Yumuko si Qiao Anhao para tignang mabuti ang kanyang sugat na kasalukuyang ginagamot ni Lu Jinnian hanggang sa maramdaman niyang unti-unti nanamang namumuo ang mga luha sakanyang mga mata kaya agad niyang ibinaling sa malayo ang kanyang tingin.
Pagkatapos mabalutan ng plaster ang kanyang sugat, agad ding tumayo si Lu Jinnian. Makailang beses siyang huminga ng malalim, para itago ang hindi niya mapalagay na emosyon, bago siya muling tumingin ng nakangiti kay Lu Jinnian. "Tara kumain na tayo, lalamig na ang pagkain."
"Yea," walang pagtutol na sagot ni Lu Jinnian. Iniangat niya ang kanyang kamay para himasin ang buhok ni Qiao Anhao bago niya ihagis sa basurahan ang nagamit na bulak at kumuha ng wet tissue para linisin ang kanyang mga kamay. Pagkabalik niya sakanyang upuan, agad niyang iiangat ang kanyang chopsticks.
Bago pa siya makakuha ng kahit ano, inunahan na siya ni Qiao Anhao na kumuha ng kangkong at mabilisan nitong inilagay sa kanyang mangkok. Gulat na gulat siya kaya bigla niyang iniangat ang kanyang ulo para tignan si Qiao Anhao. Tinignan din siya nito pabalik ng nakangiti at masayang nangantyaw, "Ito ang unang pagkakataon na nagluto ako at hindi ko kayang tikman ang mga yan, kaya bilang guinea pig, kailangan mong subukan."
Masayang ngumiti si Lu Jinnian at hindi na siya nagpaligoy-ligoy, agad niyang isinubo ang kangkong sakanyang bibig.
"Kamusta?" Halata sa mga mata ni Qiao Anhao ang pagaalala habang nagtatanong.
Nilunok ni Lu Jinnian ang gulay at seryosong sumagot, "Hindi masama."
"Talaga?" GustoNg maniguro ni Qiao Anhao kaya kumuha rin siya ng kapiraso para tumikim ng kanyang niluto. Nakakadalawang nguya palang siya pero noong biglang magbago ang kanyang itsura. Pinilit niyang wag itong idura at nang tuluyan niya ng malunok ang gulay, dali-dali siyang tumungga ng isang baso ng tubig. "ANG ALAT!"
Ngumiti lang si Lu Jinnian. Hindi niya sinuyo si Qiao Anhao kagaya ng pangkaraniwang ginagawa ng ibang mga lalaki, ayaw niyang purihin ito gamit ang mga salitang pawang pambobola lamang. Pero, walang imik siyang nagpatuloy sa pagkain ng mga iniluto nito.
Hindi masarap ang naging resulta ng unang iniluto ni Qiao Anhao. Sa totoo lang, ang hirap din nitong kainin, pero nakita niya si Lu Jinnian na patuloy lang sa pagkain na para bang ang mga iniluto niya ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo.
Hindi mapigilan ni Qiao Anhao na maantig sa ikinilos ni Lu Jinnian.
Hindi maikakaila na mabait talaga ito sakanya, pero hindi ito pagmamahal….tama?
Nang makaramdaman na si Lu Jinnian ng bahagyang kabusugan, napansin niyang hindi ginagalaw ni Qiao Anhao ang chopsticks nito; pinagmamasdan lang siya nitong kumain sumula kanina pa. Dahan-dahan siyang huminto sakanyang pagnguya at walang imik niyang tinignan ito pabalik. Nakita niya ang repleksyon ng kanyang mukha sa mga mata nito at ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na nakita niyang kaakit akit ang kanyang sarili.
Nabalot ng katahimikan ang buong dining area at ang sinag ng araw ay tumatagos sa mga bintana. Noong sandaling iyon, biglang naalala ni Lu Jinnian ang sinabi ng kanyang assistant kahapon, "Kahit na nagustuhan niya noon si Mr. Xu, hindi naman ibig sabihin na hindi na siya pwedeng mahulog sayo. Malinaw na nagaalala siya para sa kalusugan mo…"
Sobrang naguguluhan ang puso ni Lu Jinnian. Noong umuwi siya kagabi, naglalaban sa isip niya kung tatanungin niya ba si Qiao Anhao ng tunay nitong nararamdaman para sakanya.
Nagaalangan siya dahil natatakot siya na kapag hindi niya narinig ang gusto niyang marinig, baka muli nanaman silang magaway at tuluyan na talaga silang mawalan ng pagasang maging magkaibigan muli.
Ilang beses na pinagisipan ni Lu Jinnian ang mga bagay-bagay hanggang sa makapagdesisyon siya. "Qiao Qiao…"
Saktong sakto noong nagsalita siya nang magsalita rin si Qiao Anhao. "Lu Jinnian…"