Télécharger l’application
78.86% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 306: Chapter 306

Chapitre 306: Chapter 306

"Meryenda?" sabi ni Martin, di muna ako sumagot at tiningnan ko yung relo ko sa kamay, four na pala.

"Tinapay lang!" sabi ko kasi nga medyo busog pa ko.

"Sige!" sabi ni Martin. Di na ko tinanong ni Martin kung anong klaseng tinapay yung gusto ko. Di naman kasi ako maselan sa pagkain at sa tagal din namin magkasama dati alam ko naman na alam na niya yung mga kinakain ko.

Makalipas nga lang ng ilang minuto ay kumatok si Yago na may dalang kape at tinapay.

Ensemada iyon na punong-puno ng cheese na pinarisang ng black coffee ang ipinatong ni Yago sa table ko.

"Salamat!' masaya kong sabi.

"Welcome po!" sagot ni yago bago umalis papunta kay Martin kung saan inihatid din nito yung parehas na pagkain na meron ako.

"Sarap!' di ko mapigilang sabihin nung malasahan ko siya sa una kong kagat

"Buti nalang di ka tumangi kundi di mo sana nalasahan!' sabi ni Martin sa akin.

"Bakit ako tatangi eh nang-alok ka!" sagot ko naman sa kanya.

"Inaalok naman kita dati ah, pero ayaw mo!"

"Iba yung dati at iba ngayon. Wag ka ngang magulo diyan!" naasar ko nanaman sabi kay Martin paano kasi ipinamumuka pa niya sakin na di na ko tumatangi sa mga advances niya sakin.

"Sige na, kumain ka na!" pag-aalo niya sakin.

"Hmp!" sagot ko sa kanya at muli na kong kumain. Nung una kasi naasiwa ako na tumanggap mula sa kanya kaya lang siya ga di naasiwang magtake advantage sakin eh bakit ako mahihiyang gawin din yun sa kanya.

Saktong five nagligpit na ko ng gamit ko at tumayo.

"Alis ka na?" tanong ni Martin sakin.

"Oo!" matipid kong sagot.

"Ingat!" paalala niya sakin.

Tiningnan ko lang siya na para bang di ako maka paniwala na yun lang yung sinabi niya. Nung nakaraang araw kasi humihingi siya ng goodbye kiss. Sabagay, nakadami na siya kanina malamang nagsawa na. Medyo may kumurot sa dibdib ko nung maisip ko yung bagay na yun pero wala naman tayong magagawa kung ganun talaga.

Pagbaba ko sa baba nasa parking na si Alvin, naka sandal sa isang kotse habang naninigarilyo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at dahil nga naka yuko siya di niya ko kagad napansin.

"Hoy!" tulak ko sa kanya.

"Siraulo ka talaga Michelle!" sabi ni Alvin na nabitawan pa yung sigarilyo niya dahil sa ginawa ko.

"Haha...haha... nagiging magugulatin ka yata ngayon?"

"Ewan ko sayo, ikaw nga natuto ka ng magpalda ngayon!" sabi ni Alvin habang sinipat yung suot ko.

"Tange nakapalda naman ako kapag umaatend ng party ah!" sabi ko sabay batok sa kanya.

"Bestida yun di yun palda!"

"Dress yun di yung bestida!"

"Parehas lang yun basta naka palda!" sabi ni Alvin para matapos yung pagtatalo namin sabay bukas yung pinto ng kotseng dala niya.

"Sosyalen, naka kotse!" pagbibiro ko.

"Inutang ko lang yan wag kang magulo!"

"Haha...haha..!" tawa ko.

Sa front seat ako umupo magkatabi kami ni Alvin. Nasabi ko na kanina kay Mike na di ako sasabay at may lakad ako, sabi ko sa kanya tawagan ko nalang siya pag pwedi na niya ako sunduin. Makipag-date nalang muna siya kay Xandra.

"Punta muna tayo sa Web Solution, dun nalang nating pag-usapan kung saan tayo pupunta."

"Sige!" sagot ko, maganda nga yun para makita ko uli yung dati kong pinapasukan.

"Siya nga pala sasama ba sila lahat?" tanong ko uli.

"Oo naman, tatangi ba naman yung mag yun sa libreng alak! Kaya humanda kang paiyakin yang wallet mo!" pagbabanta ni Alvin.

"Bakit sino ba nagsabi sa inyo na sa mamahaling bar ko kayo dadalhin? Sa bahay tayo uminom at Gin lang!" seryoso kong sabi.

"Kung Gin lang naman wag na, umuwi ka na!" sabi ni Alvin sakin na inihinto pa talaga yung sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Ah ganun, maarte ka na! Wait lang!" sabi ko habang kinukuha ko yung cellphone ko sa bag ko.

Mabilis kong dinaial yung number ni Dina.

"Michelle, nasundo ka na ni Alvin?"

"Umuwi na daw ako at ayaw niyang uminom ng Gin!" sumbong ko.

"Bigay mo yung phone at kakausapin ko!" galit na sabi ni Dina.

Actually narinig na yun ni Alvin kasi naka loud speaker yung phone ko kaya di ko mapigilang dilaan si Alvin kasi tiyak bubulyawan siya ni Dina.

"Binibiro ko lang si Michelle, ikaw naman naniniwala ka kagad!" sabi ni Alvin na muli ng pinaandar yung kotse.

"Umayos ka Alvin!"

"Opo!" sagot ni Alvin na umiiling-iling habang akong natatawa sa itsura niya. Halatang under de saya yung mokong.

five thirty nasa Web Solution na kami at dahil nga di pa uwian ay umakyat muna kami sa taas para dun muna tumambay. Napagkasunduan namin na kumain sa favorite tasilogan kung saan kami kumakain dati Dun nalang daw kami para daw di ako umiyak sa gastos.

"Kaya lang mukang di bayag si Michelle dun eh, naka takong kasi!" pang-aasar sakin ni Sir John.

"Sir John naka takong lang ako pero kaya parin kitang talunin sa takbuhan." pagbibiro ko.

"Bastos kang bata ka malamang matanda na ko!"

"Haha...haha....!" tawanan ng lahat.

Actually ako lang yung naiibang porma samin. Lahat kasi sila naka t-shirt lang at pantalon ganun din si Dina kasi nga maliit pa naman yung tiyan niya.

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa isang bar na malapit lang din sa area. Open bar siya na may mga mini kubo. Anim lang kami sa group at dalawa lang kami ni Dina na babae. Sakin naman okay lang kasi mga kasamahan ko naman yung mga yun dati, kung baka iisa nalang likaw ng bituka namin. Isa pa, di naman ako makikipagsabayan ng inom sa kanila. Ang akin lang mailibre ko sila bilang pasasalamat narin sa tulong nung down na down ako.

"Ano iinumin natin?" tanong ko. Nasakin yung menu kasi nga ako yung taya.

"Ikaw na bahala, ikaw naman kasi magbabayad." sabi ni Alvin.

"Orderan ko kayo Gin!" natatawa kong sabi.

"Basta sakin juice lang!" sabi ni Dina.

"Syempre naman!" sabi ko kay Dina.

"Ano na?" muli kong tanong.

"Sige Light beer nalang para mahabahaba yung kwentuhan." sagot ni Sir John.

"Bahala kayo, ayaw pa niyong pumili minsan lang ako manlibre," pananakot ko pero syempre alam ko naman di magkukusa ng demand yung mga kasama ko kasi nga kahit papano mga nahihiya sila kaya ako na yung omorder.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C306
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous