"Kahit na pagod na pagod ako, ikaw pa rin ang uunahin ko," mapangakit na
sagot ni Lu Jinnian bago niya muling halikan si Qiao Anhao. Nasa eroplano
palang siya, iniisip niya na kung anong gagawin niya sa oras na makauwi at
makita niya si Qiao Anhao kaya ngayon na magkasama na sila ulit, hindi niya
na kayang pigilan ang init na nararamdaman niya kaya atat na ata niya itong
binuhat papunta sa kama para ihiga at patungan. Habang tinatanggal niya ang
butones ng pantaas nito, hindi niya mapigilan ang sarili niya na tadtarin ng halik
ang buo nitong katawan.
Pero bago niya ituloy ang pinakahihintay niyang mangyari, sinadya niyang
huminto para bulungan muna ang tenga ni Qiao Anhao. Normal lang ang boses
niya pero ramdam ang pangaakit, "Alam mo ba Qiao Qiao, nasa America palang
ako kagabi, gustong gusto ko na talaga itong gawin sayo…" At bigla niya itong
pwersadong pinasok.
Totoo nga ang kasabihan na kapag nagkakalayo ang dalawang nagmamahalan
ay lalong nanabik ang mga puso nito.
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay pagod na pagod si Lu Jinnian dahil alam
niyang ilang araw na itong walang pahinga pero laking gulat niya na mas
ganado pa ito sakanya at kahit na hindi niya na kaya ay parang ayaw pa rin
nitong magpaawat.
-
Pagkagising ni Qiao Anhao, gising na rin si Lu Jinnian. Yakap yakap siya ng isa
nitong kamay habang ang kabila naman ay abalang nakahawak sa phone nito.
Naramdaman ni Lu Jinnian na gumalaw si Qiao Anhao kaya yumuko siya para
silipin ang mukha nito. "Gising ka na?" Imbes na ibaba ang kanyang phone ay
muli niya itong tinignan pagkatapos niyang magtanong nagswipe pa ng
dalawang beses bago siya magpatuloy, "Gutom ka na ba?"
Umiling si Qiao Anhao at dahil hindi siya sanay na makita si Lu Jinnian na
nakatutok sa phone, bahagya siyang umangat para silipin ang phone nito,
"Anong tinitignan mo jan?"
Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, biglang nag'alert ang kanyang
phone ng dalawang beses kaya napakunot siya ng noo at nagtataka itong
kinuha. Nakita niya na may dalawang notification sa WeChat na galing kay Lu
Jinnian kaya pinindot niya ito. Tumambad sakanya ang dalawang picture na
hindi pa nagloload kaya habang naghihintay niya ay tumingin muna siya sa
katabi niya at nagtatakang nagtanong, "Ano 'to?"
"Akin na phone mo," hindi pa man din pumapayag si Qiao Anhao ay bigla na
itong inagaw ni Lu Jinnian. Binuksan niya ang account nito sa WeChat para
isave ang dalawang picture na sinend niya.
Nagtitiwala naman si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero hindi niya pa rin
maiwasang magtaka lalo na kinuha pa nito ang kanyang phone kaya dali-dali
niyang inunat ang kanyang leeg para sinilipin kung anong ginagawa nito. Sakto
nagload na rin ang mga picture kaya nakita niya na ang mga sinend nito
sakanya ay puro tungkol sa mga ginawa nila kanina sa ACR; una ang likod ng
sasakyan niya na punong puno ng mga mamahaling bag at ang pangalawa
naman ay ang loob ng sasakyan niya na naguumapaw din ng iba pa nilang mga
pinamili.
Gulat na gulat siyang nagtanong, "Bakit mo sinend sakin yang mga picture na
yan?"
Parang walang narinig si Lu Jinnian at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.
Binuksan niya ang WeChat group nila sa Alluring Times para hanapin ang
pangalan ni Lin Shiyi at bigla niya itong inadd ng walang tanong tanong sa may-
ari.
Sobrang bilis kumilos ni Lu Jinnian at hindi ito inaasahan ni Qiao Anhao kaya
bigla siyang napasigaw sa sobrang inis. "Bakit mo siya inadd? Paano kung
hindi niya ako iaccept, nakakahiya naman yun para sa a…."
Pero bago niya pa matapos ang salitang 'akin', may isang notification na
biglang nagpop sa kanyang screen: The other party has added you as a friend.
Walang pakielam si Lu Jinnian kay Lin Shiyi kaya kahit na nag'alert ito sa
phone ni Qiao Anhao ay hindi niya ito pinansin at binuksan niya lang ang
friends' circle. Pagkalipas ng kalahating minuto, biglang nag'pop up ang
message ni Lin Shiyi at kahit na wala ito sa harapan nila, naiisip pa rin ni Qiao
Anhao ang mapagmapataas nitong mukha habang nagsasalita. [Anong bang
pumasok sa isip mo para iadd ako?]
Walang balak si Lu Jinnian magreply kaya hindi niya ito ulit pinansin at pinindot
ang camera icon sa taas ng friends' circle para iupload ang dalawang picture na
sinend niya sa account ni Qiao Anhao na may kasama pang status: Pagkatapos
naming maglunch sa ACR, pinagshopping muna ako ng asawa ko para
magpababa ng kinain tapos…