Télécharger l’application
34.42% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 335: Patawarin mo ako (15)

Chapitre 335: Patawarin mo ako (15)

Éditeur: LiberReverieGroup

Napakunot ng kanyang mga kilay si Lu Jinnian at napakaraming bagay ang biglang bumagabag sa kanyang isipan…

Malinaw niyang naalala na nagsuka si Qiao Anhao kinaumagahan noong araw na 'yun pero ang buong akala niya ay may problema lang ito sa tiyan. Pinilit niya pa nga itong pumunta sa ospital pero pagkapasok na pagkapasok palang nito sa sasakyan ay biglang tumawag si Han Ruchu para magbigay ng balita tungkol kay Xu Jiamu…

Noong sumunod na araw, medyo nabawasan ang pagsusuka nito kaya inisip niya na bumubuti na ang pakiramdam nito kaya kumalma siya…

Matapos niyang pagdugtong-dugtungin ang mga bagay, napagtanto ni Lu Jinnian na wala pala talagang problema si Qiao Anhao sa tiyan at ang dahilan ng pagsusuka ay ang pagbubuntis nito kaya matapos nitong makunan, huminto na rin ang pagsusuka.

"Mr. Lu?" Tinignan ni Madam Chen si Lu Jinnian na tahimik na nakatayo sa may hagdanan. Nakatingin lang ito sa ilaw na nasa living room na halatang may malalim na iniisip.

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at wala namang kakaiba sa kanyang itsura. Hindi nagtagal ay kamado siyang sumagot, "Kalimutan na, ipaginit mo nalang si Mrs. Lu ng gatas. Kakain palang niya ng kanin kaya siguradong busog pa siya."

"Sige, Mr. Lu."

Tumungo lang si Lu Jinnian.

Pagkabalik ni Madam Chen sa kusina, muli nanamang napatitig si Lu Jinnian sa ilaw.

Pagkalabas ni Madam Chen ng kusina dala ang mainit na gatas, nakita niyang nakatayo pa rin si Lu Jinnian sa may hagdanan ngunit hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim ang ilaw.

Biglang natigilan si Madam Chen. "Mr. Lu? Bakit nandiyan ka pa?"

"Yea," mahinang sagot ni Lu Jinnian bago tumingin sa gatas na hawak ni Madam Chen. "Akin na yan."

Nagmamadaling umakyat si Madam Chen para ibigay ang tasa.

Bumalik si Lu Jinnian sa kwarto kung saan nakabaluktot na nanunuod ng TV si Qiao Anhao. Nang marinig ni nito na bumukas ang pintuan, sumilip lang ito sandali at muling ibinalik ang tingin sa TV.

Naglakad si Lu Jinnian papunta sa kama at iniabot ang gatas. "Ipinag'init ka ni Madam Chen."

Matagal na tinigan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. Bandang huli, kinuha niya rin ang tasa ng gatas gamit ag dalawang kamay nito at unti-unting humigop habang nanunuod ng TV.

Hindi na umalis si Lu Jinnian at nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng kama habang tinitignan si Qiao Anhao. Nang hindi niya na talaga matiis, bigla siyang nagtanong, "Nahihirapan ka ba talagag matulog?"

"Hindi…" Naguguluhan si Qiao Anhao sa bigla niyang pagtatanong. Umiling ito at tumingin sakanya. "Bakit?"

"Wala lang," Mahina niyang sagot bago umatras para sumandal sa vanity table. Hindi nagtagal ay muli nanaman siyang nagtanong, "Nabalitaan ko may mga inuwi ka raw na swallow's nest?"

Muling humigop ng gatas si Qiao Anhao bago siya tumungo.

"Gusto mo ba 'nun? Konti nalang yung natira, papabilhin ko nalang si Madam Chen bukas," walang emosyong sinabi ni Lu Jinnian.

Mukhang sinusubukan talaga ni Lu Jinnian na kausapin siya…kahit na naiinis at napagdesisyunan niya ng wag na itong pansinin, hindi niya ito magawang tiisin sa kabila ng mga mabubuti nitong ipinakita sakanya.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C335
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous