Télécharger l’application
51.49% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 501: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (2)

Chapitre 501: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

Pagkahatid ni Qiao Anhao kay Qiao Anxia, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

Medyo madalang ang mga taxi na dumadaan sa lugar kung saan nakatira si Qiao Anxia kaya kinailangang maghintay ng matagal ni Qiao Anhao bago siya makakuha ng masasakyan pauwi.

Nang makarating na siya sa Mian Xiu Garden, lalo pang lumakas ang pagbuhos ng ulan. Agad siyang nagbayad sa driver at tumakbo papasok sa mansyon ni Xu Jiamu. Dahil sumugod siya sa ulan, wala pang limang minuto ay basang basa na siya.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay, hindi pa man din siya nakakapagbihis ay kinuha niya na ang kanyang phone mula sa loob ng kanyang bag. Tumambad sakanya ang napakaraming missed calls, na lahat ay mula kay Lu Jinnian.

Tatlong oras na ang nakakalipas mula sa unang tawag at noong mga panahong iyon ay nasa Royal Palace pa siya. Napakaingay sa loob ng kwarto kaya hindi niya narinig na nagring ang kanyang phone. Ang mga sumunod na tawag naman ay hindi niya rin pinansin dahil inalalayan niya si Qiao Anxia hanggang sa makauwi ito.

Dahil sa nakita niya, agad niyang tinawagan si Lu Jinnian pero nakapatay na ang phone nito.

Sobrang saya niya noong nakita niya ang mga missed calls ni Lu Jinnian pero bigla siyang nalungkot noong hindi niya ito nakausap dahil nagkasalisi nanaman sila.

Inilapag niya ang kanyang phone sa tabi ng closet para pigain ang tumutulo niyang buhok.

Habang pinipiga niya ang kanyang buhok, may ilang patak ng tubig ulan ang tumulo sakanyang mga mata.

Sensitibo talaga ang mga mata ni Qiao Anhao kaya sa tuwing nagfifilm siya at nahihirapan ang kanyang makeup artist dahil mabilis siyang maiyak. Ngayon na napasukan ang mga ito ng tubig ulan, bigla siyang nagluha.

Kumuha siya ng tissue at noong pupunasan niya na sana ang kanyang mga mata, bigla namang may nagdoorbell. 

Malapit lang si Qiao Anhao sa pintuan kaya agad niya itong binuksan nang hindi na nagtatanong kung sino ang dumating. Imbes na tignan ang taong nasa labas, iniangat niya ang tissue na nasa kanyang kamay para punasan ang nagluluha niyang mga mata.

-

Pipindutin sana muli ni Lu Jinnian ang doorbell nang biglang magbukas ang pintuan. Sumalubong sakanya ang basang basa na si Qiao Anhao at kasalukuyang may hawak na tissue na nagpupunas ng mga mata. Noong mga oras na iyon, bigla nalang sumikip ang kanyang dibdib at hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Alam na kaya nito ang ginawa ni Xu Jiamu…?

"Qiao Qiao.." gusto niya sanang patahanin ito pero hindi niya alam kung paano niya gagawin.

Simula pagkabata niya, nasanay na siyang hindi masyadong magsalita at ngayon na nakikita niyang umiiyak ang babaeng pinakamamahal niya, bigla nalang siyang nablangko. Ano bang dapat niyang gawin para tumahan ito?

Biglang natigilan si Qiao Anhao nang sandaling marinig niya ang boses ni Lu Jinnian. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo para tignan ito. Makailang ulit siyang kumurap hanggang sa may dalawang patak ng luha na tumulo mula sakanyang mga mata.

Lalo pang kinabahan si Lu Jinnian at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Sinubukan niyang magsalita pero walang lumalabas mula sakanyang bibig. Gulong gulo siya at bigla nalang pumasok sa isip niya na parang gusto niyang bugbugin si Xu Jiamu.

Sa sobrang kaba, dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay habang sinusubukang kalmahin ang sakit na nararamdaman niya.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C501
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous