Ilang buwan na noong huling magkita sina Lin Shiyi at Qiao Anhao. Kahit
wala naman talaga silang pinagsamahan, hindi talaga maalis si Qiao Anhao
sa isip niya.
Matagal na sa industriya si Lin Shiyi at marami na rin naman siyang
nakaaway na mga artista noon. Aminado naman siya na hindi lahat ng oras
siya ang nanalo pero kahit kailan ay hindi niya pa naranasan na matalo ng
sobra. Pero nagbago ang lahat ng dahil kay Qiao Anhao, sobrang bumagsak
siya at sirang sira na ang reputasyon niya sa lahat. Hanggang ngayon,
marami pa ring nagsasabi sakanya ng masama sa weibo.
Noon, laging siya ang bidang babae at bihira lang din siyang makakuha ng
second female lead role, pero ngayon walang kumukuha sakanya kahit pa
para sa mga walang linyang role lang. Tinalikuran na rin siya ng manager
niya at ipinagpalit sa bagong artista kaya ngayon kailangan niyang ibenta ang
sarili niya para lang matustusan ang mga pangangailangan niya. At ang lahat
ng ito ay dahil kay Qiao Anhao.
Sa mga nakalipas na buwan, walang ibang ginawa si Lin Shiyi kundi bantayan
si Qiao Anhao. Pero sa tuwing manunuod siya ng balita, lagi itong tungkol kay
Qiao Anhao na nakakuha ng bagong endorsement o panibagong
pagbibidahang pelikula. May isa pang beses na may nakalaro siyang isang
matandang lalaki sa sugal na nagsabing si Qiao Anhao ang anak ng
tagapagmana ng Xu Enterprise.
Noong mga oras na iyon, ramdam na ramdam niya kung gaano siya kababa
kumpara kay Qiao Anhao.
Kaya sa mga nagdaang buwan, gustong gusto niyang mahanapan ng
kahinaan si Qiao Anhao at parang naawa naman sakanya ang langit dahil
ngayon nabigyan siya ng pagkakataon na pabagsakin ito.
-
Pinauna ng umuwi ni Lu Jinnian ang kanyang assistant para siya na ang
magmaneho sa dinner nila ni Qiao Anhao.
Habang nasa meeting siya kanina, lumilipad ang isip niya kahit na mukha
siyang nakikinig sa mga sinasabi ng board members. Iniisip niya kasi kung
saan niya pwedeng dalhin si Qiao Anhao kapag nagdinner sila. Bandang huli,
nagdesisyon siya na sa 'Peppermint Garden' nalang kaya nagpabook na siya
kaagad ng table kahit nasa kalagitnaan pa siya ng meeting.
Ang 'Peppermint Garden' ay isang restaurant na mukhang makalumang
garden.
Pinili ni Lu Jinnian ang lamesa na malapit sa sa lawa na may maraming
nakasabit na baging. Pareho silang naguumapaw sa sobrang saya dahil
bukod sa napaka gandang tanawin, kasama pa nila ang pinakamamahal
nilang tao.
Ilang beses na ring nakakain si Qiao Anaho sa 'Peppermint Garden' kaya
alam niya na kung ano ang mga masasarap na pagkain dito at habang
nagoorder si Lu Jinnian, nagdagdag siya ng dalawa sa mga paborito niya.
Alas sais imedya na noong natapos ang meeting ni Lu Jinnian kaya alas otso
na sila nakarating sa restaurant. Gutom na gutom na si Qiao Anhao pero buti
nalang, mabilis namang naiserve ang mga pagkain kaya agad agad niyang
kinuha ang chopsticks niya.
Pero kukunin palang sana ni Lu Jinnian ang chopsticks niya nang biglang
magring ang kanyang phone. Alam ni Qiao Anhao na tungkol ito sa trabaho
kaya hindi niya na inistorbo si Lu Jinnian.
Nagorder si Lu Jinnian ng isang platong sweet and sour na hipon. Talagang
nagustuhan ni Qiao Anhao ang kumbinasyon ng tamis at asim nito kaya hindi
nagtagal, ibinaba niya ang chopsticks niya at nagkamay na. Hindi niya
alintana ang sauce na dumnidikit sa kamay niya at tuloy tuloy lang siya sa
pagkain hanggang sa nakita niyang pito nalang ang natira at naalala niya na
hindi pa pala nakakakain si Lu Jinnian.