"Paano mo ba ako naalala, ang masasaya ba o ang malulungkot…Sa mga
nagdaang taon, may nagpapasaya na ba sayo ngayon…"
At noong sandali ring iyon, unti-unti niyang naalala ang ilang mga linyang
binitawan nito sakanya noon.
"Jiamu, nandito lang ako."
"Jiamu, buntis ako."
"Jiamu, maghiwalay na tayo…"
Napahawak si Xu Jiamu ng mahigpit sa kanyang manibela, at bilang sobrang
emosyunal na tao, tuluyan na siyang sumabog at nagiiyak. "Xiangsi,
Xiangsi…"
"Paano mo ba ako naalala, ang masasaya ba o ang malulungkot…Sa mga
nagdaang taon, may nagpapasaya na ba sayo ngayon…"
"Bakit ba ngayon ko lang nalamang mahal kita… kung kailan wala ka na…
"At kahit gaano pa karaming luha ang iiyak ko araw-araw, alam kong balewala
na ang lahat ng ito dahil kahit kailan…. Hindi ka na babalik."
-
Saktong alas dose sa Seattle, nagbukas ang delivery room at ang pagod na
pagod na Song Xiangsi at nagmamadaling ipinasok. Hindi kagaya ni Qiao
Anhao, wala pang isang minuto nang maglakad ang isang nurse, na may
blondeng buhok papalapit sakanya, dala-dala ang isang batang nakabalot sa
tela. Nginitian siya nito at sinabi, "Congratulations, it's a princess."
"Thank you." Nakangiting sagot ni Song Xiangsi sa nurse, na masayang
ipinasa sakanya ang bata.
Mamula mula ang balat ng baby niya at noong nakita siya nitong nakatitig,
bigla itong ngumiti sakanya.
Kaya ang lahat ng pagod na naramdaman niya habang nagle'labor ay napawi
noong nakita niya ang magandang ngiti ng kanyang munting prinsesa. Dahan-
dahan siyang yumuko para titigan ang napakagandang batang nasa braso niya
at noong sandaling iyon, wala siyang ibang maramdaman kundi ang
naguumapaw na kaligayahan at kapanatagan.
Hindi nagtagal, nakatulog din kaagad ang baby sa braso niya.
Hindi maawat ni Song Xiangsi ang sarili niya sa katititig sakanyang anak,
habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa pagdiriwang ng pasko.
Pagkalipas ng ilang minuto, dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at
humarap sa bandang silangan. Alam niyang milyun-milyong milya ang layo ng
nito mula sakanya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niyang tumingin
sa direksyong ito.
Kamusta kaya ang pasko sa Beijing?
Kamusta na kaya si Xu Jiamu?
Hindi nagtagal, muli siyang yumuko para titigan ang munting prinsesang,
kasalukuyang sobrang sarap ng tulog sakanyang braso, at kagaya noong una
niya itong nakita, muli siyang napangiti sa sobrang saya.
Ngunit sa kabila ng kanyang matamis na ngiti, hindi imposibleng mabasa ang
kalungkutan na bumabalot sakanyang mga mata.
Sa loob ng siyam na buwan, nagkatotoo ang pangako nila sa isa't-isa na
tuluyan ng mawalan ng koneksyon…
-
Alas dose na ng madaling araw noong lumabas si Lu Jinnian ng private room.
Sobrang daming nainom ng iba nilang mga kasama, kaya pasuray-suray na
ang mga ito noong naglakad palabas.
Sakto, naabutan nila ang isang napakagandang fireworks display kaya
huminto muna sandali. Dala ng kalasingan, nagtatatalon at nagsisigaw si
Qiao Anxia, at maging si Chen Yang ay hindi na rin siya maawat. Natural
talaga siyang malambing, pero ngayong nasa ilalim siya ng impluwensya ng
alak, lalo pa itong na-trigger, kaya para siyang pusang yakap ng yakap kay
Chen Yang at nagsisigaw, "Mahal kita, Chen Yang."
Kaya ang mga pasuray-suray na Zhao Meng at assistant ni Lu Jinnian, ay
natawa nalang sa pinaggagawa ni Qiao Anxia.
Samantalang si Qiao Anhao naman na nakatayo sa pinaka mataas na
tungtungan ng hagdanan, ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Lu Jinnian
habang masayang pinagmamasdan ang lahat.
Pagkatapos ng fireworks, tuluyan na silang naghiwa-hiwalay.
Dahil hindi uminom ng kahit anong alak si Qiao Anhao, nasa wisyo siyang
magmaneho, kaya imbes na mag'taxi, kagaya ng iba, ay naglakad sila ni Lu
Jinnian papunta sa parking lot.
Maraming nainom si Lu Jinnian, pero hindi pa naman siya lasing. Sobrang
lakas ng snow, at mula sa entrance ng club, malayo pa ang parking lot, kaya
sa takot niya na baka magkasakit si Qiao Anhao, hinubad niya ang suot
niyang jacket at pinasuot dito bago siya bumaluktot para pasanin ito.