Sinisugurado ni Qiao Anhao na kontrolado lang ang boses niya habang
nakikipagusap kay Lu Jinnian sa phone. "Nakita mo ba ako?"
Isinara ni Lu Jinnian ang pintuan ng sasakyan niya at naglakad papunta sa
harapan nito kung saan din siya umupo habang nakatingala kay Qiao Anhao.
Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti habang mahinahong
nagsasalita, "Oo, nakikita kita."
Nabalot ng lambing ang buong gabi nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ni
Lu Jinnian. Pagdungaw niya sa ibaba, nakita niya na nakaupo si Lu Jinnian
sa ibabaw ng sasakyan nito na nasa ilalim ng poste kaya kitang kita ang
mahaba nitong anino. Hindi nagtagal, pabiro siyang nagtanong, "Gaano
katagal ka ng nasa sasakyan mo?"
Tagos sa puso ni Lu Jinnian ang malambinbg na boses ni Qiao Anhao na
siyang tuluyang nagpakalma sakanya. Agad siyang sumagot, "Hindi naman
masyadong matagal."
"Talaga?" Muling tanong ni Qiao Anhao. Napangiti siya at muling nagpatuloy,
"Higit twelve hours?"
Natawa si Lu Jinnian habang pinagmamasdan ang ngiti ni Qiao Anhao. "Oo."
Nagbuntong hiniga siya at bumulong, "Sa wakas nangyari na."
"Anong nangyari?" Walang ideya si Qiao Anhao kung anong ibig sabihin ni Lu
Jinnian.
"Wala." Muling tumingala si Lu Jinnian para tignan si Qiao Anhao habang
masayang iniisp na sa wakas at napansin na rin nito ang paghihintay niya.
"Oh," mahinang sagot ni Qiao Anhao.
Nagpalit si Lu Jinnian ng mas komportableng posisyon at sumandal sa
sasakyan niya habang nagtatanong, "Bumaba na ba ang lagnat mo?"
"Wala na akong lagnat." Nakalimutan na rin ni Qiao Anhao ang binulong ni
Lu Jinnian matapos nitong baguhin ang usapan. Noong sandali ring iyon,
itinutok niya ang camera sa kamay niya na nilagyan ng karayom at
nagrereklamong nagsumbong kay Lu Jinnian kagaya ng tipikal na ginagawa
ng isang girlfriend sa boyfriend nito, "Tignan mo, apat na beses nila akong
tinurukan. Nagkaroon tuloy ng pasa…"
Nilapit ni Lu Jinnian ang mukha niya sa screen at nakita niya na marami nga
itong maliliit na pasa na nakapalibot sa plaster na nakadikit sa kamay nito.
"Masakit pa ba?" Mahinahon niyang tanong.
Wala ng nararamdaman na sakit si Qiao Anhao pero ngumuso pa rin siya at
oaring bata na nagsusumbong, "Makit…"
Medyo napalakas ang boses niya kaya bahagyang gumalaw ang natutulog
niyang aunt. Bigla nniyang tinakpan ang bibig niya, pero hindi pa rin siya
nagpaawat at muling nagsalita, "Masakit talaga!"
Punong puno ng lambing ang mga mata ni Lu jinnian habang pinagmamasdan
niya si Qiao Anhao. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang
kamay para haplusin ang screen na nasa harapan niya na para bang mukha
ni Qiao Anhao ang hinahaplos niya
Noong nakita ni Qiao Anhao na nakataas ang kamay ni Lu Jinnian, bigla
siyang natigilan at tanging mga hininga nalang nila ang naririnig. Napuno ng
init at lambing ang kanilang mga puso kasabay ng pagihip ng preskong
hangin.
Ilang sandali pa ang lumipas bago kumurap si Qiao Anhao at muling
magsalita ng mahinahon, "Lalabas na ako bukas."