Télécharger l’application
9.52% Lucky Me / Chapter 6: Lucky Six

Chapitre 6: Lucky Six

CHAPTER 6

ANDI'S POV

Isang araw na naman ng kawirduhan. Muntik na akong ma late sa usapan namen ni Lucky dahil sa pisting traffic na yan kaaga aga. Una ko siyang hinanap sa tambayan namin pero wala siya. Dahil maaga pa alam ko ang iisang lugar lang ang pwede niyang puntahan. Sa parking lot kung saan nandun ang pinakamamahal niyang pusa. At hindi ako nagkamali dahil dun ko siya naabutang nakikipag talo kay Kenneth habang nakaakap sa kanya si Wesley.

Oo mga seshie, kay Kenneth at Wesley! Uulitin ko ulet? Kaloka, paulet ulet?

Simpleng malandi din ang seshie ko. Magaling may plano palang magpa rape hindi man lang ako isinaman. Charot! Bilib din naman ako sa ganda nitong kaibigan ko unlimited. Ang bango bango talaga ng flower niya. Nung isang araw si Wesley ang kausap tapos ngayon kasama na sa cast si Kenneth James Ang?

Ano bang sabon ang gamit ni bakla matanong nga mamaya mukhang epektib.

Ang bayot kung sagut sagutin ang ultimate crush ko parang grade one lang ang kausap. Maygad, di ba siya pinulikat? Mula sa kinatatatayuan ko ramdam ko ng hindi nila gusto ang isa't isa sa lakas ng mga bangyan nila. Maganda yan sayo si John Wesley Ongpauco. Akin ang Kenneth James Ang! Aw!!

Pag alis namin ng parking lot nauna si Kenneh sa paglalakad at ang nakakaloka kahit na mukhang badtrip ang lolo mo saksakan padin ng gwapo. Jusmeh! Muntik ng sumirit ang panubigan ko ng isuot niya ang black Ray Ban Aviator Sunglasses niya habang naglalakad kami.

Ito namang si Wesley panay ang kausap kay Lucky na mukhang hindi interesado sa mga sinasabi niya.

Si Lucky naman mukang wapakels habang naglalakad kami. Kilala niya ba kung sino ang mga kasabay namen? Kaloka parang di affected si Ateng kitain mo. Isa pang lutang, sana kay Kenneth na siya sumabay ang layo ng mararating ng katahimikan nila. Mahihiya siguro ang kabilang buhay! Ha ha ha!

Ako nga magkanda ihi-ihi na sa kilig dahil perstaym ko sila makasabay maglakad, na dati sa telescope ko lang sila madalas pagmasdan.

"Bro, join na tayo dito sa table nila Andi ahh." paalam ni Wesley kay Kenneth ng marating namin ang usual spot namin ni Lucky sa canteen.

At huminto ang mundo ko ng dahan dahang hubarin ni Kenneth ang suot niyang sunglasses.

"KYAHHHH!" pigil na pigil ang pagtili ko dahil sa sobrang hiya ko sa magpinsan. Lalo na ng lumingon siya kay Lucky at literal kong nakita ang spark sa pagitan ng matatalim na titigan nila.

"Bahala ka sa buhay mo gutom na ako." Masungit na sagot nito at walang sabi sabing nag walk out.

"Dito lang kayo ako na oorder ng food naten." Paalam ni Wesley habang sinusundan ng tingin ang papalayong pinsan.

"D-dito kayo sa t-table namen kakaen?" Nauutal na tanong ko. 'OMGeeeehh!! Si Kenneth at Wesley sa table namin kakaen?!?' Shet, paano ko mangunguya ang pagkaen kung kaharap ko sila?

"Ayos lang ba? Wala ba kayong hinihintay na iba?" nag aalangang tanong niya. Alam ko namang hindi sila sanay may kasamang iba sa mesa.

"W-wala naman, kame lang." tinapakan ko ng malakas yung paa ni Lucky para hindi niya maisipang tumanggi.

"ARAY!" malakas na daing ni Lucky at tinitigan ako ng masama.

'Sumakay ka lang kinikilig lang ako eh.'

"Samahan na kita umorder ng food." Alok ko sa kanya.

"Huwag na samahan mo nalang si Lucky dito baka biglang mawala eh." Ngumiti siya ng abot tenga at sinundan agad si Kenneth sa counter. Agad kong hinaltak paupo si Lucky.

"Hoy teh, anong nangyayare? EXPLAIN!" natatarantang tanong ko. Ang ayoko sa lahat nahuhuli ako sa bali-balita.

"S-Saan?" maang maangang sagot niya.

"Sa SAUDI 'teh, sa SAUDI kamusta yung ekonomiya nila doon may idea ka?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Hindi ko alam hindi pa ako nakarating doon eh." Inosenteng sagot niya.

'Hesus Ginoo!'

"Gagah!" Binatukan ko siya.

"Aray ah, ARAY! Nakakadalawa kana!" duro niya sa mukha ko.

"Ikaw ang sarap mo ding kausap minsan eh, sige rugby pa!"

"Ano ba kase yun?" nakasimangot na tanong niya at nag cross arms.

'Yun na gets din ako kaloka to.'

"Doon sa dalawa kako, bakit magkakasama kayo kanina?" nginuya nguya ko ang natirang laway sa bibig ko dahil sa kagwapuhan ni Kenneth.

"Kumpletuhin mo kasi yung tanong mo, dami pa kasing paandar eh." Walang kagana hanang sagot niya bago umirap. Maygad, ako nga walang pagsidlan ang energy ko dinaig ko pa ang may adrenaline rush tapos siya malolowbatt na?

"Yaan tayo eh. Ang ganda ganda mo kasi LUCKY GONZAGA! Ikaw na ang may tatlong Boobs, bruha ka."

"Muntik na akong mabangga ng sasakyan nila sa parking lot kanina dahil kay Muning." Nakangusong simula niya. Kinuwento niya ng detalyado kung paano nagsimula, mula nung magka usap kami hanggang babaan niya ako ng phone kanina. Hanggang magkasagutan sila ni Kenneth habang inaawat siya ni Wesley.

"Ayon, ikaw na naman pala ang bida eh." Pagmama asim ko pero alam ko yun dahil naabutan ko nga sila kanina.

"Wow Andres, masasagasaan na bida pa?" sarkastikong sagot niya. "Baka gusto mong ikaw ang maging ka double ko tapos ikaw yung sasagasaan nila, bet mo? May usapan tayo tas late ka!" sumbat niya at napanguso lang ako. Siguro kung inagahan ko malamang dalawa kaming nagbuwis ng buhay kanina.

"Yan ang hirap e. Oo na kasalanan ko na" Nangunsensiya pa. Pasalamat ka libre ang breakfast naten may bonggang dessert pa. "Pero seshie naman para sa isang pusang kalye sa parking lot makikipag away ka talaga?"

"Andres hindi ito ang unang beses na nakipag away ako ng dahil sa pusa at hindi rin ito ang huli.." mkahulugang sagot niya. Nakakainis pati kasi si Papa Kenneth dinadamay niya sa kawirduhan niya.

"Ibig sabihin handa ka talagang makipag sapakan para sa pusang kalye na yun?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Tulad ng sinabi ko hindi ito ang una." Pairap na sagot niya at bahagyang natawa. "Dati nakipag sapakan narin ako sa isang parking lot sa Mall dahil sa isang pusa na sasagasaan sana nila." Maangas na kwento niya.

"Anong nangyare." Na curious ako at inilapit ko ang upuan ko sa tabi niya.

"Yun basag mga mukha nila." Sabay tawa. Siraulo talaga.

"Putek ka!" itinulak ko siya sa balikat. "Buti nalang pala maaga akong nakarating kundi mababanatan mo ang ultimate crush ko."

"Maaga? Umayos ka Andres 'e late ka nga sa usapan diba?"

"Kung hindi ako na late hindi naten sila makakasabay kumaen seshie. Maygad!"

"Bakit pa kasi kailangan pa nating sumabay sa mga yun?" iritabling sagot niya.

"Huwag ka ng umarte seshie, samantalahin na natin at once in a lifetime experience lang 'to shunga!"

"Akala ko ba ayaw nilang may kasabay na ibang students?" taas kilay at may pagdududang sagot niya. Oo ng apala na ikwento ko pala s akanya kung gaano ka ilap ang mga yun sa tao.

'Oo nga noh? Bakit pala biglang nag iba yung ihip ng hangin at gusto nilang sumabay sa amin ngayon?'

"Yun ang hindi ko alam. Niyaya mo ba sila?" nagbabakasakaling usisa ko.

"Never kong pinangarap yun Andres." Animoy diring diri. Ganda ng seshie ko diba?

"Ang sarap mo talagang kausap seshie, ano?"

"Ikaw lang ang gustong makasabay sila. Hindi ako."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Bakit kailangan bang may audience kapag kakaen ka?" pabalang na sagot niya.

"Ganda mo!" pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Di nga ayaw mo ba seshie?"

"Hindi naman sa ayaw.." mahinang sagot niya. "Baka hindi ako maka kain ng maayos eh." At napayuko siya sa mesa.

'Jusko, naalala ko nga pala parang maton pala 'to kumaen. Maygad!'

Nakita kong pabalik na sila Wesley at Kenneth kaya nanahimik kami ni Lucky. Ako lang pala. Ako lang naman yung maingay mula pa kanina.

"Pancake, bacon and ham for you!" abot ni Wesley ng isang plato sa akin.

"Thank You." nahihiyang sambit ko.

'Lord, sana matunawan ako mamaya. Libre na almusal may masarap pang desserts! Aww!!!'

"And here's for you." Sabay abot niya ng Wanton Mami kay Lucky. Nakatulala lang siya sa harap ng pagkaen.

"Hoy, seshie pagkaen mo." Mahinang bulong ko. Kung hindi ko pa siya siniko hindi pa siya iimik.

"S-Salamat." tipid na sagot niya kay Wesley at hinalo yung pagkaen niya.

"My pleasure. Mainit pa yan Lucky baka mapaso ka." Paalala niya dito at pinaypayan ng sariling kamay ang bowl niyang umuusok.

'Ganda mo seshie mas hot ka pa sa sabaw ng Mami!!'

"Oh--" nanigas ako sa kinauupuan ko ng biglang may inabot si Kenneth kay Lucky. As usual ang seshie ko wapakels sa nakikita niya.

"Ano yan?" Walang emosyong tanong niya kay Kenneth saka nag angat ng tingin. Maygad! Paano niya nagagawang titigan si Kenneth ng di man lang namamasa ang underwear niya?

'WTH is happening? Pakiramdam ko nanunuod ako ng nakakakilig na teleserye este "CANTEENSERYE"

Ang ganda ganda talaga ng friend ko. Itatanong ko talaga mamaya kung anong klaseng sabon ang ginagamit niya.

"S-Siopao." Seryosong sagot ni Kenneth.

"Salamat." Sabay abot at kumagat ng malaki, halos mangalahati yung siopao sa katakawan niya. Sabay na napalunok ang magpinsan sa nakita at napakamot lang ako sa batok.

'Sessssshhhhhhiiieeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!"

"W-Whooaa." Mahinang sambit ni Wesley. Napailing naman si Kenneth. Tuloy tuloy lang sa pagkaen ang friend kong construction worker. Nag angat siya ng tingin ng mapansing pinapanuod namin siya kumaen.

"Whhoot?" puno ang bibig at ngumunuyang sagot niya.

"L-Lucky slow down baka mabulunan ka." Nag aalalang wika ni Wesley at inilapit nito ang upuan sa tabi niya.

"Masarap ba?" napalingon kaming lahat ng muling magsalita si Kenneth. Nakangalumbaba ako habang tinititigan ang maaliwalas niyang mukha. Lord bakit ang lakas lakas ng dating niya? Tumango tango si Lucky. "Laman daw niyang siopao PUSA." seryosong sabi ni Kenneth.

'O__O Wesley at Ako.

"BUUUWWWWAAAKKK" Sabay iniluwa ni Lucky sa palad niya ang kinakaen at bigla itong namutla at parang maiiyak. "MUUUUNNNEEEEENGGGGGG KOOOO!!!!!" naiiyak na sambit niya sa nginuyang siopao sa palad niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay tumawa ng nakakaloko ang magpinsan. Nadala ako sa mga tawa nila nakitawa nadin ako dahil nakakatawa talaga yung itsura ni Lucky.

'Yan, katakawan mo kasi!'

Walang humpay parin ang tawa ng magpinsan at ng makitang sumeryoso ang itsura ni Lucky sabay silang nanahimik at ibinaling sa iba ang mga tingin. Galing mandedma ng mga 'to! Sabagay nakakatakot ang itsura ng seshie ko parang lalapain sila.

"S-Sorry." Halos magkasunod na paumanhin nila.

"Sorry? E kung ipalaman ko sa tinapay ang mga "Tutoy" niyong dalawa, bet niyo?" seryosong banta niya habang nagpapalitan ang tingin sa dalawa. Agad nilang tinakpan ang hinaharap sa takot.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Ako naman ang tumawang mag isa. Go seshie! Gusto ko ng jumbo hotdog!

"J-Joke lang yun Lucky." Depensa kaagad ni Wesley. "Pero si Kenneth talaga yung bumili niyan naalala ka kasi niya ng makita niya yung Siopao kanina sa counter."

"Bully!" singhal ni Lucky kay Kenneth na nagpipigil ulet ng tawa.

"Sarap na sarap ka nga e." At ngumiti ito ng napakagwapo. Dun na tastas ng tuluyan ang SOEN na panty ko. Maygad buti nalang may baon akong extra.

"Aahhh—'E di Meowww." Nakangusong sagot ni Lucky at sabay silang tumawa ni Kenneth.

'Isa pa tong bipolar!'

Ito na ata ang pinakamasayang araw ko sa Carlisle Academy. Grabe, lahat ng kumakain nakatingin sa table namin dahil sa lakas ng tawanan namin sa mesa. Alam kong naiinggit sila ng bigtime sa paraan ng mga tingin nila at alam ko ring naninibago sila sa nakikita. Kahit ako naninibago ng sobra, ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganyang ka bongga si Kenneth simula ng pumasok ako dito sa Carlisle. SI Wesley Mister Congeniality yan lahat natutuwa sa kakatuwang personality niya.

Hindi ako maka get over sa mga ngiti nilang magpinsan. Dapat isama sa listahan sa magagandang tanawin ang kagwapuha e. Malamang dadagsain sila ng mga turista.

Mula ng pumasok ako dito sa academy never ko pang nabalitaan o nakita silang magpinsan na sumabay sa kahit sinong student para kumaen o maki-share ng mesa. Hindi ko alam kung bakit, kagaya ko ordinaryong student lang din naman sila. Ang pagkakaiba lang sikat sila dahil sa taglay nilang mga talento. Bonus pa yung pagigigng mga campus hearthrob nilang magpinsan.

'Well, there's always a first time for everything.'

At ito ang most unforgettable first time dahil pa sa isang Lucky Gonzaga. Napaka LUCKY ko talaga sa baklitang to. Malamang, ngayon kamumuhian na kaming dalawa ng buong campus. Kanina ko pa actually napapansin ang mga masasamang tingin ng mga students sa table namen. At ang kinatatakutan ko sa lahat nakita ko na kinunan kami ng picture ng isa sa mga alagad ni Amber. Si Jhorica. Ang pandak at matabang alalay ni Amber.

After ng masayang breakfast humiwalay na kami sa magpinsan at naglakad papunta sa una naming klase.

"May dala kang instrument para sa assignment naten kay Sir Villanueva?" Tanong ko kay Lucky habang naghihikab siya.

'Hala puyat ang bakla.'

"May gitara akong dala inakyat ko pagpasok ko kanina." Inaantok na sagot niya.

"Ako yung Violin ni Ate dala ko." Masiglangg sagot ko. Nagpractice pa ako ng bonggang bongga kagabe para dito kaya super excited na ako.

"Kakanta kaba habang nag gigitara?" sinilip ko ang mukha niya at hindi man lang siya ngumiti.

"Siguro." Kibit balikat na sagot niya. "Panget naman kung tutugtog ako ng walang kanta." Walang kagana ganang dugtong niya pa.

"Sabagay may point ka." Mahinang sagot ko. Ang totoo na excite ako bigla dahil maririnig ko na naman siyang kumanta. "Yung totoo gutom ka pa seshie?" pang ookray ko sa kakaibang sigla niya. Kaloka, ang dami niyang nakaen at may libreng pa dessert pa si Mayor Herbert Bautista 'di pa siya nakuntento? Ako nga muntik ng maimpatcho e.

Ang weird talaga ni Lucky, 'di ko alam kung tinatamad lang siya ngayon or may pinagdadaanan siya. Maygad, ako nga hanggang ngayon hindi parin maka get over sa mag pinsang yun e. Basta! Full charge parin ako dahil ang sarap ng dessert ko kanina. BANANA CON YELO ALA PAPA KENNETH AT PAPA WESLEY!'

"Class did you bring your assignments today? Ang walang dala ililibre ang buong class ng meryenda." Naka ngiting tanong ni Sir Adam sa harap pero alam kung seryoso siya.

"Sir wala po akong dala mabigat kasi yung organ namen eh." Sagot nung maarteng classmate naming si Micah.

"Tss, ba't di mo ilatag yung internal organ mo sa mesa saka mo patugtugin." mahinang bulong ni Lucky sa tabi ko habang inaayos ang tono ng gitara niya. Nang magtama ang mga mata namin bigla akong natawa ng bongga.

"Yes, Mr. Bolivar? Wala ka ring dalang instrument?" Tanong ni Sir Adam at napakmot pa ito sa ulo.

"Yes sir!" maagap na sagot ko. "I mean no sir, meron po akong dala!" natatarantang sagot ko at pasimple kong kinurot si Lucky sa tagiliran.

Naunang tawagin ang mga nasa first row. Apat naman sa mga kaklase ko ang walang dalang instrument at dahil kame ni Lucky ang nasa last row kaming dalawa yung huling nagperform.

"Mr. Bolivar its your turn, show us what you've got."

Kinakabahan akong tumayo.

"Galingan mo kung hindi itatakwil kita." mahinang bulong ni Lucky at sabay tawa.

'Litsi, imbes palakasin ang loob ko lalo pa tuloy akong kinabahan.'

"Hi everyone." Lakas loob n bati ko sa harap ng klase. "Meet my bestfriend "VIOLA" pronounce as "Vayola" my very own violin." Nakangiting pakilala ko sa hawak kong instrumento. "Violin is a bowed string instrument that has the highest tune and is the smallest among the violin family of instruments. It is also called the fiddle when used to play traditional or folk music." Pabibong recite ko sa mga nalalaman ko sa hawak kong instrumento. "There are two types of Violins. First is the Acoustic or Non-Electric Violin. This is the traditional violin that is more suitable for beginners. Second is Electric Violin - As the name implies, electric violins use an electronic signal output and is suited for more advanced players."

"Why did you choose violin among other string instruments? And what makes it so special?" parang abugadong tanong ni Sir Adam habang nakasandal ito sa table niya.

"Playing this instrument helps me alot of ways. Like boost my confident, social skills, enhance my self-discipline, sharpened my memory & specially to release stress." Sabay buntong hininga. Mauubusan ako ng hangin dala ng kaba. "Something na very common sa ating mga teenagers. If you feel happy or sad violin is one of the best instrument to play and to hang out with."

"Very good." Nakangiting sagot ni Sir Adam. "The floor is yours Mister Bolivar." At saka pumalakpak habang naglalakad pabalik ng table niya.

Inhale. Exhale. Pumikit ako bago magsimulang tumugtog sa harap nila. Broken Vow yung piece na napili ko. Ito kasi ang unang song na natutunan kong tugtugin ng mag aral akong mag violin. Tahimik silang lahat habang nakikinig. Para silang nahipnotismo sa ginagawa ko. Hindi man ako ang pinaka mahusay na violinist pero sa pagkakataong ito pakiramdam ko isa na ako sa kanila. Pinalakpakan ako ng bongga at tuwang tuwa si Sir Villanueva sa performance ko.

"You're turn, Lucky Gonzaga." Napaka gwapo ng pagkakangiti niya. Asus, kapag si Lucky talaga dapat may lambing ang pagtawag sa pangalan nniya? Dahan dahang tumayo si Lucky. Naglakad papunta sa harap habang naka sabit sa likod ang gitara. Para talaga siyang tomboy kung kumilos hindi man lang magpa girl ng kahit konte.

"H-Hi!" may pagkamaangas na bati niya. Parang mga babaeng kinilig naman ang mga kaklase kong lalake sa kakyutan ng kaibigan ko. "Guitar is one of the most famous instruments used by most of the musicians around the world." Panimula niya habang isinusuot ang strap ng gitara sa katawan niya. "It is a very versatile instrument and one of the easiest instrument to study. I chose guitar because for me its one of the romantic instrument to use when you wanted to serenade someone you love." Umangat ang gilid ng labi niya na tila may naalala dahil sa sinabi bago yumuko.

"Have you experienced to be serenaded by someone before Gonzaga?" nakangiting tanong ni Sir Villanueva at nag hagikhikan naman yung mga malalantong kong classmates sa kilig.

"Y-Yes Sir." Walang emosiyong sagot ni Lucky.

"At pwede ba naming malaman kung sino siya?" Pabirong tanong ni ser pero todo ang ngiti. Bahagya siyang naatawa siya sa tanong ni Sir Adam at napakamot siya sa ulo dahilan para lalong magulo ang blonde hair niya.

"H-He's someone i used to love.." At sinundan niya yun ng strum ng intro ng kakantahin niya bago pa man makapagsalita si Sir Adam.

' Aba, aba teka nga.. Bakit teary eye siya?'

"When I'm nervous I have this thing yeah I talk too much

Sometimes I just can't shut the hell up

It's like I need to tell someone anyone who'll listen

And that's where I seem to messed up.."

Pamilyar sa akin ang kanta dahil isa ito sa mga paborito ko sa Album ni Jessie J na Who You Are.

Nobody's Perfect ang title ng kanta. At aaminin ko humanga ako sa galing ni Lucky. Lasap na lasap ko yung nanunuot at kakaibang emosyong binibitawan niya sa bawat linya.

"Yeah, I forget about the consequences,

For a minute there I lose my senses

And in the heat of the moment

My mouth starts going the words start flowing..

Nakakadala. Nakakapanghina.Tagos sa atay hanggang sa balunbalunan. Tahimik ang lahat habang nakikinig kahit si Sir Adam hindi maalis ang tingin sa kanya. Kahanga hanga naman kasi ang interpretasiyon niya sa kanta. Yung husay niya sa bawat runs o yung pagkulot kulot ng boses niya, yung malinaw na bigkas niya sa bawat lyrics at yung tamang lakas at tunog ng gitara para hindi masapawan ang boses niya ay sadyang nakaka panindig balahibo.

"But I never meant to hurt you,

I know it's time that I learned to

Treat the people I love like I wanna be loved

This is a lesson learned.."

Ibang Lucky yung nakikita ko ngayon sa harap ng klase. Ito yung isang parte ng pagkatao niya na makikita mo lang pagkumakanta siya. Lucky shows his emotional vulnerability when he performs.

"I hate that I let you down

And I feel so bad about it

I guess karma comes back around

'Cause now I'm the one that's hurting, yeah"

Kaabang abang ang bawat pagbuka ng bibig niya. Para siyang iiyak at bibigay ang boses niya, mabigat sa dibdib pero sobrang swabe sa tenga. Ang sarap niyang pakinggan dahil bigay na bigay siya, isasampal niya sayo yung mensahe at bilang kapalit sisikmurain ka.

And I hate that I made you think

That the trust we have is broken

So don't tell me you can't forgive me

'Cause nobody's perfect

No, no, no, no, no, no, no, nobody's perfect

'Pakiramdam ko may isang tao sa likod ng kantang to na pilit kinakalimutan ni Lucky. Siya rin kaya yung tinutukoy niyang humarana sa kanya? Nagiging curious tuloy ako sa pagkatao ng new found seshie ko.'

I'm not a saint, no, not at all, but what I did, it wasn't cool

But I swear that I'll never do that again to you, oh

I'm not a saint, no, not at all, but what I did, it wasn't cool

But I swear that I'll never do that again to you, yeah

Grabe siya, kinikilabutan ako ng sobra. Kanina pa nakatayo ang mga balahibo ko. Gusto kong maiyak sa galing niya, damang dama ko yung kwento niya parang ako tuloy yung may pinagdadaanan ngayon dahil pakikinig sa kanya.

'Lalo mo lang akong pinapahanga my friend hindi ka lang maganda saksakan kapa ng talented!

'Juice colored kapag marinig ka ni Wesley sa kantang to baka maloka ang lolo mo. '

***FLASHBACK***

"Salamat sa bigbreakfast value meal Papa Wesley." Kinurot ko siya sa braso. Maygad, ang lambot lambot ng balat niya!

"Anytime basta kayo ni Lucky kahit araw araw ko pa kayong ilibre! Hahaha!" tuwang tuwang sagot niya at panay silip din sa direksiyon ng washwoom kung nasaan si Lucky. Ang ultimate crush ko namang Kenneth ay kasalukuyang abala at may kausap sa phone niya.

"Ano palang unang na klase niyo?" gusto kong manlambot sa harap niya habang nakangiti siyang nagtatanong.

"Ahh MUSIC kay Sir Villanueva." Nanghihinang sagot ko. Don't tell me ihahatid niya pa kami sa classroom? Maygad, hindi ko na 'to kaya! Maghimatay himatayan kaya ako? OMG!!!

"Saan sa 4th Floor na room niya?"

"Oo yun lang naman room niya diba?" napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

"Hahahaha Oo nga noh, bakit tinanong ko pa. Hahaha"

'Isa pa tong gwapong wirdo!'

"Oh siya ayan na si Lucky mauna na kame." Parinig ko sa pinsan niyang abala parin sa cellphone. "Salamat ng marami sa susunod buffet naman bitin eh busog lang sa dessert. Hehe!"

"Sure! No prob!" at nagulat ako ng makipag apir pa siya. Ang lambot ng kamay niya Lord!

"Bye Papa Wesley, Bye Kenneth mylabs!" Kaway ko saka ako tumayo. Kumaway naman si Kenneth at ngumiti pero nung makitang dumating si Lucky nagdikit ulet yung kilay niya. 'Taray Automatic!?'

At parang halaman sa paso na nilampasan lang siya ni Lucky.

"L-Lucky gusto mo bang ihatid ko kayo sa classroom niyo?" nauutal na alok ni Wesle. Mukha namang nagulat si Kenneth sa narinig sa pinsan.

"Huwag na baka mapapagod ka lang." Tinapik niya sa ibabaw ng balikat si Wesley. "Salamat sa pa almusal Ongpauco. Sa susunod si Andi naman ang manlilibre. "

"Luh, ba't ako?" gulat na tugon ko.

"Sino ba palaging late sa usapan?" pinandilatan niya ako.

"Oo na!" inambaan ko siya ng suntok.

"Lets go Wesley male-late tayo sa klase." Nag shift na naman sa pagiging masungit ang crush ko.

"Bye Lucky!" Malambing na paalam ni Wesley. Tumango lang si Lucky at unang naglakad papalabas ng canteen.

***END OF FLASHBACK***

Napatingin ako sa labas ng bintana ng classroom at nagulat ako sa nakita. Mga 188 times pa akong kumurap kurap bago ko makumpirmang si Wesley nga ang nakikita ko na nakasilip sa nakabukas na bintana. Ngiting ngiti ito habang pinapanuod si Lucky na kumakanta.

'Naaayy, si Ongpauco! Don't Meh! DON''T MEH!

At namalayan ko na lang natapos na yung kanta ni Lucky at standing ovation ang buong klase, maging si Sir Adam todo ang palakpak. Tumayo ako at pumito ako ng malakas.

'I'm very proud of you seshie! Ang assignment about stringed instruments pero niliko mo ng bongga impakta ka!'

Si Lucky naman bow ng bow kala mo koreanang hilaw. Charutera marami kang dapat isiwalat Inday humanda ka!

*EVIL LAUGH*

To be continued..


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C6
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous