Télécharger l’application
90.2% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 350: Chapter 350

Chapitre 350: Chapter 350

Mabilis lang yung ginawa kong pagligo kasi ng gutom na ko. Naka suot lang ako ng bathrobe ng lumabas sa banyo habang tinutuyo ko ng tuwalya yung buhok ko. Agad akong lumapit sa cabinet para humanap ng pwedi kong suotin.

Pagbukas ko ng unang drawer bumungad sakin yung mga naka hilerang pang long sleeve na damit ni Martin kaya agad ko din iyong isinara. Pagbukas ko sa kabila ganun din hanggang sa makarating ako sa ika-apat na pinto ng cabinet ay puro damit ni Martin ang laman nun.

Bahagya akong napakamot sa ulo ko kasi nga wala akong makitang damit para sakin. Ang masaklap pa naiwan yung bag ko na naglalaman ng damit na binaon ko para sana may suotin ako. Muli akong bumalik sa ikalawang pinto ng cabinet kung saan nakita ko yung mga t-shirt niya na naka ayos. Malapit na ko sa ikalawang pinto ng mapansin ko yung opposite na space na may hilera din na cabinet dun, kaya agad akong lumipat dun nagbabakasakaling may inihandang damit para sakin si Martin.

Pagbukas ko ng unang pinto nun ang bumungad sakin ay ibat-ibang uri ng dress na halatang puro bago. Bigla akong napa ngiti kasi nga di talaga ako binigo ni Martin, lalong bumilog yung mata ko sa kaligayahan nung buksan ko pa yung mga sumunod na cabinet kasi lahat ng iyon ay puro pambabae at syempre saakin ang mga iyon. Andun din yung mga ibang gamit ko na iniwan ko two years ago sa condo niya na inakala kong itinapon na niya kasi nga di ko na iyon nakita sa condo niya nung pumunta ako dun. Inilipat pala nya lahat ng gamit ko sa bago naming bahay.

Pumili lang ako ng isang plain na mint green na t-shirt at isang maong na short. Dahil nga v-cut yung t-shirt na isinuot ko halatang halata yung mga kiss mark ko sa dibdib, isama mo pa yung sa leeg ko naka parada pero di ko na iyon itinago kasi nga ang alam ko ako lang yung nasa bahay pero laking gulat ko ng may makita akong ibang tao sa sa kusina ng bumaba ako.

"Good afternoon po, Madam! Maupo na po kayo sa lamesa at hahainan ko na po kayo ng pagkain," bati sakin ng isang babae na sa tingin ko ay nasa thirties ang edad.

"Ano pong pangalan niyo?" tanong ko sa kanya habang kumuha ako ng baso at nilagyan ko ng tubig.

"Pasensya na po at di ko nasabi yung pangalan ko, Ako nga po pala si Susan."

"Nice meeting you po, ako nga po pala si Michelle!" pakilala ko din sabay lahad ng palad ko.

"Naku Madam, magaspang po yung kamay ko nakakahiya naman pong makipagkamay!" sabi ni Susan sakin habang itinatago yung kamay niya sa likod niya para di ko abutin.

"Ano naman pong problema kung magaspang yung kamay niyo, ang importante po ay nagkakilala tayo." sagot ko at wala akong atubiling hinila ang kamay niya at nakipagshake hands ako sa kanya.

Pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa dining table at umupo. Habang si Susan naman ay naghahain na ng pagkain sa lamesa.

Habang hinihintay siya, naisip kong i-text si Martin.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Kanina kasi tumawag siya sakin pero di ko yun nasagot kasi nga tulog ako, then nagtext siya na tawagan ko daw siya once na magising ako pero minabuti kong i-text nalang muna siya kaysa tawagan ko ng diretso. Iniisip ko kasi baka may ginagawa siya or may kausap para atleast kung meron man di ko siya maistorbo.

"Kain po tayo!" yaya ko kay Manang Susan.

"Tapos na po ako Madam, kaya wag niyo na po akong alalahanin at kumain na po kayo!"

"Tawagin niyo nalang po akong Michelle, Di po kasi ako sanay na tinatawag na Madam!"

"Naku Madam baka po magalit si Sir!" sabi ni Manang Susan na para bang nagulat sa pinapaki-usap ko sa kanya.

"Di naman po ganun si Martin kaya wag po kayong mag-alala!" sabi ko naman dito kasi para sakin naman di yun big deal at sa tigin ko ganun din iyon kay Martin. Di lang talaga ako sanay na may tumatawag sakin ng ganung pangalan.

Natapos na kong kumain pero wala pa kong narereceive na text or tawag mula kay Martin kaya iniisip ko nalang marahil ay talagang busy siya. Di naman ako nag-isip ng masama kasi nga nagpaalam naman siya at sinabi naman niya sakin na nasa hospital siya kaya ang tanging dasal ko nalang ay maging okay yung Lola niya para maka uwi na din siya kagad.

Dahil wala naman akog ginagawa naisip kong libutin yung buong bahay para maging familiar ako dito. Nag-umpisa ako sa second floor na maliban sa master bedroom kung saan kami natutulog ni Martin, meron pang apat na naroroon. Yung isa yung study room ni Martin kung saan siya pwedi mag-opisina. May mga libro din dun at may mahabang sofa kung saan pwedi kang umupo habang nagbabasa. Kagaya sa opisina niya sa Casa Milan meron ko ding picture na naka patong sa office table niya. Yung tatlong kwarto sa second floor ay puro guest room pero iniisip ko kapag nagkaanak kami ni Martin magiging kwarto nila yun.

Di ko mapigilang mapahawak sa pisngi ko ng maisip ko yung magiging future kids naming dalawa. Bigla kong naisip na kagabi di siya nagcontrol at di ko din nainom yung after pill na binili ko,"May possibilities kayang mabuo yun?" tanong ko habang hinahawakan ko yung tiyan ko.

"Sabagay twenty nine na ko di na siguro masama kung mag-anak na ko. If ever mabuo iyon thirty na ko kapag isinilang ko iyon di na yun masama," sabi ko sa sarili ko habang bumababa ako sa ground floor.

Nasa ground floor yung entertainment room at meron din dalawa pang extra room na ginagamit ni Manang Susan yung isa at samantalang yung isa daw ay kay Mang Kanor kapag dito daw nagpapalipas ng gabi si Martin.

Si Manang Susan narin ang nagkwento sakin na dalawang taon na itong bahay na ito at dito na tumutuloy si Martin ever since na nagawa ito. Si Martin din daw ang namili at nagdesign ng buong bahay kasama na yung garden na nasa labas pero kung pagmamasdan ko yung kabuuang bahay halos lahat ng andun ay based sa mga gusto ko pati kulay at design ng mga furniture.


L’AVIS DES CRÉATEURS
pumirang pumirang

Tinatamad na kong mag-update kasi No. 2 nalang yung ranking ko!!! Huhuhu...huhhu...

Joke lang medyo busy kasi ako ngayon sa trabaho at sa side line ko pero basta may time mag-uupdate ako kaya wag na kayong magtampo!!!

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C350
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous