Hindi talaga sanay matulog ng maaga si Zhao Meng tuwing gabi kaya matapos nitong kumain ng swallow's meat ay umupo pa ito sa lamesa magcomputer. Ngunit noong gabing 'yun, wala pang kalahating oras pero nakailang beses na siyang humikab.
Bandang huli, hindi na talaga kinayang labanan ang antok kaya tumayo na siya para makapagshower. Noong sandaling umakyat siya sa kama, mahimbing na ang tulog ni Qiao Anhao.
-
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin bumuti ang pakiramdam ni Qiao Anhao at maya't-maya pa rin siyang nahihilo. Madalas din namang sumakit ang tyan niya dati pero dalawa hanggang tatlong araw lang siyang nahihilo. Kapag nakarecover na ang kanyang katawan, kasunod na rin 'nun ang pagbuti ng kanyang pakiramdam, kaya ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ang tagal naman ata niyang gumaling ngayon at hindi niya nararamdamang nagrerecover ang kanyang katawan.
Hindi na mapalagay si Qiao Anhao kaya binalak na niyang pumunta sa doktor para magpasuri, pero kinabukasan, himalang nakakain na siya kaya ang buong akala niya ay nawala na ang kanyang pagkahilo at pagsusuka. Hindi na rin siya nasuka sa red barbecue meat na nakita niya two days ago.
Nakampante siya dahil hindi na masyadong masakit ang tyan niya. Inisip niya rin na bumalik na ang lahat sa normal at mas mabuti na rin ang kanyang pakiramdam.
Kwarentang botelya ng swallow's nest ang ipinabaon sakanya ni Han Ruchu. Kumukuha ng tig isa si Zhao Meng tuwing gabi dahil maraming nagsasabi na nakakaganda raw ito. Samantalang si Qiao Anhao na hindi naman araw-araw na umiinom nito ay naka'ubos pa rin ng lima hanggang anim na bote.
Hindi niya maintindihan kung dahil lang ba sa sobrang pagod at abala sa pagfifilm kaya lagi siyang inaantok. Maging si Zhao Meng ay mapapansing madalas ding humikab nitong mga nakaraang araw.
Isang gabi, kasama si Qiao Anhao sa isang panggabing eksena. Alas otso palang ng gabi pero halos hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata sa sobrang antok. Habang nakasalang si Lu Jinnian, hindi na niya napigilang humikab kaya kinailangang putulin ang eksena at ireshoot.
Uminom si Qiao Anhao ng kalahating baso ng malamig na tubig para magising dahil gusto sana niyang maging huli na ang gagawin niya sa pangalawang beses. Pero bandang huli, halos patapos na ang kanilang pagfifilm at hindi nanaman niya napigilan ang kanyang sarili, makailang beses siyang humikab na naging dahilan nanaman ng isa pang NG.
Mula noong dumating si Qiao Anhao sa set, laging maganda ang performance niya kaya kahit nagkaroon siya ng dalawang magkasunod na NGs, hindi pa rin nagalit ang direktor at sinabihan lang siya nito na magpahinga muna ng kahit kalahating oras.
Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung anong nangyayari sakanya nitong mga nakaraang araw. Natutulog naman siya ng pitong oras, na halos sapat na rin, pero hindi niya maintindihan kung bakit grabe ang antok na nararamdaman niya nitong nakalipas na dalawang araw. Kahit hindi naman nagalit ang direktor sakanya sa mga nagawa niyang NGs, nadelay pa rin sila ng ilang oras at dahil panggabi ang eksena, kakailanging manatili ng lahat para magtrabaho buong gabi.
Para masigurado niyang magiging maayos ang third take, lumabas muna siya ng studio.
Umuulan ng hindi naman kalakasan sa labas kaya medyo malamig at dahil manipis na mini dress lang ang suot ni Qiao Anhao, paglabas niya ay nakaramdam siya ng bahagyang ginaw na nagpagising sakanya.
Para tuluyang mawala ang antok, naglakad lakad muna siya sa labas hanggang sa makarating siya sa namumulaklak na puno ng gumamela. Huminto siya para pagmasdan ito.
Sa hindi inaasahan, biglang umihip ang malamig na hangin na may kasamang tubig kaya gumalaw ang mga petals na galing sa puno ng gumamela at natuluan ng tubig ang nakakabas na balat ni Qiao Anhao. Nanginginig siya sa sobrang ginaw kaya niyakap niya ang kanyang braso para medyo mainitan. Wala na siyang balak pang magtagal kaya titingkayad na sana siya para bumalik sa studio pero may bigla siyang naramdaman na parang may nagtakip sakanya.
Napahinto si Qiao Anhao, wala siyang ideya noong una kung sino ang dumating pero nang sandaling tumalikod siya, nakita niya si Lu Jinnian na tahimik na nakatayo sa kanyang tabi.
Nagpanggap si Lu Jinnian na hindi nakniya ita ang pagkagulat sa mga mata ni Qiao Anhao at walang alinlangan niyang inilagay ang jacket na kanyang hawak sa mga balikad nito.