Malalim na ang gabi pero kahit anong gawin ni Qiao Anhao ay hindi talaga siya
makatulog.
Bagamat pareho silang nakapikit at wala ni isang nagsasalita, ramdam ni Lu
Jinnian na gising pa ang buntis na katabi niya dahil maya't-maya itong
gumagalaw, at kagaya nito, hindi pa rin siya inaantok kaya mahinahon siyang
nagsalita, "Qiao Qiao, kailangan na nating iplano ang wedding ceremony natin
sa lalong madaling panahon habang hindi pa malaki ang tyan mo."
Habang nakapikit, tumungo si Qiao Anhao at mahinahong sumagot, "Sige."
At pagkalipas ng ilang segundo, muli siyang nagsalita, "Lu Jinnian, kung may
oras ka, samahan mo naman ako sa bahay nina Uncle."
Sa totoo lang, hindi niya naman inaasahan na ikakasal sila ni Lu Jinnian ng
ganun ka biglaan kaya hindi na siya nagkaroon ng oportunidad na abisuhan ang
uncle at auntie niya, at kung hindi pa kumalat sa internet ang scandal niya, hindi
malalaman ng mga ito na may asawa na siya. Wala naman siyang narinig mula
sa auntie at uncle niya, pero alam niya na kahit papaano, bilang mga taong
nagpalaki sakanya, may tampo pa rin ang mga ito.
Ngayong buntis na siya, nakapagpropose na si Lu Jinnian at naghahanda na sila
sa paparating nilang wedding ceremony, sa tingin niya ito na ang pinaka
magandang pagkakataon para dalhin niya si Lu Jinnian at pormal na ipakilala sa
kanyang auntie at uncle.
"Sige," Walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian.
Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "Pero bago natin bisitahin sina uncle at
auntie, sa tingin ko kailangan muna nating bisitahin ang mama at papa mo."
Sa totoo lang, hindi inaasahan ni Qiao Anhao na ganito nirerespeto ni Lu Jinnian
ang mga magulang niya kaya sa sobrang saya at kilig, lalo niya pang hinigpitan
ang pagkakayakap dito at sumagot, "En…at kailangan din nating bisitahin ang
mama mo."
Hindi sumagot si Lu Jinnian, bagkus, hinigpitan niya rin ang pagkakayakap dkay
Qiao Anhao.
Muli silang natahimik ng ilang sandali bago muling basagin ni Lu Jinnian ang
katahimikan. "Qiao Qiao, ano bang mga gusto ng uncle at auntie mo?"
Inisip ni Qiao Anhao ng mabuti ang isasagot niya bago niya isa-isahin ang ilang
bagay na alam niyang hilig ng kanyang auntie at uncle, at sa tuwing may
babanggitin asawa, sumasagot si Lu Jinnian ng "En", habang kinakabisado ang
mga ito.
At nang matapos ng sagutin ni Qiao Anhao ang una niyang tanong, muli siyang
nagtanong ng medyo nagaalangan pa noong una, "Eh si Qiao Anxia… saan siya
mahilig?"
Noong narinig ni Qiao Anhao ang pangalan ng pinsan niya, hindi niya
maintindihan pero medyo bumigat ang pakiramdam niya.
Hindi na bago sakanya ang kwentong gusto ni Qiao Anxia si Lu Jinnian… sa
totoo nga lang, dalawang beses nitong sinubukang umamin sa asawa niya noon
at sa dalawang beses na yun, iisa lang ang sagot – Hindi. At alam niya na kahit
may boyfriend na ito, hindi pa rin ito nakakamove on dahil kung talagang ayos
na ito, bakit hindi nito sinabi ang totoo sa asawa niya noong lumapit ito sakanya
para hanapin siya?
Mula noong lumabas ang balita na kasal na sila ni Lu Jinnian, hindi na siya ulit
tinawagan ni Qiao Anxia, na parang dati lang ay halos araw-araw siyang tinetext
nito para yayaing magshopping o kumain.
Kaya nga gustong gusto niya sana itong tawagan para kamustahin, pero sa
tuwing susubukan niya, lagi siyang nawawalan ng lakas ng loob dahil natatakot
siya na baka pag nagkita o nagusap sila, bigla nalang magbago ang ikot ng
mundo at tuluyan ng masira ang lahat ng pinagsamahan nila.
Pero wala na siyang magagawa dahil tama ang kasabihan na kung ano mang
nakatadhana ay siyang mangyayari at kahit na anong iwas na gawin niya,
darating at darating pa rin ang oras na kailangan niyang harapin ang
katotohanan.
Pinilit ni Qiao Anhao na wag ipahalata kay Lu Jinnian ang ilang na nararamdam
niya, at kagaya ng ginawa niya kanina, masaya niyang inisa isa ang mga
paboritong brand ng alahas, damit, bag at iba pang alam niya tungkol kay Qiao
Anxia. Kahit walang kakaiba sa reaksyon ni Lu Jinnian habang nagsasalita siya,
alam niyang hindi ito pamilyar sa mga pinagsasabi niya kaya bandang huli,
pampalubag loob niyang sinabi, "Wag mo na isipin masyado! Sasamahan nalang
kitang magshopping baka kasi hindi magustuhan ni Anxia yung mapili mo."
"En, sige." Peor kahit anong pagtatakip ni Qiao Anhao, sapat na ang
pagkakakilala ni Lu Jinnian sa asawa niya para maramdaman niyang may
pinagdadaanan ito kaya matapos ang ilang minutong pananahimik, maingat niya
itong inalis sa pagkakayakap niya at tinitigan ng diretso sa mga mata, "Qiao
Qiao, wag ka na masyadong magisip. Kahit anong mangyari, nandito lang ako
palagi sa tabi mo, okay?"
Ang pinaka masayang bagay siguro na pwedeng mangyari sa isang tao ay yung
magkaroon ng kahit isang tao na handang magsabi sayo ng 'magiging maayos
din ang lahat' sa tuwing natatakot ka.
At para kay Qiao Anhao, sapat na ang mga simpleng salita ni Lu Jinnian para
kumalma siya.