(Prince Kean POV)
"You were born to marry the family whom na pinagkautanangan ng loob ng iyong Lolo, Kean." My father announced again in the mid of our dinner last night.
Naisandal ko ang aking ulo sa salamin ng sasakyan. Napapahilot ng sintido ko… na sobra ngang gumugulo sa isipan ko itong pinagpipilitan ng aking ama na gawin ko nga.
Since nga merong matalik na kaibigan si Lolo, at parehong naging anak nila lalaki, di maaring ipagkasundo sila. At ang pamilyang Zalazin ngayon… meron nang babae na maaring ipares sa akin. Lagi sa aking sinasabi ng aking ama ang kahihinatnan ko kapag sinuway ko ang huling habilin ng yumaong ama nito.
At kung di ko nga susundin sa kangkungan ang punta ko nito. Which is kahit ang aking ina wala ding magagawa. Tss. Such a pathetic old man who was still following the old tradition. Nasa modern na tayong mundo ngayon.