Télécharger l’application
98.71% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 383: Chapter 383

Chapitre 383: Chapter 383

"Tumigil ka nga sa ka-dramahan mo, mamaya pag-uwi natin dumiretso tayo sa mall at uubusin ko yung lahat ng pera mo!" pagbabanta ko.

"Kukulangin yung oras mo kapag shopping mo lahat ng pera ko!"

"Michelle ha, bumili ka lang ng kailangan mo anak!" paalala ni Papa sakin.

"Papa naman binibiro ko lang si Martin alam mo naman di ako mahilig sa mga material na bagay!" malungkot kong sabi.

"Hay naku kayong dalawa, mabuti pa ay umalis na kayo at hapon na mamaya abutin pa kayo ng gabi." sabi ni Mama.

"Mabuti pa nga at umalis na kayo habang may araw pa. Pumunta kayo sa mall at magdate kayong dalawa at ng magkaroon naman kayo ng quoality time at di puro trabaho," sabi ni Papa.

"Sige po alis na kami!" sa huli na sabi ko nalang at tuluyan na kaming lumisan.

"Hon, gusto mo nuod tayo ng sine?" tanong ni Martin sakin habang nasa biyahe na kami.

"Ikaw, kung anong gusto mo?" sagot ko sa kanya kasi siya lang naman ang inaalala ko kasi nga baka may need pa siyang tapusin sa bahay kaya gusto na niyang umuwi kami.

"Kung ako lang hon, mas gusto kong sa kwarto nalang tayong dalawa, Ano sa tngin mo?"

"Sa tingin ko mas maganda nga yung idea mo na manuod nalang tayo ng sine!' mabilis kong sagot.

"Pwedi naman tayo sa mini theater natin manuod, habang nag make love, di pa natin pala nagagawa yun dun." namimilog na matang sabi ni Martin.

Tanging irap lang ang isinagot ko kay Martin at di ko na siya pinansin. Pinilit kong ipinikit yung mata ko para kunyari matutulog ako para di na niya ma-pollute yung utak ko.

Maya-maya naririnig ko yung pagtawa niya halatang tuwang-tuwa nanaman sa pinagsasabi niya.

Umiiling iling nalang ako bago ko siya tinalikuran at bumaling ako sa may bintana ng kotse.

Pagdating sa bahay nasunod parin ang plano ni Martin nagkulong kaming dalawa sa entertaiment room at di ko na namalayan kung aning oras niya ko binuhat papunta sa kwarto naming dalawa, paggising ko wala na siya sa tabi ko at malamig na rin yung pwestong iniwan niya kaya tiyak ako kanina pa siya gumising.

Paglingon ko sa orasana naka sabi sa ding-ding dun ko lang nalaman na alas dyes na pala, tanghali na kaya bumangon na ko at naligo.

Pagbaba ko di ko nakita si Manang Susan, marahil naglalaba kasi yun ang araw ng sched niya para sa laundry.

Dumiretso na ko sa kusina at ako na yung naginit ng pagkain ko. Pagkatapos mag-almusal ay muli akong bumalik ng kwarto ang nagligpit.

Saka ako muling bumaba sa baba at nagsimulang magluto ng panabghalian namin.

"Ma'am, ako na po diyan!" sabi ni Manang Susan ng makita akong naghuhugas ng bigas.

"Okay lang Manang, tapos na po kayi maglaba?"

"May ilan pa pong nakasalang," nahihiyang sagot ni Manang sakin. Naka automatic washing machine naman kami kaya di naman ganun pagod si Manang, yung nga din sana gusto kong bilhin para kay Mama kaya lang ayaw niya at magastos daw sa kuryente, tubig at sabon. Di rin daw malinis pero samin namam malinis naman, sabagay ano ba naman tatagalin niyang dumi sa damit namin ni Martin na halos di nga nagugusot.

Pagkatapos kong magluto, tinext ko si Martin.

"Hon, kain na!" reminder ko sa kanya para maalala niya na oras na ng lunch.

"Nagpabili na ko ng pagkain kay Yago, sakto lang twelve andito na siya. Asa meeting pa ko Hon, tawagan kita once matapos ito! I love you!" reply niya sakin.

"Okay, I love you too!" sagot ko bago ko ibinaba yung phone ko sa dinning table at nagsimula akong maghain.

"Manang kain na tayo!" tawag ko kay Manag Susan, sabay kasi kaming nananghalian kapag ako lang ang nasa bahay. Minsan niyaya ko siya na sumabay samin kahit andiyan si Martin pero ayaw niya kasi nga daw pagkakataon daw namkn yung mag-asawa. Di ko na din pinilit kasi alam ko naman na nahihiya kay Martin kasi di naman din kasi vocal yung asawa ko. Sa akin lang yata yung madaldal more on tango lang ang ginagawa nun pag kausap yung mga empleyado niya, maliban nalang kung may itatanong siyang importante.

"Hon!" sagot ko ng tumawag si Martin. Nagsisimula na kaming kumain ni Mamang Susan.

"Kumakain ka na?" tanong niya, puno kasi yung bibig ko ng sagutin ko yung tawag niya.

"Hmmm," sagot ko habang ngumunguya.

"Ano ulam mo?"

"Nagluto ako ng pakbet," sagot ko kay Martin kasi pinabili ko ng kalabasa at ampalaya si Manang Susan nung nakaraan para magamit ko yung mga buto nun sa garden ko ng mga gulay. Kaya ang ending pakbet ang ulam namin ngayon.

"Di pa ko nakakain niyan Hon,"

"Talaga?" gulat na gulat kong sabi.

"Oo," malungkot niyang sagot sakin.

"Sige pagtitira kita para matikman mo mamaya,"

"Salamat," malambing niyang sabi.

"Sus, naglalambing ka pa. Di ka nahihiya naririnig ka ni Manang Susan. Naka loud speaker kasi yung phone ko na para kahit kumakain ako ay nakaka usap ko siya.

Biglan natahimik si Martin, kaya inasar ko.

"Nahiya ka bigla?"

"Hindi, Bakit ako mahihiya? Di naman masama na maglambing sa asawa ko?"

"Fine!" sagot ko nalang.

"Baka ikaw yung nahihiya maglambing sakin sa harap ng ibang tao?" balik na tanong ni Martin sakin.

"Hindi noh, bakit ako mahihiya eh asawa kita!" balik na sagot ko rin sa kanya.

"Talaga, di ka mahihiya maglambing sakin sa harap ng ibang tao?"

"Oo," mabilis kong sagot.

"Sige kiss mo ko mamaya sa harap ni Manang Susan ah!" natatawang sabi ni Martin.

"Sige, kiss lang naman pala eh!" sagot ko sa kanya habang nginitian ko si Manang Susan na natatawa sa usapan namin ni Martin.

"Torrid ah!" muling sagot ni Martin.

Bigla akong natigilan at namula kasi nga sa pagiging shameless ng asawa ko ang masaklap pa narinig yun ni Manang Susan.

"Hon, bakit di ka na sumagot?" natatawang sabi ni Martin sa kabilang linya.

"Chuppy line mo, Hon! Di kita maintindihan, tawagan kita uli mamaya tapusin ko lang pagkain ko!" mabilis kong sagot bago ko siya binabaan ng tawag. Di ko na siya hinintay na sumang ayon baka kasi lalo pa niya akong asarin.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C383
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous