Tiningnan ng nanay ni Qiao ang ekspresyon ni Han Ruchu at ngumiti sa kahihiyan. Nilinaw nito ang kanyang lalamunan bilang isang paalala kay Qiao Anhao na iwasan ang pinagbabawal na paksa.
Alam ni Qiao Anhao sa kanyang puso ang eksaktong sinasabi ng kanyang tiyahin, ngunit nagpanggap siya na walang alam. Inikot nito ang kanyang ulo at sinabi sa isang likas na tono, "Nakasama kong gumawa ng pelikula si Lu Jinnian, dahil sa kanyang mahusay na kasanayan sa pag-arte, binigyan niya talaga ako ng maraming presyur. Ang kanyang ina ay isang tanyag na tao, kaya sa palagay ko ang kanyang mga kakayahan ay malamang na naipasa mula sa kanyang ... "
"Qiao Qiao!"
Hindi niya maaaring banggitin si Lu Jinnian. Ang ina ni Qiao ay nakita ang mukha ni Ruchu na unti-unting nawawalan ng sigla, at wala siyang ibang nagawa kundi pigilan si Qiao Anhao.
Si Qiao Anhao ay inosenteng tumingin sa kanyang ina at naghintay sandali bago siya'y biglang may napagtantong bagay. "Nakalimutan ko, ang ina ni Lu Jinnian at si tiyo Xu ay nagkaroon ng…"
Nang sabihin niya ito, Si Qiao Anhao ay biglang napatigil at tinakpan ang kanyang bibig. Nagkukunwaring hindi niya sinasadya ang kanyang mga sinabi. "Paumanhin Tiya Xu, Hindi ko…"
Sa pagkakataong iyon, ang ekspresyon sa mukha ni Han Ruchu ay mukhang napuno na.
Ang ina ni Qiao ay dali-daling pinakalma si Han Ruchu sa isang malumanay na boses. "Ruchu, kahit noong bata pa si Qiao Qiao, hindi niya iniisip ang kanyang mga sinasabi. Salita lamang siya ng salita. Huwag mong masyadong seryosohin."
Ang pinakamalaking tinik sa puso ni Han Ruchu ay si Lu Jinnian at ang ina nito. Sa sandaling iyon, sa kanyang kaarawan, para iungkat ni Qiao Anhao ang katotohanang ipinagkanulo siya ng kanyang asawa, ito'y talagang nagpabago sa kanyang kondisyon. Sa loob niya ay siya'y galit na galit na, ngunit ang pamilya Qiao na nasa likod ni Qiao Anhao, hindi niya kayang magalit.
Ang magagawa niya lamang ay pilitin ang kanyang sarili na ngumiti, magkunwaring mabait at ipakitang hindi siya apektado sa lahat. "Bakit naman? Alam kong hindi iyon sinasadya ni Qiao Anhao. Paano naman ako magagalit sa kanya…"
Nang marinig ng ina ni Qiao ang sinabi ni Han Ruchu, mabilis siyang humarap kay Qiao Anhao at sinabing , "Qiao Qiao, humingi ka ng paumanhin kay tiya Xu…"
Alam na ni Qiao Anhao ang ibig sabihin ng kanyang ina, ngunit hindi niya na hinintay ang kanyang tiya. Tumayo siya at sinabing, "kailangan kong gumamit ng banyo."
Hindi niya na hinintay pa ang reaksyon ng karamihan bago pa siya pumunta sa banyo.
Ang ina ni Qiao na nakapagsalita lamang ng kalahating pangungusap ay walang ibang nagawa kundi ngumit kay Han Ruchu at sabihing, "humihingi ako ng paumanhin sa iyo. Didisiplinahin ko siya pagbalik namin"
"Wala iyon"
Nang marinig niya ang mga salita ni Han Ruchu, sinara ni Qiao Anhao ang pintuan ng banyo. Sumandal siya sa likod ng kahoy na pinto at tumayo ng ilang sandali, at pagkatapos ay lumakad papunta sa lababo. Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin na may maka-butas butong, malungkot na mga mata.
Kung hindi para sa kaarawan ni Han Ruchu, Hindi siya magtatangkang humakbang patungo sa pintuan ng pamilya Xu.
Ang tanging dahilan kung bakit siya'y dumating ay upang magdusa si Han Ruchu.
Hindi ba sinabi niya ang "Maligayang kaarawan"?
Humawak ng mahigpit si Qiao Anhao sa malamig na lababo at pinilit na tinikom ang sulok ng kanyang mga labi.
Sa kaalaman kung sino ang pumatay sa kanyang sanggol na lumitaw unti-unti, paano niya kayang magkunwaring walang nangyari? Ang makita siya, ikinasaya ba talaga nito ang kanyang kaarawan?
-
Nang lumabas si Qiao Anhao sa banyo, ang kapaligiran sa salas ay bumalik sa normal. Mayroon nang ibang chanel sa telebisyon at si Qiao Anxia ay wala nang kausap.
Ang ina ni Qiao ay ramdam na kailangan niyang humingi ng paumanhin para sa inasta ni Qiao Anhao kanina, kaya mayroon siyang sinabing mga bagay na gustong marinig ni Han Ruchu. Si Qiao Anxia'y maya't-maya'y yayakapin ang unan at magdadagdag ng ilang mga salita.
At para kay Xu Jiamu, siya'y nanonood pa rin ng telebisyon, para bang sila'y nanonood pa rin ng parehong pelikula tulad ng dati. Mukhang siya ay nasa kawalan ng isip, marahil iniisip ang isang tao o isang bagay.