Télécharger l’application
17.01% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 66: Bad Infulence

Chapitre 66: Bad Infulence

"Di lang ako stalker, rapist din ako kaya mag-ingat ka! Haha...haha!" Pagbibiro sa akin ni Martin.

"Manyak pa kamo!"

"Naku wag kang magbibintang baka mamaya di ka maka uwi sige ka!" Agad ko siyang tiningnan ng masakit pero kinindatan niya lang ako. Kaya muli kong ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

"Bakit di ka nalang mangupahan malapit sa trabaho mo, masyadong malayo yung inuuwian mo para sa isang babaeng katulad mo."

"Sanayan lang yan, Ayaw din kasi akong payagan ni Papa at Mama mahirap daw mangupahan mag-isa sa Metro Manila lalo pa nga at babae ako baka masundan ako ng MANYAKIS diyan!"

"Haha... haha... napaka guapo ko kayang manyakis kaya di ka lugi. Pero di natatakot Parents mo na umuwi ka ng gabi?"

"Ngayon lang ako umuwi ng gabi kasi hinarang mo ko. Bad influence ka!"

"Kasalanan ko pa pala!"

"BAD INFLUENCE!"

Muli kong uli sa kanya. Iiling-iling na sagot ni Martin sa akin kaya muli akong nagsalita.

"Oo kasalanan mo! Kasi kung normal office hours lang naman malamang nasa bahay na ko ngayon at natutulog na. Isa pa bihira naman ako sa office lagi ako sa field kaya minsan maaga pa ko nakaka uwi sa bahay bihira lang talaga ako gabihin."

"Mabuti naman kung ganun! If ever na gagabihin ka doon ka nalang sa akin umuwi or magpahatid ka sa akin wag kang babyahe ng alanganin ha!" Sabay pisil sa palad ko.

Tiningnan ko yung sincerity ni Martin sa sinabi niya nung masiguro kong totoo yung agad naman akong tumango. Mabilis yung naging biyahe namin ni Martin nasa bukana na kami ng maliit na subdivision na tinitirhan ko nung pahintuin ko siya.

"Dito nalang ako!" Mahina kong sabi sabay tanggal ng seat belt. Pero di pa binubuksan ni Martin yung pinto kaya di pa ko maka baba.

"Saan ang bahay niyo dito?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan yung paligid.

"Doon pa sa bandang dulo!" Turo ko naman sa kanya habang kinukuha yung bag ko sa may likurang upuan. Pero muling niyang pinaandar yung sasakyan papunta sa direksiyon na sinasabi ko.

"Doon pa pala ang bahay niyo bakit mo ko pinahinto na." Seryosong sabi ni Martin sa akin.

"Pwedi ko naman ng lakarin malapit nalang naman!"

"Naka sakay ka na nga gusto mo pang maglakad, Saan banda?"

"Diyan nalang sa may naka park na gray na kotse." Mahina kong sagot.

"Yan ang bahay niyo?" Tanong sa akin ni Martin habang intinuro ang isang simpleng row house na bahay na kuyal dilaw kung saan bukas pa yung ilaw. Malamang gising pa si Mama at hinihintay pa ako sabi ko sa sarili ko.

Kaya agad akong tumango at tuluyang lumabas ng kotse nung buksan niya yung kotse. Pero laking gulat ko din ng lumabas din si Martin at kinuha yung paper bag at yung bugkos ng rosas sa likod. Akma kong kukunin sa pagkakahawak niya ng mabilis siyang tumangi.

"Ako na hatid kita hanggang sa pintuan."

"Wag na gabi na, mabuti pa umuwi ka na! Malayo pa biyahe mo!" Agad kong pigil sa kanya.

"IIlang hakbang nalang naman di na kakain ng ilang oars yun! Tara na!" Siya pa yung naunang humakbang sa akin papunta sa pintuan ng bahay namin. Marahil narinig ni Mama yung boses ko kaya agad niyang binuksan ang pinto at tinawag ako.

"Michelle ikaw ba yan?"

"Opo Ma!" Sagot ko naman sabay bless nung tuluyang makalapit ako sa kanya.

"Magandang gabi po!" Mahinang bati ni Martin kay Mama nung makalapit narin siya sa amin.

Na labis kong kinagulat kaya di ako nakapag salita.

"Magandang gabi rin naman hijo!" Bati ni Mama kay Martin sabay tanong sa akin.

"Office mate mo Michelle?"

"Ah... Si Martin nga po pala Ma, at Martin Mama ko!" Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Nice meeting you po Ma'am!" Sabay abot kay Mama nung paper bag na bitbit niya na agad namang tinanggap ni Mama.

"Salamat hijo pero sana di ka na nag-abala."

"Wala pong ano man. Maliit lang po yan na bagay para po sa inyo."

"Uwi ka na! Gabi na!" Pagtataboy ko kay Martin. Baka kasi madulas pa siya at kung ano-ano pa ang masabi kay Mama kaya gusto ko sana umalis na siya.

"Michelle!" Saway ni Mama sa akin. Kaya agad akong napakamot ng ulo. Pero sa halip na ma gets na ni Martin na pinapalayas ko na siya lalo pang lumapit sa akin at inakbayan pa ako habang inilagay yung bugkos ng rosas sa kamay ko.

"Di na po ako magtatagal dahil gabi na po para makapag pahingan na po kayo. Nice meeting you po Ma'am." Sabay yuko kay Mama ng bahagya bilang tanda ng paggalang. Agad namang sumang ayon si Mama pero ang mga mata ay nasa kamay ni Martin na nasa balikat ko parin.

"Sige hijo at gabi na nga!" Medyo matigas na sabi ni Mama. Alam ko galit na siya "Patay ako nito mamaya!" sabi ko sa isip ko. Kaya muli kong siniko si Martin para umalis na.

"Good Night!" Mahina niyang sabi sa akin sabay halik sa noo ko bago tuluyang umalis. Na mula yung pisngi ko dahil sa ginawa niya paano ba naman andun si Mama nakatingin sa amin pero di man lang nangime or nahiya kahit kunti.

"Hays!" Buntong hininga ko sarap habulin para bugbugin sabi ko sa isip ko.

"Pasok na!" Muling tawag ni Mama nang makita niyang tinatanaw ko pa si martin na paalis.

"Opo!" Sabay pasok ng naka yuko. Kakasara ko pa lang ng pintuan ng bigya akong kurutin ni Mama sa tagiliran.

"Aray... Aray... Ma masakit!Sabay iwas.

"Ma naman matanda na ko para diyan eh!" Pagrereklamo ko habang hawak ko yung kamay niya para sure na di na niya ako muling kukurutin.

"Kanina pa kita hinihintay, Akala ko napano ka na yun pala nakipag date ka lang. Tapos di mo man pina akyat dito yan ng ligaw tapos sinagot mo na kagad." Mahabang salaysay ni Mama.

"Di ko pa yun boyfriend!" Mabilis kong tanggi.

"Di mo pa boyfriend pero hinalikan at inakbayan ka na. Ano yung ginawa niya normal nalang ba yun kahit di mo pa sinasagot. Ikaw... Michelle pinagloloko mo! Halika nga dito!" Mabilis akong tumakbo nung nakita kong kiniha ni Mama yung walis tambo paano ba naman sa tanda kong ito mapapalo pa ata ako sa pwet.

"Pa! Si Mama oh! Mamalo pa ang laki-laki ko na!" Mabilis kong tago sa likod ni Papa nung makita kong lumabas sa kuwarto nila. Malamang narinig niya yung panenermon ni Mama kaya bumangon.


L’AVIS DES CRÉATEURS
pumirang pumirang

Don't comment for update if you

don't give me powerstone!!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C66
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous