Télécharger l’application
15.55% Thirsty Soul / Chapter 7: Sweet Dream

Chapitre 7: Sweet Dream

ITS an awful day for her. After waiting for long hours at her father's room, she stood up and dragging herself in Kelly's place. Paulite never called her for some unknown aching reason. She managed to be neutral in front of her friend's company, even if inside of her lies a warfare of doubt and faith that maybe he just come up with an urgent call of duty.

She smiled bitterly at the thought of she doesn't know of his work. If he is working or maybe he is still a student. I don't know his age. She heaved a long sigh. Wala manlang akong alam sa pagkatao niya. But one thing that I was sure, he likes me to be his partner for life.

Nilingon niya ang mga nagdatingang grupo ni Colin. Hindi niya kilala ang iba, samantalang ang ilan ay artista sa Swizz. Colin is exchanging a fist bump with Ken, until his eyes found her. He got shocked but immediately smiled and greeted her.

"Bukod sa surfing, ano pang sports ang kaya mo?" Lumingon ito kila Ken. "Ang gandang babae nito, pero halimaw sa alon ng dagat."

Nagtawanan ang grupo nila Ken. Manghang tumingin sa kanya.

"Jessica is expert with surfing, I once watch her in the North Gate last year," Xaxa blurted out.

She smiled at that. "I can play volleyball, table tennis, and lawn tennis," sagot niya.

Tumayo 'yung matangkad na kalbo. Ken is tall, around six one footer but this person is way taller than him with a foreign feature. Nag-extend ito ng kamay patungo sa kanya. "I can play Lawn Tennis if you want we can play one time."

Binalya ito ni Colin. "Kailan nangyari 'yan, Troy? Akala ko si Barbie lang ang nilalaro mo."

Naiiling at natatawang bumalik sa upuan ang lalaki, habang ang ilan ay masarap ang hagalpakan.

"Bakit? Saan mo napanood si Jessica?" usisa ni Kelly.

"Sa Purungaya Island—" Hindi natapos ni Colin ang sasabihin nang kantiyawan itong nakita sa West avenue, paano siya nakapunta ng Purungaya? "Anong akala niyo sa akin, walang perang pang private plane? Of course, wala. Libre ni Paulite."

"Hayop ka talaga, Colin. Anong gagawin mo sa pera mo? Panay palibre ka."

Napunta na kay Colin ang topic at nagpapasalamat siya roon. Ilang beses niyang tinapunan ng tingin ang kanyang cellphone. Kahit text ay wala. Hindi na maganda ang pakiramdam niya. Kung nasa NAIA si Paulite, bakit hindi manlang nagsabi sa kanya kung bakit hindi matutuloy ang dinner nila?

"Colin, bakit pala narito ka? Nasa Calixto sila Paulite at Oswold," the guy on her side said.

Nagkatinginan sila ni Colin. Mukha itong natanong sa isang oral recitation na hindi nakapag-review. Caught in the act and now asking his seatmate to ask a help, unfortunately, no one knows or maybe he knows but he was afraid to spill the beans.

"Talaga? Paano mo nalaman?" tanging naisagot nito.

"Naka-live ang gagong Oswold, tingnan mo." Inilahad ng katabi niya ang cellphone at ipinakita sa lahat ang video. Magulo at medyo madilim iyon. Kung hindi sa malikot na liwanag ay hindi makikita ang tinutukoy nito. Sa likod ng nagkakasiyahang matured at sexy na mga babae ay ang seryosong si Paulite. There's woman on his side, among the others they are the only one who is serious.

Gumuhit ang kirot ang puso sa kanyang dibdib. Nahagip din sa video si Oswold at Shawn na kilala niyang kapatid ni Jyra.

Dinampot niya ang basong nasa harapan at tinungga. Si Kelly na ngayon ang nahuli niyang minamasdan siya.

Tumayo si Colin at inakbayan ang kasama nito. "Sigurado ka bang sila talaga?" sabi nito.

"Oo naman. Basahin mo ang caption, Dre."

"Si Oswold at Shawn pa ba? Lalo itong si Paulite. Tang ina! Kapag nasa Party 'yang tatlo, tiyak dadagsa ng mga naggagandahang babae."

Tumayo ang may-ari ng cellphone at tinapik sila Ken at iba pang kalalakihan. "Gusto niyo doon nalang tayo sa Calixto?"

Ilang beses sumulyap sa kanya si Colin. "Kayo nalang. Kay Xaxa lang masaya na ako," paliwanag nito. Dumampot ng alak sa mesa at naupong parang boss.

"Sigurado ka? Nandoon 'yung mga co-model ni Jessica. Marami rin daw Cabin Crew at foreigner."

"Uy, Jess, ano sa tingin mo?" baling sa kanya ni Xaxa.

Tumingin siya kay Kelly. Gusto niyang pumunta. Gustung-gusto.

"Ken, gusto mo ba?" baling naman ni Kelly sa binata.

"Tara."

Kanya-kanya silang sasakyan. Si Xaxa ay sa kanya sumabay. They were all cheering up, while she doesn't. She's in deep thoughts, that what if she saw Paulite touching woman there.

"Kilala mo ba si Paulite, Jess?" tanong ni Xaxa.

Habang abala sa paghahanap ng parking space ay sumagot siyang, "May ano ba sa kanya?" Lumingon siya sa likod para makita kung tapos na si Ken sa pagparada.

"What the... hindi mo siya kilala? Gosh, Jess. Apo 'yon ng Cristobal Airline. Alam mo bang sa aviation field, ang Cristobal Airline ang nangunguna at namamayagpag."

Lumingon naman siya sa harap at minaniobra ang steering wheel para pumagitna sa sasakyan ni Colin at Ken. Nasa labas na ang mag-dyowa.

"He is kind of snob. Pero sabi ng boys maharot din daw 'yon. Kapag iyan at si Oswold ang nagsama, parang magnet. Maraming babae ang dumarating. Kasi naman sis, mga mayayaman na binata. Galing sa mayamang angkan. Big fish kung baga," dagdag pa ni Xaxa.

Huminga siya nang malalim. Tinuro si Audrey na lumapit kila Kelly. Susuray-suray na ito. Sabay silang lumabas ni Xaxa at lumapit.

"'Yung crush ko, Paulite pala ang pangalan. Pambihira! Ngayon ko lang nalaman," litanya nito.

"Audrey, lahat naman yata crush si Paulite. Hindi ka nag-iisa." Si Xaxa na pumalupot sa braso ni Kelly.

Itinaas ni Audrey ang kanyang kamay. Galit na tinuro ang itim na Volkswagen sa tapat ng kanyang Infiniti. "Kaya nga lumabas na ako. Kasi nawala na rin siya. Boring na sa loob."

Nagkatinginan sila ni Kelly. Kinabahan siya. Bakit aalis? May kasama kayang babae? Maagap niyang hinanap ang kanyang cellphone. Lalong bumigat ang dibdib niya nang makitang walang mensahe. This is driving me crazy.

Pumasok sila sa loob. Maraming mga modelo ang lumapit sa kanya at nakipaghuntahan. She took that chance to leisure her eyes on the crowd. It's late so obviously, most of them are drunk. She saw Oswold on the VIP section with Shawn and the same woman she saw with Paulite on the video.

Nakadalawang lagok siya ng alak bago nagpahatak sa kaibigang designer na si Gatus. Gusto raw nitong makipagkilala kay Shawn. Hindi niya alam ang magiging reaction niya nang magtama ang tingin nila ni Oswold. Samantalang ang lalaki ay halatang kinabahan at napatayo pa.

"Jessica? What are you doing here?"

Hindi siya nakasagot ng umeksena si Gatus at inilahad ang kamay patungo rito. "She is my friend. I am Gatus."

Mariin ang titig sa kanya ni Oswold. Sa likod nito si Shawn na nakangiti, marahil ay nakilala siya. "Jessica?"

Nginitian niya rin ito, lalapitan sana kung hindi nagkasigawan sa dance floor sa pangugnuna ni Audrey. Ang bilis ng takbo nila ni Gatus pababa.

"Sinong 'yung sinasabi mong kasama na babae ni Paulite? Impakta ka. Mapaggawa ng kuwento!" hiyaw ni Audrey. Ang cup ng bra nito ay nalislis na, marahil sa kalmutang naganap kanina. Colin and some of their boy friends held Audrey tight. Agresibo nitong pilit inaabot ang iyak nang iyak na kaaway. Hindi makasagot at halatang kawawa dahil sa mukha nasugatan.

"Let's get out of here, Jess," bulong ni Kelly.

Nagpahila siya rito paalis habang magulo ang utak. Wala siyang imik hanggang makauwi. Kelly tried to offer her to stay in their house but she insisted to stay on her own room. She wanted to internalize everything.

Ano ba ang love? Hirap siyang unawain noon ang konsepto nito. Una, hindi siya nakatikim ng pagmamahal mula sa magulang niya. Batid niya na ang unbiased love ng mga ito sa kanyang nakababatang kapatid, kaya habang lumalaki ay mangmang siya kung ano ba ang pagmamahal.

Hanggang sa magkaroon siya ng mga kaibigan, na inakala niyang pinili siyang samahan. Na nakita nila ang kanyang mabuting kalooban. Ngunit sa huli ay tinalikuran siya at pinili si Blaire. Mas maraming laruan si Blaire. Mas magaganda at latest. Kapag kaibigan ka ni Blaire ay sikat ka at maganda ka. Okay lang sa kanya.

Nagsumikap siya hanggang sa malaman niya ang kanyang gusto. Gusto niya ang volleyball dahil nagkaroon siya ng kaibigan. Gusto niya ang surfing dahil doon niya nahanap ang kapayapaan. Akala niya ang love ay tungkol sa kung saan ka masaya. Mahalin mo ang bagay na nagpapasaya sa'yo. Pero lahat ng iyon ay ipinagbawal sa kanya, dahil sa pag-asam niya na pasiyahin ang kanyang ina. Kapag ginawa niya ang gusto nito para kay Blaire ay makukuha niya ang kaunting atensyon ng mga ito.

Nag-aral siyang mag-Ballet. Hindi niya alam, iyon pala ang tatapos sa maliligayang araw niya. She was jailed on their mansion.

"Ginagawa nila iyan para protektahan ka, Hija." Minsang payo ni Manag Jules ang kanilang punong mayordoma.

"Protektahan? Ibig sabihin po ba ay mahal ako nila dad at mom?"

"Oo naman, Hija."

Iyon ang isinapuso niya hanggang lumaki siya. Lahat nang paghihigpit ay parte ng pagmamahal ng kanyang magulang. Pero ang isip niya na unti-unting lumalago ang kaalaman ay nakikita ang ibang kahulugan ng pagmamahal.

"Ate, si Jenny kasi may night party. Pupunta lahat ng barkada ko, pati 'yung crush ko. Pangako, after nito bibigyan kita ng pera para makabili ka ng surfing board. Hihiga ka lang at magpapanggap na ako. Hindi naman uuwi si mommy. Si Dad bukas pa 'yon."

"Blaire, ayaw ko. Pagagalitan tayo."

"Akong bahala. Sagot kita. Ngayon lang, Ate. Sige na. Please!"

Huminga siya nang malalim. "Huwag kang magtatagal, Blaire. Pagagalitan ako ni Manang Jules."

"Oo. Huwag kang mag-alala."

Nagpalit sila ng damit at nahiga na siya. Si Blaire naman ay tinago ang suot sa itim na malakingg jacket. Hindi niya alam kung paano ito nakalabas, pero nang makita niya ang text ni Blaire na naroon na sa party at ipapadala nalang 'yung bayad sa surfing board ay nakahinga na siya nang maluwag.

But everything doesn't fell to what they expect. Umuwi ang mommy nila at kinakausap siya sa pag-aakalang siya si Blaire.

"Gusto ng Auntie Claudia niyong pag-aralin kayo ni Jessica sa Los Angeles pero ikaw lang ang gusto ko. Matutupad na ang pangarap mong mapalapit sa crush mo, anak." Hinila nito ang kumot at nagulat na hindi siya si blaire. Galit na galit ito habang hinihila ang kanyang buhok palabas ng kuwarto.

Nagmamakaawa siyang patawarin siya.

"Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Blaire. Masamang impluwensiya ka sa kanya!"

Sinundo ng driver si Blaire. Inaasahan niyang kakampihan siya nito. Na sasabihin nito ang totoo, pero sa huli ay siya pa ang sinisi. Mula noon ay pinatigil siya sa ikalawang taon sa kolehiyo, bilang parusa. Tinanggalan din siya ng karapatang sundin ng mga katulong. Tutulong siya sa gawaing bahay at maninilbihan.

Mapait niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi nila ako mahal. Kusang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Patuloy na nasasaktan sa tuwing naaalala ang pagdurusa niya noon.

She took the small box where she kept the ring and started to think of letting Paulite go. There is no way her mother will let this pass. For sure, Blaire already told everything with their mother. She won't be at peace if she forced everything to what she wanted.

Hindi niya pa kilala si Mr. Zinc, at tungkol naman sa kanyang dad. May sakit ito. Ayaw niya nang palalain pa ang karamdaman nito dahil sa pagiging matigasin niya. Siya nalang ang magpaparaya. Isa pa, Paulite is playboy. Maybe he just test her. And she took the bait, she even initiated it.

Huminga siya nang malalim at tinago ang sing-sing. Isasauli niya iyon sa may-ari.

Paulite: Isang Linggong pag-ibig. Isang Linggong masayang hindi ko makakalimutan. Na minsan akong nakaramdam ng totoong pagmamahal sa lalaking nagngangalang— Paulite Cristobal. This is the end of my limitation. The end of my sweet daydreams. Thank you. Good bye, Lite.

She sent that message and turned off her phone.

She made herself busy for how many days. Wala siyang kinakausap sa mga kaibigan niya kung hindi si Miya. Gusto niyang maging abala hanggat maaari. Sa tuwing magkukrus ang landas nila ni Blaire ay civil, lalo kapag sa harap ng kanilang ama.

"Jessica, gusto kong sumama ka sa amin sa L.A."

Kapwa sila nagkatinginan ni Blaire sa kalagitnaan ng kanilang tanghalian. Nilingon niya ang kanyang amang inosente at hindi alintana ang umuulang katanungan sa kanilang magkapatid. Hindi niya rin maitatangging bakas ang iritasyon sa mula ng nakababata niyang kapatid. Halatang ayaw siyang isama sa L.A.

"Dad, hindi pa kayo puwedeng umalis dahil nagpapagaling pa kayo."

"Tama si Blaire, Dad. Narito rin po kasi ang trabaho ko."

Hindi nakasagot ang kanilang ama ng sumakit muli ang ulo nito. Alalang-alala sila kaya agad nagpatawag ng doctor. Si Blaire ang nag-attend sa payo ng Doctor, habang siya naman ang tumulong sa nurse at isang katulong sa pagpalit ng damit ng kanyang ama.

"Jessica, gusto kong makilala ka ng Auntie Claudia mo." Ang huling wika ng kanilang ama bago ito tuluyang makatulog.

She stayed on her dad's side 'til she felt her legs sore. Humalik siya sa noo nito bago hinabilin sa nurse na bantayang maigi ang kanilang ama. Tumalikod siya roon at lumabas. Naabutan niya si Blaire na paakyat sa hagdan. Nanatili ito roon habang naka-krus ang mga braso.

"Mabuti naman at naisip mong tanggalin ang sing-sing. Mukha ka kasing desperada kapag suot mo," tuya nito.

Hindi niya iyon pinatulan. Dire-diretso lamang siya hanggang sa makapasok sa sariling kuwarto at naghanda para sa kanyang lakad.

Para siyang patay sa gumagalaw na katawan. Wala na siyang maramdamang kahit anong sakit. Naranasan niya na ang lahat ng posibleng masasakit na salitang labis na pumapatay sa kanyang puso. Manhid na siya.

Lutang ang kanyang diwa nang sumakay at pakilusin ang kanyang sasakyan. Nasuong pa siya sa mahabang pila ng traffic. Natulala siya sa couple na kumakain sa restaurant. Nagsusubuan ito ng ice cream.

Napangiti siya nang maalala kung paano niya lagyan ng ice cream ang dibdib ni Paulite noong huling gabi nila sa Purungaya. He likes vanilla ice cream. He likes beer than vodka. He likes wearing cap. Nagising siya sa katotohanan ng bumusina sa likuran nang pagkalakas-lakas.

She immediately moved the gear stick and drove fast going to the NAIA for O'dil. Tinanggal niya ang kanyang sheer sleeveless at hinayaan ang kanyang black seamless bandeau at pink bandage skirt. From simple makeup application, she finished her retouch by wearing her Majesty's luxury full pearls four inches heels.

Sashaying on the hallway of Terminal Five, she immediately saw Suzanne together with her minions on the waiting area. Some of the known models are there too, even Chloe with her co-haute. Swizz models and that gorgeous woman under her scandalous neon green summer hat.

"Jessica?"

Sa unang pagkakataon ay tumawa siya. "Lawrence!"

Nagsalubungan sila sa gitna at nagbeso. Hinampas nito ang kurbado niyang pang-upo. "Hindi mo ako sinabihan na kakabog ka ngayon. E'di sana nagsuot din ako ng ganyan."

"Shhh. Come, I will introduce you to Chloe." Hinuli niya ang kamay nito at hinila sa direksyon ng Haute models.

"Hi, Jessica Jones Smith."

She stopped so she could look at the person who just mentioned her full name. "Yes," she said, her irritation flew away when she recognized the French Couturier and Fashion Designer, Chari O'dil was in flesh in front of her. "Oh, hi. It's an honor Mr. O'dil."

"You had an appointment with Mr. Cristobal, so you can proceed there."

Tumagos ang atensyon niya mula rito patungo sa mga naghahabaang leeg. Si Lawrence sa gilid niya ay parang hindi humihinga. Nagsilbing palamuti habang hinihintay ang kanyang reaksyon. "Sorry. Mr. Cristobal?"

"You heard him, J. You had an appointment with me."

Her back straightened at the baritone and raspy voice of Paulite who is surely at her back.

"You don't have to worry about your audition, Jessica." Kumindat sa kanya si Mr. O'dil bago tumalikod.

Wala siyang planong harapin si Paulite, pero naalala niya si Lawrence. Paglingon niya rito ay may pilyang ngiti na sa mga labi habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng lalaki.

"Bye, Jess. See you later. Ciao," said Lawrence.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C7
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous