( Monina's POV)
Okey lang nga yung ginawa niya, dahil natigil na akong umasa. Okey lang yun Monina. Nakakahiya nga eh. Walang dapat paghinayangan.
Nang mapansin kong may sasakyan na biglang umalis. Dapat ba akong kabahan?
Napailing ako. Isipan ko lang ang pinapahirapan ko. Wag pag-isipan nang masama ang lahat nang tao Monina. Mapaparanoid ka lang.
Si Cedrick kasi, di man lang sa akin sinabi kung sino ng aba ang kailangan naming iwasan.
Ang selfish. Kahit yun lang sana.
Pumasok na ako nang bahay. Siniguradong sarado lahat nang bintana at pinto.
Tinignan ko si papa sa silid nito. Nagising na siya kanina. Di makapagsalita… Napaluha lang nang makita kaming apat. Narecognize niya kami.
Hinawakan ko ang kamay niya.