Télécharger l’application
90% Perfectly Unordinary (Tag-Lish) / Chapter 27: Chapter 27: PRIVACY

Chapitre 27: Chapter 27: PRIVACY

CHAPTER 27

 

        "Sir.. Sir.." Gising ng nurse kay Raimer. Kanina pa siya ginigising nito pero ngayon lang siya napamulat.

 

        "Bakit?" Inis niyang tanong. "Anong kailangan mo?" Maliwanag na din ang kwarto dahil binuksan ng nurse ang kurtina sa bintana.

 

        "Nasan na po si Ms. Fajarah?" Tanong nito.

 

        "Andyan natutulog. Saan pa ba?" Pagsusungit niya. Ayaw niya kasi talaga ng ginigising. Nag aalarm naman kasi siya.

 

        "She's not around, sir. Wala rin po sa cr." Mahinahon namang sagot ng nurse.

 

        "Anu?!" Napabalikwas ng bangon si Raimer. Dahilan ng pagkahilo saglit. Umiling siya at tumayo na rin. Tinignan niya ang kama na bakante na. Lumapit siya nang mapansin ang pirasong papel na nakapatong sa bedside cabinet.

 

        Pinulot niya yun at binasa.

 

       Mr. Azarcon, i'm so sorry that i left the hospital. And humihingi din ako ng dispensa sa mga kaibigan mo na nagmabuting loob sakin. Maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo. I appreciate it all. Alam ko hindi maganda ang ginawa kong pagsuway sa inyo at sa doctor diyan. Pero babawi ako sa inyo sa sarili kong paraan.

 

 

        Napabuntong-hininga nalang si Raimer. Saka tumingin sa nurse na nasa likod niya. "She already left."

 

        "Sir, may iinumin pa sana siyang mga gamot. Pain killers."

 

        "ini-inject ba yan sa kanya or intake lang?"

 

        "She can have both, sir. Pero ang dala ko po ngayon ay e-inject sa kanya."

 

        "Bigay mo sakin yung iinumin lang. Anong oras niya ba yun dapat inumin at ilang days?"

 

        "Binibili na po yun, sir pag wala na ang pasyente dito."

 

        "Dalhin mo ko sa pharmacy niyo dito at bilhin ko lahat ng kailan niyang inumin don."

 

        "Sige po sir." Tumango na ang nurse.

 

        "Wait here. I'll just fix myself." Sabi niya at pumasok ng banyo para ayusin ang sarili.

 

        After a minute, lumabas na rin siya at umalis na sila ng nurse don. Dala-dala naman niya ang note na nilagay sa bulsa.

 

 

        Biglang nag vibrate phone nya at kuniha yun. Si Jason ang tumatawag.

 

        "Yow, bro." Bungad niya. Naririnig niya kasi noon na ganon ang bungad ni Rain sa mga barkada nito pag tumawag.

 

        "Yow. Ano na? Kumusta? Di ka ba papasok?"

 

        "Mamaya nalang siguro. Maghalfday na ko."

 

        "Bakit? Ano ba ginawa mo at napuyat ka or pagod?" May panunukso sa boses nito.

 

        "Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.

 

        "Bro naman, alam naman nating matagal mo ng pinagnanasaan yang si Ms. Fajarah. Hindi mo ba sinubukan kagabi?"

 

        "Loko. May nangyari na nga don sa tao, gagalawin ko pa?"

 

        "At kailan ka pa naging gentleman?"

 

        Gentleman naman tlga ako ah. Si Rain ang ewan. Sabi niya sa isip.

 

        "Bakit ang aga mo mangbwesit?" Balik tanong niya.

 

        "Dahil alam ko maganda gabi mo dahil nasolo mo siya. Kaya binabawi ko na lang ang umaga mo."

 

        "Tumigil ka nga. If you just called to say nonsense things then better hung up."

 

        Matapos sabihin non ay agad namatay ang tawag. Pinatay ni Jason.

 

        Tumawag nga lang talaga para bwesitin siya. Binalik nalang ni Raimer ang phone sa bulsa pero nag vibrate na nanan ito.

 

        Si Michell ang tumatawag. Nagulat pa siya don. Di niya alam kung sasagutin ito.

 

        "Sir, dito na po tayo. Ibibigay ko na lang po yung mga gamot tapos lumapit lang po kayo sa cashier. Isasama ko na rin po ang instructions." Sabi ng nurse sa kanya.

 

         Tumango lang siya dito at ibinalik ang phone sa bulsa. Di niya muna sasagotim ang tawag ni Michell sa ngayon.

 

        Pagkatapos ng lahat sa hospital ay napag-isipan niyang umuwi muna sa mansyon para makaligo at bihis.

 

        Pagdating sa mansyon ay di niya inasahan na madadatnan niya pa ang parents niya sa bahay.

 

        Pagpasok pa lang niya sa gate ay binalita na agad ng security na dumating na siya kaya nalaman ng parents niya.

 

        "Good morning, señorito." Bati sa kanya ng mga katulong na nakakasalubong niya.

 

        Paakyat na sana siya ng hagdan papuntang kwarto pero tinawag siya ni Makoy. Ang butler ng mansyon.

 

        "Good morning, señorito." Nag bow pa ito sa kanya. "By the way, pinapatawag po kayo nina señor at señora. Nandon po sila sa dining hall."

 

        "Bakit daw?"

 

        "Di ko po alam, señorito."

 

        "okay, pakidala nalang to sa kwarto ko, Makoy." Iniabot niya dito ang bag.

 

        "Sige po, señorito." Tumango ito.

 

        Iniwan na niya ito at pumuntang dining hall.

 

        Magalang naman siya pero kailangan niya maging asal-Rain para di siya maboking.

 

        Pagbungad pa lang sa entrance ng dining ay nanginginig na ang mga tuhod niya sa paglapit sa mga magulang.

 

        Nang makalapit na ay sinabi ng mama niya sa mga katulong na nasa likuran. "What are you all waiting for? Ipaghanda niyo ang señorito niyo." Malumanay na sabi pero puno ng awtoridad.

 

        "Yes, señora." Sagot ng lahat at kumilos na.

 

        "Sit down." Sabi ni Randy sa anak.

 

        Umupo naman si Raimer. Sa tapat ng mama niya.

 

        "So, where have you been last night?" Unang tanong ng kanyang papa.

 

        Nilagay na ng katulong ang plato at kubyertos sa harap niya. Kinuha niya ang table napkin and put it on his lap.

 

        Sunod dumating ang water goblet na nilagyan agad ng tubig at highball glass na pinuno ng mainit na gatas. Yun kasi ang iniinom nilang pareho ng kakambal sa umaga.

 

        "Sa kaibigan po."

 

        "Who?" Si Della na ang nagtanong.

 

        "Bakit? Partying again?" Ani Randy.

 

        "Hindi po. Sinamahan ko lang sa ospital." Nagsimula na siyang kumuha ng sliced pineapple at nilagay muna sa platito. Appetizer.

 

        Natigil sa pagkain ang mama niya. "Who got admitted?"

 

        "We haven't heard any of your friends that got admitted." Patuloy lang si Randy sa pagkain habang pasulyap-sulyap sa anak.

 

        "Hindi nyo po siya kilala." Sagot niya. Sa tingin niya di na dapat malaman ng mga ito kung sino ang sinamahan niya. But his parents are too strict to the people he's with. Strikto ang mga ito sa mga kaibigan nila. Nasanay ang mga ito na lumaki siyang sina Jason Dwane Vistas, Mikeal Grey Mendez at Kent Tristan Fontalva. Si Michell Lin Zapanta lang din ang tanging kaibigang babae na malapit sa kanya at pamilya nila.

 

        "So, what's his or her name?" Pagpipilit ng mama niya.

 

        "Importante po bang malaman niyo, ma?" Wala sa isip na tanong niya.

 

        Naramdaman niya ang biglang pagtigil ng dalawa, maski siya ay nagulat din sa nasabi.

 

        "Yes. Of course, Raindell." Sagot ng papa niya at nagpatuloy na ito. "You know that you can't be friends with just anybody. Dahil baka may masamang intensyon yun sayo."

 

        "Tama ang papa mo. We are a very well known family. Kaya dapat piling tao lang ang magiging malapit sayo." Dugtong ng mama niya. "So, what's your friend's name?"

 

        "Mabuting tao po siya." Inubos na niya ang pineapple at itinabi ang platito. Agad yun kinuha ng maid.

 

        "What's the name?" Nauubos ng pasensya na tanong ni Randy.

 

        Naiinis na din si Raimer. Alam niya kasing ipapabackground check ng mga magulang pag sinabi niya. At ayaw niyang gawin yun ng mga ito. Because they are invading Faith's privacy. Nakokonsensya siyang alamin ang buhay nito ng hindi galing mismo sa dalaga ang impormasyon.

 

        "Just leave her alone, please." Pakiusap niya na. Kumuha na siya ng kanin at ulam.

 

        "Is she only a friend? Or pinopormahan mo kaya ganyan ka kaconcerned?" Tanong na naman ni Randy.

 

        "Just a friend."

 

        "Why did she got admitted?" Della asked.

 

        "She had a concussion." He's not comfortable with their topic. "So, how's the empire?" He meant their business.

 

        "Great as always. How did she got a concussion?" Binabalik talaga ni Della ang topic.

 

        "She got hit by a chair."

 

        "Is she okay now?" Si Randy naman.

 

        "Yes, pa." Uminom siya ng gatas.

 

        "When would you introduce her to us?" Tanong pa ni Della.

 

        "That's not necessary, ma." Giit niya.

 

        "It is. We want to meet her." Dagdag ng papa niya.

 

        "Why? She's just a friend." Naiinis na siya.

 

        "Exactly! Because she's your friend." Pagpipilit ng kanyang mama.

 

        "You don't have to ma, pa."

 

        "Then we'll find it out ourselves who's that friend of yours." Sabi ng papa niya, uminom na ito ng tubig, pinunasan ang bibig ng table napkin, tumayo at iniwan sa upuan yun. "I'm done. Excuse me." Saka ito umalis.

 

        Kinabahan siya at takot na din sa narinig niya. Gagawin talaga ng mga ito kung ano ang sinasabi. Lalo na ang papa niya.

 

        "Ma, please, just leave her alone. Wag niyo na pong alamin ang tungkol sa buhay niya. That's invasion of privacy." Pakiusap niya dito.

 

        "You know the only other way." Tumayo na rin ang mama niya. "Excuse me." Tumalikod na din ito. Iniwan siya sa hapag-kainan.

 

        Wala na siyang ganang kumain kaya umalis na rin siya don at umakyat na papuntang kwarto ni Rain. Yun na ang naging kwarto niya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C27
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous