Télécharger l’application
53.33% Wilderness Inside / Chapter 8: CHAPTER 8

Chapitre 8: CHAPTER 8

"Hayst, sa wakas ay nakapag-out na din tayo," malakas na sabi ni Ivi , isa sa kagrupo niya pero sa ibang school ito nag-aaral. "Grabeng toxic kagabi at ang susungit pa ng ibang patients na akala mo naman nasa private hospital kung magdemand," reklamo nito.

Isa-isang sumang-ayon ang mga kagrupo niya samantalang siya ay hati ang atensyon sa usapan ng mga ito dahil iniisip niya si Saga. Kanina ay nagtext ito na nasa parking lot na. Sinabihan niya ito na kahit isakto nito ang pagdating ng 8:30 dahil hindi sila saktong nakakapag-out sa talagang out nila.

Gaya nang napagkasunduan ay susunduin siya nito sa hospital. Nakita niya itong nakaupo sa isa sa mga benches ng hospital kung saan madalas kumain ang mga watchers ng mga pasyente, mga employees ng hospital, at silang mga intern. May mga punong nakapaligid kaya masilong ito at presko kaya ang iba ay nagbabaon o bumibili nalang ng pagkain at doon kumakain.

Napansin niyang ang mga tao sa paligid nito ay napapasulyap at nagbubulungan. Mukha kaseng wala ito sa lugar kahit na hindi naman ito nakasuot ng pang-opisina. Mukha itong artista o modelo na napadpad sa isang public hospital.

"Grabe, artista ba yan?" di mapigilang sabi Marianne, isa din sa kagrupo niya na kagaya ni Ivy ay taga ibang school. Napansin din nito ang presensya ng lalaki dahil palapit na sila sa pwesto nito.

Hindi pa siya nakikita ng lalaki dahil mukhang ang buong atensyon nito ay nasa kausap sa kabilang linya ng cellphone nito.

"Oh! I know him," sabi naman Hannah na kagrupo niya din at isa sa pinakasikat sa school nila. Mayaman din ito at nasa business din ang pamilya. "That's Saga Araujo and I met him once in an event," dagdag nito at hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Mahilig sa family gathering ang pamilya nito at lagi itong present hindi kagaya niya na never umattend at never nagkainterest sa business kaya wala siyang kilala maliban nalang kung personally, kilala niya ang mga ito. "I wonder what he's doing here," may pagtatakang tanong nito.

Last week ay hindi natuloy ang pagsama nito sa kanya sa group meeting nila kaya hindi alam ng mga ito na siya ang dahilan kung bakit napadpad ang isang Saga Araujo. May biglang emergency kase sa opisina nito kaya agad ding umalis pagkatapos nilang pag-usapan ang paglipat niya sa bahay nito.

"Maybe he has a girlfriend here," sagot ni Yna na taga ibang school din. Isa ito sa pinakachismosa sa grupo nila. "A doctor maybe?"

"I don't think so," sagot ni Hannah. "I would have heard it if that's the case," dugtong pa nito.

"Luna," tawag sa kanya ni Marcus na isa din sa sikat sa school dahil sa physical na katangian nito at idagdag pa na matalino ito. Lahat ng miyembro ng pamilya nito ay nasa medical field kaya hindi nakapagtatakang nasa medical field din ang kinuha nitong kurso.

"Yes?" nalipat ang atensyon niya dito mula sa atensyon niya sa pinaguusapan ng mga babaeng kagrupo niya.

"Have breakfast with us,"pagyayaya nito. Lagi siya nitong niyayayang kumain sa tuwing makakaduty niya ito dahilan para isipin ng mga kagrupo nilang may gusto ito sa kanya. At sa tuwing magkakayayaan ay sumasama siya sa mga ito dahil masasabing magkakaibigan na sila. Kahit iba-iba ang personalities nila, nagkakasundo pa din sila.

"You're lame Marcus," tukso ni Hannah sabay siko sa kanya. "I can't believe you're still in step one. Gosh, just ask her out already," sabi nito na nakapagpatawa sa mga kasama nila. Napakamot si Marcus habang natatawa samantalang siya ay napapailing nalang. Lagi silang tinutukso dahil halata naman daw na may gusto sa kanya ang lalaki pero torpe ito at siya naman ay manhid.

"Kaya nga! Alam naman namin na si Luna lang talaga ang gusto mong makasama," pagsakay ni Marianne sa sinabi ni Hannah.

"She can't," sagot ng pamilyar na boses bago pa siya makasagot. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin siya sa nagsalita. Inakbayan siya nito at nakipagtitigan kay Marcus. Lahat ng mga kasama niya ay nagulat at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"I-I'm sorry Marcus but I have plans this morning," pagpapasensya niya kaya pinutol ni Marcus ang staring contest na namamagitan sa kanila ni Saga at tumingin sa kanya. "Maybe next time," pilit ang ngiting sabi niya dahil sa sobrang awkward ng sitwasyon.

Hindi niya masisisi ang mga ito na magulat dahil wala pang sumundo sa kanya sa hospital. Wala din narinig ang mga ito na may boyfriend siya at kinoconfirm niya ito kapag direktang tinatanong siya.

"It's alright," ngiti ni Marcus. "Next time then," ngisi nito at niyaya na ang mga kagrupo nila na umalis para kumain. Nagpaalam ang mga ito sa kanya at lahat ay may pagtatanong sa mga expression ng mga mukha.

Sinundan niya ng tingin ang mga ito at nagtama ang tingin nila ni Hannah nang lumingon ito. Ngumiti ito nang may panunukso at saka kumaway bago tumalikod ulit.

"There's no next time," narinig niyang sabi ni Saga kaya napaangat ang tingin niya para tignan ito. Nakatingin pa din ito sa mga palayong kagrupo niya at hindi ito nag-aksayang pagtakpan ang inis at tila nagbabagang titig sa kung sino man.

"You're acting like a jealous boyfriend right now," komento niya at tinanggal ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

"I am your fiance," matalim ang tingin nitong bumaling sa kanya.

"Whatever," nalolokang sabi niya at nagsimula siyang maglakad sa parking lot kung saan niya pinarada ang sasakyan.

Tahimik itong sumunod sa kanya at hindi sumabay sa paglalakad. Gusto man niyang lingunin ito ay pinigilan niya ang sarili.

Ngayong araw ang napagkasunduan nilang paglipat niya sa bahay nito. Hindi niya alam kung bakit nagmamadali ito pero hinayaan niya nalang dahil wala din naman siyang magagawa lalo na at walang pagaatubiling pumayag ang kanyang mga magulang. Inunti-unting pinahakot ni Saga ang kanyang mga gamit kaya wala na siyang ibang gagawin kundi ang sumunod nalang dito pauwi.

Nang malapit na sila sa parking lot ay napahinto siya dahil bigla nitong hinawakan ang kamay niya.

"You're riding with me," madilim ang expression nitong tumingin sa kanya.

"I have my car," sabi niya dito. Nagtataka siya sa inaakto nito.

"Give me your key," utos nito. Di nalang siya nagtanong kung aanhin nito iyon dahil mukhang bad mood. Tahimik niyang kinuha sa bag niya ang susi at iniabot dito. Nagsimula itong maglakad nang walang imik kaya tahimik siyang sumunod.

Pagdating nila sa sasakyan nito ay bumukas ang pintuan at lumabas ang driver na naghatid sa kanya noong unang punta niya sa bahay nito.

"Kuya Marlon, pakidrive nalang yong sasakyan niya," sabi nito at iniabot ang susi.

"Sige sir," sabi ng matanda. "San po nakapark yong kotse niyo?" baling nito sa kanya.

"Yong itim na Lexus po don sa may bandang dulo," sagot niya. Tumango ito at umalis na. Tahimik naman siyang pinagbuksan ni Saga sa may passenger seat. "Thank you," mahina niyang sabi. Tumango lang ito bago sinara ang pinto.

Pagkasakay nito ay pinaandar nito agad. Hindi pa din ito umiimik kaya hinayaan niya lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa din sila umaalis. Nagulat siya nang humarap ito sa kanya at lumapit. Di niya maiwasang langhapin ang pabango nito. Ang gaan ng amoy nito at nakakarelax.

"Sleep," tipid na sabi nito at nirecline para sa kanya ang upuan. Pagkatapos nitong irecline ay umayos na ito ng upo. "I'll wake you up when we're home," dugtong nito.

"Okay, thanks," ngiti niya dito. Kahit na gusto niyang tanungin kung anong problema nito ay napagdesisyonan niyang mamaya nalang pagkauwi nila. Antok na antok na din siya dahil sa toxic ng duty nila kagabi. Pumikit siya at naramdaman ang pag-alis ng sasakyan. Hinayaan niya ang sariling magpatangay sa antok.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous