Naiiyak nanaman si Qiao Anhao. Niyakap niya ang leeg ni Lu Jinnian at sumandal siya sa dibdib nito.Makalipas ang ilang sandaling pananahimik, unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at bumulong sa tenga nito, "I'm sorry."
Kahit mahina ang pagkakasabi ni Qiao Anhao, malinaw pa rin itong narinig ni Lu Jinnian. Hindi siya sumagot, bagkus lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap dito.
Hindi na rin nagsalita si Qiao Anhao. Sa gitna ng walang katao-taong lugar, wala silang ibang maramdaman kundi ang saya sa yakap ng bawat isa.
Sa wakas, tumila na rin ang ulan makalipas ang ilang sadaling pagbuhos nito. Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang buong kagubatan at ang tanging maririnig nalang ay ang mga lumalagatik na tunog na nanggaling sa apoy.
Noong sandaling kumalma na si Qiao Anhao, muli niyang inisip ang mga sinabi ni Lu Jinnian. Dahan-dahan niya itong tinignia at sinabi, "Lu Jinnian, bakit namatay ang bata?"
Biglang natigilan si Lu Jinnian at naalala niya ang swallow's nest na ibinigay ni Han Ruchu. Magkahalong poot at paghihinagpis ag bumakas sakanyang mga mata pero pinilit niyang magmukhang kalmado sa harap ni Qiao Ahao.
Biyenan ni Qiao Anhao si Han Ruchu, ang nanay ng taong mahal nito…Kung malalaman nito ang katotohanan, sigurado siya na magkakaroon ng lamat ang relasyon ni Qiao Anhao at Xu Jiamu…Kaya lang naman ito sinaktan ni Han Ruchu ay dahil sakanya, siya talaga ang may kasalanan…
Walang emosyong nagsalita si Lu Jinnian para magpaliwanag, "Kritikal ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis, kaya madaling malaglag ang bata. Noong mga panahong iyon, nagfifilm ka pa kaya kulang ka sa nutrisyon at pahinga na naging dahilan kung bakit nangyari yun."
Naalala ni Qiao Anhao noong nagsusuka siya. Akala niya normal lang 'yun dahil sakanyang gastric problem, pero habang iniisip niya ngayon, naintindihan niya na dahil pala 'yun sakanyang pagbubuntis. Noong mga sumunod na araw, bigla nalang huminto ang kanyang pagsusuka kaya akala niya gumaling na siya, pero dahil pala yun sa pagkamatay ng kanyang anak…
Kung nakinig lang sana siya kay Lu Jinnian na magpatingin kaagad sa ospital, baka hindi namatay ang anak nila na naging dahilan pa ng maling pagkakaintindi niya sa mga nangyari.
Ilang sadali ring nanahimik si Qiao Anhao habang iniisip ang mga bagay-bagay bago siya muling magtanong, "Lu Jinnian, bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"
Hinang hina na si Lu Jinnian. Sumadal siya sa pader ng kweba habang nakatitig sa apoy. "Qiao Qiao, ayaw kitang maging malungkot."
Wala akong ibang intensyon, ayoko lang maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko noong araw na 'yun.
Gusto kong akuin nalang ang lahat ng sakit na posible mong maramdaman.
Nagaalala siya na baka sobrang malungkot si Qiao Anhao kaya hindi niya sinabi. Hindi dahil ayaw niya sa bata…Hindi nanaman mapigilan ni Qiao Anhao ang kanyang emosyon kaya muli nananaman siyang naging mangiyak niyak. Pabulong siyang nagsalita, "I'm sorry."
Hinintay ni Qiao Anhao na sumagot si Lu Jinnian pero nang hindi ito sumagot, muli siyang nagtanong, "Lu Jinnian, galit ka ba sa akin?"
Hindi na kayang pigilan ni Lu Jinnian ang kanyang ubo kaya iilabas niya muna ito bago siya magtaong, "Huh?"
"Galit ka ba sa akin kasi mali yung inisip ko?" Muling inulit ni Qiao Anhao ang kanyang pagtatanong sa sobrang pagaalala.
"Hndi…"
Bago pa matapos ni Lu Jinnian ang gusto niyang sabihim, bigla nalang siyang natumba kay Qiao Anhao.