Kabanata 1927: Ang Pagbyahe ng Mag-anakpapuntang Estados Unidos (8)
"Nagkwento sya saakin ng mga dinanas nya, pero kilala mo naman sya diba. Gusto nya sakanya lang, at ang gusto pang pag-usapan ay ang magaganda habang tinatago ang masasama. Natatakot sya na baka malungkot ako, kaya lagi nya iniiba ung usapan… Pero nararamdaman ko itong apat na taon na ito ay hirap na hirap sya… Kahit na mahirap din para saakin, Meron akong Pamilya at mga Kaibigan na kasama ko habang nangyayari iyon. Mas mahirap siguro para sakanya dahil hindi sya nakabalik agad habang alam nya na buntis ka pa sa kambal."
Bagama't imposibleng maramdaman ang sakit ng iba, naiisip padin at nararamdaman ni Huo Mian ang pinagdaanan na sakit ni Qin Chu.
Natatakot sya na isipin kung anong klaseng buhay ang dinanas ni Qin Chu nung nakaraang apat na taon, natatakot na baka hindi nya kayanin.
Nanahimik ng saglit si Qin Ning sa mga salita ni Huo Mian…