Télécharger l’application
27.27% My love my murderer / Chapter 3: Chapter Charlie-Escaped

Chapitre 3: Chapter Charlie-Escaped

***Paisley

Napasinghap si Paisley habang nakababad sa swimming pool sa condominium niya sa Makati, ng biglang nagring ang cellphone niya. Saglit niyang tinuyo ang kamay at patamad na sinagot ang tawag. Isa lang naman ang alam niyang tatawag sa kanya. Dahil isa pa lang ang nakakaalam ng bagong no. niya.

"Yes, Connor?" Magkasalubong ang kilay na bungad niya.

"Hey! Whats with the greetings? Hindi ka pa rin ba magpapasalamat sa pagligtas ko sayo?" May bahid ng pang aasar ang boses nito.

"Pwede ba, i told you many times already. I dont owe you anything to thank for!" Mataray na wika niya. Simula nung araw na magkatagpo sila nito ay di na siya nito tinantanan.

"Ow c'mon Violet Striker. A simple dinner is fine with me. For what is our partnership for?" Pang aasar muli nito.

"Ok fine!" Inis na sagot niya at pinutol na ang tawag. Napapikit siya ng sumagi sa isip ang pagtatagpo nilang dalawa sa bus kahapon nung tumatakas siya.

"Connor?"  Nanlalaki ang matang tanong niya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanya.

He smirked as he sat beside her.

"Whazzup Violet? Looks like natakasan mo sila?"

Umirap siya at bahagya itong tinalikuran.

"Kasalanan mo to Connor! Hindi sana ako tumatakas kung hindi mo ginawa yun!"

"Ow c'mon Violet, tinapos ko lang ang misyon na hindi mo kayang gawin!" Giit nito at relax na sumandal sa kinauupuan.

Matalim ang matang nilingon niya ito.

"You know i dont have a chance. And im waiting for the right chance but you suddenly appear and interrupt me!" She grinned her teeth as she spoke with him.

He chuckled and face towards her.

"Dont get me wrong Violet! Pareho nating alam na hindi mo siya kayang patayin! Why?" Taas ang sulok ng labi nitong tanong sa kanya.

Hindi siya agad nakaimik sa sinabi nito.

"Your inlove with him isn't it?" Diretsang tanong nito.

Lalo siyang natahimik sa sinabi nito at iniwas ang paningin dito at itinutok sa labas ng bintana.

"Sinusundan mo ba ako?" Sa halip ay pang iiwas niya sa sinabi nito.

" I dont need to do that. You know na kahit na saan ka magpunta ay kaya kitang ilocate." Pikit ang matang saad nito.

Napabuntong hininga siya sa sinabi nito at kinapa ang barcode tatto niya sa likod ng kanang tenga. Ito ang dahilan kung bakit natetrace siya ng kasapi nila sa agency at ito ang palatandaan na isa siyang agent ng Red Dragon Society. Yeah, isa siyang secret agent. At walang nakakaalam nun kahit ang pamilya niya. Pero hindi nang nag iisang lalaking minahal niya. Isang linggo pa lang ang nakakalipas nung ipinagtapat niya dito ang lahat, na siyang labis niyang pinagsisihan ngayon.

Napalingon siya sa lalaking katabi at galit itong tinitigan.

"Ano kaya kung patayin ko ito ngayon?" Bulong niya sa isip habang tahimik pa rin itong pinagmamasdan. Marahan niyang inabot ang bag at kinuha doon ang natitira niya syringe na naglalaman ng nakakamatay na lason. Akmang ituturok na niya iyon sa vial ng biglang magsalita ang lalaki.

"Don't you ever try to think about it honey. Were in a team and i just did what is right just not to abort that mission of yours." Seryosong mulat nito sa kanya.

Galit niyang iniwas ang tingin dito at muling itinago ang hawak na syringe sa loob ng bag. Muli niyang ipinagpatuloy ang tahimik na pagmamasid sa labas ng bintana.

Oo nga, alam niyang tinulungan siya nito sa misyon niya. Pero ito rin naman ang nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Napabuntong hininga siyang muli ng bumalik sa kasalukuyan ang isip. Payapa na nga ba kaya siya ngayong nakabalik na siya sa condo niya? Alam niyang patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng pamilya ni Hindler. Kahit sabihin pang ibang pangalan ang sinabi niya sa mga ito. Kahit mali man ang impormasyong binigay niya sa mga ito, alam niyang hindi pa rin siya titigilan ni Doña Efifania. Ipapahanap at ipapahanap pa rin siya nito. Mabigat ang loob na umahon siya sa pool at itinapis ang towel na nakaabang sa gilid ng pool at diretsong tinungo ang banyo para magbanlaw.

Siya si Paisley Bristow aka Violet Striker. At hindi si Chloie Pineda o kung sino pa man. Sa dami na ng alyas na nagamit niya kahit si Connor ay nalilito na rin kung anong itatawag sa kanya. Pero she stick with the alyas Violet Striker dahil nagustuhan ito ni Hindler nung di sinasadyang nasabi niya dito ang totoong pagkatao niya.

Napapikit siya ng muling sumagi sa isipan ng binata. Ang nag iisang lalaking minahal niya ng tapat. Itinapat niya ang mukha sa shower at hinayaang tangayin ng tubig ang luhang pumatak sa mga mata niya. Matigas ang puso niya at di marunong magmahal pero simula nung makilala niya si Hindler ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi niya alam kung paano nahulog ang loob niya rito, samantalang parang wala itong direksyon sa buhay at umaasa lang sa yaman ng mama nito.

"Hindler... I really miss you so much. Alam kung di na tayo magkikita pero umaasa ako na balang araw ay magtagpo ang landas natin at muli kang makasama. Umaasa ako na muli nating ipagpatuloy ang pagmamahalan natin. Pero paano? Paano natin ipagpatuloy kung wala ka na?"

Matagal tagal din siyang nagbabad para kalmahin ang sugatang puso bago napagpasyahang magbihis. Suot ang boxing shorts at sports bra ay tinungo niya ang gym sa loob ng condo unit niya. Pero nagulat siya ng mabungaran sa sala ang nag iisang lalaking kinaiinisan niya.

"What the fuck!" Inis na pakli niya at hinarap ito. "What are you doing here and pano ka nakapasok sa unit ko?" Her hands akimbo while facing him.

Naka de kwatrong umupo ito sa sofa niya at taas kilay na tumingin sa kanya.

"Bahagya yatang bumaba ang self defense mo, Violet? Ni hindi mo na namalayang nakapasok na ako. And ang daling buksan ng lock mo." Pang aasar na sagot nito.

Hinablot niya ang figurin na nakadisplay sa mesang katabi niya at ibinato rito sa sobrang inis.

"Pwede ba, Connor? Tigilan mo na ako!" Wika pa niya na may bahid pa rin ng inis ang boses.

Umilag ito at sinalo ang figurine sa takot na makabasag.

"Hep hep!" Wika nito habang salu-salo ang figurine niyang mamahalin pa naman. "Stop it Violet. Itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking yun! Wala na siya! Alam mong hindi tayo pwedeng umibig lalo na sa target natin." Sagot nito sa kanya at tumayo para lapitan siya at ibinalik sa kinalalagyan ang figurine na hawak.

Sinikmura niya ito dala ng sobrang galit. Ni hindi man lang ito nakahuma.

"You know, i always love to do this!" Pigil ang galit na wika niya.

He grimaced in pain at hawak ang sikmura na humarap sa kanya.

"Ano ba, Violet? Mag move on ka na sa kanya. Hindi siya ang lalaking nababagay sayo!"

Lalong tumalim ang titig niya rito. She smirked and utter a word into him.

"And who do you think you are para sabihan ako ng ganyan? Wala kang karapatang pigilan ako, kung sino man ang gugustuhin ko. Wala kang karapatang diktahan ang puso ko kung sino ang iibigin ko!" Galit na wika niya at tinalikuran ito. "And just to let you know, hinding hindi ako mag momove on sa kanya dahil siya lang ang nag iisang lalaking uukupa ng puso ko." Dugtong pa niya at saglit itong hinarap habang nakatapat ang daliri sa puso niya. Pero agad siyang tumalikod dito bago pa man nito makitang pumatak ang luha niya. Pero pinigilan siya nito sa braso dahilan para humarap siya rito at tumambad dito ang luhaang mukha niya.

"Bakit? Kukutyain mo na naman ako, dahil nagpadala ako sa damdamin ko?" Nang uuyam na tanong niya rito.

Malamlam ang matang tinitigan siya nito. Akmang bubuka ang labi pero walang salitang namutawi sa bibig nito.

Ipiniksi niya ang kamay para bitawan siya nito.

"Makakaalis ka na!" Malamig ang boses na wika niya rito at tuluyan itong tinalikuran at dumiretso sa kanyang mini gym.

Oo, tama si Connor. Lumalambot na nga siya. Bumabalik na siya sa dati niyang anyo. Kung saan marunong siyang magmahal at magpatawad. At lahat ng yan ay simula nung makilala niya si Hindler at simula nung matutunan niya itong mahalin. Hindi na siya kasingtigas ng dati, na kayang pumatay kahit kapwa niya babae, at kahit pa nakatitig ang anak nito.

"Ahhh...!" Sigaw niya at sinuntok ang punching bag na nasa harap niya. "C'mon, Paisley! Cheer up! You need to get yourself back!" Galit na bulong niya habang patuloy ang pagsipa at pagsuntok sa punching bag. Dito niya ibinuhos lahat ng galit para kay Connor, at hinanakit dahil sa masakit niyang kapalaran. At paghihinagpis dahil sa pagkawala ng kasintahan.

Napayakap siya sa punching bag at muling napahagulhol. Hindi na niya alintana ang paghalo ng pawis at luha niya.

"Hindler... Patawarin mo ako. Dahil sakin nawala ka... Pero maniwala ka, hindi ko binalak yun sayo at hinding hindi ko kayang gawin yun sayo. I love you with all my heart." Luhaang wika niya habang patuloy ang pagyakap sa punching bag na akala mo'y siya si Hindler.

Ilang sandali pa siyang nanatili sa ganung posisyon bago muling ipinag patuloy ang pag eensayo. This time kumalas siya sa pagkakayakap sa punching bag, at pumunta sa firing station. Soundproof ang kwartong yun kaya walang makakarinig kahit magpaputok man siya ng magpaputok ng baril.

"Dont worry, Hindler. Ipaghihiganti kita. Ako mismo ang papatay sa kanya." Galit niyang inasinta ang target, ang picture ni Connor, at bullseye. Sa noo ni Connor iyon tumama.

She smirk at bahagya pang hinipan ang dulo ng baril na umuusok usok pa.

"Sige lang Connor, magpakasaya ka ngayon dahil bilang na ang araw mo." Usal pa niya at muling ipinagpatuloy ang pag aasinta.

Sunod niyang ininsayo ay ang paghawak ng swiss knife. May human size statue siyang inilagay roon para magsisilbing kanyang kalaban. Nasa kalagitnaan na siya ng pag eensayo ng marinig ang pagtunog ng suot na smartwatch. Saglit niyang pinunasan ang pawisang mukha at tiningnan kung saan galing ang message.

"File recieve"

Agad siyang bumalik sa kwarto at di na tinapos ang pagsasanay. Alam na niya kung kanino iyon galing. Mission yun galing sa opisina nila. Nang makapasok sa kwarto ay agad niyang binuksan ang laptop at tiningnan ang file na natanggap mula sa opisina niya.

Napangisi siya. Kailangan niya to, para tuluyan siyang bumalik sa pagiging matigas at walang takot pumatay na si Violet Striker. Siya ang binansagang killer dragon sa Red dragon society, dahil kaya niyang pumatay kahit pa may batang nakatingin. Balewala na yun sa kanya. Simula nung sapilitan siyang ipinasok sa Red dragon society ay unti unti na siyang naging manhid at walang pakiramdam. Not until she met Hindler. Naipilig niya ang ulo nang muling maalala ang kasintahan.

"Tama na. You need to concentrate para maabot mo ang sarili mong misyon." Pursigidong bulong niya. Matapos suriin ang  file ng target ay agad siyang nagbihis. Mula sa boxer shorts ay pinalitan niya iyon ng ripped jeans at ang suot na sports bra ay pinatungan niya ng fitted na violet turtle neck shirt. Her favorite color. Medyo hang in yun kaya sa bawat pag galaw niya ay kita ang maputi at makinis niyang pusod. Pinatungan din niya iyon ng black leather jacket na binigay sa kanya ni Hindler. Feeling tuloy niya ay kayakap niya ito dahil sa naiwang amoy ng pabango nito. Malungkot siyang napangiti sa naisip at tinitigan ang sarili sa salamin.

Ipinuyod niya ang lampas balikat na buhok na ngayon ay kulay golden brown na at may highlights pang lightblue. Nagpahid rin siya ng konting lipstick para di naman masiyadong halata ang pagkaputla niya.

Sa taas niyang 5'8 ay mahahalintulad mo siya sa isang modelo. Maliit ang bilugan niyang mukha na binagayan ng maliit pero matangos niyang ilong. Her dep set eyes na kulay brown ay nang aakit na kapag iyong tinitigan ay ika'y mahahalina. Her innocent looks will fool you at di mo iisipin na isa siyang mamamatay tao.

Napabuntong hininga siya matapos sipatin ang sarili.

"Here we go, Paisley. Balik na tayo sa pagiging mabangis na mamamatay tao." Patuyang wika niya sa sarili at mabilis na tumayo para tumungo sa opisina. Uumpisahan na niya ang misyon na iniatang sa kanya.

***

Thank u sa pagbasa... Happy readings!!!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous