Télécharger l’application
96% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 24: CHAPTER 24

Chapitre 24: CHAPTER 24

AN: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito 😍 sobrang thank you po sa inyo sa patuloy na pagsubaysubay ng kanilang storya. Sana'y napasaya at nagandahan kayo dito. 😘😘

===========================================

Boss Ahraw

Habang nakaupo at hinihintay na magising si Jessy pinagmamasdan ko ang inosente niyang mukha. Nagamot na ang lahat ng sugat na mga natamo niya at ngayon nga 'ay payapa na siyang natutulog. Napangiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa akin labi, masuyong hinalikan ko ito.

"I love you, Jessy." mahinang sambit ko.

"I love you too,"

Napatingin naman ako bigla dahil bukas na pala ang mata ni Jessy at nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang noo niya, hinalikan ko pababa sa kanyang labi.

"Nagugutom ka na ba?" Masuyong tanong ko sa kanya.

"Hindi pa naman ikaw baka nagugutom ka na? Maghapon ka ng nagbabantay sa akin." Tanong nito sa akin.

"Hindi pa naman mas gusto ko na nandito ako sa tabi mo." sagot ko at muling hinalikan kamay niya.

"Jessy!"

Napalingon kaming dalawa sa biglang pumasok sa pintuan si Garry at Eveth pala.

"Kamusta na, boss?" Bati ni Garry sa akin. "Si Jessy ok na ba?" magkasuno na tanong nito.

"Ok naman na siya." sagot ko lang at tumayo.

"Jessy, kamusta na?" Tanong ni Eveth at nilapitan si Jessy sa higaan.

"Ayos na ako at mukhang malakas na ako, pwede na ulit ako'ng lumaban." pagbibiro ni Jessy na sagot.

Tumawa lang si Eveth sa sinagot ni Jessy niyaya ko naman si Garry na doon muna kami sa labas. Habang naglalakad kami papunta sa smoking area. Pagdating namin doon inubutan ko agad si Garry ng isang stick ng sigarilyo.

"Ano ba plano mo ngayon?" Umpisang tanong ni Garry.

Tiningnan ko muna si, Garr. Tumingin ako sa view sa labas dahil nandito kami sa taas na open air sa may parking area at kita ang mga view. Humithit muna ako at ibinuga ang usok bago ako sumagot.

"Pakakasalan ko muna si Jessy at saka ko na aayusin ang mga dapat kong gawin. Pansamantala kayo muna ni Eveth ang bahala sa lahat at sabihin mo 'kay Eveth na humanap siya ng wedding coordinator." sagot ko dito na seryoso lang.

"Tuloy na talaga 'to? Lalagay ka na talaga sa tahimik?" natatawang sagot ni Garry.

Ngumiti lang ako ng bahagya 'kay Garry at muling humithit ng sigarilyo. Dahil marami na akong pangarap para sa amin ni Jessy at isa na dito 'ay ang bumuo ng pamilya.

Matapos ang aming pag-uusap bumalik na kami sa kuwarto ni Jessy. Naabutan namin ang doctor at ilang nurse sa loob ng kuwarto.

"Mr. Smith maaari niyo na po siyang maiuwi sa bahay." nakangiting bungad sa akin ni doctor.

Tumango lang ako at nagsilabasan na ang nurse at doctor.

"Jessy, sige aalis na kami ni Garry may importante pa kaming gagawin. Tandaan mo yung sinabi ko sa'yo ah?" Makahulugan na salita ni at paalam 'kay Jessy.

Kunot ang noo na tiningnan ko si Jessy nang lumabas na ang dalawa matapos magpaalam sa akin.

"Wala yun," natatawang salita nito.

Hindi ko na lang pinansin ang sinagot niya nilapitan ko siya at muling hinalikan sa labi.

"Come on umuwi na tayo, gusto na kitang masolo ngayon." nakangiting sagot ko at nakatitig sa mata niya.

Nakita ko naman ang pamumula at pagkagulat sa mata niya. Kaya nginitian ko lang siya.

Matapos mabayaran ko ang bills namin dito sa hospital masayang nilisan namin ang lugar na 'yun.

------

Simula ng inuwi ko siya sa condo ko hindi ko siya muna ginalaw kahit pa hirap na hirap na ako sa pagpipigil. Gusto kong sulitin ang lahat pagtapos namin maikasal.

Maaga akong bumangon upang paglutuan ng breakfast si Jessy, dahan-dahan akong bumaba ng kama at nagtungo sa kusina. Masayang hinahanda ko ang pagkain at matapos kong iyos ang lahat nagtungo na ako sa kuwarto.

Saktong kagigising lang niya pagbukas ng pinto at titig na titig siya sa akin. Dinala ko ang pagkain sa harap niya.

"Good morning!" Masayang bati ko at hinalikan ko siya ng dampi sa labi.

"Hindi pa ako nagmumug nakakahiya." sagot nito na biglang nagtakip ng bibig.

"Walang kaso yan sa akin," sagot ko lang. "Sige na kumain ka na at may gagawin tayo ngayon." seryoso na salita.

"Sandali bakit anong gagawin natin?" Nagtataka na tanong nito.

Pero imbis na sagutin ko ang tanong niya kinuha ko ang palad niya at dinukot ko sa bulsa ko ang maliit na itim na kahon. Binuksan ko ito at kinuha ko ang singsing, kuminang pa ito ng dahan-dahan kong sinuot sa palasing-singan niya.

"Pagpasensyahan mo na hindi ko magawa ang tulad ng ginagawa ng mga nagpropropose sa kanilang mapapangasawa. Pero sana tanggapin mo ito at alam ko naman na hindi ako nagkakamali." seryosong salita ko na medyo kinabahan at hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko naman na nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa gilid ng mata niya habang nakangiti sa akin.

"H-hindi mo naman kailangan pa ang ganun, dahil kahit wala naman nito tatanggapin kitang maging asawa ko." Sagot nito.

Yumukap siya bigla sa akin habang nagiiyak pa rin.

"Huwag ka ng umiyak you know how much i love you, Jessy." puno ng pagmamahal na sambit ko at inangat ko ang mukha, tinawid ko ang pagitan ng aming labi at hinalikan ito.

Masayang pinagsaluhan namin ang hinanda ko na almusal na may ngiti sa labi.

"Iiwanan na kita mamaya hintayin mo na lang si Eveth dito dala niya ang wedding gown mo." salita ko at niligpit ko na ang higaan namin.

"Sa-sandali, ngayon na agad?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah, sige na." sagot ko lang at tumayo na ako dahil maliligo pa ako.

"Pero ang bilis naman?" Natatawang salita pa niya bago ako makalabas ng pinto.

"Ayoko ng patagalin pa." sagot ko at lumabas na ng kuwarto.

Matapos ko maligo at makapagpalit nf damit nagpaalam ako kay Jessy dahil magkikita pa kami ni Garry. Habang sakay ako ng kotse ko at busy ang mata ko sa daan bigla akong napapreno dahil may dumaan bigla.

Halos manlaki ang mata ko dahil sa gulat, pero natigilan ako ng makita kung sino ang na sa harapan ko.

Mr. Valdez?  Bigkas ng isipan ko.

Pero agad rin nawala ang si Mr. Valdez at hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako na nakita ko. Napapitlag na lang ako at nabalik sa huwesyo ang pag-iisip ko dahil sa sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan sa likod ko dahil medyo nakabukas ang binta ng kotse ko.

Mabilis na pinasibad ko na ang kotse ko at pilit na tinanggal sa isip ko ang imahe ni Mr. Valdez na nakangiti sa akin.

Pagkarating ko sa usapan namin at sa hide out namin. Naratnan ko na ang isang daan na tauhan ko na pinili ko lang at mga naka-black americana na suot.

"Boss! Nandiyan na pala kayo." bati ng isa sa akin.

Tumango lang ako sa kanila at nagbatian sila sa aking lahat.

"Boss ready na kami," natatawang salita naman ng isa habang inaayos pa ang suot nito.

Tumango lang ako sa kanila at nilipitan ko si Garry.

"Salamat sa lahat Garry." Salita ko at tinapik ko siya sa balikat.

"Walang problema boss." sagot lang nito.

"Sa inyong lahat maraming salamat sa pagiging tapat niyo sa akin, huwag kayong mag-aalala ang lahat ng yan ay may mga kapalit." seryosong salita ko sa kanila at naghiyawan sila.

Lumabas na kami at nagsakayan sa mga kotseng itim.

--------------------

AN: Finale na ang susunod 😍 warning ko lang dahil spg ang susunod na nito. Hahaha!

-PS sana'y i-play niyo ang music ng sa media para ma-feel niyo ang wedding nila, dahil ginawa ko yan habang nakikinig ng kanta. 😉😘


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C24
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous