Hindi na mapakali si Lu Jinnian kakahintay kaya dahan-dahan siyang naglakad
hanggang sa makarating siya sa tapat ng CR ng mga babae. Medyo
nag'aalangan siya noong una pero sobrang kinakabahan na talaga siya kaya
pikit mata niyang binuksan ang pintuan at pumasok.
Buti nalang, malalim na ang gabi kaya wala ng tao sa loob ng public CR ng mga
babae. Pero dahil ito ang unang beses ni Lu Jinnian na gawin ang ganitong
bagay, medyo naiilang pa rin siya. Halata sakanyang paglalakad na hindi siya
komportable kaya mabilisan niya lang na binuksan ang bawat cubicle para
silipin kung nandoon ang asawa niya.
Pero noong makarating siya sa pinaka huling cubicle, biglang kumunot ang
kanyang noo.
Wala pala si Qiao Anhao sa loob ng CR!
Wala ng dalihan pa para magtagal siya sa loob ng CR kaya dali-dali siyang
naglakad palabas. Ang unang pumasok sa isip niya ay tawagan si Qiao Anhao
kaya nagmamadali niyang inilabas ang kanyang phone, pero bago niya pa ito
ma'idial, napansin niya na may emergency route sa loob ng CR. Sa
pagkakataong ito, lalong lumakas ang kutob niya na may hindi magandang
nangyayari kaya walang pagdadalawang isip siyang tumakbo papunta sa
elevator na nasa lobby para bumalik sa pinaka mataas na palapag.
Pagkabukas ng elevator, nagmamadali niyang binaybay ang kahabaan ng isang
napaka'tahimik na corridor hanggang sa makarating siya sa pinaka dulo, kung
saan siya lumiko. Desidido siyang makarating sa pupuntahan niya sa lalo't
madaling panahon pero bigla siyang natigilan nang sandaling marinig niya ang
kalmadong boses ni Qiao Anhao na nanggagaling sa pinaka dulong kwarto.
"I came here to see you, because I have something to tell you. Whatever you
want to tell me, I don't actually want to hear it.
"Lu Jinnian is my husband. My legal husband, under Chinese law. I have a
marriage certificate here. I believe you wouldn't understand it.
"I don't care about what happened between you and him in America, but what I
want to tell you now, is the you and him must end it here.
"Because the one who will grow old with him, the one who will give birth to his
beautiful children, and the one who will take care of them as they grow up is -
ME, not YOU. So I hope that you will stop pestering him. His future will never
have you in it. Nor will I allow you to be in his future.
"I've said everything I wanted to say. Thank you for your cooperation.
Goodbye."
Hindi naman malakas ang boses ni Qiao Anhao pero dahil sobrang tahimik ng
paligid, nangibabaw pa rin ito. Habang nakikinig si Lu Jinnian, pakiramdam niya
ay parang biglang huminto ang tibok ng kanyang puso.
Hindi siya makagalaw sakanyang kinatatayuan hanggang sa may marinig
siyang tunog ng takong na papalapit ng papalapit sakanya. Bigla siyang
nahimasmasan kaya habang hindi pa nakatingin si Qiao Anhao, ginamit niya
ang pagkakataon na tumakbo pabalik ng elevator.
-
Pagkapasok ni Qiao Anhao ng elevator, maniyak-ngiyak ang kanyang mga mata
sa sobrang sama ng loob.
Mahal na mahal siya ni Lu Jinnian at hindi lingid sa kaalaman niya na marami
na itong sinakripisyo para sakanya…Kaya paano nito nagawang maghanap ng
ibang babae?
Sa totoo lang, alam niya naman na kapag ang isang babae ay nahuli ang asawa
nito na may kabit, normal lang na mamisikal at magbitaw ng masasakit na salita
hindi lang kabit kundi pati na rin sa asawa nito, o ang pinaka malala ay
naghahamon pa ito ng divorce. Pero may ibang mga babae na hindi
nakukunteto sa ganito kaya gumagawa sila ng paraan para tuluyan ng masira
ang reputasyon ng mga manloloko nilang asawa.
Noong kumatok siya kanina sa room 1002, iniisip niya paano kung makita niya
nga si Lu Jinnian, ano bang dapat niyang gawin? Sasampalin niya ba ito at
manghihingi ng divorce?
Pero nang magbukas ang pintuan, nakumpirma niya na hindi niya talaga
kayang makipagdivorce. Alam niyang habambuhay na itong magiging tinik sa
puso niya. Pero handa siya… Handa siyang tiisin ito hanggang sa huling araw
ng buhay niya, dahil mas gugustuhin niya pang magtiis kaysa makipagdivorce
kay Lu Jinnian.
Kaya…pinili niya ang pinaka duwag na paraan. Hindi siya umiyak o nagwala at
nagtanga-tangahan lang siya, na para bang walang nangyari.
Lumabas siya ng elevator sa pangalawang palapag at naghandan nalang siya
sa emergency route pababa.