"Xia Xia!" Sigaw ni auntie Qiao sa sobrang gulat.
Pero imbes na masindak, walang kabuhay-buhay na tumayo si Qiao Anxia at
pabalang na sumagot, "Busog na ako." At hindi pa man din napoproseso ng mga
kasama niya kung anong nangyari, bigla siyang tumalikod at umalis.
Muling natahimik ang lahat habang pinagmamasdan siya Qiao Anxia maglakad
palabas. Kanina pa nagtitimpi si uncle Qiao at kahit gusto niyang mas habaan
pa ang pasensya niya para sa anak, masyado na siyang napapahiya kina Qiao
Anhao at Lu Jininian kaya galit na galit siyang sumigaw. "Qiao Anxia, bumalik ka
dito!"
Ngunit nanindigan si Qiao Anxia at nagdire-diretsong lumabas ng dining room,
at padabog na isinara ang pintuan.
Dahil dito, biglang nanikip ang dibdib ni uncle Qiao at masama ang loob na
sinabi, "Grabe na talaga ang ugali ng anak mo!"
Bilang nanay, hindi kayang marinig ni auntie Qiao na napapahiya ang anak niya
kaya hindi siya mapakaling nagpaliwanag, "Ilang araw na ring iritable si Xia Xia,
paano naman kasi, medyo matagal na raw kasi siyang hindi tinatawagan ni
Cheng Yang. Alam mo na… Baka nagaway yung dalawa, tapos binanggit ko pa
yung pangalan nung tao, kaya siguro ganyan ang naging reaksyon niya."
Hindi kumbinsido si uncle Qiao, pero dahil nandyan pa sina Qiao Anhao at Lu
Jinnian, ayaw niya namang sirain ang kasiyahan kaya pinilit niyang kumalma.
Nagmamadaling nilagyan ni auntie Qiao ng makakain ang plato ni uncle Qiao, at
para gumaan ang hangin, muli siyang humarap kina Lu Jinnian at Qiao Anhao,
at masayang nagpatiloy. "Wag niyo na siyang pansinin. Alam niyo naman na
madali talagang uminit ang ulo niya. Tara kumain na tayo ulit."
Kahit masama ang loob, pinilit ni uncle Qiao na ngumiti at magpatay malisya,
"Nakapagbook na ba kayo ng hotel at photoshoot?"
"May mga pinagpipilian na po kami," mahalang na sagot ni Lu Jinnian, na para
bang hindi apektado sa naging komosyon.
"Dahil buntis si Qiao Qiao, siguradong mas madali siyang mapagod ngayon kaya
wag kayong magdadalawang isip na lapitan ang auntie niyo kung kailangan niyo
ng tulong kasi hindi niyo naitatanong, ilang taon na yang naghihintay na
makasal sina Xia Xia at Qiao Qiao."
Totoong sobrang saya ni auntie Qiao dahil sa wakas natupad na rin ang isa sa
mga pinaka matagal niya ng hinihintay kaya nakangiti siyang sumagot, "Hindi
tayo pwedeng magsayang ng oras kasi alam naman nating lahat na hindi ganun
kagandang tignan na malaki ang tyan ni Qiao Qiao habang nakasuot ng wedding
dress.
"Pero wag kayong magalala, mas maganda nga kung limitado lang ang oras
natin kasi mas mapagbubuhusan natin ng pansin." Huminto sandali si auntie
Qiaoat tumingin kay uncle Qiao, "Kailangan siguraduhin na natin ang petsa!"
-
Ika nga, 'the show must go on' kaya sa kabila ng mga nangyari, nanatili pa ring
ganado ang apat habang pinaguusapan nila ang iba pang detalye ng kasal.
Pagkatapos nilang kumain Pagkatapos nilang kumain, niyaya muna ni uncle
Qiao si Lu Jinnian na uminom. At siguro dala na rin ng katandaan, medyo madali
na siyang malasing kaya kahit kaunti palang ang naiinom niya ay tinamaan na
siya kaagad at naging emosyunal sa harapan ni Lu Jinnian, "Sampung taong
gulang palang si Qiao Qiao noong napunta siya sa amin at kahit hindi ko siya
tunay na anak, sa puso ko, anak ko na rin siya. Alam mo ba? Sa sobrang
pagmamahal ko sa batang yan, sakanya ko ipinamana ang kalahati ng mga ari-
arian ko, kaya wala akong ibang hiling sayo kundi ang itrato mo siya ng mabuti."
Kahit na pilitin ni Qiao Anhao na huwag ipahalata, sobrang nasaktan talaga siya
sa ginawa ni Qiao Anxia, pero nang marinig niya ang pagdadrama ng kanyang
uncle, maging siya ay nadala rin kaya niyakap niya ito ng mahigpit.