Pagsapit ng tanghali, nangyari ang inaasahan ni Lu Jinnian. May dumating na
dalawang lalaki sa kweba: isang matanda at isang hindi pa masyadong
matanda. May dala ang mga itong baril na ginagamit sa pangangaso habang
sa kabilang kamay ay may hawak an mga ito ng iba't-ibang klase ng mga
patay na hayop.
Bakas sa mga mukha nito ang matinding pagkagulat na makakita ng buhay na
tao sa loob ng isang abandonadong gubat. Pero an mas ikinagulat ng mga ito
ay ang kasuotan ni Qiao Anhao na parang kawangis ng sa mga sinaunang tao.
Hindi makagalaw ang mga nna para bang nakakita ng halimaw ang mga ito.
Nakampante lang ang dalawa nang ipaliwanag ni Lu Jinnian ang nangyari
sakanila. Ang mga mangangaso ay hindi nagalinlangang pumayag na tulungan
silang makauwi.
Hindi kayang maglakad ni Qiao Anhao dahil masyadong masukal ang daan sa
gubat sabayan pa ng sugat niya sa paa kaya nagdesisyon si Lu Jinnian na
buhatin nalang siya.
Maputi na ang buhok at ang mahabang balbas ng matandang lalaki pero di
maikakaila na mabilis at maliksi pa rin itong kumilos na pa bang hindi hadlang
dito ang edad. Pero bigla itong bumagal nang makita nito na pinasan ni Lu
Jinnian si Qiao Anhao at inalalayan din nito ang dalawa noong medyo kumipot
ang daan.
Nalaman ni Qiao Anhao na mag'ama pala ang dalawang lalaki. Wala
masyadong imik ang matandang lalaki samantalang ang mas batang lalaki
naman ay di hamak na mas makwento. Masigasig nitong sinabi na buti nalang
daw at nasaktuhan sila ng mga ito dahil kadalasan, tatlo hanggang limang
araw ang pagitan ng pagpunta ng mga ito sa gubat. Kung nagkataong
napaaga ang mga ito ng dating, malamang kakailanganin nilang maghintay ng
tatlo o apat na araw.
Makalipas ang tatlong oras na paglalakad, sa wakas at nakarating na sila sa
baryo ng dalawang lalaki, Maliit lang at puno ito ng mga bahay na gawa lang
sa kahoy.
Habang naglalakad, nakita ng mga mangangaso ang sugat ni Qiao Anhao
kaya sa pagamutan sila unang pumunta nang sandaling tumuntong sila sa
baryo.
Ang nasabing pamayanan ay masyadong liblib na napapalibutan ng marami ng
bundok dito. Ang mga daan ay mukhang kagagawa lang at hindi pa ito ganun
ka'asensado. Maging ang pagamutan nila ay gumagamit pa rin ng mga lumang
kagamitan at mayroon lang silang iisang doktor na naglapat sa sugat ni Qiao
Anhao ng paunang lunas.
Matapos magamot ang kanyang sugat, walang alinlangan silang sinama ng
dalawang sa tinitirhan ng mga ito. Pagkapasok nila sa bahay, may mas batang
lalaki na sumalubong sakanila. Hindi nagtagal, may sumunod pang isang
babae na sa wari nila ay halos kaedad ng anak ng matandang mangangaso.
Gulat na gulat ang mga ito nang sandaling makita sila kaya agad na
ipinaliwanag asawa nito ang nangyari. Noong sadali ring iyon, masigasig na
niyaya ng babae na kumain muna sina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Hindi inaasahan ng babae na may darating silang mga bisita kaya nagdagdag
siya ng dalawang pakete ng noodles sa pagaalala na baka kulangin ang mga
pagkain na inihanda niya.
Pagkatapos nilang kumain, hinatid sila ng babae sa kanluran ng bahay. Itinuro
nito ang isang kwartong inihanda nito para sakanila.
Lupa lang ang sahig ng kwarto at wala rin ito masyadong kagamitan sa loob.
Bagong laba ang kubrikama pero mukhang nasira na ito noon at tinahi lang
para magamit pa.
Sa tabi ng kama, mayroong isang maliit na lamesang kahoy na may
nakapatong a isang pitchel ng tubig at dalawang kulay itim na baso. Halatang
hindi pa nagagamit ang mga baso simula noong binili ang mga ito.
Hindi na nagtagal ang babae dahil ayaw nitong maistorbo sila sakanilang
pagpapahinga pero sinabihan sila nito bago lumabas ng kwarto na huwag
silang mahihiyang magsabi kung may iba pa silang kailangan.
Parehong pagod sina Qiao Anhao at Lu Jinnian dahil hindi maganda ang
naging pagpapahinga nila sa kweba. Bukod pa rito ang pagod na inabot ni Lu
Jinnian nang buhatin niya ng tatlong oras si Qiao Anhao, kaya hindi na sila
nahirapan pang matulog ng mahimbing nang sandaling humiga sila sa kama.