Chapter 1269: Pagkakasundo ng Siglo (10)
"Ang aking biyanan na lalaki ay inutusan ako na sunduin ka."
"Hindi ako babalik kasama ka, makakaalis ka na." Hindi lamang ayaw ni Song Yishi si Huo Siqian, pero siya ay inis din dito.
Pinalo niya ito gamit ang kanyang sinturon noong gabi ng kasal…
Pero, wala siyang alam sa kung ano ang sasabihin niya sa kanyang magulang at walang nagawa kundi lunukin nalang ang kanyang galit at takot.
Ito ay dahil sa naisip niya na si Huo Siqian ay totoong tagapagmasid. Kaya, hindi maganda kung iinisin ang isang katulad niay.
Sa huli, tumakbo din siya pabalik sa mansion ng kanyang pamilya, para lang maging ligtas siya.
"Wala akong pakielam, desisyon mo yan…" Walang naramdaman si Huo Siqian na kahit ano kay Song Yishi.
Mayroon siyang motibo na pakasalan ito, at ngayon ang kanyang plano ay naabot na, siya, syempre, walang paki kung gusto pa niyang bumalik sa kanya o hindi na.