Télécharger l’application
23.19% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 90: Let me spoiled you

Chapitre 90: Let me spoiled you

"Ano nanaman yang dala mo?"

"Pasalubong ko kay Tito at Tita!"

"Martin naman eh... diba sinabi ko sayo no need na magdala ka ng mga ganyan!"

"Ano ka ba naman Hon minsan lang ito!"

"Anong minsan eh lagi ka ngang may dala sa tuwing pumupunta ka rito!"

"Okey lang yun!"

"Di nga okey eh!"

Naiinis kong sabi paano nahihiya na ako sa kanya kung ano-ano na lang yung binibigay niya sa akin at sa pamilya ko tuwing pumupunta sa bahay. Ayaw kong isipin ng pamilya niya na after ako sa pera ni Martin kaya kung pweding iwasan ang mga bigay-bigay. Pero ewan ko ba dito ilang beses ng sinabihan patuloy parin sa mga pasalubong niya kaya di ko maiwasang mainis.

"Good afternoon Tita!"

"Good afternoon din Hijo, Bakit andiyan pa kayo sa labas di pa kayo pumasok!"

"Tara na!"

Pagyaya sa akin ni Martin na akala mo siya yung nakatira dun sa bahay namin. Naka simangot parin ako ng pumasok sa bahay na mabilis na napansin ni Papa.

"Bakit naka busangot nanaman yang muka mo Michelle?"

"Hi Pa!"

Sabay halik ko sa pisngi niya at ni Mama na naka upo na sa sofa. Kasunod kong pumasok si Martin na dala-dala yung mga pasalubong niya.

"Paano yan si Martin ang dami nanamang dala!"

Naka simangot ko paring sagot

"Akyat muna ako sa taas!"

Pagpaalam ko at di ko na hinintay yung sagot nila at iniwan ko si Martin nakiki pag usap sa mga magulang ko.

Dumiretso ako sa kwarto at habang tinatanggal ko yung sapatos ko biglang pumasok si Martin at umupo sa tabi ko.

"Kababati lang natin galit ka nanaman uli"

Mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Di ako galit naiinis lang ako sayo! Wait lang kunin ko lang yung tsinelas ko sa taas!"

Iniwan ko si Martin sa kwarto ko at pumunta ako sa rooftop namin. Nilabhan ko kasi yung tsinelas ko bago ako umalis nung nakaraan. Pagka kuha ko sa tsinelas ko agad din akong bumaba. Pero laking gulat ko ng makita ko si Martin na nagsusuksuk ng pera sa wallet ko.

"Ano nanaman yang ginagawa mo?"

"Nilalagyan ko ng pera yung wallet mo!"

"Alam kong nilalagyan mo! Pero bakit kailangan mong lagyan?"

Mabilis akong lumapit sa kanya at inabot ko yung wallet ko pero mabilis niya iyong iniwas at itinago sa likod niya para di ko makuha alam niya kasi ibabalik ko yung perang nilagay niya dun.

"Martin!"

Sigaw ko dahil kahit anong gawin ko di ko makuha yung wallet ko sa kanya.

"Bakit ka ba kasi nagagalit nanaman eh naawa lang ako sa wallet mo bebente yung laman kaya nilagyan ko."

"Sahod na sa Lunes kaya magkakalaman na yan kaya di mo na kailangang lagyan!"

"Sa Lunes pa eh Sabado pa lang ngayon! Anong gagastusin mo?"

"Wala naman akong kailangang gastusin kaya di ko kailangan ng pera saka mangungutang na lang muna ako kay Papa kung sakaling may kailangan ako!"

Sagot ko sa kanya habang muli akong umupo sa gilid ng kama kasi nga di ko makuha yung wallet ko kahit anong pilit ko, mamaya biglang umakyat si Mama or Papa makita pa kaming naghahabulan baka ano pang isipin kaya nanahimik na lang ako.

"Eh di isipin mo na lang na nagutang ka sakin!"

Sagot ni Martin sa akin habang inayos yung frame na nagalaw sa lamisita ko sa gilid ng kama. Doon ko napansin na yung picture na nadun ay parehas sa picture na nasa kwarto niya yung picture naming dalawa sa Pagudpod saka yung solo namin parehas.

"Yan yung picture sa kwarto mo?"

"Parehas! Pinagawa ko yan dalawa para tag isa tayo. Ang ganda di ba?"

Naka ngiti niyang sagot sa akin. Muli kong tiningnan yung picture bago ako sumang ayon sa kanya.

"Tingnan mo oh!"

Sabay pakita sa akin yung wallet ko na may picture na niyang nakalagay na dating wala. Napaka guapo niya dun habang nakangiti na para bang nang aakit. Kaya agad ko siyang tiningnan na parang nagtatanong kung bakit may picture niya na dun kasi alam ko matagal ng bakante yung lagayan ng picture sa wallet ko.

"Nilagay ko para kapag kumukuha ka ng pera mo lagi mo kong makikita or kapag na mimiss mo ko at nasa biyahe ka eh di tingnan mo lang yung picture ko, Di ba ang guapo ko dito?"

"Oo napaka guapo mo diyan!"

Papuri ko sa kanya habang hinaplos ko yung muka niya sa picture.

"Tingnan mo yung akin!"

Sabay labas din ng wallet niya nandun naman yung picture ko. Yung dati kong picture na nasa lamisita ko.

"Kinuha mo yung picture ko dun!"

Sabay turo sa lamisita ko.

"Oo ganda mo dito, Okey lang naman diba na kinuha ko?"

Tanong niya sa akin.

"Paano pa ko tatangi eh andiyan na nga sa wallet mo. Ikaw talaga!"

Sabay pisil ko sa ilong niya na agad naman niyang sinuklian ng yakap.

"Tanggapin mo na lang yung mga binibigay ko sayo! Paraan ko kasi yan to show how much I care for you!"

"Martin di naman sa ayaw ko ng mga binibigay mo kaya lang ayaw kong abusuhin ka."

"Wag mo kasing isipin na ganun! Isipin mo na taos puso ko yang binibigay sayo at sa pamilya mo kaya wag mo ng tangihan."

"Okey fine! Pero sana naman wag masyadong mahal yung mga binibigay mo baka mamaya masanay na kami diyan tapos bigla tayong maghiwalay pano ko pa ito maibalik ito sayo!"

"Di ko na babawiin kung anu man ang naibigay ko na!"

Naka kunot niyang sabi sa akin.

Halatang di niya nagustuhan yung sinabi ko. Kaya agad din ako humingi ng paumanhin.

"Sorry di naman yun ang ibig kong sabihin. I mean is...."

Dahil nga di ko na alam kung paano papaliwanag na di sya ma oofend pinili ko nalang na halikan na lang siya sa labi para matapos na yung topic na iyon lalo pa nga nagagalit siya. Ang plano ko smack lang sana pero nung lalayo na ko hinawakan niya yung ulo ko para di ako maka layo sa kanya ang ending naging french kiss naman ang nagyari ang masaklap parang pina rusahan niya ko kasi kinagat niya yung dila ko.

"Aray ko!"

Sabay hampas ko sa braso at ang tugon niya sa akin ay isang mainit na halik nanaman.

"Kapag nakita tayo ni Mama lagot ka talaga!"

"Kasama ka lagot haha... haha...!"

Wala na yung kunot sa noo niya at naka ngiti na uli.

"Ewan ko sayo!"

Sabay tulak sa ulo niya palayo sa akin. Pero para siyang bola na nag bounce back sa akin at muli akong dinampian sa labi ng halik.

"LET ME SPOILED YOU!"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C90
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous