Gusto sanang sabihin ni Qiao Anhao na: "Minahal din kita ng labintatlong taon,
ang buong kabataan ko" pero bago pa siya makapagsalita, bigla nanamang
pinutol ni Lu Jinnian ang tawag kaya nagbara sa lalamunan niya ang mga
gusto niya sanang sabihin.
"Ano?!"
Sa pagkakataong ito, naiinis na binato ni Qiao Anhao ang kanyang phone sa
kama. Ano bang meron kay Lu Jinnian para babaan niya ako ng dalawang
beses!
-
Muling inihagis ni Lu Jinnian ang kanyang phone sa kama. Parang iniwan siya
ng kaluluwa niya dahil ilang sandali rin siyang nakatulala sakanyang
kinatatayuan. Noong sandaling maintindihan niya na ang lahat, unti-unting
napalitan ang gulat ng saya at sa sobrang kaligayahan, hindi niya na
napigilang mapaiyak.
Sa isip niya – ito ang unang beses na nakaramdam siya ng sobra-sobrang
excitement, kaba, at naguumapaw na saya.
Noong gabing parang mamamatay na siya sa sobrang sakit dahil sa text na
"May Karapatan ka ba?" ay hindi pala galing kay Qiao Anhao….
Kung ganun, kanino galing yun.
Pero balewala na ang katanungang ito sakanya ngayon…
Dahil para sakanya, wala ng saysay ang sakit na naramdaman niya noon dahil
hinding hindi nito mapapantayan ang saya na nararamdaman niya ngayon.
Ang pinaka masakit siguro na nangyari sa buong buhay niya ay noong
tinanggihan siya ng babaeng pinakamamahal niya.
Pero ngayon, sa mismong bibig pa nito nanggaling na hindi siya tinanggihan
nito.
Parang biglang gumaan ang lahat ng bigat na dinadala niya at sa sobrang
gaan, pakiramdam niya ay parang nawawala na siya sa sarili niya.
Halos sampung minutong nakatulala si Lu Jinnian bago siya mahimasmasan.
Ngayon na sigurado na siyang totoo talaga ang mga narinig niya, kailangan
niyang tawagan kaagad si Lucy para sabihing hindi niya kailangan ng doktor.
Pagkaputol ng tawag, napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone habang
paulit-ulit niyang inaalala ang mga pinagusapan nila ni Qiao Anhao. Sa
sobrang saya, hindi niya napansin na abot tenga na ang kanyang ngiti.
Hindi siya tinanggihan ni Qiao Qiao…
Hindi niya maipaliwag kung gaano siya kasaya at kakampante, pero sa mga
oras na 'to, muli nanamang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Muling natulala si Lu Jinnian at nahimasmasan lang siya noong biglang
magring ang kanyang phone. Dali-dali niya itong sinilip at noong nakita niya na
ang kanyang assistant ang tumatawag, walang pagdadalawang isip niya itong
sinagot. Marahil dala na rin siguro ng sobrang saya, hindi na siya
nakapaghintay na batiin siya nito nang bigla siyang magsalita, "Bakit?"
Ilang araw palang noong nakuha ng assistant ang number ni Lu Jinnian at kahit
nakabalik na ito sa China, hindi pa ito pumapasok sa Huan Ying Entertainment
kaya ngayon nalang sila ulit makakapagusap pagkatapos ng matagal na
panahon. Pero kahit na matagal na noong huling niya itong tawagan, kabisado
niya ang ugali ng amo niya mananahimik lang at makikinig sa mga sasabihin
niya kaya sobrang nagulat siya sa salubong nitong "Bakit?"
Ilang sandali rin siyang hindi makapagsalita bago siya mahimasmasan at
magpatuloy sa gusto niyang ibalita, "Mr. Lu, tumawag lang ako sayo para
sabihin na ang galing ng ginawa mo kanina! Sa wakas nakaganti ka na rink ay
Han Ruchu!"
Hanggat maari ayaw sanang marinig ni Lu Jinnian ang pangalang "Han Ruchu"
o ang anumang tungkol rito, pero dahil lamang pa rin ang saya na
naramramdaman niya dahil sa naging paguusap nila ni Qiao Anhao, hindi niya
pinutol ang linya at nagtatakang nagtanong, "Anong ganti?"
"Mr. Lu, bakit mo ako tinatanong kung ikaw naman ang may gawa?"
Kumunot ang noo ni Lu Jinnian. "Wag ka ngang magpatawa, nasa America ako
ngayon."
"Uh?" Gulat na gulat na sagot ng assistant bago siya magpatuloy, "Mr. Lu,
nasa America ka talaga? Hindi ikaw yung sumabotahe sa charity gala?"