Sa buong araw na puro activity at paglalaro, alam ng principal na pagod at gutom na
ang dalawang bata, kaya bilang panagalawang magulang nagluto ito ng
masustansyang merienda para sa dalawa.
At bilang best friends, hanggang sa pagkain ay magkatabi pa rin sina Little Rice Cake at
Little Red Bean.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay umupo sa harapan ng dalawang bata para
alalayan ang mga ito kung sakali.
Anim na buwan na simula noong tinuruan nina Qiao Anhao at Lu Jinnian si Little Rice
Cake na kumain ng mag-isa kaya sa puntong ito, master na niya ang pag gamit ng
kutsara. Pero si Little Red Bean, kapansin pansin na hindi pa marunong humawak ng
kutsara at sa tuwing susubukan nitong sumubo, lagi lang nalalaglag ang nakukuha nito,
kaya bandang huli, sa sobrang gutom, nawalan na ito ng pasensya at kinamay na ang
pagkain nito.
Kaya bilang bantay, dali-dali itong pinigilan ni Xu Jiamu at nagrepresinta na subuan
nalang ang gutom na gutom na batang babae.
Gulat na gulat si Little Red Bean sa ginawa ng uncle ni Little Rice Cake, kaya ilang
segundo rin siyang nakatitig dito, na para bang nagdadalawang isip kung papayag siya
o hindi, pero bandang huli, siya na rin mismo ang ngumanga para isubo ang ibinibigay
nito at habang ngumunguya, hindi maalis ang ngiti niya kay Xu Jiamu.
Nang sandaling ngumiti ang batang babae sakanya, biglang bumilis ang tibok ng puso
ni Xu Jiamu, na para bang sasabog ang puso niya sobrang saya habang nakikita itong
masaya.
Pagkalunok ni Little Red Bean ng laman ng bibig nito, muli itong ngumanga, pero dahil
nakatulala lang si Xu Jiamu sa mukha ng batang babae, hindi niya napansin na gusto
pa ulit nitong sumubo, kaya bandang huli, gumawa nalang ito ng isang napaka cute na
tunog na "Ahhh" para mapansin niya.
Dahil dito, bigla siyang nahimasmasan at dali-dali itong sinubuan. Pero nang sandaling
makita niya ang inosente nitong mga mata, muli nanamang bumilis ang tibok ng
kanyang puso, kaya para hindi na maulit ang nangyari, bigla siyang yumuko at muling
sumalok ng isang kutsarang kanin. "Little Red Bean, ilang taon ka na?"
Puno pa ang bibig ni Little Red Bean, kaya nang sumagot siya, halos hindi na
maintindihan ang sinabi niya, pero buti nalang, nasanay siyang itaas ang tatlo niyang
daliri sa tuwing ito ang tanong sakanya.
Tatlong taong gulang…. Kumpara kay Little Rice Cake, anim na buwan itong mas
matanda sa pamangkin niya… Pero bakit mas mukha itong bata…
"Three years old… Ibig sabihin ate ka pala ni Little Rice Cake." Malambing na sagot ni
Xu Jiamu.
Pero nang marinig ito ni Little Rice Cake, na abalang kumakaing mag-isa, bigla itong
napatingin at nakasimangot na sumabat. "Gusto ko ako ang kuya."
Sakto, nakanganga na si Little Red Bean para isubo ang isang kutsarang ibinibigay ni
Xu Jiamu, pero nang marinig niya ang sinabi ni Little Rice Cake, dali-dali siyang
tumingin dito para sumagot. "Pero sabi ni uncle, ako ang ate mo."
"Ako ang kuya mo."
"Hindi, ako ang ate mo."
"Kuya."
"Ate."
"Kuya."
…
…
At kagaya ng mga tipikal na bata, wala ni isa sakanila ang gustong magpatalo,
hanggang sa napagod nalang si Little Red Bean at tinawag nalang na 'kuya' si Little
Rice Cake.
Na wala namang pagdadalawang isip na sinagot ng napakapilyong Little Rice Cake, ay,
"Bakit?"
Natural, pakiramdam ni Little Red Bean ay binully nanaman siya ni Little Rice Cake,
kaya malungkot siyang tumingin kay Xu Jiamu para magsumbong. "Uncle, binubully po
ako ni Little Rice Cake."
Nang sandaling magkasalubong ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Xu Jiamu ay
parang biglang natunaw ang puso niya, kaya sa pagkakataong ito, hindi niya na
napigilan ang sarili niya na bigla itong yakapin. "Good Girl…"
Wala naman ding pagdadalawang isip na yumakap si Little Red Bean sakanya, pero
noong naramdaman niya ang matataba at maliliit nitong braso na pumulupot sakanyang
leeg, pakiramdam niya ay para siyang sinilaban sa loob ng kanyang katawan at bigla
nalang siyang nablangko.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya man alam kung bakit, sigurado
siya na sobrang kuntento at komportable niya sa posisyon nila ni Little Red Bean, kaya
habang nakayakap sa batang babae, hindi niya napigilang mapangiti na abot hanggang
tenga…. Pero hindi pa man din nagtagal ay biglang umalingawngaw ang papalapit na
boses ng principal. "Kanina ka pa namin hinihintay. Buti nalang at nakarating ka na."