Télécharger l’application
73.19% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 284: Beach

Chapitre 284: Beach

Saktong tapos na kami kumain ng almusal ng dumating si Natty may kasamang isang babae na kaedad niya na di ko kilala.

"Good Morning Tito, Tita, Ate Michelle!" masayang batin ni Natty ng makalapit samin.

"Morning din!" masaya kong sabi.

"Ate magswimming kasi kami sa dagat kasama barkada baka gusto mong sumama?" Baleng sakin ni Natty pagkatapo niyang magbless kina Papa at Mama.

"Saan kayo magswimming?" exited kong tanong.

"Sa may dagat dun sa kabilang baryo!"

"Malayo dito?"

"Di nanaman saka may sasakyan naman kaya okay lang."

"Ah talaga!" masaya kong sabi.

"Oo, ate kaya sama ka na!" masayang sagot din ni Natty.

"Sino kasama niyo?" Curious kong tanong.

"Kami-kami lang naman barkada saka kasama rin natin yung ibang pinsan natin." paliwanag ni Natty. Napa tingin ako sa dereksyon ni Mama para hingin yung opinyon niya kasi kahot papano naalala ko parin na hanggang ngayon ay grounded parin ako.

"Sige sumama ka na, basta walang alak Michelle!" pagbabanta ni Mama.

"Si Mama naman akala mo sakin lasingera!" pagbibiro ko habang tumatayo mula sa pagkakasalampak ko sa damuhan.

"Hindi ba?" pang-aasar ni Papa sakin.

"Hindi noh!" natatawa kong sabi.

"Michelle ha!" muling tawag ni Mama.

"Opo!" sagot ko sabay saludo pa bago ako sumama kay Natty. Natatawa nalang ako kasi sa edad kong ito ay ganun nalamang ang paghihigpit sakin ni Mama.

"Daan muna tayo sa bahay saglit, kuha lang ako ng damit at tuwalya." sabi ko kina Natty na agad namang sumang-ayon. Pagdating sa bahay kumuha ako ng damit na gagamitin pambasa at ganun din ang pamalit. Nagdala rin ako ng tuwalya at syempre di ko kinalimutang magdala ng sun block. Nilagay ko iyon sa maliit na bag na nakita ko sa kwarto ni Mike kasama yung wallet at phone ko.

"Tara!" yaya ko kina Natty at Alice. Yun yung name ng kasama ni Natty na babae na kaklase niya rin pala sa college at kababata narin.

Sa tapat ng bahay ni Natty yung meet-up bale may dalawang jeep na naka parada dun na siyang gagamiting sasakyan papunta sa beach, halos lahat ay naka sakay na, na para bang kami nalang ang hinihintay.

"Dito ka na Michelle sa harap umupo!" sabi ni Don sakin at dahil nga mukang yun talaga ang naka laan na upuan para sakin ay lumapit narin ako at sumakay. Si Don ang driver at dalawa lang kami sa harap naka upo.

"Buti naka sama ka!" masayang sabi nito sakin.

"Oo nga eh buti pinayagan ako."

"Bakit mahigpit ba mga magulang mo?" takang tanong niya sakin.

"Oo eh, alam mo naman menor de edad pa tayo!" pagbibiro ko na agad naman nagdala ng tawa kay Don.

"If you don't mind pwedi ko bang malaman yung edad mo?" seryosong tanong ni Don sakin.

"Alam mo bang rude na tanungin ang babae ng edad niya?" taas kilang ko ding sagot kay Don.

"I'm sorry kung rude ang dating sayo, ayaw ko lang kasi manligaw sa menor de edad."

"Haha...haha...!" tawa ko.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko kay Don nung makabawi ako.

"I'm 27!"

"Hmmm mas bata ka sakin ng dalawang taon!"

"Talaga?" di siya maka paniwala sa sinabi ko.

"Oo, kaya dapat ate tawag mo sakin." muli kong magbibiro.

"Pero di halata ah, para ka lang 23."

"Hay naku wag mo kong bolahin di yan uubra sakin."

"Di naman kita binobola I'm just stating the fact." Di ko na sinagot si Don at tumingin lang ako sa labas kasi nakita ko na yung asul na dagat na may mapuputing buhagin.

"Marunong ka lumangoy?" muling tanong niya sakin maka lipas ng ilang minutong pananahimik ko.

"Oo!"

"Buti naman kasi di ako marunong eh, baka pwedi turuan mo ko?" Bigla akong napa tingin sa kanya na para bang di ako maka paniwala sa sinabi niyang di siya marunong lumangoy.

"Seryoso, di talaga ako marunong!" sabi ni Don uli.

"Sige, turuan kita kung pano malunod!" pagbibiro ko.

"Haha... haha...!" tawa niya uli.

"Siya nga pala magkano ambagan niyo?" Syempre sa ganitong yayaan ng barkada malamang may ambagan pambili ng pagkain, para sa sasakyan, sa entrance at sa cottage.

"Wala, libre ko ito!" sagot ni Don sakin.

"Libre mo, bakit?" takang tanong ko.

"Wala lang gusto ko lang maligo sa beach!"

"Wow ah napaka generous mo naman, akala ko pa naman birthday mo!"

"Para daw sayo ito Ate para makilala ka daw ng lubusan ni Kuya Don!' sagot ni Natty na natatawa kasi nga binuking niya si Don sakin.

"Nakakahiya namana pala." sagot ko.

"Okay lang yun basta ha turuan mo ko lumangoy."

"Wala namang problema yun!" sabi ko sabay ngiti.

Makalipas pa ng ilang minuto ay nakarating kami sa beach kung saan kami maliligo. Mabilis na ibinaba ng mga boys yung mga gamit at pagkain sa sasakyan. Samantalang yung mga girls ay busying busy na sa pagkuha ng mga pictures and selfies.

"Ate picturan kita!" sabi ni Natty sakin, kaya agad naman akong pumayag. Kinuha ko yung bago kong phone at ibinigay sa kanya. Pagkatapos nun ay siya naman yung pinicturan ko.

"Ganda mo dito!" sabi ko kay Natty habang pinakita ko sa kanya yung kuha naming dalawa sa phone ko.

"Ganda kasi ng phone mo Ate he!" sabi ni Natty sakin.

"Oh sige sa phone ko nalang kita picturan para gumanda ka lalo!"

"Sige!" sagot naman nito sakin habang muling nagpakuha.

"Add mo ko sa FB ate tapos send mo sakin yan please!"

"Okay!' sagot ko naman habang sinesearch yung pangalan niya.

"Ako din add mo!" sabi ni Don na naka lapit na pala samin.

"Sige!" pagsang-ayon ko.

Pagkatapos namin magpicture-picture ay agad na kaming nagpalit na pampaligo. Naka short lang ako ng maiksi na de garter samatalang yung pang itaas ko ay naka sando. Halos nasa twenty rin kami mas lamang yung lalaki kasi twelve sila samantalang yung babae ay eight kasama na ko. Paglabas ko ng banyo halos lahat sila ay naka tingin sakin, ako kasi yung pinaka maputi sa lahat. Malamang kasi nga galing akong America at isa pa maputi naman talaga ako. Nagpahid muna ako ng sunblock bago ako lumusong sa tubig.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C284
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous