Télécharger l’application
22.16% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 86: Who is Maria?

Chapitre 86: Who is Maria?

Pag gising ko wala na si Martin sa tabi ko. Pagtingin ko ng oras sa cellphone ko nine na ng umaga. Kaya tumayo narin ako at agad na naghilamos at nag toothbrush.

Paglabas ko nakita ko si Martin na nag aayos ng pagkain sa lamesa. Agad niya kong binati ng makita niya ako.

"Good morning!"

"Morning din!"

Hinalikan niya ko sa pisngi habang pina upo ako sa upuan niyang hinila. Umupo narin siya sa tabi ko.

"Hatid mo na ko pagkatapos nating kumain ha!"

"Maaga pa nga, mamaya ka na lang umuwi mga hapon!"

"Ayaw ko uwi na ko!"

"Bakit?"

Seryosong tanong ni Martin sa habang naka titig sa akin ng seryoso.

"Ayaw ko ng magtagal dito baka kasi molesyahin mo nanaman ako."

Mahina kong sagot habang naka yuko at patuloy na kumakain.

"Grabe ka kung maka molesya pasalamat ka nga at naka pag pigil ako kundi na rape ka!"

"Aba di ka pa na kuntento sa pagmomolesya sa akin pinagbabalakan mo pa talaga ako rapin! Ang galing kaya nga ayaw ko ng dito, uwi na ko!"

Sabay tayo, akma na kong tatalikod ng bigla niya kong yakapin sa bandang likuran. Inilagay niya sa baywang ko yung dalawang kamay niya at ipinatong sa balikat yung baba niya habang nagsasalita.

"Ikaw naman galit ka na kagad, alam mo namang binibiro lang kita. Saka nga diba nangako ako sa mga parents mo na di natin yun gagawin."

"Ikaw kaya diyan nag-uumpisa!"

"Ang cute mo kasi kapag nagagalit ka lalo na yung umuungol ka!"

"Nagsisimula ka nanaman!"

Sabay harap sa kanya at hampas sa braso.

"Mamaya ka na umuwi, magswiming tayo!"

"Para ano? Para makita mo nanaman yung katawan ko at ng sumakit nanaman yang puson mo!"

"Kaya nga eh! grabe sakit ng puson ko kagabi!"

Pagrereklamo ni Martin na parang in pain talaga siya. Muli na kaming umupo sa lamesa at tinapos yung pagkain.

"Paano nawala? Kaya ka naligo uli?"

Inosente kong tanong. Nabasa ko kasi sa mga novel na ang paliligo daw ng cold water ay nakakapagpapababa ng libido. Kaya natanung ko kay Martin para kumpermahin kung totoo nga yung nabasa ko.

"Ginamit ko si Maria para maka raos ako!"

Mayabang na sagot ni Martin sa akin habang naka ngiti. Mabilis na kumunot yung noo ko sa sagot niya di ko ma gets kasi di naman siya lumabas ng kuwarto sa CR lang siya nagpunta at wala namang pumasok na babae panu niya nagamit si Maria. May secret passage ba dun sa CR? Ang dami ko ng naiisip kaya tinanong ko na lang siya uli.

"WHO IS MARIA?"

"Si Maria?"

"Oo, si Maria sino siya?"

"Ito si Maria!"

Sabay taas ng kanang palad niya na agad kong tiningnan baka may ituturo siya pero nanatili lang iyon naka taas na parang hinihintay na maki pag high five. Kaya muli ko siyang tiningnan sa mata na parang humihingi ako ng paliwanag pero di siya nagsalita.

"Wag mong sabihin na nagparaos ka sa ibang babae kagabi?"

"Kung ano-ano naman iniisip mo!"

Sabay pisil sa ilong na mabilis kong tinabig.

"Sagutin mo yung tanong ko!"

"Eto nga si Maria! Mariang Palad!"

Nakatawa niyang sagot dun ko lang nag gets yung ibig niyang sabihin.

"Kadiri!"

Sabi ko habang nag umpisa na kong magligpit ng kinainan namin parehas na kaming tapos kumain. Tumayo na rin si Martin at tinulungan na ko.

"Anong kadiri dun eh yun nga ang nagligtas sayo. Pasalamat ka nga kay Maria kasi kung di ko siya alam gamitin malamang yung palad mo yung mananakit!"

Mahaba niyang sagot sa akin habang nakatingin sa palad ko na nagpupunas ng lamesa. Dahil dun agad kong itinago sa likod ko yung mga palad ko. Tiningnan ko lang siya ng masakit at nag umpisa na kong maghugas ng pinggan.

"Wait lang ha! Check ko kung tapos na silang maglinis sa labas."

Tanging tango lang ang isinagot ko at tuluyan na siyang lumabas.

Maya-maya bumalik na si Martin.

"Tapos na sila! Palit na tayo damit!"

Pagyaya niya sa akin papuntang kuwarto.

"Wala akong swim suit!"

Pagpupumiglas ko habang hila hila niya yung kamay ko papasok.

"Merun binilhan din kita!"

"Martin!"

"Wag kang mag alala descent yung binili kong mga swim suit sayo. Ito oh... pili ka!"

Sabay hila ng drawer sa katabi ng mga panty at bra na binili rin niya sa akin. Agad niyang kinuha yun lahat at nilatag sa kama para makapili ako.

"Mauna na ko magbihis ha, maganda yung blue!"

Sabay kindat sa akin. Nakita kong kumuha siya ng trunks at diretsong pumasok ng CR. Muli kong binalingan yung mga swim suit na nasa kama. Tiningnan ko yung sinabi niyang blue one piece swim suit siya pero bukas siya mula sa gitna hanggang pusod pati yung dalawang tagiliran bukas din. Yung sa may bandang panty naman niya ay napaka taas ng cut expose na expose yung mga legs mo at halos kalahati na lang ng pisngi ng pwet mo ang natatakpan. Agad kong itinabi yung mukang mapapadali pag iyon ang isinuot ko.

"Naka pili ka na?"

Tanong ni Martin paglabas niya. Labas halos lahat ng muscle niya pati yung umbok sa pagitan ng binti niya bakat na bakat. Parang ako na lang ang nahiya kaya ibinaling ko yung tingin ko sa iba at mina buti ko na lang pumasok sa CR.

Isinuot ko yung napili kong swim suit. Isa siyang two piece pero kahit papanu yung bra niya sakop na sakop yung dibdib ko ganun din yung terno niyang panty. Dahil kulay red yung swim suit lalong lumutang yung kaputian ko. Ang nakakaasar lang ay ang dami kong kiss mark sa dibdib ko na kagagawan ni Martin.

"Kainis talagang taong ito pwedi naman kasing halikan bakit pa kasi kailangang iwanan ng marka?" Pagrereklamo ko.

"Tapos ka na?"

"Oo palabas na!"

Muli kong tiningnan yung sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas. Pagbukas ko ng pinto si Martin kagad bumungad sa akin. Hinihintay niya ako sa my pintuan para siyang Adonis na nakatayo.

Tiningnan niya ako mula ulo hangang paa ng makailang beses pero nagtagal ang tingin niya sa bandang dibdib ko na parang proud na proud siya sa mga kiss mark na gawa niya.


L’AVIS DES CRÉATEURS
pumirang pumirang

Lagi kayo nagrereklamong bitin malamang kasi di pa nga tapos hahaha

Pagtapos na di na kayo mabibitin for sure!!!

Thanks sa pagbabasa!!!

Muwah!!!

If you want i can send you advance chapter with pay hehe!!!

Good night!!!

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C86
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous