Habang tumagal ang paguusap, pakiramdam ni Xu Jiamu ay paulit-ulit na
sinasaksak ang puso niya…
Tatlong taon… tatlong taon silang hindi nagkita… At kahit kailan, hindi na sila
ulit nagkausap pa…
Pero sa tuwing napaguusapan ito sa mga kasiyahan at meeting ng mga
nakakakilala rito, tinatandaan niya ang bawat detalye.
Sa tatlong taon na nakalipas, marami na rin siyang narinig tungkol dito. Kesyo
ikinasal na raw ito sa Long Angeles sa isang diborsyadong lalaki na may
dalawang anak- walong taong gulang daw panganay at tatlong taong gulang
naman ang bunso.
Pero kungt katotohanan ang paguusapan, wala siyang ideya at maging siya ay
hindi na rin gumawa ng paraan para kumpirmahin ito…
Kasi natatakot siya… natatakot siyang masaktan kung sakali mang totoo ang
mga balitang kumakalat….
Nagpatuloy pa ang paguusap nina Mr. Zhang at Mr. Luo patungkol kay Song
Xiangsi, pero hindi kagaya ng dalawa, para siyang biglang nagkaroon ng
sariling mundo na tumitira lang kapag siya na ang taya, at kung hindi pa siya
tinanong ni Mr,. Luo sa kung anong masasabi niya sa plano nito para kay
Song Xiangsi ay hindi pa siya nahimasmasan. Sumagot lang siya ng "Wala
namang problema sa akin." At pagkatapos, hindi niya na kina at nagdahilan na
siya para makaalis.
Tag init na at kasabay ng nakakapasong init ng araw ay ang maalinsangang
hangin, pero dahil kagagaling lang sa importanteng meeting, nakasuot si Xu
Jiamu ng isang leather na jacket.
Kaya pagkalabas niya ng hotel, pawis na pawis siya, ngunit para siyang
biglang namanhid na nagpatuloy lang sa paninigarilyo hanggang sa mapaso
nalang siya ng upos nito nang hindi niya mamalayang nasagad niya na pala
ang isang stick sa sobrang lalim ng iniisip.
Nang mahimasmasan, dumiretso siya sa parking lot, at literal na wala sa sarili
siyang nagmaneho ng nagmaneho, hanggang sa makarating siya sa sa Su
Yuan apartment nang hindi niya namamalayan…
Nandito nanaman siya…
Sa tatlong taon na nakalipas, ilang beses na siyang nakarating dito nang wala
siyang kaalam-alam kung paano, dahil sa tuwing nalulungkot siya, dito siya
laging dinadala ng kanyang sasakyan. Wala lang… pupunta lang siya rito at
parang isang baliw na titigan ang isang partikular na bintana at pagkalipas ng
ilang oras, aalis nanaman…
At walang pinagkaiba ang araw na ito sa mga nakaran… Pagkatapos niyang
tumulala ng matagal sa harapan ng apartment, inistart niya ang kanyang
sasakyan para magmaniobra paalis. Pero pagkaapak niya ng accelerator, may
isang pamilyar na pigura ang umagaw ng kanyang atensyon… Biglang bumilis
ang tibok ng kanyang puso at dali-dali siyang napaapak sa preno para titigan
ito…
Kahit na nakasuot ito ng sumbrero at shades, sigurado siya…
Ganun na ganun pa rin ang hubog ng katawan nito, maliban lang sa kapansin-
pansin nitong pagpayat. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at palda, na lalong
nagpatingkad sa maputi nitong balat. Para naman sa pang ibaba, nakasuot ito
ng isang pares ng flats, na sobrang kakaiba para sakanya dahil madalas niya
itong makitang nakasuot ng mataas na takong.
Mukhang may kausap ito sa phone… Mula sa anggulo kung nasaan siya,
kitang-kita niyang nakayuko ito at nakangiti… Parehong-pareho sa walang
kabuhay-buhay na ngiting naalala niya tungkol dito…
Muli, napatulala nanaman siya at nang sandaling mahimasmasan, nakasakay
na si Song Xiangsi sa sasakyan nito, kaya dali-dali niyang inapakan ang
kanyang accelerator para habulin ito. Pero… habang nasa kalagitnaan ng
paghahabol, bigla niyang naalala na naghiwalay na nga pala sila tatlong taon
na ang nakakalipas at wala na rin naman siyang sasabihin kung sakali mang
mahabol niya ito, kaya imbes na magpatuloy, dahan-dahan niyang
pinakawalan ang accelator at tumigil sa isang gilid para magpahinga.
Pero halos limang minuto palang ang nakakalipas nang biglang magring ang
kanyang phone.
Noong una, nagaalangan pa siyang silipin pero nang sandaling makita niya
ang pangalan na tumatawag sakanya, dali-dali niya itong sinagot. "Bro?"