Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, kalmado siyang humarap kay Han
Ruchu, na hindi namalayan na umiiyak na pala siya, "Bignigyan kita ng
pagkakataon, mama. Hindi lang isang beses. Kanina tinanong kita kung ano
pa ang mga ginawa mo sakanila, pero hindi ka nagsabi ng totoo… Lahat ng
mga maling ginawa mo, handa akong patawarin yun, pero pinili mong
magsinungaling sa akin. Para sayo wala akong alam kaya para mapaniwala
ako, nagsinungaling ka nanaman sa akin.
"Alagaan mo ang saril mo. Hinding hindi na ako babalik sa bahay ng mga
Xu."
"Jiamu wag! Mali talaga si mama…. Hindi 'to kakayanin ni mama, Jiamu…."
Sobrang sakit para sa isang ina, kagaya ni Han Ruchu, ang marinig ang mga
ganitong salita mula pa sa sarili nitong anak, kaya iyak nalang siya ng iyak
habang nagmamakaawa rito.
Yumuko nalang si Xu Jiamu. Si Han Ruchu pa rin ang nanay niya at ngayong
nakikita niya itong umiiyak, sobrang nasasaktan din siya. "Gusto kong
maniwala sayo, pero sorry, hindi ko na kaya."
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, umatras siya ng dalawang hakbang.
Sa pagkakataong ito, lalong lumakas ang iyak ni Han Ruchu na parang
wasak na wasak na ang puso niya, "Jiamu, wala ng natira kay mama.
Ngayong gabi, nasira na ang reputasyon ko. Kakamuhian ako ng lahat at
tiyak magagalit ang papa mo sa akin dahil sa eskandalong ginawa ko. Kung
mawawala ka, wala na talagang matitira kay mama… Jiamu…
Nagmamakaawa sayo si mama, na wag ka ng umalis…"
Wala na talagang paaran para makumbinsi si Xu Jiamu kaya sa kabila ng
pagmamakaawa ng kanyang ina, tuluyan na siyang tumalikod.
Maging ang mayordoma ay tinulungan na rinb si Han Ruchu na
magmakaawa. "Young master, wag ka ng umalis."
"Jiamu..."
Binuksan ni Xu Jiamu ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumakay.
"Jiamu, mailing mali si mama, Jiamu…"
Ipinikit ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata at isinara angang
pintuan…Sobrang nasasaktan din siya sa nangyayari sa nanay niya pero
wala siyang magawa kaya pinili niyang pumasok sa loob ng sasakyan para
hindi niya ito marinig na umiiyak.
Ilang sandali rin siyang nakatulala sa loob ng kanyang sasakyan, na malayo
sa direksyon kung nasaan si Han Ruchu, bago niya ito iistart at magmaneho
papalayo.
Habang nagmamaneho siya, tuluyan na siyang bumigay, at isang patak ng
luha ang tumulo mula sakanyang mata.
Sobrang nasaktan siya sa mga nangyari.
Pero hindi niya maipaliwagan kung bakit siya nasasaktan.
Pakiramdam niya, nawala sakanya ang lahat sa loob ng isang gabi.
Ang nanay niya, na walang ibang ginawa kundi mahalin siya, ay gumawa ng
napakasamang bagay sa sarili niyang kapatid sa pinaka matalik niyang
kaibigan.
Ang kapatid niya, na kinasuklaman niya dahil sa panaagaw nito sakanya ng
Xu Enterprise…ay lihim palang iniiwan sakanya ang lahat. Kahit sa will ang
testament nito, siya ang ginawang beneficiary ni Lu Jinnian, sa kabila ng
lahat ng nagawa ng nanay niya rito.
Tuloy-tuloy ang pag'agos ng luha sa mga mata ni Xu Jiamu kaya maya't-
maya niyang itinataas ang kanyang kamay para punasan ang mga luha
niya. Hindi nagtagal, inilabas niya ang kopya ng will and testament na
pinirmahan ni Lu Jinnian.
Ibig sabihin… Ang kapatid niya pala na hindi mahilig makipagusap at
makihalubilo mula noong pagkabata nila ay mahal na mahal pala siya…
Sa sobrang bigat ng loob niya, biglang nanginig ang kanyang mga daliri na
nakahawak sa photocopy. Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya
ipinarada niya muna ang sasakyan niya sa isang gilid at tuluyan na siyang
umiyak.
Dahil kinaladkad ni Xu Jiamu si Han Ruchu, napilitan ang mga organizers na
ihinto ang auction. Dahil wala na ang bida, natural lang na humupa rin
kaagad ang gulo kaya hindi nagtagal, isa-isa ng nagsi'alisan ang mga tao.
Parehong galit at pagaalala ang nararamdaman nina uncle at auntie Qiao
kaya walang tigil sila sa pagpapalakas ng loob kay Qiao Anhao. Sa takot na
baka masaktan ito ulit, naisipan nilang pauuwiin nalang muna ito ulit
sakanila
Sa ikatlong beses na sinabi ni Qiao Anhao na ayos lang talaga siya at gusto
niya munang mapagisa sa ngayon, ay dun palang napanatag ang
magasawa.