Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Andi.

"Iyon lang ba ipinunta mo dito Barbie?" walang emosiyong sagot ko. Wala akong planong makipag bonding sa kanya ng ganito kaaga. Sindak lang naman ang makakapag palayas sa mga masasamang ispiritu.

"Yes, I'm here to remind you fags... that this is you're final warning." Hini-hipan hipan niya pa ang daliri sa mismong harap ng pagkaen namin ni Andres.

'Kapag hindi ako makapag pigil walang WARNENG WARNENG sisipain ko 'tong tatlo to palabas ng canteen.'

"Seriously Amber?" napakamot ako sa batok. "Kung anumang dahilan ng pagsadiya mo dito... inuulet ko hindi kami interesado sa boypren mo." Lasang kalawang ang laway ko. Gusto ko yung idura sa mukha niya ng mahawa siya sa mga kamalasan ko. "Si Ongpauco lang at ako ang magkakilala at hindi ako interesado sa payatot na yun."

"Who care's? As if naman interesado yun kung sino ka, right girls?"maarteng sagot niya at sabay sabay silang tumawa. Kundi lang kami pinagtitinginan gusto ko sanang itapon sa paa niya yung noodles. Kaso sayang nakakatatlong higop pa lang ako ng sabaw. "Anyways as long as you do not interfere with my relationship with Kenneth, you can stay here as long as you want."

'Pake ko sa relation-shit niyo!'

Tinuloy ko lang ang pagkaen ng Lucky Me at sinadya ko talagang higupin ng malakas yung noodles para mairita at magsilayas sila.

"EOWWWNESSS, what is that thing you're eating, it smells like a burning rubber?" Maarteng tinakpan niya ang ilong gamit ang light pink na panyo at itinaas ang kamay sa ere sabay iniabot ng isang Gasul Girl yung perfume kay Amber saka nag spray sa ere sa mismong table namin.

Bahagya akong napatayo takpan yung kinakain kong Lucky Me baka malagyan ng lason niya.

"Anyways that's all enjoy your cheap meal. Come on girls!" Sabay rampa ng tatlo palabas ng canteen.

'Madapa sana kayong tatlo at tumama ang ulo niyo sa gutter!'

"Lakas din ng sapak ng tatlong yun noh, mema lang ampota!" habang itinataboy ko ang naiwang amoy ng pabango ni Amber sa ere.

"Laki ng problema ng mga yun sa buhay pati pagkain natin idadamay pa." Iritabling sagot ni Andi habang inaamoy amoy ang burger niya sa foil.

"Yaan muna basta tayo tuloy ang laban! Tuloy ang buhay!" natatawang sambit ko at sabay kameng nagtawanan ni Andi.

"Para sa LUCKY ME!" Sigaw ni Andi.

'Abnoy!'

At sabay naming pinag untog ang dalawang kutsara namin sa ERE!

"KLEEENNG!"

"Mabuhay ang FOUR-MOCKING-GAY!" Sigaw ko ng kawayan ako ng isang classmate namin sa kabilang table.

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

Dahil wala na kameng klase ng Physics LEC and Social Studies may dalawang oras kaming free para magliwaliw ni Andi sa campus.

Excited at magkahawak kamay pa kaming nagpunta ni Andi sa canteen para mag take out ng foods. Plano naming tumambay ngayon sa campus habang nag pu-foodtrip at para gawin nadin yung iba pang pending assignments.

Naisipan naming tumambay malapit sa field dahil mas mahangin at mas maganda ang view. Naka kita kami ng isang bakanteng table sa ilalim ng puno at tanaw sa pwesto namin ang ilang mg athletes sa track and field at ilang mga naglalaro soccer sa field.

"Oh, sesshie mag helmet ka baka tamaan ka naman ng bola." Natatawang biro ni Andi habang inilalapag ang mga pagkaing dala namin.

'Tibay pina alala pa talaga.'

"Sige palala mo pa.. para sayo ko na papatamain yung bola." Pananakot ko.

"Keber, basta gwapo handa akong magpatira!" malanding tugon niya.

"Hoy, ang sabi ko patatamaan lang! Anong papatira na pinagsasa-sabi mo kabastos mong bata ka!" singhal ko.

"Mas bet ko yung magpatira kesa tumira. BWAHAHAHAHAHA!" malanding tawa niya.

"Geh, GLUTA PAMORE!" nginiwian ko siya.

"TSEH! Yung kutis ko na naman ang dinamay mo. Tamaan ka sana ng bola!" pag mamaasim niya. Pinandilatan ko siya. Sa itsura niya 'di malayong mangyari ang gusto niya kapag narinig siya ng mga kamag anak niyang maligno o ligaw na kaluluwa.

"Subukan lang nila at bubutasin ko lahat ng bola na meron sila kasama ang mga yagbols nila!" Banta ko sa kanya habang nakatingin sa mga naglalaro sa field.

"Seshie, masakit ba talaga nung tinamaan ka ng bola?" seryosong tanong ni Andi habang nagbubukas ng Gatorade.

"Malamang! Issusumpa ko ba si Ongpauco kung nasarapan ako sa ginawa niya?" gigil na sago tko ng maalala ang ginawa niya sa akin nung first day ko.

"Pero ses kong ako yun baka magpatay patayan ako para ima-mouth to mouth ako ni Papa Wesley." Parang kuhol ang pagkakatulis ng nguso niya habang nag i-imagine.

"Andres paalala lang sa lupa nilalaro ang soccer hindi sa tubig." Basag ko sa trip niya.

"Kahit na magpapanggap akong nalunod seshie. Nalunod sa pagmamahal niya. Hahahaha!"

"Halika, tara samahan kita sa field at i-request nating patamaan ka nila sa ulo ng matupad ang mga pinapangarap mo!" hinila ko siya sa braso at napakapit siya sa lamesa.

"Ang hard mo sesshhiee, na curious lang naman ako." Maka inarte akala mo effective yung SPF 50 na sunblock na ginamit niya kanina. Napangiwi ako ng mapansin kong halos magkasing kulay sila ng mesa na kinasasandalan niya.

"Pero seshie, ano yung mas masakit yung tinamaan ka ng bola or yung break up niyo ni Jasper?" napairap lang ako sa pagiging intrigera niya.

"B-Break up? Sakto lang yung sakit makaka move on ka." Napakamot ako ng baba. "Pero yung ganyang mukha yan yung mas masakit." Turo ko sa mukha niya sabay tawa ng malakas.

"Hoy, noong bata pa ako maganda talaga ako, nahamugan lang ako." Pagmamalaki niya pa.

"Nahamugan? Eh bakit mukha kang nausog?!"

"Bwesit na 'to! Kaibigan mo ba talaga ako?" tawang tawa talaga ako. Ang sarap niya kasing asarin ang dami niyang sinasabi. Kahawig kasi niya si Chocolate yung actor-comedian sa tuwing nag iinarte siya.

"Di nga Lucky, mas masakit ba talaga kasakit ang ma-heart broken kesa sa tamaan ng bola?" nakangusong tanong niya na parang matatawa.

'Kulet ng bungo nito. Wala ng sasakit pa dun. Pers lab ko yun eh.'

"Oo, masakit na masakit. LALO KA LANG PAPANGET." Nag seryoso ako.

"Pakyu ka seryoso ko eh!"

"E kaya nga sasamahan kita doon para ma experience mo din tamaan ng bola kasabay ng pagka broken hearted." Hamon ko ay inambaan niya akong hahampasin ng bite ng Gatorade.

"Seryoso na kasi."

"Oo nga ang kulet. Na depress ako nun Andres. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay at napabayaan ko ang sarili ko."

"Sabagay kung kasing gwapo ni Jasper ang magiging dyowa ko baka maglaslas talaga ako kapag hiniwalayan niya ako." Nagliliyad pa siya sa sandalan ng upuan niya. Laslas daw tapos ang acting parang ginagahasa. Minsan talaga 'di ko mapigilang kwestiyunin ang mga desisyon ni Papa G. Sigh.

"Tara sa field ng ma experience mo."

"Wag na gusto ko ibang bola naman, kagaya ng balls ni Fafa Kenneth!" Kinikilig at nanghampas pa.

"Oo yung pink yagbols niya na may signature ni Amber para ma kick out ka."

"Yan tayo eh di man lang suportahan ang pangarap ko." Naka ngiwing sabi niya.

"Ano bang nagustuhan mo sa Kenneth na yun? Payatot, hambog, antipatiko, snob, may karibal ka pang mas praning pa kay Sisa." Mahabang litanya ko sa kanya.

"Galit na galit seshie?!" inirapan niya ako bago tumuwid ng upo. "Napaka misteryoso kasi niya. Kakaiba yung dating niya kesa sa ibang lalake. Alam mo bang kung sino sinong bagets na artista ang na li-link sa kanya?"

"Bakit nag showbiz na ba siya?" tinungga ko yung bote ng Gatorade.

"Aside from basketball na hilig talaga niya. Part time print ad model din si Kenneth. Kasama nga yan sa Teen Hotties sa Candy Mag every year e." Proud na proud na kwento niya.

'Ahh kaya pala familiar siya. Mas cute pa nga siya kay Jack Reid eh. Kagigil!'

"Si Jasper anong hobby niya?" habang panay subo ng potato chips.

"Lead Vocalist siya ng banda nila. Magaling din mag gitara at video games."

'Lalo na sa pambababae!'

"Namimiss mo ba siya?"

'Sige pa alala mo pa.'

"Minsan. Pero madalas hindi na---"

"AYYY!! PALAKANG NAKA SPLIT AT NAKA BACKLESS!!" Nagulat ako sa malakas na tili ni Andi. Mabuti na lang mabilis ang mata at reflexes ko. Bigla kasing may bumulusok na bola sa table namen at sabay kaming napayuko sa ilalim ng mesa.

Dahan dahan kaming nag angat ng ulo.

'Kingenang bola yan ayaw talaga akong tantanan! Muntik na naman ako dun ah!'

Nagulat ako pagtayo ng makita ko si Wesley habang dinadampot yung bola.

"L-Lucky.." Gulat na tanong niya at bahagyang napa atras ang isang paa.

'SURPRISE!! IKAW NA NAMANG KULUGO KA!'

"A-Anong ginagawa niyo d-diyan?" kasing likot ng kamay ni Andres ang pag galaw ng eyeballs niya. Mukhang hindi inaasahang makikita kaming dalawa ni Andi.

"Eto inaantay ka!" Mataray na sagot ko sa kanya.

"I-Inaantay mo k-ko?" Nauutal at di makapaniwalang tanong niya habang naturo sa sariling mukha.

"Oo, bakit masama bang antayin ka?"

"Talaga inaantay mo ako Lucky?" napangiting sagot niya bago humakbang papalapit.

"Oo, ipapalunok ko kasi sayo yang bola!!" Nang gigigil na sigaw ko at habang papalapit sa kinatatayuan niya.

"Lucky please! Lucky magpapaliwanag ako!" paatras na ang lakad niya.

"Magpaliwanag ka kay Lord kapag nagkita kayo maya maya!" pinag untog ko yung kamao ko.

"Please let me explain. Lucky please don't get mad! Don't get mad!" paulit ulet niyang ikinakaway ang ang mga kamay par aawatin ako.

"I-explain mo kapag tumama 'tong kamao ko sa mukha mo!" at mabilis akong tumakbo.

"W-WAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" malakas na sigaw niya at narinig kong tumawa ng malakas si Andi sa mesa habang kumakaen.

'Kalalaking tao duwag ampota! Siguraduhin mong hindi kita maabutan kupal ka!'

Sa takot niya mabilis din siyang napatakbo at naghabulan kaming dalawa na parang mga bata.

'Lintek na 'to ang tulin tumakbo mahihiya ang mga snatcher sa Quiapo!'

Parang masusuka na ako sa sobrang hingal kakahabol. Nagpaikot ikot kaming dalawa masiyado siyang maliksi at magaslaw kaya hindi ko maabot abot ang katawan niya. Kaya nung naabutan ko siya at nahawakan ko ang basa ng pawis na t-shirt niya pinaghahampas ko siya sa magkabilang braso.

Tumatawa at umiilag lang siya sa bawat mga hampas ko. Ito ang gusto ko nakangiti parin kahit minamaltrato mo. Gigil na gigil talaga ako. Kung pwede ko lang dakutin ang bayag niya ihahagis ko talaga sa mesa derecho sa bibig ni Andres.

'Honestly mukha kaming tanga, o ako lang?'

"A-Aray! A-AARRAY! ARAAAYY!" yun lang ang naririnig ko sa kanya saka sasabayan ng malakas na tawa.

"Anong aray aray! Hindi ka na talaga na dala kutong lupa ka!"

Sa kalagitnaan ng habulan at panghahampas ko nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit...

*TUG DUG..

*TUG DUG...

'OH C'MON!

To be continued...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C11
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous