Biglang natigilan si Lu Jinnian, samantalang si Qiao Anhao naman ay tuluyan
ng nahimasmasan kaya dali dali siyang kumawala sa pagkakayakap nito.
Inayos niya ang kanyang damit at sumagot kay Madam Chen pero bago siya
lumabas, muli niyang sinilip si Lu Jinnian.
"May dalawang sasakyang nasa labas. Sabi nila nadito raw sila para sunduin
kayo…" Mungkahi ni Madam Chen habang nakaturo sa bakuran. Wala siyang
reaksyon noong una pero nang sandaling makita niya ang mga naghihintay
sakanya sa labas, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na mapangiti.
"Sis, Brother Jiamu!"
Si Lu Jinnian na nakasunod kay Qiao Anhao ay biglang natigilan nang marinig
niya ang mga pangalang tinawag nito. Medyo matagal bago siya sumunod
kaya nang sandaling makalabas na siya ng bahay, masaya ng
nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang tatlo.
Siguro nabanggit na ni Qiao Anhao na nasugatan ito sa binti kaya agad itong
inalalayan ni Xu Jiamu papunta sa upuan na nasa ilalim ng puno kung saan
dahan dahan nitong itinaas ang pantalon ni Qiao Anhao para silipin ang sugat.
Mukhang naisip na ng mga ito na may posiblidad na may masugatan kaya
nagdala ang mga ito ng first aid kit na dali-daling kinuha ni Qiao Axia mula sa
sasakyan. Pagkabalik nito, agad na nilinisan ni Xu Jiamu ang sugat ni Qiao
Anhao bago ito lagyan ng gamot at balutan ng bandage.
Iniangat ni Xu Jiamu ang ulo nito at may tinanong kay Qiao Anhao na hindi
niya narinig pero nakita niyang ngumiti ito at umiling.
Sa pwesto ni Lu Jinnian, sakto ang sinag ng araw sa mukha ni Qiao Anhao
kaya medyo nasilaw siya at dahil hindi niya na rin kayang makita ang nasa
harapan iya, agad niyang ibinaling sa iba ang kanyang tingin. Nanatili lang
siyang nakatayo sa may pintuan na medyo balisa hanggang sa marinig niya
ang boses ng kanyang assistant na tinatawag siya, "Mr.Lu."
Bigla siyang nahimasmasan at napatingin kay Brother Chen at sa asawa nito.
Nagpasalamat siya sa dalawa bago siya tumingin sakanyang assistant na
nagmamadaling naglabas ng isang envelope.
Kinuha i Lu Jinnian ang envelope at ibinigay kay Brother Chen at sa asawa
nito. "Maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa amin. Tanggapin
niyo ito bilang kapalit kabutihang loob niyo."
Pagkakuha ni Brother Chen ng envelope, nakita niya ang limpak limpak na
salapi sa loob nito kaya bigla siyang tumanggi at ibinalik ito kay Lu Jinnia pero
biglang namagitan ang assistant nito para pilitin silang tanggapin ang evelope.
"Mr. Lu, aalis na ba tayo?" tanong ng assistant. Matapos magpasalamat ng
assistant sa mga Chen, agad siyang naglakad papunta kay Lu Jinnian na
nakatayo lang sa isang gilid bahay habang nakadungaw sa labas ng bahay.
Agad na ibinaling ni Lu Jinnian ang kanyang tingin at tumungo.
Nagmamadaling pinuntahan ng assistant ang tatlo na hanggang ngayon ay
nagkwekwentuhan pa rin para paalalahanan si Xu Jiamu, "Mr. Xu, pwede na
po tayong umalis."
"Sadlit lang, magpapaalam lang ako kay Brother Chen at sa asawa niya."
Tumayo si Qiao Anhao mula sakanyang kinauupuan at nagmamadaling
pumasok sa bahay.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay hindi umalis sakanyang kinatatayuan at
tinawag si Lu Jinnian na nakatayo sa loob ng bahay.
Tumungo lang si Lu Jinnian bilang pagtugon sa bati ni Xu Jiamu at bigla
siyang napatingin kay Qiao Anhao na kalalabas lang ng bahay.
Medyo mabagal at paika-ikang maglakad si Qiao Anhao dahil sa sugat na
dalawang araw na nitong tinitiis.
Lalo pa siyang bumagal sa takot niyang mabasa ang mga sapatos niya dahil
may ilang parte pang baha na gawa ng katitila lang na ulan.
Limang metro palang ang nalalakad niya nang bigla siyang huminto.
Nagtataka si Qiao Anxia kung bakit siya tumigil kaya tinawag siya nito, "Qiao
Qiao?"
Imbes na lumingon kay Qiao Anxia, napahawak si Qiao Anhao sakanyang ulo
at noong sandali ring iyon, bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.