Télécharger l’application
64.44% Thirsty Soul / Chapter 29: Hatred

Chapitre 29: Hatred

TEARS rolled down on her cheek. Durog na durog na siya para sa mga masasakit na salita ni Blaire. Noon tinanggap niyang wala na talagang pag-asa na makuha niya ang pagmamahal ng magulang nila. At ngayong nalaman niyang anak siya sa labas, hindi niya naisip na mapabilang sa pamilyang Smith. Sapat ng kasama niya ang mga kaibigan niyang handang tanggapin siya sa kung ano siya. Si Paulite na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya.

Pero kailanman hindi niya magagawang pumatay. Lalo pa't ama at dugo niya.

Umiling siya. Magsasalita na sana ngunit bumukas ang pinto.

Paulite's eye immediately found her. Blaire stood up. Handa na itong salubungin ngunit umiwas si Paulite at sa kanyang dumiretso. Lumuhod ito sa harap niya at nag-aalalang tumitig sa kanya. "Why are you crying, J?"

"Pao, what are you doing? Don't touch the convict?" angil ni Blaire.

Hindi ito pinansin ni Paulite. Pinalis lang nito ang luha sa kanyang mata. Dinampot lang ang bottled mineral sa mesa at pinainom sa kanya.

She is hesitant. And she could feel that everyone is watching them. Habang umiinom ay hinalikan ni Paulite ang kanyang noo. Tumayo ito at naghanap ng upuan.

"Son here," tawag pansin ni Mr. Cristobal. Tinuro ang upuang nasa tabi ni Mrs. Cassandra Cristobal. Ang bakanteng upuan na katabi ng upuan ni Blaire. Lumapit doon si Paulite ngunit hinila palapit sa tabi niya. Sobrang lapit na halos magbanggaan ang kanilang tuhod.

"So, can we start?" Paulite's Lawyer said.

"Please, Mr. Milano," Mr. Cristobal said.

Pulang-pula ang pisngi ni Blaire. Umupo ito sa kanyang upuan na busangot ang mukha.

"Mr. Milano, nabasa mo ang statement na magpapatunay na si Jessica ang nag-utos sa pagpatay kay Mr. Claudio Smith," sambit ng lalaking katabi ng kanyang ina.

Tumayo si Blaire. Tinuro siya. "She took that chance... dahil alam niya. Alam niyang hindi ako uuwi. Magka-text pa kami at tinawagan."

Uminit ang leeg niya nang maalala ang pangyayari noong gabing iyon. Napailing siya.

Humalukipkip si Blaire. "Tell us, Jessica. Ikaw lang ang kinakausap noong nurse dahil binayaran mo siya. Nagawa mo pang magtagal sa kuwarto ni daddy dahil gusto mong siguraduhin na wala na talaga siya."

Napatingin sa kanya sila Ken at Kelly.

"Ka-text ko rin si Jessica. Inaaya ko kasi siya ng gabing 'yon sa amin para matulog. Nalulungkot siya dahil palagi raw tulog ang daddy niya kapag pupunta siya roon. Hindi niya nasasaktuhang gising. Imposibleng gawin ni Jessica ang paratang mo... Bitch," sagot ni Kelly. Pumiksi sa hawak ni Ken.

Tumawa ang ina ni Blaire. "Watch your word, little girl."

"Bakit? Anong gagawin mo?" Ken glared with Mrs. Smith.

Pagak na natawa ang ginang. Tumingin sa kanya. "Bakit akala mo Jessica kapag nagtagumpay ka ay may makukuha ka? Ilusyunada. Sana pala pinalayas ka na namin noon."

"At bakit naman? Dugo at laman siya ni Claudio..."

Lahat sila ay napalingon sa kakapasok lang na si Mrs. Clarine Smith- Swizz. Sa likod nito ang asawang si Mr. Swizz.

Napatayo si Oswold at ipinaghila ng upuan ang mag-asawa. Sila ngayon ay nasa likod niya. Tumanggi na ilagay ang upuan sa tabi ng Lawyer nila Blaire. Humalik siya sa pisngi ng kanyang Auntie habang si Blaire naman ay lukot na lukot ang noo. Nag-aalangan kung babati sa Ginang o hindi.

"Buhat ng ikasal ako at malayo sa Cebu, hindi ko alam ang pang-aabuso na ginawa niyo sa pamangkin ko. Anong karapatan mong gawin 'yon sa kanya Trinidad?"

"Clarine, anong mga sinasabi sa'yo ng batang 'yan?" Tumayo si Mrs. Smith at tumingin sa kanya. "Sinungaling ka Jessica! Pinag-aral kita, binihisan at pinakain, tapos susumbatan mo ako?"

Napapikit siya.

"After grade five, where did you brought her?"

"Clarine, homeschooled. Is it a nice news? She's is VIP treatment."

"Then why she doesn't receive a diploma? Claudia asked you and my brother to bring the two kids but you only brought Blaire and left Jessica. No finance at all. I am disappointed with Claudio... especially with you."

"I can't believe it..." Pikit matang umupo si Mrs. Smith. Sa gilid nito si Blaire na kinalabit ang Lawyer nila.

"Lahat ng ebidensiya ay tinuturo si Ana sa pagpatay kay Mr. Claudio, ngunit tinuro ng nasasakdal na ang taong nag-utos sa kanya ay si Ms. Jessica Jones Smith. Ilang paglilitis ang hindi mo sinipot Ms. Smith, ang iyong paglabag ay senyales na guilty ka sa akusa sa iyo," sambit ng Lawyer ng kabilang panig.

"I believe we won't end up here if that issue wasn't agreed with both party," Paulite said, he is looking at Blaire.

Blaire nodded on their Lawyer.

"Blaire, anong ginawa mo?"

Hindi nakaimik si Blaire sa ina nito. Mrs. Smith glared at Paulite.

"Our defendant had her alibis. If you can check her Instagram blog on that day, she took a selfie showing the mechanical ventilation. If you are going to zoom in the graph, it showed there during Jessica's visitation Mr. Claudio is still alive," panimula ni Mr. Milano.

"Did time specified on the picture?" Blaire's Lawyer asked.

"No. But the time posted was exact ten pm, the same on Ms. Anastacia's statement timing. We had all the screenshot of conversation of Kelly and Jessica. Accompanied by time. If you want to double check, you can borrow the phone with Miss Kelly Amistad."

Umirap sa kawalan si Blaire. Si Phillie sa likod ay humihikab na. Tumingin ang Lawyer ni Blaire sa kanyang ina. Mrs. Smith remained serious as if she is analyzing the alibis for any holes to counter-attack.

"Isn't this enough proof that my defendant doesn't have any intention of killing her father?"

Mayabang na sumandal si Mrs. Smith sa upuan niya. Tila may naisip ng ideya para hulihin siya at hindi siya makakawala. "Ilang araw na bang naroroon si Ana upang bantayan ang asawa ko?" Tumingin ito sa bawat isa sa kanila. "Ilang araw na ring nagpapabalik-balik si Jessica sa mansion. Malay ko ba kung umpisa palang may usapan na sila. Hindi lang sa mismong araw na iyon? At bakit pala palaging pare-parehas ang oras ng pagbisita mo sa bahay? Dahil ba alam mong sa ganoong oras ay wala si Blaire?"

Her lips parted. Napunta kay Blaire ang kanyang atensyon. Gusto niyang burahin ang ngisi sa mukha nito.

Paulite shifted on his seat. He renewed his hold on her hand so he can squeeze it.

"If I am not mistaken, Jessica is a model. She is busy. I think her talent scout or coordinator can justify that," Oswold murmured on the side.

"Lame excuse," buwelta ni Mrs. Smith. Muling tumingin sa kanya. "Marami kang mabigat na dahilan para pagtangkaan ang daddy mo. Bukod sa hindi ka niya pinakitaan ng pagmamahal ay hindi ka niya kinikilalang anak."

"Hindi totoo 'yan." Hindi na niya napigilan ang magsalita.

Paulite hugged her from behind. He is whispering something on her ears but she is boiling. All her emotions are rumbling on her chest. She couldn't contain it anymore.

Tumayo si Blaire. "Alam ko na kung bakit? Nagagalit ka kay daddy dahil ako ang gusto nilang ipakasal kay Paulite at hindi ikaw." Umiiyak nitong tinuro si Paulite na lumilingkis sa kanya. "Mom, look at them. She cursed him. Jessica made him like that."

Kumunot ang noo ni Paulite. "What are you talking about? Sinasabi mo bang madali akong mauto at mahina ang utak ko?"

Kumurap-kurap si Blaire sa sinabing iyon ni Paulite, pero nakabawi rin agad. "It's not like that... I mean look at you. You are acting different."

Kumalma siya. Sa tulong ni Nicky ay napaupo siya. Naiwan si Paulite na nakatayo. Minamasahe ang baba nito.

"I respect your family, Blaire. I respect your father, even my grandad... but I don't like the agreement they've done. I will not marry anyone unless it is Jessica. Even if the sun blew an ice or the moon colored pink. No one can stop me from marrying her."

Sa gilid ay narinig niya ang pigil na tawa ni Oswold.

Nag-unahan ang luha sa pisngi ni Blaire. "See that, Tita. Your son has been curse," baling nito sa ina ni Paulite.

Mrs. Cristobal glared at Paulite. "Son, calm down."

Huminga nang malalim si Paulite. Umupo ngunit bumaling sa kanya. "You, okay? Do you want to rest?"

She heard Blaire murmured something. Umiling siya sa tanong ni Paulite. Kailangan niyang tupdin ang pangako niya kay Ana. Lalaban siya.

Marahas na bumuntong hininga si Mrs. Smith. "This is stupid. Drama. Lies. What now, Jessica? Why not accept your crime? You did this all. Wala kang puso... pinatay mo ang asawa ko."

"We still had our last alibi. It is Miss Anastacia's cellphone," putol ni Mr. Milano, may kinukuha sa loob ng bag nito. He played a record.

"Kinausap ako ni Miss Blaire. Tinatanong niya ako kung ano ang pinainom kong gamot kay Sir. Iyon ang gamot na nakita kong tinapon niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nila pinalitan ang prescription, samantalang hindi 'yon ang tamang gamot. Natatakot akong bumalik dito, kasi narinig kong kinausap ni Miss Blaire ang katulong na bantayan ako. Siguraduhin nainom ang maling gamot." Saglit na natahimik ang boses, may kusot na umalingawngaw. "Ana?"

Lahat sila ay nakilala ang boses. Dumirekta kay Blaire ang kanilang atensyon.

Namilog naman ang mata nito. Bigla ay parang aatakihin sa puso.

"Ma'am?" Halatang takot na boses ni Ana.

"Narinig ka ng katulong na nagsumbong kay Jessica tungkol sa sakit ni daddy—"

"Aray, po... huwag po, Ma'am." Magkakasunod na lagitik ang narinig nila at daing na nasasaktan na boses ni Ana.

"Sa susunod na makikita kang kausap si Jessica, mananagot ka sa akin."

Pinatay ni Mr. Milano ang record dahil tumayo si Blaire. "That's not me!"

"Ginawa mo naman kaming tanga," parinig ni Oswold. Halatang naiinip na. Lumingon ito kay Paulite bago sa kanya. "I will testify that Jessica is innocent. Blaire you are with me that night. And I heard you call someone and asked them to turn off the mechanical ventilator. Right, Pao?" Tinulak nito ang sarili upang pagulungin ang inuupuan palapit kay Paulite.

Paulite lazily looked at Blaire. "You cannot escape from it because we had that person."

Nangunyapit si Blaire. Nawalan ng dugo sa mukha. Tumingin sa pamilya ni Paulite, tila kumukuha ng simpatya. Ngunit lahat ay ilag, maging ang sariling ina nito.

"This is all your fault!" Dinuro siya ni Blaire. "If you just disappeared. Don't you feel it? Hindi ka na parte sa pamilya namin, pero pilit kang sumisiksik. Salot. Bastarda! Tapos sasabihin mong engage ka kay Pao. Ang kapal din ng mukha mo! Talagang alam mo kung saan ako aasarin."

May binulong sa kanya si Kelly, pero hindi niya na naintindihan. She is thinking about her father's death. He should survive and at least took more time with them. She wanted to talk with him. A moment. A father and a daughter bonding. Gusto niyang makita ang ngiti sa mga labi nito habang kinukuwento ang mga pinagdaanan niya. Kung ano na ang mga narating niya. Nang dahil sa kasakiman, inggit at pagiging makasarili ni Blaire, ipinagkait sa kanya ang munti niyang pangarap.

Tumayo siya. "I will counter sue you, Blaire for what you've done."

Takot na tumayo si Mrs. Smith. Napakabilis ng kilos upang lumuhod sa gilid niya. "Please, Jessica. Don't do it with my daughter. She's my only life. Forgive her."

Nagpupuyos ang kalooban niya. Pati ang inosenteng si Ana ay dinamay nito. Tumulo ang luha niya nang maalala ang nanghihina na ina nito. Ang pag-aalala nito sa sariling anak. Kung sana may ina rin siyang ganoon ang gagawin. Sana hindi niya na kailangang magdaan sa ganito. Namamalimos ng pagmamahal.

"Nasa inyo na ang lahat. Ano pa bang mayroon ako ang gusto niyong makuha?"

Bumukas ang pinto at iniluwa ang seryosong si Ana, ang kanyang lady bodyguard. Nakuha ng atensyon nito ang nakaluhod niyang ina, bago tumingin sa ayos nilang lahat. Nagbigay galang ito bago tumalikod at binuksang maigi ang pinto para sa babaeng naglalaro sa singkwenta ang edad.

She had the feature that she immediately recognized. No need to say who she is, she knew already. And it fierce right through her heart. Why just now?

"Bakit nasa kanila ang lahat?" Tumingin ito sa ina-inahan niyang unti-unting tumatayo. "Anong ginawa mo sa anak ko? Kayo ng bastarda mong anak, anong karapatan niyong alipustahin si Jessica?"

Narinig niya sa likod ang boses ni Phillie. "Bakit ngayon lang siya nagpakita? Saan ba siya nagpunta, mommy?"

"Silent, Phillie," Mrs. Cristobal murmured.

Kelly held her arm. "Let's get out of here, Jessica."

Gulat niyang nilingon ito. Wala sa sariling tumango. Nagpatangay siya sa paghatak nito. Hindi niya maalis ang titig sa ginang. Nang bigla ay sa kanya ito bumaling.

"Anak," usal nito.

Ngunit malamig niyang iniwasan ito nang tingin at tuluyan nang lumabas. Hindi niya maitatangging masama ang loob niya. Jessie Imperial is her mother. And she hated her with passion.

Sinalubong siya nila Jyra sa Lobby. Lawrence kept on asking her and Kelly politely filled them all.

"Tingnan mo. Kaya pala sa'yo sinisisi dahil siya naman talaga ang salarin," komento ni Lawrence.

Jyra covered her line of vision. "Jessie Imperial is your mother, Jessica?"

Hindi siya kumibo. Nanatili siyang tahimik at tulala.

"I think. It's better for us to bring her somewhere silent. Let us keep her at peace for the meantime," Thaysky suggested.

"I wanted to visit my father's grave... alone," bulong niya.

Hindi man sang-ayon sila Jyra sa pasya niya. Sa huli ay sila Kelly ang kasama niya, ngunit mag-isa lamang siyang lalapit sa puntod at maiiwan sa sasakyan ang mga ito.

Nilapag niya ang bulaklak na binili nila sa tapat ng pangalan ng kanyang ama. Tahimik niyang nilinis ang mga nagkalat na dahon sa paligid at alikabok na kumapit.

"Dad, ang daya mo naman. May sasabihin ka sa akin hindi ba? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin. Bakit hindi mo sinabi na ampon ako sa simula palang? Bakit inilihim mo sa akin ang tungkol sa totoo kong ina?" Nabasag ang kanyang boses. Yumuko siya at hinayaan ang kanyang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

Ang daming nangyari. Takot na takot siya. Akala niya makukulong na siya kahit wala siyang kasalanan. Ano bang nagawa niya noong nakaraang buhay niya at pinaparusahan siya ng husto?

Naalala niya ang ginang na tumawag sa kanya ng anak. Umiling siya. "She's not my mother. Dahil walang ina ang matitiis na malayo sa anak nila."


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C29
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous