Télécharger l’application
41.49% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 161: Chapter 189

Chapitre 161: Chapter 189

"Hon, di yun sa ganun! I mean di ko tinatangihan yung prosal mo ha pero yung sing-sing di ko kayang tanggapin yun." Mabilis kong paliwanag kasi ayaw kong magkaroon kami ng mis-understanding.

"Bakit?"

"Anong bakit? Hello... sobrang mahal nun!" Sigaw ko sa kanya pero agad ko ring tinakpan yug bibig ko paano nalang kung may makarinig sa akin at malaman ng masasamang loob na may ganun kaming kamahal na jewerly sa loob ng hotel room namin. Paano nalang kung bigla kaming holdapin or kidnappin madaming possible mangyari lalo pa nga at napaka mahal ng alahas na iyon.

Napangiti nalang si Martin sa reaksyon ko. Marahil sadyang naging OA nga ako kaya napakamot nalang ako sa ulo ko at muling bumalik sa upuan na parang napahiya.

"Kain na tayo!" Yaya ko sa kanya para makabawi at kalimutan na yung nagyari pero alam ko naman di ako pagbibigyan ni Martin pero laking gulat ko ng sumangayon siya.

"Hmmmm!" Sagot niya sa akin.

Bigla akong napa tingin sa kanya habang naniningkit ang mata ko na parang sinusuri ko siya kasi may bad feeling ako.

"Haha... haha....!" Tawa ni Martin sa akin.

Doon ko napag-tanto na pinag-tripan niya lang ako.

'IKAW!" Inis na inis kong sabi habang sinugod siya para sana bugbugin pero bago pa ako tuluyang makalapit at kumaripas na siya ng takbo papalayo sa akin.

"Ikaw talaga niloloko mo ko!" Muli kong sigaw.

"Di kita niloloko!" Ganting sigaw niya habang umiiwas sa mga lumilipad na unan na binabato ko sa kanya pero andun parin yung smug sa muka niya.

"Martin!" Muli kong sigaw nung di ko siya matamaan at mahawakan. Dahil di talaga ako mapapanatag hanggat di ko siya nabubugbog.

"Hon, I love you!" Naka ngiti niyang sabi sa akin para aluin ako.

"Lumapit ka dito!" Pagbabanta ko.

"Lalamig na yung pagkain natin!" Paalala niya sa akin.

"Lumapit ka dito para makakain na tayo! Bilisan mo!" Gigil na gigil kong sabi.

Para matapos na tuluyan na siyang lumapit sa akin at agad ko siyang sinalubong ng kurot at suntok.

"Aray....Haha...haha...!" Sigaw niya habang hawak hawak yung dalawang kamay ko para di ko na siya masaktan.

"Bitawan mo ko!"

"Hon, di naman talaga ako nagsisinungaling talagang magpropose ako sayo." Paliwanag niya

"Eh bakit ka tumatawa?"

"Paano para kang hihimatayin nung marinig mo yung description nung ring."

"Eh mahal naman kasi talaga yung ganun kalaking sing-sing!"

"Alam ko kaya nga di ko kayang bilhin yung ganon ka-kalaki buti nalang ayaw mo din ng ganun." Bulong sa akin ni Martin habang nakapatong yung baba niya sa balikat ko at yakap-yakap ako.

"Martin, di naman sa laki ng diamond or sa mahal nung sing-sing ang batayan para mapapayag mo ang isang babae para pakasalan ka. Sa akin lang kuntento na ko dito sa bigay mong promise ring ang importante lang sa akin is magkasama tayong dalawa." Paliwanag ko din sa kanya.

Kumalma na ko at malinaw narin ang pag-iisip. Doon ko lang naisip na oo nga mayaman si Martin pero di naman siya billionaire at para ma-avail yung ganung klaseng alahas kailangan niyang ibenta siguro half of property nila at syempre ayaw ko naman yung mangyari.

"Don't worry Hon, someday I will buy you that big." Promise niya sakin.

"Martin naman!" Reklamo ko habang naka pout ang aking lips.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Ayaw ko ng ganun, bahay at lupa lang okey na sakin kaysa sa mamahaling sing-sing."

"Haha..haha.... sige!" Pag-sang ayon niya sa akin habang dinampian ako ng halik sa labi.

"Kain na tayo!" Pagyaya ko kasi kawawa naman yung pagkain namin kanina pa di natapos.

"Tara!"

Kaya muli kaming dalawang kumain at buti nalang naubos namin iyon kahit malamig na kasi sayang naman kung itatapon.

Marahil dahil sa pagod di ko na nahintay si Martin matapos maligo at naka tulog na ko.

Five ng umaga ng mag ring yung alarm clock ko na sinet ko kagabi bago ako matulog. Buti nalang at di na ko inistorbo ni Martin kaya medyo refresh ako dahil nga nabuo ko rin yung eight hours sleep. Paglingon ko sa tabi ko andun si Martin at mahimbing paring natutulog. Di ko muna siya ginising kasi maaga pa naman. Sinet ko lang yung ng ganun oras para may oras pa kong magligpit kasi di ko na yun nagawa kagabi dahil nga inaantok na ko.

Seven ng umaga kasi yung call time ng nakuha kong one day tour sa underground river kasama na dun yung pick-up and drop off sa hotel na pinag-stayan namin ni Martin.

Dahan-dahan kong inalis yung braso ni Martin na nakapulupot sa baywang ko para sana di ko siya magising pero naramdaman parin niya.

"Hmmm...!" Ungol ni Martin at tuluyan ng nagmulat ng mata.

"Maaga pa, tulog ka pa!" Sabi ko sa kanya habang tinakpan yung mata niya para muling pumikit.

"Bakit babangon ka na?" Reklamo niya habang tinanggal yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata niya at hinawakan yung kamay ko.

"Ligpitin ko yung mga dadalhin natin para sa tour. Tulog ka pa!" Bulong ko sa sakanya. Alam ko naman kasing bihira lang matulog si Martin ng mahaba dahil nga sa duties ang responsibilities niya sa trabaho at sympre sa akin kaya sinisigurado kong makakapagpahinga siya ng maayos.

Inalis ko n yung kamay niyang naka hawak sa kamay ko at ipinalit doon ang unan para may yakapin siya. Kinumutan ko rin siya para masiguradong comfortable siya.

Nung makita kong muli siyang nakatulog ay dahan-dahan na kong tumayo pero di ko kinalimutang dampian siya ng halik sa noo.

Dimiretso akong banyo para maligo na at para mamaya ay dirediretso na ko sa naka set kong dapat gawin. Kinuha ko yung toothbrush ko at tooth paste sa may pouch bag ko para sana magsipilyo ng mapansin ko yung kumikinang na sing-sing sa fouth finger ko sa left.

Di ko kasi binuksan yung ilaw kanina sa may kama kaya di ko iyon napansin kanina. Napa iling na lang ako mukang naiisahan nanaman ako ni Martin.

Paano ang nasa ring finger ko ay tugma sa description niya A beautiful white gold ring featuring one carat round brilliant cut red diamond. Accented by vines and curls of filigree, na may four set rubies set down the side of the ring shank sa kabuuan ay nasa one carats din.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C161
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous