Araw ng sabado. Narito na naman sa loob ng MCHS gym ang mga piling estudyante mula sa Cassioppeia, Andromeda, Aries, at Capricorn para sa kanilang practice. Matindi-tinding pagsasanay at pagpaplano ang inilatag ng mga Filipino teachers ng kanilang eskwelahan para masiguradong masusungkit nila ang champion sa sabayang pagbigkas.
Mahigpit ang labanan sa pagitan ng MCHS at ng JMJ University- Integrated Basic Education Department o mas kilala sa shortcut na JMJU-IBED dahil sa ang dalawang nasabing eskwelahan ay mayroong mga guro na batikan sa pagtuturo at bukod doon ay magaling rin sa sining.
"Okay. Gusto ko sa part na ito ay biglang susulpot ang isang baliw." Ma-awtoridad na sabi ni Ginoong Bonifacio, ang nangunguna sa pagko-choreo ng sabayang pagbigkas. Inikot niya ang kanyang paningin sa mga mag-aaral.
Magvo-volunteer na sana si Cheena. Ituturo na sana ng mga taga Capricorn ang iba nilang kaklase. Kaya lang, ay naunahan sila ng isang KSP na taga section-Cassioppeia. As usual, alam niyo na kung sinong KSP ang tinutukoy ko.
"Sir! Si Sigmund daw sir!" panunudyo nina Ark.
Ngumisi si Andy na parang may naisip ring kakaiba. "Si Franco rin, gusto niya rin daw sir!"
Umiling si Sigmund. "Ha? Anong ako? Wag na. hehe."
"Hmm. Franco, Sigmund." Sumenyas si Ginoong Bonifacio sa kanilang dalawa. Parang hindi naman alam ng dalawa kung tatayo ba sila at aarte sa harapan o hahayaan nalang ang guro. Masyadong biglaan ang utos na ito. Paano nga ba umarte na parang isang baliw?
"Ano pang hinihintay niyo?"
Sinubukang pumalag ni Franco. Baka sakaling mapakiusapan pa niya si sir Bonnie. "Hehe. Hindi ah. Sir, wag na po ako. 'Di po ako marunong."
"Sige na! Sample! Sample! Sample!" sigaw ng limang itlog. Moral support para sa kanilang kaibigan na siyang may pasimuno nito.
"MVP namin yan sa pag-arte sir! The best yan!" pang-uuto pa ni Blue.
It's time to spice up their practice. Well, this is just for fun. Maganda nga iyong may magmukhang tanga para masaya ang lahat. Di'ba? Di'ba? O baka sila lang ang natutuwa. Well, wala silang pake.
No choice. Nandahil sa peer pressure, dahan-dahang naglakad papunta sa harapan si Franco. "Sir? Ano pong gagawin?"
"Umarte kang baliw." Nagkamot ng batok si Franco.
Kumikislap ang kanilang mga mata. Matamang nag-aabang ang limang itlog.
"Ahh, sir? Baliw po?"
Malamig siyang tinignan ng guro. Nagtitimpi lamang ang guro sa katangahan ni Franco. Gayunpaman ay hindi niya pa rin mapigilan ang mabwisit! Ang ayaw niya sa lahat ay iyong mga tatanga-tanga na hindi alam kung saan lulugar! "Oo Franco. Baliw. Kakasabi ko lang di'ba? Paulit-ulit ba tayo dito? Bingi ka ba?"
"Pasensya na sa classmate naming bulaho, sir! Wala kasi silang pambili ng cotton buds kaya naipon ang earwax! HAHAHA!"
Ayan na naman. Bulaho. Pinagtawanan pa siya ng mga kaklase, at pinagtitinginan ng lahat. Para bagang, may nakatutok na spotlight sa kanya. Ngunit itonutok ang spotlight sa kanya para siya ay gawing katatawanan lang ng sanlibutan.
Nakakasawang pakinggan pero ang mga nagbabadya niyang luha, hindi pa rin pala nagsasawa. "Sorry po sir. Hindi ko po kaya."
"Next!" Walang patumpik-tumpik pa na nagpunta si Sigmund sa gitna. Pero bago iyon, tinapik niya si Franco sa balikat nito at nginitian. Gusto niyang sabihing okay lang yan ngunit pinigilan niya ang sarili.
Nakapag-isip na siya ng gagawin. Hindi niya alam kung paano umasta bilang baliw pero bahala na. Meron naman siyang stock knowledge. "Ako ang may-ari ng mundo! HAHA! Mamamatay kayong lahat kapag pinindot ko ang red button! WAHAHA." Seryosong saad niya habang tumatawa nang malakas.
HAHAHAHAHAHA! Hindi inaasahan ng lahat iyon, ah! Pati ang batong si Charity ay humagalpak na rin kakatawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natawa siya sa harap ng mga kaklase.
Napatulala si Franco. Tumawa si Elisse. Naging hugis crescent ang kanyang mata. Mas lalo tuloy siyang gumaganda dahil doon. Si Sigmund naman, kahit na napaginitan ng kanilang guro ay natawa na rin sa nangyari. As long as masaya ang lahat, no worries. Wala lang yun.
Nanlaki ang mga mata ni Ginoong Bonnie. "Stop! Ano yan, Sigmund? Sabi ko, baliw!"
"Hehe. Yun nga po sir. Baliw. Sabi po kasi sa nabasa kong libro, isang uri ng kabaliwan o schizophrenia ay ang pagkakaroon ng delusions of grandeur. Kaya---"
"Hindi yon ang ibig kong sabihin! Hay, mga inutil!"
Mas lalo pang lumakas ang mga tawa nila matapos magmura ng guro. Nakakaloka talaga.
Kunot na kunot na ang noo ni sir Bonifacio. Imposibleng wala ni isa sa mga estudyanteng ito ang bagay sa role. There has to be someone here who excels in acting. Nagcross-arms siya. Naglikot ang kanyang mga daliri sa pagpindot ng kanyang braso, wari'y nag-iisip.
Hmm. Parang mayroong nabanggit si Maam Oliger sa kanya kung sino-sino ang mga nakitaan ng potensyal sa pag-arte. Hindi niya lang maalala kung ano ang pangalan nito, basta ang alam niya ay gumanap ito bilang sisa, ayon sa kwento sa kanya ni Ms. Oliger.
"Sinong mga gumanap na sisa rito? Itaas ang kamay." Nagtaas naman ng kamay sina Charlotte, Cheena, at isa pang taga Aries.
"Ikaw. Mauna ka." Turo niya kay Charlotte.
"AHAHAHAHA!" tumawa si Charlotte na animo'y nababaliw na. At pagkatapos ay biglang umiyak. At pagkatapos ay tumawa ulit. Tapos umiyak ulit.
"Next. Ikaw naman." Sunod na itinuro niya si Cheena. Walang angal na nagpunta si Cheena sa harapan. Baka mas lalong mag-init ang ulo ng guro kung siya ay magpapabebe pa.
"Shh!" tinignan nang masama ni Cheena ang lahat. "Wag kayong maingay. Magigising ang anak kong si Maria." Itinuon niya ang pansin sa kungyari karga-karga niyang sanggol. "Shhh. Tahan na, anak. Andito na si mama."
Tinignan niya ulit nang masama ang lahat. "Oh, anong tinitingin-tingin niyo dyan? Ano, sasabihin niyo na naman na baliw ako? Hindi ako baliw! Kayo ang baliw! Hindi ako! Naiintindihan niyo ba? SHHHH! Ano ba! Sinabi nang tumahimik ka, eh! Tumahimik ka!" sigaw pa niya habang palingon-lingon sa kaliwa't kanan na para bang may bumubulong na hindi nakikita ng iba. Dilat at nanlilisik ang kanyang mga mata, alisto sa kung anumang panganib na hindi naman nakikita ng mga tao sa kanyang paligid.
"Bravo. Salamat Cheena. Maaari ka nang bumalik. Yon! Nakita niyo yun? Yon ang tinatawag nating pag-arte! Ganyan ha. Tularan niyo si Cheena. Para magbaliw-baliwan lang, di niyo pa magawa! Mga hangal. Mga inutil."
At ayun nga. Sa pamamagitan ng galing niya sa pag-arte, nakuha ni Cheena ang main role bilang isang baliw. Hindi ito isang tipikal na role na pinapangarap ng lahat. Sino ba naman ang may gustong magmukhang tanga at baliw sa harap? Sino ba naman ang may gustong katakutan ng lahat? Hindi ba't madalas ang bida ay maganda, kahalin-halina, at kagusto-gusto sa mapanghusgang mata ng madla?
Ngunit ibahin natin si Cheena. Sa larangan ng pag-arte, sa ngalan ng sining, bilang isang tunay na aktres, wala siyang pipiliing role. Walang arte- arte. Baliw man sa inyong paningin, ngunit kaunti lang ang may kaya non.
Sa dinami-dami ng tao sa kanilang eskwelahan, ay siya lang ang may kayang gumanap sa role na iyon. Siya lang. Dahil kung wala siya, sino ang gaganap? Sino? Kaya kahit madungis man ang kanyang itsura sa araw ng pagtatanghal, wala pa ring ibang makakapalit sa kanya.
Wala. Siya at siya lang talaga.
*-*-*-*-*
Pag ako'y pumipikit
Ikaw ay sumasaglit
Ang dinulot mong hapdi
Sa puso'y nais limutin~
May nag-iisang boses na singlambot at sariwa ng umiihip na hangin. Banayad sa pakiramdam ang himig ng kalungkutan na dala ng kanyang musika.
May tunog ng naglalakad. Papunta iyon sa direksyon niya, dito sa loob ng CR sa gym. Huminto ang malamig na tinig sa pagkanta.
"Hi, Cheena!" tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
Nginitian niya ito. "Hi, Cha!"
"Ikaw yung kumakanta?"
"Oo. Hahahaha" sagot niya saka tumawa dahil sa nerbiyos. Hindi siya sanay na may nakakasaksi ng rare concerts niya sa loob ng public CR. Ang akala niya'y okay lang ang magconcert sa loob dahil wala naman gaanong tao ang gumagamit ng comfort room sa gym.
Madalas, sa CR, malapit sa MAPEH department nagsi-CR ang mga tao sa MCHS sa kadahilanang, haunted di umano ang CR sa gym. Ayon sa mga kwentong nakalap ng kanilang student publication, mayroong babaeng nagpatiwakal noon sa CR na iyon. Teacher daw. Hindi na kinaya ng kanyang katinuan ang kanyang mga nakikitang nilalang. Hindi siya pinapatulog ng mga ito. Minsan, sinasapian pa siya habang nagkaklase. Nahihirapan na siyang mabuhay pa dahil ayaw siyang tantanan ng mga elementong ito.
Napadaan lang si Charlotte sa CR. Palabas na sana siya ng gym dahil lunch break nila. Pero napahinto siya nang marinig ang isang magandang boses. At dahil isa siyang chismosa, sinundan niya ang pinagmumulan ng kanta.
"Ang ganda pala ng boses mo! Grabe ang talented! Nakakainlove naman. Ay sorry, di ako tibo. Pero kung lalake lang ako, crush na talaga kita cheena!"
"AHAHAHA!" Isang nerbyos na tawa nanaman ang ginawa ni Cheena. "Salamat!"
Nakakainlove? Sana pala nagging boses nalang siya. Para mainlove din sa kanya ang crush niya. Pero parang malabo. She is just a nobody. At sino nga ulit ang crush niya? Sino nga ulit ang pinapangarap niya? Si Andy. Anderson Dela Vega. Ang heartthrob ng campus. Matalino na, gwapo at mayaman pa. Sila na talaga. Sila na talaga ang pinagpala.
Pero malay mo. Malay natin. Malay niya. Malay nating lahat, magkaroon siya ng katiting na pag-asa. Baka mapansin siya ni Andy, lalo na at magkasama sila ngayon sa sabayang pagbigkas. Ang problema lang ay tumitiklop ang kanyang confidence. Wala siyang lakas ng loob na lapitan ito.
"Ah, Cha? Anong reaksyon niya nung binigay mo yung last letter?"
"Ahh.. Hehe. Okay daw."
"Okay? Anong sabi? Hihi. Oh my gasss! Shet! Luh. Kinikilig akoooo! Ano daw sabi? Ano daw?" patalon-talong tanong niya.
"Ahh. Basta. Ah, wala siyang nasabi."
Nawala ang ningning sa mata ni Cheena. Baka walang nasabi kasi baka hindi naman natuwa. Haaaaay. Kaagad namang nabahala ni Charlotte. Hindi pwedeng masaktan si Cheena. "Ah, wala siyang nasabi pero nakita kong masaya siya."
Nadagdagan nanaman ang kasinungalingan niya. Sa loob-loob niya'y gusting gusto na niyang sabihin ang totoo. Pero paano naman ang feelings ng iba? Parang hindi niya kaya. Paano niya iko-comfort ang mga nasaktan? Sasabihin ba niyang okay lang kahit na ang totoo ay hindi naman?
Hey, It's been a while!