Télécharger l’application
6.89% Dear You, a billet-doux - Dear Series #1 / Chapter 2: Chapter 1

Chapitre 2: Chapter 1

Nakasuot ako ngayon ng itim na v-neck t-shirt, jeans, at converse shoes. Ponytailed black hair and black eyeglasses para pampalinaw ng mga mata ko. Hindi naman siguro halata na mahilig ako sa color black, diba? Bumaba na ako mula sa kwarto papuntang kusina para magpaalam kay Mama Luz na papasok na ako.

"Ma, pasok na po ako." Looking her in the eye.

"Di na po ako dito kakain. Ibabaon ko nalang po itong sandwich na ginawa ninyo at kakainin ito papuntang school, baka po kasi malate ako."

"Ikaw talagang bata ka. Oh, sya sige, mag-ingat ka anak. Ako nalang ang bahalang gumising sa kapatid mong antukin. Kelalaking tao ang bagal kumilos." sabi ni mama habang nakakunot ang noo kaya napatawa ako.

"Bye po." paalam ko bago ako lumabas ng bahay.

*

Hindi naman kami pinalaki ng spoiled brat kaya naglalakad lang kami patungong school. Walking distance lang din naman from house to school kaya sayang ang gas kung may sasakyan pa. At saka exercise na rin ito sa katawan at vitamins pa ang sinag ng araw. Mas okay na rin maglakad dahil nafefeel mo yung moment, yung parang nagshoshoot lang ng music video.

Ako nga pala si Sync Hyss I. Torre. Hindi ata napansin nila mama at papa na kapag shinortcut yung name ko SHIT ang resulta. Sabi ni mama na Sync daw kasi may kambal ako na kapatid, Hyss daw kasi trip ni papa buti nalang hindi ako naging ahas. Isa din sa dahilan kung bakit Sync Hyss and pangalan ko ay gusto ni mama na consonant lahat yung letters sa name ko para unique daw, wala naman akong magagawa dun.

I have a twin brother. His name is Skyme Hymm I. Torre. Feeling ko talaga sinasadya toh nila eh, pati siya SHIT din eh. Buti nalang talaga't tao kami at hindi mismo yung pangalan naming kadiri. Skyme naman siya kasi mahilig si mama sa langit at nahulog si papa sa mga ngiti ni mama so kinombine nila. Sabi naman ni papa na Hymm daw pinangalan sa kanya dahil wala na silang ibang naisip na pangalan na consonant lahat, napagtripan lang ata kami eh.

We are now both 16 years old. Mas nauna akong lumabas sa kanya so technically ate niya ako but he doesn't call me "ate". Consonant ang tawag niya sa akin which is actually totoo naman talaga and ang tawag ko sa kanya ay "Skyme". Naiiba siya sa lahat ng mga lalaki dahil malapit siya sa akin. Yung bang kahit saan kami ay nakabuntot talaga siya sa akin. Minsan nga iniisip ko kung may topak ba siya oh ano. Not the type of clingy na dumidikit sa akin, but yung parang body guard ko siya.

Our family is not like an ordinary family because my father came from the other dimension.

Nagulat ko ba kayo o ano? Basta he came from a dimension called Dementia. Pero ang mama namin ay isang normal na tao. So that means we are half Dementian and half human at isa mga extinct na uri ng tao. Hindi forbidden na makipagrelasyon ang tao at dementian dahil noon pa lang ay magkasundo na ito. Ngunit may isang dimension na talagang kalaban ng mga dementian at tao, ito ay ang Croatiania. Hindi ko alam kung bakit hindi nila sinabi ang lahat ng historya patungkol dito o kung paano nagsimula ang digmaan pero isa lamang ang alam ko, darating din ang panahong sarili ko mismo ang makakasagot sa mga tanong ko.

My father's name is Erik. Isa siya sa mga anak ng hari ng Dementia so that concludes na royalty kami as the grandchildren of the king pero tinatago namin ito sa lahat. Ang kapangyahiran ni Papa Erik ay makapagpapagalaw siya ng ano mang bagay ngunit paminsan-minsan lang niya ito ginagamit kung kinakailangan talaga dahil maaari ito mapanganib. He's power is called optimal levitation.

My mother's name is Luzzi Aera Torre. She is a pure human. We never knew how my parents met. Hindi nila sinabi, or more like wala silang planong sabihin.

And yes, we are using our mother's surname dahil walang surname sina papa. The "I" in our names stands for immortal. It's necessary to put "Immortal" in our names since we are half human and half dementian. We are the first ones in our kind, a human with a Demen blood.

As the grandchildren of the king, may kapangyarihan din kami. Si Skyme ay may kapangyahirang tinatawag na open book where he can see the future and can read minds.

And me, I have all the powers the Dementians and Demens have. Nakasulat sa batas ng Dementia ay kung sino ang panganay na anak ng panganay na anak ng hari ay magkakaroon ng pinakamahalaga at pinakamakapangyarihang misyon sa lahat. What I can do is eternal magic, every magic that exists can be executed by me.

Si Papa Erik ang panganay na anak ng hari at ako ang panganay niyang anak dahil mas una akong lumabas kesa kang Skyme kaya sa akin ito napunta. So, in the end, ako ang nakatakdang mamuno ng Dementia kapag wala na ang hari at ako rin ang puso ng aming dimensyon. Isa ito sa mga naging dahilan kung bakit na tinago na kami ay royalty dahil maaari ito kumalat at umabot ang balita sa Croatiania at agad na sumugod. At ito pa, kailangan ko pang mag-practice kung paano gamitin ang mga kapangyarihang nasa sa akin.

Doon kami nag-aaral sa Abolante Fighting Academy o AFA. But obviously, hindi rin ito tulad ng mga normal na eskwelahan dahil hindi subjects ang pag-aaralan namin. We are taught how to fight and how to use our powers.

Tinuturuan din kami sa mga uri ng Croatianians. Sila naman ay may tatlong uri.

Una ay ang mga Unitaurcat, mga tagabantay. Sila ang magproprotekta sa portal ng Croatiania. Sila ay parang anyong tao pero may isang sungay sa gitna ng noo, may tenga at balbas na parang pusa, at buntot at dalawang paa na parang kabayo. Hindi ko pa sila nakikita ng personal at tanging mga guhit lamang ang ipinapakita sa amin. Ang sabi sa libro ay marunong silang gumamit ng pana at wala ng iba. Hindi sila lumalaban ng walang pana sapagkat bawal silang humawak ng hindi nila kaanyo dahil ikakamatay nila ito. Ang kapangyarihan nila ay pagbuga ng itim na usok na siyang nakakapagtigas ng katawan.

Ikalawa ay ang mga Croatianian. Sila ang mga mamamayan sa kanilang dimensyon. Ang kapangyarihan nila ang naaayon sa apat na elemento, ang tubig, apoy, lupa at hangin. Kung titignan mo sila, para lamang silang normal na tao pero nakabihis ng maitim na cloak na parang pang-graduation. Lahat sila ay nakasalamin na bilog. Minsan nga naisip ko kung bakit ganon sila manamit, parang may uniform sila. Mula ulo hanggang paa parehas ang kanilang pananamit, lalaki man o babae.

Ang huli naman ay ang mga Croa. Sila ang mga dugong-bughaw ng Croatiania. Tulad ko, meron din silang puso ng kanilang dimensyon at isa sa misyon ko ang kilalanin siya at kalabanin sa darating na panahon. Pero may iba pa silang kapangyarihan, dahil gumagamit sila ng dark magic at may hawig sa amin, ang reflect magic ang tanging ang mga Croa lamang ang may alam nito. Ngunit ang pinagtataka ko, wala sa guhit ang Queen Croa.

Parehas naman kami ng pupuntahan ni Skyme, kaya nga lang ang bagal niya kumilos kaya nauna na ako sa kanya. Mas babae pa kasi sa akin yun kung kumilos, ang pagong.

Nasa may kalagitnaan ako ng hallway ng may biglang humawak sa akin kaya napalingon ako. Si Skyme lang pala. Ngunit bigla siyang nagsalita ng magtama ang aming mga mata.

"Aeiou."

Tinignan ko si Skyme at nagsimulang mag-concentrate.

May nakita akong babae at lalaki. Malabo silang dalawa, hindi ko mamukhaan. Nakatali ang dalawang kamay ng babae at ang mga paa niya'y nakaposas. Yung lalaki, may hawak na kutsilyo. Umiiyak ng malakas ang babae, hinang-hina na siya. Rinig na rinig ang mga hikbi. Habang palapit ng palapit ang kutsilyo sa katawan ng babae palakas ng palakas ang kanyang mga hikbi na tila ba nagmamakaawa. Hanggang sa...

"Sync!"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous