Télécharger l’application
38.46% Regrettable Love / Chapter 20: Nineteen

Chapitre 20: Nineteen

Nineteen

"Billy?" Malambing na tawag ni Love ng pangalan ko.

"Uh." Pagod na sagot ko sakanya habang minamasahe pa ang leeg ko dahil sa pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho.

Lumapit siya saakin at minasahe ang leeg ko, napangiti ako ng wala sa oras.

"Ano sumapi sayo?" Litanya ko habang pinupukol ko siya ng kakaibang tingin.

"Uh." Nag-aalangan pa siyang nagsalita.

"Ano nga? Sabihin mo na!"

"D-diba ang section natin ang assign for decoration sa Papalapit na welcoming party?" Tumango ako.

"Bakit? Anong meron doon?"

"Baka lang ba gusto mo sumama sa mismong program?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Kaya ba ganito ka ngayon? G-Gusto mo ko sumama doon?" Napatayo na ako sa pagkakaupo at nagtungo sa kwarto para kumuha ng damit pantulog.

"Ou, sana."

"No. Hindi ako pupunta!" Madiing sambit ko.

"Pero gusto ko pumunta, ayoko namang pumunta roon na ako lang mag-isa baka mapano pa ako sa daan."

"Still. No! Susunduin nalang kita kapag pauwi kana." Sagot ko habang nagbibihis.

"Pero-"

I sigh. Tuluyan na akong lumabas ng banyo at nakita ko na naman ang kanyang nagmamakaawang mukha.

"Pagiisipan ko na, tigilan mo lang ako diyan sa ipinapakita mo." Ngumiti siya at malambing akong niyakap.

Kinuha ko ang aking bag na nasa sala at inilabas ang mga hand out at notes at mabusising pinag-aralan ang mga ito.

M-May reporting pa ako tomorrow at ngayon palang ako magaaral sa lahat.

Late na ng humiga ako sa kama at inayos ang kumot ni Lovely na mahimbing na natutulog.

~*~

Seryoso akong nagbabasa sa ilalim ng puno habang nakaupo sa malawak na damuhan. Hindi ko inaalintana ang mga ginagawa ng mga estudyante sa paligid at pilit lamang itinuon ang aking sarili sa binabasa. Its my last recap sa ire-report ko mamayang last subject.

Kailangan kong galingan para makakuha ako ng matataas na marka for my scholarship.

Lumipas ang ilang minuto, napansin kong may tumayo sa gilid ko.

"Nandito ka lang pala." Tiningnan ko si Liam na ang lawak ng ngiti saakin.

Naupo siya sa tabi ko. "Ano yang binabasa mo?"

Ipinakita ko sakanya ang mga notes na ginawa ko. "Report." Tipid na sagot ko.

Kaagad na nanlaki ang mata ko ng bigla siyang humiga at ipinatong ang kanyang ulo sa lap ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Wala sa loob na tanong ko.

"Sleeping." Tuluyan na siyang pumikit habang nakahalukipkip.

Napatingin ako sa paligid, naaagaw namin ang mga tingin ng iba.

"Madaming nakatingin." Iminulat niya ang kanyang mata at nagtama ang tingin naming dalawa.

"I dont care." Nangungusap ang kanyang mga mata habang naktingin saakin.

"Pero-"

"10 minutes? Please." Napalunok ako sa sinabi niya at wala sa sariling umayon na lamang. Ipinikit na niya ulit ang kanyang mata samantalang hindi na ako makahinga dahil sa pagkakarera ng puso ko.

Ibinalik ko ang sarili ko sa pagbabasa at kahit papaanoy, hindi ko napansing lumipas na pala ang sampung minuto ngunit itong si Liam ay nanatiling natutulog parin.

Inilapag ko na ang aking binabasa at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha.

Napangiti ako. How can you change so much, Liam?

Dati napaka-pat-patin mo lang at tingnan mo naman ang sarili mo ngayon, you are so handsome.

Kung dati pinagtitinginan ka lang ng mga tao at kinukutya but now you are the most handsome in this school.

Noon, kahit ikaw at ako lang, ngayon ang dami ng humahadlang saakin para lamang lapitan ka.

Ang daming nagbago, nangunguna na rito ang nararamdaman ko para sayo.

Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at pinagmasdan ang malawak na kalangitan, humangin ng malakas at biglang naglaglagan ang mga tuyong dahon sa puno.

Hinarangan ko ng aking kamay ang kanyang mukha upang hindi ito madapuan ng dahon.

"Hindi ka aattend ng Welcoming Party?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko sakanya.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sakanya dahil alam ko at ramdam na ramdam ko ang mga malalagkit niyang tingin.

"Ou, kanina pa kita pinagmamasdan." Kaagad namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Napansin niya siguro ang pagka-ilang ko kaya tuluyan na siyang umupo.

"Aattend ka?" Balik niyang tanong saakin.

Hindi ako nagsalita. "Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan baka magstay nalang ako sa bahay."

"Why? Balita ko pupunta si Lovely, pumunta kana. Please." Itinago ko ang aking labi dahil sa pagpapacute niya.

"Pagiisipan ko pa."

Tumayo na siya at inilahad saakin ang kamay ko.

"Lets go" aniya. Tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad at dahan dahang tinanggap iyon.

Sabay kaming umalis sa lugar na iyon. Tuluyan lamang kaming naghiwalay ng nasa tapat na ako ng klase.

"See you on Party, sunduin kita." Huli niyang sambit at tuluyan ng umalis. Naiwan ako sa tapat ng pinto na nakatanaw lamang sakanya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous