Télécharger l’application
75% Yin and Yang: Chosen Ones / Chapter 3: Chapter 2: Cherry Blossoms

Chapitre 3: Chapter 2: Cherry Blossoms

Third Person's POV

Tumakbo narin sina solar at justine kasabay ang iba pang estudyante sa gregory forest.

Pagkarating sa isang malawak na kagubatan ay nakita nila ang mga ibang estudyanteng nakikipag-sagupaan na laban sa mga black students ng Devil Empire University o mas kilala sa acronym nitong DEU.

Hindi maiwasan ni solar ang hindi tumulong ng tumalsik sa puno sa gilid nito ang sugatang isang lalaki .

Lumapit ito dito para tulungang makatayo.

" Ok ka lang ba? " alalang tanong ni solar sa lalaking sugatan.

" Sino ka? Baguhan ka ba rito? "

Tanong ng lalaki.

" Oo e, kaka-transfer ko lang kahapon"

tinignan ng lalaki si solar sa napakaseryosong mukha. Bumaba ang tingin nito mula ulo hanggang paa.

" Anong klaseng kapangyarihan meron ka? "

tanong ng lalaki habang masamang nakatingin kay solar.

Napakamot sandali sa batok si solar habang nahihiyang sinabing...

" Ang totoo niyan, wala talaga akong kapangyarihan. Pina-transfer lang ako dito kahapon ng mga magulang ko ng biglaan kaya ito , nandito ako ngayon " paliwanag nito sa lalake na bahagyang ikinatawa naman nito.

" Walang kwenta ka pala e!!

Eh bakit ka nandito? Tutulong ka?! May kapangyarihan ka ba? Di ba WALA!!?

Umalis ka nga sa harapan ko! Di ka bagay dito! "

Bulyaw ng lalake, habang napakayukom naman ng kamao si solar dahil sa sinabi ng sugatan sa kanya.

Tumayo mag-isa ang lalake ng di nito tinanggap ang tulong ni solar at huminto saglit sa gilid nito at sabing...

" You're. not .belong. here "

at tinapik ng lalake ang balikat nito bago tuluyang naglakad paalis.

Tila napatulala si solar sa mga katagang yon. Nilapitan agad siya ni justine at dinamayan. umalis sila sa gregory forest matapos ang laban ng tumakas ang mga black students dahil marami ng napatay ang mga GGU students.

Solar's POV:

Ang sakit marinig ang mga salitang yon pag galing sa ibang tao. Yung tipong akala mo wala ka ng pakinabang sa mundo.

Wala akong magawa kanina kundi ang tignan lang sila habang nahihirapang nakikipaglaban.

Di ko lubos maisip, bakit pa ako pinunta dito ng mga magulang ko kung di naman ako karapat dapat dito.

dahil iba ako...

Iba ako sa kanila..

" Bro, i think tama yong lalake kanina...

Na di' dapat ako nandito, i have no power like you---like everybody. Im not belong here. " pilit akong ngumiti kay justine habang narito kami ngayon sa cafeteria bumalik kasi kami after ng attack para kumain.

Nakaupo kami ngayon sa gilid malapit sa bintana para malayo sa mga estudyante.

" Pre, wag kang maniwala sa gonggong na jordan na yun! Hayaan mo nalang siya, nasabi niya lang yon kanina kasi natalo siya sa kalaban niya kanina kaya medyo alam muna-- " sabi ni justine bago sumubo ng carbonara nito.

Napatingin nalang ako sa pagkain ko habang hinahalo-halo ito, Carbonara din kasi inorder ko kanina.

" Don't let his words affect you, bro...

Alam mo, naisip ko lang.. "

Napatingin ako sa kanya naghihintay ng susunod nitong sasabihin

" siguro tadhana ang nagdala sayo dito, palaisipan kasi sakin kung paano ka napunta dito kung ORDINARYONG TAO ka lang"

He Emphasizes that two words with 6 syllables.

Sigurado akong normal na tao lamang ako dahil wala namang kakaiba sa akin, Sigurado ako dun.

Maski ako sa sarili ko naguguluhan na.

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil nga sa nangyaring atake, nakansela lahat ang klase matapos ianunsyo ito kahapon.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom ay ako agad ang tinapunan ng tingin ng mga kaklase ko.

Namayani ang katahimikan, ngunit ilang saglit lamang, nakaka-binging sigaw na ng mga babae ang aking narinig habang ang mga lalake ay bumalik sa kanilang dating ginagawa.

" girl, siya yung hottie kahapon sa garden di ba? "

" Swerte natin magiging kaklase pa natin siya! "

" Sobrang gwapo, talaga bes! "

" May lalaban na naman sa ka-gwapohan ni fafa Stefan!! KYAA!! "

" Pero mukhang madikit ang laban beshes!, Parehas na gwapo eh! "

" Ano kaya pangalan niya? "

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko kaya agad akong lumingon sa aking likuran. Nakita ko si justine na ngiting-ngiti.

" Another set of Admirer's huh? " at nauna itong naglakad kaya sumabay na ako.

Tatabi narin siguro ako sa kanya tutal freshman naman kaming lahat but except from me na isang transfer student din at the same time freshman kaya kailangan ko mag-adjust.

Kasi sila mukhang aware na sa mga students dito dahil magkakasama na sila nung high school pa lamang ang mga ito. This university offers secondary and college levels.

Kaya i feel out of place.

Pero nagsink-in na sa akin ang mga bagay bagay na dating hindi ko pinaniniwalaan. Actually, na-Culture shock ako nung una rito dahil di ako makapaniwala na, Magic really exists the same with the pixies, fairies, wizard, witches and also devils.

I really thought before that this kind of creatures and stuff are just a mere imagination . People always constructed fictional characters for the kids .

" Goodmorning Class " bati ng isang lalaking sa pagkakatansiya ko ay 25 na taong gulang na, i guess?

Umayos lahat kami ng upo at tahimik lang na nakikinig sa professor.

" Im Ethan Potter , 25 and im going to be your adviser for this whole semester. "

Biglang may nagtaas ng kamay, isang babaeng may maigsing buhok na nasa right side row.

" Sir, can i ask you a question? "

Paalam nito sa prof. na agad namang tinuonan ng pansin ng adviser namin.

" What is it, miss? "

" Regalona, sir" sagot ng kaklase kong nagtanong.

" Miss Regalona"

" Ano po ang Element ninyo or you're Leafé Power? "

" I have the Power of Speed, kaya nasa family ako ng Wind Element"

" Wow " sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Nakakamangha naman kasi talaga ang power ni sir at para siyang isang real life FLASH, just WOW!

Ang astig!

" i guess it's your turn to introduce yourselves to me infront,..

So let's start on the right, first row."

And yun na nga nagumpisa na kaming magpakilala sa isa't isa sa harapan.

Halos lahat sila may kapangyarihan except for me na wala man lang kakayahan o kaya naman abilidad.

Maya maya'y tumayo na si justine na nasa kaliwa ko lang nakaupo, siya na pala ang magpapakilala sa harapan kaya nakinig ako.

" Hi guys I'm justine Leo Delavigne ,19 years old and My Power is Portal Maker and Revoke, Belong also to the Earth Family "

Portal? Astig nun a, makakapunta siya kahit saan niya gusto, in just a snap and command.

Naglakad na ito pabalik sa upuan namin kaya tumayo na ako ng makaupo na ito.

Ako na ang susunod.

Ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko sa akin habang papunta ako sa harapan.

Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim pagkarating na pagkarating ko sa unahan.

" Solar Dave Lightstone, 19 , transferee from Homer University. That's all. "

Babalik na sana ako sa aking upuan ng biglang may nagtanong sa akin mula sa mga kaklase ko.

" Anong Power mo? "

Tanong nito sa akin isang babae ulit.

Hayst, kahit kailan talaga napaka-chismosa at pala-tanong ng mga babae.

Tumingin ako sa mga mata nito,

Mukhang natigilan ito at napatulala habang wala paring sumusuko sa aming dalawa sa titigan. Nai- intimidate siya sa akin.

" a-ano kasi wala pa ako---"

Biglang pinutol ni sir ang sasabihin ko kaya napatingin ako dito.

" Saka niyo na tanungin si solar, it's not yet the time to know the truth. "

At ngumiti ito sakin may alam ba siya na di' ko alam? Bakit ang weird nila?

Mukhang maaga akong mababaliw dito.

Nakita ko kung gaano ka-disappointed ang mga babae sa sinabi ni sir, habang ang mga lalake ayun, walang pake.

Nagsimula na si sir ethan magturo, halos lahat nakikinig ng biglang napatingin ako sa bintana, may isang babae nakatalikod ito at may mahabang itim na itim na buhok ang nakaupo sa sanga ng punong katapat ng aming bintana.

Nakadress ito ng kulay itim na may bahid ng pula. May maputi at makinis na balat,Ngunit di ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito mula saking direksiyon.

" Mister Lightstone! "

Pero may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng ito. Parang gusto ko siyang laging kasama at parating nakikita...

" Mister Lightstone! "

Sana lumingon ka ...

Sana lumingon ka...

Hiling ko at di naman ako nabigo ng biglang unti unting lumilingon ang babae ngunit ng makikita ko na sana ang mukha nito ng may malakas na bagay ang tumama sa noo ko.

Ang sakit!! Sino ba ang nagbato nun? Langya naman ! Napatingin ako sa bagay na nahulog sa harapan ko matapos ang paglanding nito sa noo ko.

Isang Blackboard eraser?

Teka, san galing itong eraser na to? Hindi naman gumagamit ang mga kaklase ko nito except sa isang tao.

Ang profesor namin...

Agad akong tumingin sa harapan ngunit wala na ito san nagpunta yun? Nag walk-out ba siya kanina? Di ko napansin ha.

May biglang tumikhim sa aking gilid

" ahem! " kaya agad akong napalingon sa kaliwa ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang galit na galit na mukha ni prof. Ethan .

O~oh....

Lagot na...

" Go to the Detention Room now!! "

" ihatid mo siya Mr. villanueva! " galit na sigaw ni prof.

" yes sir" yun lang naisagot ni justine at iginiya na ako palabas ng classroom.

Napabuntong hininga ako..

First day na first day of school, Nakakahiya!.

" Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at nakadungaw ka sa bintana, ni sigaw nga ni prof di mo pinansin! "

hindi makapaniwalang sambit ni justine sakin habang naglalakad mukhang tototohanin niya talaga na isuplong ako sa detention room.

" Sorry naman, di ko nga naman kasi narinig e! " sabay kamot ko sa batok pero wala talaga akong naririnig kanina animo'y nasa isang lugar kami kung saan kaming dalawa lang ang naroon kanina at sobrang tahimik.

"Alam mo ba kung ilang beses siyang sumigaw kanina para lang makuha ang atensyon mo? " ano naman pinuputok ng butsi ni justine ngayon at sobrang maka-react.

" bakit mo sakin tatanungin nakita mo na nga lang na di ako nakikinig kanina, ako pa tatanungin mo. " hayst, totoo naman kasi anong malay ko kung ilang beses ako tinawag ni prof. kanina, hindi nga ako aware kanina sa klase.

" Ok, ceasefire! " nagtaas na ito ng kamay ng tignan ko siya sa nanlilisik kong mga mata.

" Shoot " tipid na sagot ko.

" huh? What do you mean? " takang tanong naman nito sakin kaya napatingin ako sa kanya.

" alam kong marami ka pang tanong, so, shoot ..

..... You have now the chance to ask me a question. " agad niya akong tinignan ng seryoso na nagpakunot sa noo ko.

Tinaasan ko siya ng isang kilay signalling that he can now ask me.

" Ok, so, anong Tinitignan mo kanina? " seryosong tanong niya bakit mukhang pinagpapawisan ata siya.

" There's a girl seating on the branch of that tree earlier. " sabay turo sa isang puno na nasa tapat namin.

Agad naman nitong tinuonan ng pansin.

" Where? " at sinilip silip nito ang puno na parang tanga.

" syempre, wala na! Umalis na malamang. " nauna na akong maglakad sa kanya ng may nakita akong isang patay na puno sa di kalayuan.

Di katulad sa ibang puno, nagiisa lamang ito sa gitnang parte ng garden mukhang matanda na itong punong to kung di ako nagkakamali.

Kaya siguro patay na ito.

Naaawa ako, bukod sa wala na itong buhay tanging ang puno at mga sanga na lamang nito ang natitira at wala na ni isang dahon.

Lumapit ako rito at inilagay ang kaliwang kamay ko sa tuyong katawan ng wala ng buhay na puno.

Di ko makilala kung anong uri ito dahil sa wala na itong mapagkakakilanlan, ni dahon man lang.

Pagkadampi ng aking mga kamay sa puno ay may inerhiya akong nararamdaman mula sa aking katawan.

Ng biglang lumiwanag ang aking kamay at ganon na lamang ang aking pagkagulat ng biglang magkaroon ng kulay at sigla ang dating wala ng buhay na puno.

Unti unti naring nagkaroon ng mga dahon at mga bulaklak na nagsisimula ng mamukadkad.

Napagtanto kong isa itong cherry blossom tree , dahil sa kulay pink nitong bulaklak .

Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa ganda nito.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous