Télécharger l’application
82.21% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 319: Chapter 319

Chapitre 319: Chapter 319

Naka tatlong kanta na yung sinayaw namin, kaya pawis na pawis na ko kaya di ko na mapigilang magyaya. Si Zaida at Xandra umalis na at iniwan na kaming apat sa gitna.

"Tara na!" yaya ko.

"Last na yung favorite natin!" sabi ni Anna sabay talikod samin.

Kaya sinundan namin siya ng tinging tatlo, alam naman kasi namin na may pagkamakulit si Anna kaya di pweding pabayaan.

Nagulat na lang kami ng dumiretso siya sa may DJ may sinabi siya dun na di namin naintindihan. Maya-maya ay nagpalit ng music at ang tumunog wannabe ng spicy girls.

"Anak ng tokwa!" di ko mapigilang mapahawak sa noo. Habang yung dalawa natawa. Kahit kailan talaga si Anna sakit sa bangs.

"Girls game na!" sigaw pa nito ng di kami gumagalaw.

"If you wanna be my lover, you gotta get with my friends Make it last forever, friendship never ends If you wanna be my lover, you have got to give Taking is too easy, but that's the way it is!" kanta pa naming apat habang tumatalon talon kaming parang mga bata.

Favorite namin yun ng highschool kami at sabi nga namin bawal piliin ang lalaki between friends kasi kung mahal ka ng lalaki tatanggapin niya yung mga kaibigan mo. Bigla kong naalala si Martin nung pinagbawalan niya kong makipag kita sa mga kaibigan ko, yun yung time na di kami nagkakaintindihan.

"Tama na ang talon, masakit na paa ko!" reklamo ni Analyn pero di parin nawawala ang ngiti sa mukha.

"Oo nga at kahit anong gawin natin di na tayo tatangkad!" segunda ko.

"Effective naman yung pagtalon natin nung every New Year tanging si Nina lang talaga ang di tumangkad." comment ni Anna.

"Ako nanaman ang nakita mo!" sabi ni Nina na hinampas si Anna.

"Haha...haha...!" muling tawanan naming apat. Pabalik na kami sa booth namin ng masalubong namin si Martin at Lucas. Nagulat ako kasi di ko expect na makikita kami dun.

"Hello!" sabi ni Lucas sa amin.

"Hi!" si Anna yung sumagot.

"Kayo lang?" muling tanong ni Lucas habang kami ni Martin nagkakatitigan.

"Hindi may kasama kami," sagot ko para maibaling ko yung tingin kay Lucas.

"Mga boys?" pang-aasar ni Lucas.

"Oo mga boys for safety para di na mangyari yung nakaraan." si Nina ang nagsalita.

"Mabuti naman kung ganun," sagot ni Martin at nagsimula ng maglakad at ganun din kami.

Di ko alam kung nagkataon lang pero sa direksyon ng booth din namin silang dalawa papunta. Actually nauna sila samin at kami yung nakasunod kaya iniisip ko nalang baka sa katabi naming booth sila.

Bago pa maka lapit bumukas yung pinto at lumabas si Jerold.

"Pre!" tawag nito habang nakipag fist bang sa dalawa.

"Ginagawa mo diyan?" tanong ni Lucas.

"Ah nakiki-inom!" sabi ni Jerold habang nagkakamot ng ulo. Marahil isinama siya ni Zaida kanina sakin naman wala yung kasi nga di naman siya iba.

"Bakit di kayo pumasok sa loob?" sabi ni Christopher na lumabas din. Kaya napalingon si Lucas at Martin samin. Di nila akalain na kasama namin si Jerold uminom.

"Inimbitahan ko siya!" paliwanag ko para di nila maisip yung tungkol kay Jerold at Zaida.

"Invite mo din kami Michelle!" sabi ni Lucas na parang nagmamakaawa.

"Tara!" bago pa ko makasagot si Anna na ang pumayag kaya pumasok si Martin at Lucas kasama namin.

Maluwag naman yung booth namin kasya kahit umabot pa kami ng thirty kaya okay lang kahit sumama pa sila Martin samin.

"Tagay na uli!" sabi ni Anna na nagsisimula ng magpaikot ng baso.

"Siya nga pala di pa kami nagpapasalamat sa ginawa niyong tulong last time!" sabi ni Nina.

"Naku wala yun, saka okay na itong kabayaran!" sabi Lucas habang itinaas yung bote ng beer na hawak niya na inabot ni Mike kanina.

"Baka di ka sanay, maimpatso ka!" pagbibiro ko kay Lucas. Every time na umiinom kasi sila puro wine kaya alam ko di sila sanay sa beer.

"Kung wine ang gusto niyo pwedi naman, order ka kahit yung pinaka mahal kayang kaya yang bayaran ni Michelle!" sabi ni Anna na proud na proud pang isangkalan ako.

Para manahimik siya binato ko nga ng takip ng beer.

"Haha...haha...!" tawa ng lukarit ni Anna na inirapan ko.

"Bakit si Michelle ba magbabayad?" mahinahong tanong ni Martin.

"Oo daw!" si Zaida ang sumagot.

"Dapat pala sulitin natin yan para matikman natin yung katas ng America," sabi ni Martin habang naka tingin sakin at naka ngiti na para bang sinasabi na ang dami mo palang pera pero mas gusto mong ibayad katawan mo kaysa mabawasan yung pera mo.

"Wag kang papaniwala diyang pang beer lang ang budget ko at pagnag wine ka baka paghugasin ako ni Jerold ng pinggan at malamang isama ko kayo ni Lucas kasi kayo lang iinom nun,"pagbabanta ko.

"Napaka kuripot mo naman Michelle, isang wine lang!" sabi ni Lucas.

"Isang wine lang pero yung pinakamahal ang gusto mo," irap ko sa kanya.

"Sige na, order na kayo ng wine ako na magbabayad! Bilang pasasalamat yun sa pagtulong niyo sa kanila last time!" sabi ni Christopher.

Kung papakinggan mo yung sinabi niya parang gusto niyang sabihin na papainumin ko kayo pero wala na kami utang na loob sa pagkakaligtas niyo sa kanila.

"Narinig mo yun Jerold ilabas mo na yung pinakamahal mong wine!" sabi ni Martin habang naka ngiti pero iba yung ngiti niya yun ang ngiting may malisya.

"Sigurado ka mahal yun?" sabi ni Jerold.

"Wag yung Armand de brignac Midas, di yun kaya ng budget niya!" sabi ni Martin.

"Magkano ba yung baka kayanin ko?" mayabang na sagot ni Christopher.

"Thirteen million yun pre," casual na sabi ni Lucas.

Bigla kaming napa nga-nga lahat nung marinig namin yung presyo nun. Di alam ni Christopher kung paano pa sasagot kaya ako na ang nagsalba.

"Beer lang ang kaya kong ipainom, yung gustong uminom ng wine lumipat ng ibang booth!" sabi ko habang tinutunga ko yung beer sa baso ko.Napa tingin sakin si Martin na para bang galit iniisip niya siguro na nasa panig ako ni Chistopher pero para sakin

di ko naman siya kinakampihan, ayaw ko lang talaga ng gulo kaya kung pwedi uminom nalang kaming lahat.

"Order pa ko isang kahon!" sabi ni Mike na tumayo na at tumawag ng waiter para omorder ng beer.

Pagkatapos nun ay uminom na kami uli at nagkwentuhan parang walang nangyari kanina.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C319
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous